Kabanata 3

"Tumawag ka kapag nakarating ka na, okay?" Bilin sa akin ng kambal kong si Leigh nang nasa Airport na kami. Hinatid nila ako ni Hiro rito sa Airport pabalik sa States.

"I will, twinny. Don't worry..."

Tumango naman siya. Bakas pa rin sa mga mukha niya ang lungkot. Maybe it's because of our mother and me. Babalik na kasi ako sa states para sa graduation day namin next week. Syempre, kailangan kong maghanda para rito. This is our graduation for college.

"Take care, Janine. Tawagan mo na lang ang kambal mo."

Ngumiti ako kay Hiro dahil sa sinabi niya.

"Sige na. Baka mahuli na ako sa flight ko. Aalis na ako..." Paalam ko sa kanila. Niyakap ko ang kambal ko sa huling pagkakataon.

"Tumawag ka, huh?"

Natawa ako sa bulong niyang iyon. Kanina niya pa pinapaulit-ulit na sabihin iyan.

"I'll call you, Leigh. Don't worry too much. I'm going to be okay there,"

Bumitaw ito sa yakap at dahan dahan din namang tumango. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. Bago pumasok sa eroplano ay kumaway pa ako sa kanila. Ganoon din naman ang ginawa ni Hiro habang si Leigh ay malungkot lang na nakatanaw sa akin. We will going to meet again soon, twinny. Don't worry...

"Congrats to your graduation, twinny!" Leigh said as we talked each other via video call.

I smiled at her. "Congratulations too. Pareho tayong graduate na!" Masaya kong utas.

"Sigurado akong matutuwa di mommy na sabay tayong grumaduate kung nandito lang siya..."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Nakikita ko rin sa mga mata niya na nalulungkot siya gaya ko.

"Kung nasaan man si mommy ngayon, alam kong masaya pa rin siya para sa atin, Leigh. Graduate na ang kambal niya kaya siguradong ipinagmamalaki na niya tayo sa mga kasama niya roon sa langit," marahan akong humalakhak para maibsan ang lungkot na nararamdaman.

"Oo nga pala..." Sabi ko na'ng maalala na hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya ang tungkol doon.

Plano ko sanang surpresahin na lang siya, sila sa mismong araw na iyon ngunit nararamdaman ko na may lungkot siyang dinadala kaya para mabawasan naman ito, sasabihin ko na lang agad.

"A-ano 'yon, Janine?" Tanong niya.

"Ahm, I'm going home again next week!" I said excitedly.

"What do you mean by that?" She asked curiously. "Going home... W-where?"

"D'yan sa Pilipinas, Leigh. Uuwi na ako riyan at d'yan na rin ako titira,"

"R-really? For good?" Hindi makapaniwala niyang tanong. I just nodded my head.

"OMG! I'm so excited, twinny! Finally, makakasama na ulit kita sa iisang bahay!"

Medyo natawa ako sa naging reaksyon niya. I really sense the happiness in her eyes when I said that.

"Naisip ko na ito rin naman ang gusto ni mommy, ang bumalik ako riyan at magsama na ulit tayong dalawa... Kaya ngayong wala na siya, gusto kong tuparin ang hiling niya."

"Pero paano ang trabaho mo?" Dito ka na lang ba maghahanap?"

"Yup. Baka mas suwertehin ako kung riyan na ako magtatrabaho... Saka 'yong business natin dyan, sinabi ni dad na kailangan ko rin daw tumulong."

She nodded. "He's right. We need your help, twinny. Lalo na ngayon at wala na si mommy. Mas kailangan namin ni daddy ng tulong sa business natin..."

I smiled and nodded. That's one of the reason why I'm going home... To helped them in our company. To be with them again. And...

I stopped walking as I saw them. They both waving their hands to me. Pareho silang nakangiti habang kumakaway sa akin. I waved back as I walked closer to where they are.

"I missed you so much, twinny!" Leigh said as she hugged me so tightly.

Agad niya akong binalot ng yakap nang nakalapit na ako sa kanila. Niyakap ko naman siya pabalik.

"I missed you too... Thanks sa pagsundo sa akin ngayon,"

She let go of the hug and looked at me.

"How's your flight?" She asked.

"Maayos naman..." Ngiti ko.

Tumango siya at bumaling sa nasa gilid niyang si Hiro kaya napabaling rin ako dito.

"Tara na? Pagod si Janine kaya halika na sa bahay..." Aya nito kay Hiro.

"Kumain muna tayo bago umuwi," si Hiro. "May malapit lang na restaurant dito sa Airport."

"Oo nga pala! Sige!" Ani Leigh at muling bumaling sa akin. "Gutom ka na, twinny? Kain muna tayo? Para magpapahinga ka na lang sa bahay pag-uwi natin..."

"Uh, okay. Sige..." Sang-ayon ko dahil tama naman siya. Gusto ko ring makapagpahinga na agad sa bahay pagdating.

Gaya ng gusto nilang mangyari, nagpunta kami sa isa sa pinaka malapit na restaurant sa Airport para kumain. Kaunti lang inorder ko dahil hindi naman ako gaanong gutom.

"That's enough, babe..." I looked at my twin when I heard her.

"Huh? Iyan lang kakainin mo?"

"Oo. Dapat kaunti lang rin ang kainin ko para pareho lang kami ng katawan ni Janine..." Ani Leigh at humalakhak.

Ngumiti ako sa sinabi niya. Habang ang mukha naman ni Hiro ay tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kambal ko.

"You should eat more, Leigh. Huwag mo akong gayahin," I said and laughed a bit.

Umiling naman siya. "Dapat lang na gayahin kita, twinny! We are twins so, we need to be same! Kapag kumain ako ng marami baka tumaba ako, e 'di hindi na tayo mukhang kambal n'yan!"

Napangisi na lang ako sa katwiran niya.

"Kahit naman tumaba ka, Leigh, magkamukha pa rin kayo ni Janine. Halata sa hitsura n'yo na kambal kayo, e." Si Hiro.

"No... Basta ayos na 'to, babe. Kumain na lang tayo!"

Nakabusangot na umiling na lang si Hiro. Tila gusto pang tumutol kay Leigh ngunit sa huli ay bumuga na lang ng hangin at hinayaan ito.

Tahimik kaming kumain na tatlo. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanila lalo na kapag sinusubuan ni Hiro si Leigh ng pagkain. They looked good together... Nakikita ko rin sa mga mata ng kambal ko kung gaano siya kasaya sa piling ni Hiro.

I turned to Hiro. He also looks happy with my twin sister. The way he looks at her. The way he smile... Damn. Bakit parang biglang nakaramdam ng kurot ang puso ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status