Kabanata 4

Nang marinig ang mga salita galing kay Jasper, hindi maitago ang pag iba ng emosyon sa mukha ni Calvin, ito ay naghahalong galit at inggit.

Hindi mapigilan ang gigil sa galit habang nakatingin ito ng masama kay Jasper. “Saan mo nakuha ang lahat ng pera na iyon? Sabi mo wala kang pera noong mga nakaraang araw, pero ngayon mayroon kang $500,000 para ipang bili ng ruby na pendant?!” tanong niya.

“Pera ko ito. Hindi ko kailangan sabihin kung saan ito nanggaling. Kung ano ang ginagawa ko labas na kayo doon,” sagot ni Jasper.

“Hmph!”

Ngumisi si Calvin, “Malamang binenta mo ang bahay niyo, ‘di ba? Kung hindi, saan mo nakuha lahat ng pera mo?” tanong niya.

“Binenta niya nga siguro. Tsk tsk, makasalanan. Ibinenta mo ang bahay para lamang bumili ng ruby pendant? Nasiraan ka na talaga ng bait,” komento ni Susan.

Ibinalot na ng sales assistant ang ruby pendant para sa kanya. Hindi niya na ito kinausap sa naiinip na tono. “Sir, naibalot ko na ang ruby pendant,” sinabi niya sa tonong marespeto.

“Saglit!”

Sigaw ni Penelope.

“Jasper, ibigay mo sa akin ang ruby pendant.”

“Wala akong pakielam kung saan mo nakuha ang pera. Magkasama na tayo ng matagal na panahon. Kailangan ng kapatid ko ng pera pero sinabi mo wala ka, kaya ibigay mo na lang sakin ang ruby pendant,” sabi niya.

Nagliwanag ang mga mata ni Susan. Tumango ito ng pag sasangayon. “Tama yan. Ibigay mo sa amin ang ruby pendant at patatawarin ka namin,” tugon niya.

“Mga nasiraan na talaga kayo ng bait! Ngayon kukuhanin niyo sa akin ito?” tanong na pabalang ni Jasper. Pag katapos niyang masalita, siya ay tumalikod at umalis.

Hindi mapakali si Penelope. Hinablot niya ang braso ni Jasper. “Jasper Laine, magiging ganyan ka ba kasama?!”, pang gagalaiting tanong nito.

“Ako nagiging masama?”

“Masama man ako, pero hindi ito makukumpara sa kawalang hiyaan ng pamilya niyo.” Tumawa si Jasper.

Matapos niyang magsalita, tinaboy niya si Penelope at biglang umalis.

Si Penelope at kanyang pamilya ay kinain ng kahihiyan noon umalis Jasper. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha.

“‘Nay, hindi natin pwede palagpasin ito!”

Puno ng inggit, dumilim ang awra ng mukha ni Calvin.

Sa mga mata nila, isang mahirap na probinsyano lamang si Jasper. ‘Ni minsan hindi nila sineryoso ito.

Subalit, ngayon na kaya niya ng bumili ng ruby pendant na nagkakahalaga ng $500,000 ng ganun-ganon na lang, hangarin nilang makuha ang pendant kahit hindi nila alam saan nakuha ang pinang biling pera.

“Ang mga katulad niyang mahirap na b*stardo ay dapat nanatiling basura. Anong karapatan mayroon siya para makabili ng ganoon?! Sa akin dapat ‘yun! Binenta niya siguro ang bahay o nakuha niya ang pera sa kung saan lang. Ako ang karapat dapat na nag mamay ari ng pera niya!”

Gigil na gigil sa galit si Calvin.

“Anak ko, ‘wag kang magalit.”

Pinagaan ni Susan ang loob ni Calvin, bungad nito, “Tara na bumalik at pag-usapan ito. Hindi natin hahayaan na makatakas siya matapos niyang paglaruan ang damdamin ng ate mo ng ilang taon. Dapat niyang pagbayaran ang kanyang ginawa… Kahit man lang bayaran niya tayo ng pera!” paliwanag niya.

Tumingin lamang si Penelope sa direksyon kung saan umalis si Jasper. Suklam na tingin ang makikita sa mga mata niya.

“Tama si nanay. Hindi natin pwede palagpasin ito. Mayroon siyang pera, pero ayaw niyang magbigay sakin kahit sinabi niya na mahal niya ako. Hindi ko hahayaan na maging ganoon siya!”

...

Umalis si Jasper sa jewelry shop at naghihintay ng taxi sa tabing daanan. Ang mga application para makatawag ng taxi ay wala pa noon. Habang pinagiisipan niya na lumikha ng ganitong klase ng application, nakatanggap siya ng tawag.

Ito ay mula sa Commercial Bank.

“Hello, Mr. Laine. Nasabi na namin sa district branch ang mga terms na napagusapan natin. Kung mapapanatili mo na hindi bababa ng sampung milyon dolyares ang iyong annual savings, bibigyan ka namin ng magandang interest rate bilang isang VIP treatment.”

“Kailan ka magiging libre? Dadalhin namin ang kontrata para mapirmahan mo.”

Hindi na nagulat si Jasper sa kinalabasan ng pangyayari. Ito ay isang guaranteed minimum cash deposit na sampung milyon dolyares. At sa mga panahon na ito, isang malaking bagay ito sa mga bangko.

“Malapit lang ako. At isa pa, mayroon ako gustong ipatago sa inyong security safe. Papunta na ako diyan ngayon,” sagot ni Jasper. Binaba niya na ang telepono.

Pumara siya ng taxi at tumungo sa Commercial Bank. May naka bangga si Jasper nang ito ay papasok sa bangko.

“T*ang in*, bulag ka ba?!” sigaw ng isang nagagalit na tao.

Nang sila ay nagkatitigan, si Terry Laine ay natuwa. “Hey, Jasper? Sahod mo na ba ngayon? Nandito ka ba para mag withdraw ng pera?” tanong niya.

Mayroong babae na katabi sa Terry na nakasuot ng magandang damit. Siya ay lumakad at humawak kay Terry. “Ter, sino siya?” tanong niya.

Masayang tumawa si Terry. “Pinsan ko siya. Ang buong pamilya niya ay nagtatrabaho bilang magsasaka. Ang mga magulang niya ay nangutang ng pera para makabili ng bahay sa syudad. Nangutang din sila ng pera sakin,” galak niyang sinabi.

Pumikit pikit ng mata ang babae. “Magkano ang pinahiram mo pala?” tanong niya.

“Pahiram ng pera mukha mo!”

Nangutya ng malakas si Terry. “Mga walang alam ang pamilya niya. ‘Wag bumili ng bahay kung walang pera na pang bili. Hindi nga nila kaya bumili ng pang kain nila, tapos gusto pa nila manirahan sa syudad. Tignan mo kung saan sila galing! Kinakaawaan ko sila, kaya t*ng in* binigyan ko sila ng $50 para pang bili ng gamot sa utak nila. Hahahaha…”

Natawa ang babae. Minata niya si Jasper, at tumungo sa tabi ni Terry. “Grabe ka talaga,” sabi niya.

Tumingin si Jasper kay Terry na bakas ang kataasan ng uri sa mukha. Ganoon pa man, naging kalmado lamang siya.

Si Terry Laine ay kanyang pinsan. Ang tatay niya ay nagbukas ng isang factory sa syudad noon at dito kumita ng pera. Kilala si Terry na isang second-generation millionaire sa kanilang probinsya.

Nilait ni Terry si Jasper pati ang mga magulang nito, na mas nakakatanda sa kanya, hanggang gusto niya dahil siya ay mayaman.

Ngunit, alam ni Jasper na ang factory ay isa lamang pagpapanggap. Mauubos lahat ng pera ni Terry dahil sa pang pinansyal na krisis na kakaharapin na magiging rason para magsara ang kanilang factory. May mga bali-balita din na naloko siya ng babae at kinuha ang kanyang pera. Wala ng balita tungkol sa kanya matapos umalis nito sa kanilang probinsya.

Malamang, ang babae na ‘yun ay ang kasama niya.

‘Wag mo akong pigilan sa trabaho ko,” sabi ni Jasper.

“Trabaho?”

Tumawa si Terry ng malakas na may mapanghamak na mukha. “‘Yan bang t*ng in* na trabaho na yan umaabot ng $1,000 ang sahod kada buwan? Ang pag wiwithdraw ba ng $100 o $200 ay trabaho na para sa’yo? T*ng in* umalis ka nga, hindi ka ba nahihiya?” tanong niya.

Bago pa man matapos ng kakatawa si Terry, isang hindi katandaan na lalake na nakasuot ng suit ay nagmamadali lumabas ng bangko. Siya ay may kasama pang empleyado. Kuminang ang kanyang mga mata nang makita niya si Jasper.

Magalang niya itong binati, “Kayo siguro si Mr. Laine. Katulad ng aking inaasahan, bata pa at matikas. Ako si Mr. Jackson, ang presidente dito.”

Nang makita na pinupuri ni John Jackson si Jasper, si Terry at ang babae ay nagulat.

“Ter, tinawag niya si Mr. Laine. Ikaw ba ang tinatawag niya?”

Hinugot ng babae ang sleeve ng damit ni Terry.

Bumalik si Terry sa wisyo. Tama. Siya rin si Mr. Laine. Siya siguro ang tinatawag ni Mr. Jackson. Bakit niya tatawagin itong walang kwenta na si Jasper Laine?

“President Jackson, nagdagdag lamang ako ng $20,000 sa aking savings tapos ganito ang pagbati mo sakin?” Tanong ni Terry kay John.

Nagsalubong ang kilay ni John. Nagmadali ang empleyado papunta sa kanya. “President, ang kliyente natin ay iyong nasa kabila,” sabi ng empleyado.

Tumango si John. Ngumiti ito kay Jasper ng hindi tintignan si Terry. “Mr. Laine, tara sa itaas?” marespeto niyang tanong.

Sumangayon si Jasper. “Tara na. At isa pa, gusto ko mag apply ng security safe. Pag sabayin na natin ang mga kinakailangan,” sabi niya.

Ang pagmamay ari niyang ruby pendant ay nagkakahalaga ng $40 milyon sa susunod na kalahating taon. Alam niyang mababantayan ito ng maigi sa bangko.

Taas noong huminga ng malalim si Jasper at naglakad. Samantala, si President Jackson at ang grupo ng mga empleyado ay sumunod sa kanya. Umalis na lamang sila ng basta-basta.

Si Terry na naiwan, hindi pa din makapaniwala!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status