Share

Chapter 2

continuation....

Lia's POV:

I never once mentioned about that man wearing a groom's outfit but I just feel I had to earlier. But seriously, how did I developed this kind of feeling with my bestfriend? 

Haeil Ethan Lee or Ethan for short is my childhood bestfriend, given the fact that our Moms are bestfriends too and we live next to each others' houses in the neighborhood so yun pati kami friends na rin. Nagkakasundo kami sa mga bagay bagay and we know each other too well. Hindi naman ako super introvert but aside from Kendra who became my bff since highschool, I had Ethan since our diaper days. 

Speaking of him, dahil siya rin naman talaga ang topic natin, I like him because of so many reasons. Bunos na yung itsura niya na hindi naman maipagkakailang ang gwapo talaga, mana kay Auntie at Uncle. To make it short Ethan is a man every girl dreams to be with in our campus, from sports, talent, grades, leadership at given na yung pinanganak siya with golden spoon. But I like him more because he treats me like a Princess that even my elder brother can't do the same way.

"So nasaan na yung Prince charming mo? Ba't 'di natin kasamang kumain? Himala ahh!" Saad ni Kendra habang kumakain kami sa cafeteria ng school. 

"Hey! Baka may makarinig sayo. Hayaan mo na yun, sabi niya may pupuntahan lang daw siya." I said. 

"Girl ba't 'di mo pa aminin kay Ethan na gusto mo siya? Sige ka baka maunahan ka." Sabi niya sabay lagay ng ulam sa plate ko. Napalunok ako ng 'di oras di pa man ako nakakasubo. 

"Sa tingin mo, magugustohan kaya niya ako? I am good for nothing." I said in dismay. 

"Lia, who is good for nothing? You came from a wealthy family too. Maganda ka naman." She said. 

"But he is beyond. I hardly can pass our subjects. I don't even have a single talent. I always am so dependent that can't do things independently even once. You think he will like me?" Hopeless kong tanong. 

"Paano natin malalaman kung hindi mo susubokan? Girl third year college na tayo. Magkakakilala kayo since naka-ded* pa kayo sa Mommy niyo." Confident niyang pahayag. 

"Wag mo akong igaya sayo na malakas ang loob." Sabi ko. 

"Oh diba? I am happily in love and a girlfried." Pangiti niyang sabi na proud na proud. Eh ang lakas ng loob nitong umamin sa crush niya. 

"Ayaw kong masira yung pagkakaibigan namin." Saad ko ng nakayuko, habang tinusok tusok ng tinidor ang ulam. Napaismid lang si Kendra sa pahayag ko.

-------

Ilang araw makalipas, iniisip ko parin kung sasabihin ko ba kay Ethan o hindi gaya ng suggestion ni Kendra. Sabay sabay kaming kumain ng pamilya ko habang yun parin yung iniisip ko. Natauhan ako mula sa kaiisip nang tumunog yung plato ko. My brother hit his fork on the surface of my plate. 

"Hello? Back to Earth Lia Aerabelle." He said, napatingin ako sa kanya saka ko tinaas yung kilay ko. 

"Hey! Don't do that, alam mong tumataas blood pressure ko pag tinataasan mo ako ng kilay." Inis niyang sabi. Hindi ko siya pinansin, instead kumain na lang ako. 

"Son stop that." Sinita ni Dad si Kuya, hindi ko man alam kung may gagawin ito since naka focus ako sa food ko, but I know he is plotting something to annoy me too.

Lumabas ako ng bahay nang magtext sa akin si Ethan to meet him in the Subdivision's Mini Park. Habang naglalakad ako patungo doon iniisip ko parin kung sasabihin ko nga ba talaga sa kanya. Ilang taon ko na rin 'tong kinikimkim. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko. Hindi rin naman ako nag eexpect na he will like me in return. I just wanted to be honest. Minsan kasi pakiramdam ko ang obvious ko na. Huminga ako ng malalim. 

"Sige Lia, sasabihin mo. Hindi naman importante yung pareho kayo ng maramdaman eh. Sasabihin mo lang baka sakali 'pag sinabi mo gagaan yung pakiramdam mo. Yung hindi mo na dadamdamin na may gusto kang sabihin sa kanya." Saad ko sa sarili bago pa makarating sa Park.

-----

"Here!" Saad ni Ethan sabay abot ng tin can sa akin. Nakaupo ako sa katabing swing kung saan siya nakaupo. Tinanggap ko ang can at sinuri kung ano ito at bago sa paningin ko. Hindi naman ito soda. 

"OH! HEY!" Sabi ko in an intense tone nang ma realize na alcohol yung content ng tin can. 

"Shhh!!" He uttered. 

"Ethan kailan ka pa natutong uminom? Isasali mo pa ako sa kagaguhan mo?" Tanong ko sabay reklamo. Hindi niya ako pinansin, he gulped in one go yung kanina ay hawak niya na alcohol can same brand with the one I'm holding now. 

"May problema ka ba?" Pag-aalala kong tanong. He nodded. 

"Kind of." Sagot niya. "I'm confused." Dagdag pa niya. I sighed then- 

"Ako rin." Saad ko in whisper. 

"What?" Tanong niya. 

"Huh? Ah wala." I said. 

"Go on. You texted me that you have to say something to me." Nang sabihin niya yun binalot ako ng kaba. 

"Uhmm--Ahh--Uhhhmm" I stuttered again. "Ikaw na lang mauna diba sabi mo may sasabihin ka rin." I said. 

"No ladies first." Nasobrahan talaga siya sa pagka gentleman. "I'm waiting." Dagdag pa niya. 

----

I breathe heavily before saying--

"I like you!"Sabi ko habang nakapikit na parang nahiwalay yung kaluluwa ko nang ilang segundo. 

"You like me?" Tanong niya, I nodded. It went silent for a while but seconds after.... 

"Hahahahahaha" He's now laughing. napatingin ako sa kanya at napakunot noo ako. Teka ba't parang 'di ito tama? 

Hindi na siya huminto sa kakatawa hanggang sa tumawa siya na kung iisipin ikakamatay na niya yung walang hinto niyang tawa. I was stunned by his behavior. Na glued yung butt ko sa kinauupoan ko. Is he insane? Deserve ko ba na makatanggap nang halakhak sa kanya after I seriously confessed? My blood pressure went up I guess, ramdam ko ang init ng aking pisngi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status