Kabanata 4

Sa buong byahe namin pauwi sa bahay ay tahimik lamang ako. Paminsan-minsan ay nagsasalita kapag may tinatanong si Leigh. Pansin kong medyo dumaldal siya ngayon kumpara noong mga bata pa kami... She's very silent. But she used to be my protector. She's always protecting me from those people who bullied me. She's like my elder sister even we just have a same age.

"Welcome home, my daughter..." Dad said as he hugged and kissed my cheeks.

"Thank you, dad." I smiled at him.

"Kumusta ang byahe mo?"

"Maayos naman po,"

Tumango siya. Halos isang buwan na rin simula nung mawala sa amin si mommy, pero alam kong masakit pa rin iyon para kay daddy. Kahit naman ako... Hindi ko pa rin tanggap at nasasaktan pa rin ako. Ni hindi ko nga alam kung matatanggap ko ba, e. Ang hirap hirap tanggapin pero kailangan magpatuloy sa buhay kaya dapat na maging matapang. Alam ko rin na hindi gugustuhin ni mommy kung ipapakita namin sa kaniya na sobra namin siyang nami miss.

"Uh, aakyat na po ako, dad. Magpapahinga na." Sabi ko.

"Huh? Hindi ka ba muna kakain? May pinaluto akong pagkain sa kasambahay natin, anak."

"Kumain na kami sa restaurant dun sa airport, dad!" Singit ni Leigh dahilan ng pagbaling sa kaniya ni daddy. "Para na rin makapagpahinga na siya agad."

Tumango naman si daddy at muli akong tiningnan.

"Sige, anak. Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na,"

"Yes, dad. Salamat," utas ko saka bumaling sa kambal ko at kay Hiro. "Salamat sa inyong dalawa. Sa pagsundo sa akin at sa... pagkain kanina,"

"Ano ka ba, twinny! Wala lang iyon!" Nakangiting usal ni Leigh. "Dahil nakabalik ka na, kami ni Hiro ang magiging kaibigan mo rito!" She giggled.

Tumawa ako at tumango na lang. "Sige, Leigh. Aakyat na ako..." Sabi ko at bumaling kay Hiro. Nakatingin siya sa akin. "Aakyat na ako. Salamat ulit..."

"Yeah. Walang anuman, Janine."

Iniwan ko na sila doon at umakyat na ako sa taas. Nilapag ko ang maleta ko sa gilid ng kama saka nagpalit ng damit. I'm tired... Bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko. I really feel tired today.

"Miss Janine? Miss Janine..."

Isang katok ang narinig ko galing sa labas ng aking kuwarto. Kinusot ko ang mga mata ko bago tuluyang dumilat. Bumangon ako galing sa pagkakahiga.

"Ano 'yon?" Namamaos pa ang boses ko nang tinanong iyon sa kasambahay.

"Pinapagising na po kayo ng daddy n'yo. Samahan n'yo raw po siya ngayon sa kompanya ninyo," 

"Sige... Bababa na ako,"

"Sige po..." Aniya bago umalis.

Nagtungo na ako sa bathroom upang maghilamos ng mukha at magsuklay. Nang pababa na ako sa hagdanan ay natanaw ko si Hiro na nasa sala, nakaupo ito sa isa sa mga sofa room at hawak ang kaniyang cellphone. Nag-angat siya ng tingin ng siguro'y maramdaman ang pagbaba ko.

Nakangiti ako sa kaniya habang siya'y nakakunot ang noo.

"Ang aga mo, ah?" Sabi ko nang nakalapit na sa kaniya.

Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago siya nagsalita.

"Magkamukha talaga kayo ni Leigh. Akala ko ikaw na siya..." Aniya at humalakhak.

Tumawa ako sa sinabi niya. "That's why you stared at me that much, huh? Akala mo ako siya?"

"Yeah... I was waiting for her, so..." He stopped.

I nodded my head. He was waiting for her...

"Twinny! Gising ka na pala!"

Halos sabay kaming napalingon ni Hiro kay Leigh na kabababa lang galing sa itaas. She was smiling when she went beside Hiro. My eyes darted at Hiro's hand which was now wrapped at around my twin's waist.

"You two have a date?" I asked them.

"Wala 'no! Pupunta kami ngayon sa pinapagawa naming restaurant!"

Oo nga pala. I almost forgot that they are now building their own restaurant. Hilig ni Hiro ang magluto noon kaya ngayong natagpuan niya si Leigh na mahilig rin magluto, naisipan nilang dalawa na magtayo ng sarili nilang restaurant. They are really compatible to each other, huh? They have a same hobbies in life.

"Gusto mong sumama? Pupunta rin kami sa puntod ni mommy, pagkatapos..."

"Uh, no. Hindi na, Leigh. Isasama rin daw kasi ako ni dad sa opisina. You know... Tuturuan na niya siguro akong mag-manage ng kompanya. Hindi ko na pala kailangan maghanap ng trabaho," marahan akong tumawa.

Ngumisi rin siya. "Oo nga! I know you can do it, Janine. Mas magaling ka sa fashion kumpara sa akin, e." She giggled.

"Pareho lang naman tayong magaling... Nagkataon lang na mas hilig mo ang pagluluto kaysa sa mga damit,"

"Yeah. You're right!" Ngumisi siya.

Our mother is a fashion designer. Hindi mayaman ang pamilya ni mommy ngunit nang nakilala niya si daddy ay tinulungan siya nito na mas matupad ang mga pangarap niya. Nagsumikap silang dalawa na makapagpatayo ng isang kompanya kaya naman ngayon, may sarili na kaming kompanya. Hindi na nga lang ito maaasikaso ni mommy ngayon dahil wala na siya...

Hindi ko sila kasama simula noong bata pa lang ako. Pero alam ko naman ang mga ginagawa nila dahil kwinekwento sa akin ni lola. HRM ang kinuhang kurso ni Leigh ngunit tumutulong pa rin siya sa pagpapatakbo ng kompanya dahil tinuran siya ni mommy. Kaya dahil dito ay mas naging malapit sila at maalam pa rin siya tungkol sa fashion. Habang ako ay nag-take ng kursong BS Fashion Design para kahit malayo ako sa kanila ay may alam ako sa pinagkakaabalahan nila rito.

"Sige, twinny, aalis na kami dahil anong oras na rin..." Ani Leigh matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Okay. Ingat kayo,"

Tumango siya. "Mauna na kami, Janine."

Ngumiti lamang ako kay Hiro at hinayaan na sila na umalis.

Sabay kaming kumain ni dad ng breakfast bago ako naligo at nagbihis.

"Let's go, sweetie?" Dad said.

I smiled and nodded at him. Sumakay na ako sa front seat ng kotse niya. Mabilis naman kaming nakarating sa building ng kompanya namin.

"Good morning, Mr. Barnes." Bati Kay daddy ng mga empleyado niya.

"Good morning everyone. I'm here to introduce you all my daughter, Krista Janine Barnes. She's the twin sister of Krista Leigh..."

"Good morning, Miss Janine..."

Halos sabay-sabay sila sa pagbati sa akin. I'm not good at interacting with other people. I also don't want to talk other people when I'm not comfortable with them. But I think in this situation, I need to be more interactive with them. Baka pagalitan pa ako ni daddy kapag nalaman niyang may isang empleyado akong sinungitan dito.

"Good morning too, everyone." I said and tried to smiled at them.

"From now on, ang anak kong si Janine na ang papalit sa posisyon ng mommy niya. Tungkol din sa mga damit ang kurso niya noong nasa kolehiyo siya kaya hindi tayo mahihirapan na mas palaguin ang negosyong ito." Huminto si daddy at ngumiti sa akin. "Mabait rin itong anak ko kaya hindi kayo mahihirapan na pakisamahan siya."

Napangiti rin ako sa sinabi ni daddy. Matagal kaming hindi nagkita noon pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin ngayon.

DMCA.com Protection Status