Share

6

Ilang minuto na kaming magkasama ni Cassandra dito sa loob ng sasakyan nya pero kahit isang salita ay wala pa syang sinasabi sakin. Pero hindi nanaman ako nasusuprise dahil yan ang una kong  napansin sa kanya. Hindi sya mahilig magsalita pero mata palang nya ay matatakot ka na.

Kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa pagtingin sa loob ng kotse nya. Aba once in a lifetime lang itong mangyari baka hindi na ulit maulit kaya sasamantalahin ko na. Wala namang kakaiba sa sasakyan ni Cassandra. Typical. Pwera lang sa laruan ng bata na mga barbie doll at stuff toys, kay Pia siguro. Yung pamangkin nya na nakita namin ni ate Averi sa park.

Kamusta na kaya ang batang yun? Sana lang wag syang tumulad kay Cassandra paglaki.

"What did you say?" Biglang tanong ni Cassandra pero nakafocus lang sya sa daan.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko parin maiwasang mamangha kapag pinagmamasdan ko sya. There was something in her na gustong gusto kong pakatitigan na kahit kailan man ay hindi ko pagsasawaan. "Ha?"

"Sabi mo wag syang tumulad sakin,"

Oh gosh. I want to mentally slap my face. Akala ko sa utak ko iyon nasabi. Umiwas ako ng tingin. "It's nothing,"

Matagal hindi sumagot si Cassandra. Tila pinagiisipan nyang maigi kung ani ba ang dapat sabihin. Baka mamaya bigla nya akong sipain palabas ng kotse nya. Knowing her sa school nga marami na syang pinakick out. Ako pa kaya tapos dadalawa lang kami dito sa sasakyan nya.

Biglang inihinto ni Cassandra ang kotse sa parking lot ng isang kilalang restaurant. Heto na, heto na. Papalabasin nya na ako at iiwanan na parang basang pusa sa daan. Pinatay nya ang makina ng sasakyan at may kinuha sa backseat.

"Wear this." Utos ni Cassandra sakin,  inabot nya ang varsity jacket at slippers. "It will cover the dirt on your dress," Binuksan na nya ang pintuan at binitbit ang payong. "Follow me,"

Napanganga nalang ako. Well, she is not that bad as we thought at school. Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ay lumapit sakin ang guard na may dalang payong at inalalayan akong makapasok sa loob ng restaurant.

I saw Cassandra is talking with someone. Nagdalawang isip tuloy ako if lalapit ba ako o hindi. So yeah, i just stood few steps behind her. Niyakap sya ng isang babae sabay halik sa pisngi.

"Thanks baby girl," Anang ng babae sa kanya. Wait, magkamukha silang dalawa. It's just that Cassandra is the younger version. "Oh, hi." Halos itulak nya si Cassandra paalis sa kanyang daanan ng makita ako. "Are you Cassandra's girlfriend?"

Namula ang mukha ko. Like, seriously? Girlfriend agad? Hindi ba pwedeng friends lang or kakilala?

"Ate Alex!" Angil ni Cassandra sa nakakatanda nyang kapatid. "And im not a baby girl anymore and she is not my girlfriend! How dare you!"

Pero parang walang narinig ang nakakatandang Monteralba. Magiliw nitong inilahad ang kanyang kamay sakin. "I'm Alexandra Monteralba," Super laki ng ngiti nya na lalong nagpaganda sa kanya. Sana ganyan din si Cassandra laging nakangiti hindi yung parang mangangain ng tao. "And you?"

Naiilang man ay kinuha ko narin ang kamay nito. "Aubree, Aubree Gonzales."

Biglang napatingin si Alex kay Cassandra pagkarinig sa pangalan ko at ngumiti. "Welcome to my restaurant," Oh wow sila pala ang may ari nito. "What happened to you though?" Paguusisa nya habang pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. "Are you Cinderella?" Hindi ko mapigilang matawa. Ang laki ng pagkakaiba nilang magkapatid. "Cassy," Tawag nya sa nakakabata nyang kapatid. "Kuhain mo yung extra shirt and jogging pants ko sa office,"

"Ha? Bakit ako?" Inis na tanong ni Cassandra.

"Kuhain mo na," Mas matigas na boses na sagot ni Alex. Kaya walang nagawa ang Ice Queen ng school namin kundi ang sumunod. "I'm sorry about that. My sister is just..." Napakamot sya sa kanyang baba. "Really stubborn,"

Oh you have no idea.

Walang kibo na inabot sakin ni Cassandra ang damit. Nagpalit ako sa restroom at nilagay ang madumi kong damit sa bag. Siguradong uulanin ako ng tanong ni Ate Averi mamaya paguwi ko. Inayos ko ang sarili, sinigurado na presentable ang aking itsura bago lumabas ng restroom.

Naupo ako sa harapan ni Cassandra na hindi parin ginagalaw ang mga pagkain sa lamesa. She looked at me with her famous stoic face but honestly hindi na ako natatakot or naiintimidate sa kanya lalo pa nakita ko kung paano sya itrato ni Alex. Cassandra is still a kid like me.

"Let's eat," Bulong nya.

Awe. Talagang hinintay nya akong matapos para sabay kaming kumain. We are eating in silence but there were times na nagnanakaw ako ng tingin kay Cassandra. Sobra naman kasi ang poise nya sa pagkain. De numero rin ata pati pagnguya nya.

Akala ko tapos na kaming kumain ni Cassandra pero dumating si ate Alex na may dalang dessert. Kahit busog na ay napilitan parin kaming kumain. Nakakahiya naman tanggihan ang grasya.

"Napanuod ko yung interview ni Bren kanina," Pasubo na sana ako ng cake ng biglang magsalita si ate Alex na muntik ko ng ikasamid. Inabutan nya ako ng tissue para punasan ang aking bibig. "Oh gosh, im sorry."

Namumula parin ang mukha ko dahil sa pag ubo. "It--it's okay," Kinalma ko muna ang aking sarili bago magsalita. I don't know but i have the need to defend myself about Bren. "Just to  clear, he is not my boyfriend."

"Halata nga," Pagsang ayon ni ate Alex sakin samantalang si Cassandra ay walang kibo pero nakikinig. "Kasi nung pinakita ka sa TV hindi maipinta ang mukha mo. Para kang kriminal na nakacaught off the act."

"I was shock na ganon ang sasabihin nya sakin ate Alex." I told her truthfully. "Kaya sa inis ko nagpababa ako sa daan dahil ayaw ko syang makasama,"

"Kaya pala ganyan itsura mo," Nakangiting sabi ni ate Alex sakin. Ate kasi mas matanda sya sakin, kasing edaran sya ni ate Averi kaya dapat may respeto. "Good thing na nadaanan ka ni Cassandra kundi ay baka napano ka na."

I could not help but look at Cassandra na nakatingin lang sa bintana at tila may sariling mundo. "Yeah, if not because of her baka sa kalsada na ako matutulog,"

"Well im glad my baby girl found you," Proud na sabi ni ate Alex at tumingin sa kanyang kapatid.

Biglang tumayo si Cassandra. "Restroom," At walang lingong likod na umalis ang nakakabatang Monteralba.

Narinig kong huminga ng malalim si ate Alex. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko Aubree," Hinging paumanhin nito. "Nagkaganyan lang sya dahil..." Natigilan sya. "Siguro mas okay na sya nalang ang magsabi sayo," She gave me a weak smile at hinawakan ang kamay ko. "Please wag mo syang sukuan ha,"

Bakit ako? Hindi nga kami close ni Cassandra diba? Nagkataon lang na kami ang magkapartner sa special project ni Mr. Soltones at nagkita kami ngayong gabi.

"Kamusta na po si Pia?" Pagiiba ko ng usapan.

Ate Alex looked at me confused. "Wait, how did you know my daughter?"

"Nakita namin sya ni ate sa park kaninang umaga," Sagot ko. "Kasama si Cassandra," Hindi ko na nilaglag si Cassandra baka lalo nya lang akong kamuhian. "Bumibili ng ice cream,"

"Ooh okay," Ngumiti na si Ate Alex. "Well she is with my wife right now." Of course hindi naman lingid sa lahat na lesbian sya lalo pa at asawa nya ang pinakasikat na artista ngayon na si Carol Lopez. Medyo hindi ko lang nakilala si Ate Alex kanina dahil mas maganda pala sya sa personal. "Visit her sa bahay minsan, im sure na matutuwa si Pia na makita ka."

"Hindi po kaya magalit si Cassandra kapag nagpunta ako sa bahay nyo?" Nagaalala ko na tanong.

"Ako ang bahala kay Cassandra," Paninigurado ni ate Alex sakin.

Nagpaalam na kami ni Cassandra sa ate nya bago umalis. I promised her na babalik ako sa restaurang nya at visit narin sa bahay kapag nagkaroon ng chance. Kaya heto nanaman, balik nanaman kami ni Cassandra sa mute world. Pero kahit ganito ang set up namin ay hindi naman ako nakakaramdam ng pagkainip.

Binuksan ko ang radio ng sasakyan para kahit paano ay may buhay naman. That's what i like by Bruno Mars ang tugtog at para akong nabaliw sa pagsabay sa kanta.

"What are you doing?" Inis na tanong ni Cassandra. "Can you please shut up!"

Gold jewelry shining so bright

Strawberry champagne on ice

Lucky for you, that's what i like.

Sex by the fire at night

Silk sheets and diamonds all white--

Napatigilan ako ng patayin ni Cassandra ang radio. "Wala ka naman sa tono, papasakitin mo pa ang ulo ko."

"Wow, grabe ka. Makapintas ka sakin," Bumuga ako ng hangin. "Baka mas pangit pa ang boses mo sakin e,"

Napakapit ng mahigpit si Cassandra sa steering wheel at nagpigil sa kanyang sasabihin. "Just quiet and then we will be okay,"

Sumandal nalang ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Tumila narin ang ulan at wala naring traffic kaya madali kaming nakarating sa bahay.

"Thank you," I told Cassandra in all honesty. Kung hindi dahil sa kanya baka kung ano na ang nangyari sakin. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at ng tangkang lalabas na ay biglang hinawakan ni Cassandra ang kamay ko.

"Wait!"

Puno ng pagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit?"

"I need your phone," Walang gatol nitong sabi sakin.

"Why? May tatawagan ka ba?" Tanong ko. I saw her phone na nasa dashborad.

"Just give it to me," Napakademanding talaga ng babae na ito. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya ay hindi ko ibibigay ang phone ko. After few moments she gave me back my phone. "I saved my number call me.." Napanganga nalang ako. "About the project,"

"Ooh okay," Akala ko tatawagan ko sya if something happens to me or when i needed anything. But who am i kidding? Sya si Cassandra. Wala syang pakialam sakin. "I will," Sumulyap ako sa kanya na nakatingin sa daan. "I had fun with you Cassy,"

I saw her looked at me bago ako bumaba ng kotse nya. Hindi agad sya umalis, mukhang hintay nya akong pumasok ng bahay. I went inside our house na walang katao tao. Sumilip ako sa kurtina at napangiti ng makitang umalis na si Cassandra.

Ang hirap talagang intindihin ng babae na yon.

"Oh mabuti naman at nakauwi ka na," I felt my heart dropped on my feet when i heard Ate Averi behind me. "So... Kayo na pala?" Bumaba si Ate Averi sa hagdan at naupo sa couch. "Kailangang ibroadcast pa sa TV ang relasyon nyo ni Bren?"

"No," Paghinga ko ng malalim at nilapag ang aking gamit sa lamesa bago tumabi kay Ate Averi. "That is not true," Niyakap ko si ate. I just needed her. "He is... Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nya para sabihin nya yun sa TV,"

Tumaas baba ang dibdib ni ate at niyakap ako. "Kitang kita naman sa mukha mo na nabigla ka," May ngiti sa boses nya. "But Aubree. Mag ingat ka dyan kay Bren ha, wala akong tiwala sa lalaki na yan."

"Yes ate," Sagot ko at pumikit. "I don't want him to use you para sa career nya,"

"Teka bakit iba na ang suot mo? Para kang galing ng P.E class," Pansin ni Ate Averi sa damit ko.

"Long story ate," Sagot ko sabay higa sa couch. "Now please babying me kahit ngayon lang," Natawa nalang si Ate at hinagid hagod ang aking buhok hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil narin sa pagod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status