Kabanata 2

Hindi ako makapaniwala na boyfriend na siya ngayon ng kambal kong si Leigh. Akala ko...

"Okay ka lang ba?"

Napalingon ako sa kaniya nang tumabi siya sa akin. Nasa may terrace ako ng bahay. Gusto ko lang makalanghap ng preskong hangin kahit papaano.

"Uh, yup."

"I... missed you."

I suddenly felt sad at what he said. I don't know why. Maybe because I missed him too?

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. We were so close back then. And because of our closeness, I felt something in him that I think it's inappropriate.

"Kumusta ka na?" Tanong niya. "I mean, I knew that you're not okay today because of what happened to your mom, but... I want to know how's your life? It's been three years since our last meet."

Yeah. And it was my fault. Iniwan ko siya. I mean, I want to study abroad that's why I went there. We were bestfriends but I left him because that's what I need.

"I'm fine. Ito, graduating na rin... Ikaw ba? Nagulat ako noong nakita kita kanina. Girlfriend mo pala ang kambal ko, huh." Humalakhak ako.

Noong umalis ako ay naging busy na rin ako sa school. Nawalan na rin kami ng komunikasyon dahil nagpalit ako ng cellphone number. Alam kong mali iyon dahil magkaibigan kami. Pero ayoko kasi na makipag-usap pa sa kaniya noon. Pakiramdam ko no'n madi-distract ako kapag pinagpatuloy ko pa ang pagkakaibigan namin.

"Yeah. Two years na kami..." Tugon niya ng nakangiti.

He's happy with her. I'm sure of that. Sa tono pa lang ng pagsagot niya at sa mga ngiti niya... Alam ko na agad.

"Sa isang coffee shop ko siya nakilala. Nung una nga akala ko ikaw siya, e." He chuckled. "Sobrang magkamukha kasi talaga kayo. Pero ibang tao pala," he chuckled again before looking at me. "We became close, Janine. Sobrang gaan din kasama ng kambal mo. Parang ikaw lang noon... Pero hindi ko inaasahan no'n na mamahalin ko siya. Niligawan ko siya at pitong buwan bago niya ako sinagot. Naging masaya ang relasyon namin dahil sobrang magkasundo talaga kami..."

Ngumiti ako sa mga kuwento niya sa akin. Kitang-kita kong muli sa mga mata niya ang kislap nito habang nagkuwento siya sa akin. Halatang masaya nga talaga siya.

"I'm happy for the both of you, Hiro. We were bestfriends before so, I'm happy to know that you love my twin sister so much... Don't worry, boto ako sa iyo." Sabi ko at mahinang humalakhak.

"We can still be friends now, right?" Tanong niya na siyang dahilan kung ba't napatitig muli ako sa kaniya.

Seryoso ba siya? Gusto niya pa rin na maging magkaibigan kami?

"T-tatanggapin mo pa rin... ako? Kahit umalis ako noon nang walang... paalam?" Nag-aalinlangan kong tanong.

 "Bakit hindi?"

"K-kasi galit ka sa akin 'di ba... dahil umalis ako no'n bigla?"

He smiled. "Yes, I admit that I am mad at you that time. Pero matagal ko nang napagtanto noon na wala ka namang kasalanan sa akin. Umalis ka lang para sa pangarap mo kaya hindi dapat ako magalit sa iyo, Janine..."

Tumango ako at umiwas ng tingin bago pa niya makita ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang emosyonal ko ngayon. Siguro dahil nga sa matagal kaming hindi nagkita. Dahil rin na miss ko ang mga salita niya gaya nito...

"So, ano? We're friends again?"

I turned to him again. His hand is now in front of me. Nakalahad ito at tila naghihintay na hawakan ko iyon.

"Yes, friends..." Utas ko saka nakipagkamay sa kaniya.

Kahit papaano ay nawala ang kaunting nakadagan sa aking puso dahil sa pag-uusap naming iyon. Hindi ko na rin alalahanin kung galit ba siya dahil sa ginawa ko sa kaniya noon. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya.

Magkatabi kami ni Leigh na nasa harap ng kabaong ni mama habang nasa gilid din naman namin si papa. Kakatapos lang magsalita ng pari at ililibing na ngayon si mama. Pero hanggang ngayon ay ang sakit sakit pa rin sa puso. Hindi pa rin namin matanggap na iniwan na niya kami ng tuluyan.

"Ma..." Mahinang sambit ni Leigh. "Magkasama na po kami ulit ni Janine. Hindi po ba ito 'yong gusto n'yo? Ang makita ang kambal n'yo na magkasama ulit? Ma, ito na po... S-sana masaya po kayo. Sana nakikita n-n'yo po kami..."

Kung iyon nga ang gusto ni mama, sigurado akong masaya siya ngayon king nasaan man siya. Masaya dahil sa wakas, magkasama at magkayakap na ulit ang kambal niya...

Mabilis kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Ayokong umiyak! Hindi ko pa tanggap na ililibing na namin siya. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya!

"Mahal ka namin, ma... Mahal k-ka namin..." Pagpapatuloy ni Leigh habang tuloy pa rin sa pag-iyak.

Marahan ko siyang hinila palapit sa akin pagkatapos ay umakbay ako sa kaniya.

"For sure she's happy now, twinny. Magkasama tayong dalawa ngayon sa harapan niya..." Marahan kong sambit.

Tumango naman siya at pinunasan ang basang pisngi niya.

"Tama ang kambal mo, Leigh, anak... Noon pa hinihiling ng mama n'yo na sana ay magkita at magkasama ulit kayo kaya siguradong masaya siya ngayon habang pinagmamasdan kayo." Ani papa sa gilid ko bago kami niyakap.

"Mamimiss ko ang mama n'yo... Pero nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil magkasama na ulit kayong dalawa."

Malungkot na ngumiti si Leigh. Mahirap para sa isang tao ang mawalan ng ina. Nahihirapan ako at nasasaktan. Kaya paano pa si Leigh na lagi niyang kasama? Nasanay siya na palaging nariyan sa tabi niya si mama kaya nasisiguro kong doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Say your last good bye to your mom. We need her to buried now..." Papa said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status