Share

Chapter 5-Reveal

Reveal

"Nasaan na ba si Nica? Kanina pa wala 'yon ah! Ano bang ginagawa ng babaeng iyon?" Kanina pa kasi wala 'yon. Hindi namin alam kung saan nagpunta, basta na lang umalis nang nag ring ang bell.

"Kung hanapin na lang kaya 'no? Hindi yung reklamo kayo ng reklamo d'yan" Sabi ni Ianne.

"Sabi ko nga, kayo talaga! Hindi kayo nag iisip" Napairap na lamang silang lahat sa aking sinabi.

Pumunta kami sa Cafeteria pero wala doon, ang naabutan lang namin ay si Jethro na nangbuburaot sa mga kaklase namin.

Punto na din mami sa CR at nagbabakasakali na nandoon si Nica kaso, wala rin.

"Jusko naman! Nakakapagod mag hanap ah! Nasaan na ba kasi 'yon?!" Kanina pa kami lakad ng lakad, hanggang ngayon hindi pa rin namin siya nahahanap.

Humarap sa akin si Meichell. "Stop talking nga Kaye. You're so ingay, hanapin mo na lang siya instead of talking ng kareklamuhan mo d'yan"

'Conyo na naman. Pero ang cute niya'

"Tsk, kanina pa nga tayo naghahanap hindi pa rin natin siya makita!" 

Biglang tumigil si Teynisha kaya napatigil din kami. "Ayun oh!" Tinignan namin ang kanyang tinuro. At nandoon si Nic kasama si Mavy at mga mukhang mga nag loving loving.

"What the? Who's that lalaki?" Biglang tanong ni Meichell.

"Kaklase natin iyan, hanggang ngayon ba hindi mo parin sila kilala?" Bagot na sabi sa kanya ni Ianne.

"Hindi ko siya nakikita sa room ah. But anyways, bakit sila magkasama?"

Tinignan namin siya, yung tipong seryoso-ba-'yang-tanong-mo-look. "Magkakasama tayo hindi ba? Bakit sa amin ka nagtatanong?"

"Ohh. Sorry, my bad" Inirapan na lang namin siya at lumapit kila Nic at Mavy.

"Oh Hoy! Kaya naman pala hindi namin mahanao dahil nandito at nakikipag landian" Sigaw ni Fatima. Gulat naman napaharap sa amin si Nica at Mavy.

"Gulat kayo 'no? Akala niyo red velvet? Nagkakamali kayo! Kami ang Itzy!" Pagbibiro ko. Nakatanggap naman ako ng batok kay Meichell, sinamaan ko siya ng tingin ngunit inirapan lang ako.

'Dukutin ko 'yang eyeballs mo eh'

"Care to explain, Nica?" Pageenglish ni Fatima. Ako naman, tumawa ng napakalakas na tipong rinig ng buong universe.

Sinamaan ako ni Fatima. "At bakit? What's funny?"

"Gago! Wag ka ngang mag conyo conyo d'yan. Hindi bagay sayo! Hahaha" Napasimangot siya sa aking sinabi.

"Tse! Ang sama mo sa akin ah!"

"Tumigil nga kayo" Natahimik kami ni Fatima nang magsalita si Ianne. "So ano nga? Bakit kayo nandito, Nica at Mavy?"

"A-ano kasi si Mavy 'yung-" Hindi niya natuloy ang kabyang sasabihin nang sumabat ako.

"Manliligaw mo? Asus, halata naman bakit ka pa nauutal diyan?" 

"Eh kasi, wala lang bakit ba?" Taray nitong sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh bakit ka nagtataray? Dukutin ko 'yang kilay mong hindi naman pantay, makita mo"

"Nyenye!" Asar nito. Binilatan ko lang siya, si Ianne naman ay napabuntong hininga na lang sa asaran namin.

Nagring na ang bell hudyat na magsisimula na ang aming klase. Hinila na namin si Nic at pumunta na sa aming Room.

Wala naman nangyari, may pa suprise quiz lang mabuti nga at naperfect ko.

'Naka 7/10 lang yan'

Joke lang hehe.

"Nandiyan na ba mga service niyo?" Tanong sa amin ni Tey.

I shrugged. "Wala pa".

Tinaas ni Tey ang kanyang kamay "Sa akin din wala pa" 

"Ang tagal ng akin. Palagi na lang" Reklamo ni Ianne.

Habang naghihintay biglang lumapit sa amin si Jethro. Tumabi ito sa akin at may binulong.

"Hoy, bigay mo nga ito kay Tey" Sabi niya sabay abot sa akin ng isang box ng chocolate.

"Bakit ako pa ang magbibigay?" Asik ko sa kanya.

Tinulak niya ako ng mahina. "Bilisan mo na! Parang hindi kaibigan e' 'no?" 

Umamba ako ng suntok sa kanya. "Magkaibigan tayo pero hindi ako utasan ah!" 

"Dali na kasi!"

"Hoy! Anong pinag uusapan niyo d'yan? Nagseselos na 'yung isa dito oh!" Biglang sigaw ni Ianne sa likod namin.

"Wala! Manahimik ka! Ingay mo" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Humarap ako kay Jethro. "Ikaw naman lalaki ka, may kamay at paa ka naman bakit hindi ikaw ang lumapit sa kanya at ibigay yan?" 

"Nahihiya ako." Binatukan ko siya ng napakalakas 'yung as in na matatanggal na 'yung ulo niya.

"Aray! Masakit ah!" 

"Napakatorpe mong lalaki ka!" Sabi ko sa kanya. "Huwag ka ngang torpe, lumapit ka na kay Tey at ikaw ang magbigay sa kanya"

Nag aalinlangan pa siyang tumingin sa akin pero lumapit din naman siya kay Tey.

"Witwew may loving loving na naman na magaganap" Parinig ni Fatima.

Hinampas naman siya sa balikat ni Meichell. "Shut up. You're so noisy din" 

"Puta. Conyo na naman" Bulong naman ni Nica, ako naman ay napatawa na lamang.

"A-ahh bakit ka nandito Jethro?" Pabebeng sabi ni Tey.

'Tanginang boses yan'

Kinamot ni Jethro ang kanyang batok. "May ibibigay lang sana ako"

Akala mo may hiya 'tong lalaking ito. Wala naman.

"A-ano yon?" Inabot ni Jethro ang chocolate kay Tey. "Hala! Ano 'to?".

'Chocolate gaga'

"P-para sa iyo 'yan" Namula pa ang mukha nito kaya ako halos tawagin ko na ang lahat ng santo, huwag lang matawa. "Ahm, kasi 'di ba? Nililigawan kita?. Syempre kailangan kong magbigay ng mga paborito mo para sagutin mo ako"

'Naku!, 'yang pambili naman niya ng chocolate galing sa limang piso niyang binuburaot sa akin'

"T-thank you" Nahihiyang pasasalamat ni Tey.

"Welcome" Ngumiti pa si Jethro na abit tainga. "Sige na, aalis na ako nandyan na sundo ko! Byee!" sabi niya sabay alis.

Si Tey naman ay lumapit sa akin at inabot ang regalo sa kaniya ni Jethro.

"Gagawin ko diyan?" 

"Tago mo muna" Taka ko siyang tinignan. 

"Anong itago ko?, gago ka ba? Saan ko itatago yan?"

Umirap ito. "Edi syempre sa bahay niyo! Bawal makita ni mommy 'yan. Baka sabihin may nanliligaw sa akin".

Binatukan ko siya sa ulo. "Gaga! Meron naman talaga. Pati ayoko nga! Baka pagkamalan pa ako ni mommy at ng mga kuya ko na may boyfriend na ako"

"Dali naaa!" Pagpupumilit nito. Ang mga ibang kaibigan namin ay nakatingin lang sa aming dalawa at nanonood. 

"Ayoko nga sabi!"

"Please, dali na itago mo na"

"Bakit sa akin pa? Pwede naman sa kanila Ianne ah!" Umiling ito.

"Ayoko, gusto ko sayo"

"Aish! Ang tigas ng ulo mo. Pag ako napahamak dito, isusumbong kita sa mommy mo" Kinuha ko ang chocolate sa kanyang kamay. Inirapan ko na lang siya nang pumalakpak siya sa tuwa.

'Parang bata'

Dumating na ang mga service namin. Nagpaalam kami sa isa't isa bago sumakay.

Pagdating naman sa bahay agad akong pumunta sa kusina at nilagay ang chocolate sa ref. Pumunta na ako sa kwarto ko at ginawa ang mga assignments.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status