Kabanata 5

Ang presidente ang mismong nagasikaso sa kanya, lahat ay natapos ng madali lamang.

‘Yung interest na natanggap ni Jasper ay tatlong beses ang laki kumpara sa normal rate. Ito ang pinakamataas na premium treatment na makukuha dito sa kanyang maliit na bayan.

Wala naman talaga pakielam si Jasper kung magkano ang interest na kanyang makukuha. Gusto niya lang malaman ng Commercial Bank ang kakayahan niya pag dating sa pang pinansyal.

Hindi magtatagal, may mangyayari sa international futures market dahil sa crude oil. Bilang isang ordinaryong tao, imposible para sa kanya na mag punta sa ibang bansa at magbukas ng isang account at mag simulang magtingin ng presyo ng crude oil. Kailangan niyang magawa ito gamit ang koneksyon sa Commercial Bank.

At isa pa, binigyan siya ng Commercial Bank ng premium credit card na nagkakahalaga ng milyon dolyares.

Kung ito ay mangyayari sa susunod na 20 taon, ang Commercial Bank ay hindi magbibigay sa kanya ng ganoong klase ng card na meron lamang laman na sampung milyon dolyares sa bangko. Subalit, ito ay taong 2000, at ang sampung milyon dolyares ay sapat na para si Jasper ay maging premium client ng mga bangko.

Hindi mawari ni Jasper ang kanyang nararamdaman habang ito ay nakatingin sa kanyang card.

Sa kanyang nakaraang buhay, ang mga card ni Jasper ay laging lagpas sa limit nito dahil kay Penelope Hunt. Noong mga araw na yun, nangangarap lamang siya ng mas malaking halaga ng card. Pero ngayon na nakukuha niya na ang lahat ng bagay ng madali, ang pagkakaroon ng card na ganoon ay wala na lamang sa kanya.

Matapos makumpleto ang mga proseso, umalis si Jasper ng bangko ng may pabaong paalam mula kay John. Habang pumapara ng taxi, naisip niyang ito na din ang tamang oras para bumili siya ng sariling sasakyan. Magiging mahirap na para sa kanya na kumuha ng taxi araw-araw.

Kaya lang, gusto niya din ibenta ang bahay na tinitirhan niya ngayon.

Kung hindi, si Penelope Hunt kasama ang kanyang pamilya ay hindi titigil sa panggugulo sa kanya. Hindi niya alam kung saan ito hahantong pag ito ay nagpatuloy pa.

Gusto niya bumili ng dalawang bahay sa syudad. Isa para sa kanya, at isa para sa kanyang magulang.

Ngayon na mayaman na siya, kaya niya ng dalhin ang kanyang pamilya para magpakasaya sa buhay.

Ngunit, ang pagbili ng ari-arian ay nangangailangan ng malaking halaga ng pera. Kahit na may pera si Jasper, gusto niya magamit ang pera bilang puhunan. Kailangan niya ito para kumita ng malaking pera tungkol sa crude oil futures trading.

Kung hindi siya nagkakamali, sa tuwing may sobra siyang $10,000 sa kanyang puhunan, kikita siya ng mahigit $1,000,000 sa hinaharap!

Habang naiisip niya ito, nakita ni Jasper ang name card na binigay ni John at tinawagan niya ang numero na makikita doon.

Pumasok bigla ang tawag niya.

“Mr. Laine, ano ang maitutulong ko sa’yo?”

Masayang masaya si John Jackson na makatanggap ng tawag mula kay Jasper. Kahit na ang syudad nila ay maunlad na, hindi gaanong marami ang mayayaman na nakatira doon. Si Jasper lamang ang kliyente ni John na mayroong mahigit na sampung milyon dolyares na cash deposit, kaya kailangan niyang pagbutihin ito.

Ngumiti si Jasper. “Masyado kang magalang, President Jackson. Mayroon akong gusto talakayin sa’yo,” sabi niya.

“Gusto ko magkaroon ng karapatan upang magbukas ng international futures account sa Commercial Bank. Matutulungan mo ba ako?” tanong niya.

Mararamdaman ang pagkagulat ni John kahit nasa kabilang linya siya ng telepono. Naging seryoso ang kapaligiran.

Bilang presidente ng Commercial Bank, marami siyang kaya gawin.

At isa pa, ang account ni Jasper ay pwede para sa domestic securities account. Alam niya na malamang si Jasper ang misteryosong retail investor na naging sikat dahil sa mung bean futures market netong nakaraan lamang lumipas.

Ang kanyang puhunan na $800,000 ay naging $13 milyon sa loob lamang ng limang buwan. Ito ay isang himala.

Subalit, hindi niya inaasahan na ang isang misteryosong retail investor, na marami ang nagtataka kung sino ba talaga, ay may kagustuhan mag trade sa international futures.

Kapag ito ay nagwagi, hindi niya na kailangan isipin pa ang pagganap ng kanyang trabaho sa taon na ito.

“Walang problema. Kaya naming patakbuhin ang ganitong klase ng negosyo.”

Humawak sa kanyang dibdib si John at nagpatuloy sa pagsasalita. “Mr. Laine, anong produkto ang gusto mong itrade sa futures?” maingat niyang tinanong.

“Crude oil!”

Ngumiti si Jasper. Hindi niya na kailangan pang ilihim ito sa kanya. At isa pa, pipirma siya ng kontrata tungkol sa ganitong uri ng produkto pag siya ay nag simula ng mag trade at magbukas ng account. Malalaman din ito ng Commercial Bank.

Kahit alam niya na si Jasper ay kayang pagandahin ang domestic futures market, hindi magiging mahirap sa kanya ang pagpasok sa international futures market.

Kaya lamang, nang malaman niya na ang gustong produkto ni Jasper ay crude oil, nakaramdam ng alinlangan si John.

Ang crude oil ay hindi basta-basta na nabebenta lamang ng kung sino!

Ito ay kagustuhan ni Jasper. Lahat ng mga malalaking bansa sa mundo ay interesado sa crude oil. Sino ang magtitingin ng crude oil prices kung walang may kakayahan gawin ito?

Sumunod na araw, si Jasper ay dumating sa Commercial Bank at nagbukas na nito.

Ngayon, si John na mismo ang naghintay sa kanya sa bangko.

Kung ikukumpara sa una nilang paghaharap, mas kilala na nila ngayon ang isa’t isa.

Gusto talaga ni John na magkaroon ng malaking kliyente katulad ni Jasper. Masaya rin si Jasper dahil meron itong magandang relasyon sa presidente ng district branch. At isa pa, siya rin ang magiging susunod na presidente ng town district at magiging second-in-command sa province district.

Ang pakikipag ugnayan ay talagang importante kapag kailangan kumita ng pera.

Matapos makipag usap kay Jasper, lalo siyang hinangaan ni John. Si Jasper ay nasa early 20s pa lamang, pero nakaipon na siya ng malaking halaga ng pera.

Ang pursigidong lalake ay may kayabangan kahit na itago pa niya ito. Pero hindi makita ni John ang pagiging mayabang o mapanlamang ni Jasper.

Ganoon pa man, paano malalaman ni John na si Jasper ay nabuhay na ng dalawang beses? Mas mayroon siyang karanasan kaysa sa kanya. Ang kanyang walang kabuluhan na kabataan ay matagal ng pinatibay ng init at lamig sa kanyang nakaraang buhay.

Ngayon na kampante na silang dalawa, imbes na tawagin nila ang isa’t isa ng ‘Mr. Laine’ or ‘President Jackson’, tinawag na lamang nila ng ‘Jasp’ and ‘John’ ang isa’t isa.

Sa reception room, ngumiti si Jasper at humigop ng earl grey tea. “John, mainipin akong tao. Kung walang magiging problema sa proseso, plano kong kumpletuhin iyan ngayong araw,” sabi niya.

“Walang problema. Ang Commercial Bank ay may ekspertong agency na humahawak sa international futures market, kasama ang currency exchange at agency trading. Lahat ay mayroon tayo,” pangako ni John.

Matapos niya magsalita, kinuha ni John ang telepono sa lamesa at may tinawagan na numero. Matapos niya makipagpalitan ng ilang salita, binaba niya na ang telepono.

Nang binaba niya ang telepono, tumawa ng bahagya si John at tumingin ito kay Jasper na may gusto sabihin. “Jasp, ang pag bukas ng account sa international futures ay sinasagawa ng securities company ng Commercial Bank. Dahil doon, kumuha ako ng personal assistant para sayo. Siya ang makikinig sa lahat ng utos mo. Kilala siya sa kanyang kagandahan,” tugon niya.

Hindi inaasahan ni Jasper na gagawin ito ni John. Bago siya makapagsalita, mayroong kumatok sa pinto ng reception room.

Babaeng nakaitim na suit ang pumasok.

Napakaganda ng babae na ito. Matangkad, payat na may hugis ang katawan at may maputing balat. Makinang ang kanyang mga mata at may mapuputing ngipin. Unang tingin pa lang sa kanya ay titibok na ang iyong puso.

Pinaka importante, mayroon siyang magandang awra. Mukha siyang matalino at may kakayahan, pero mayroon din na mararamdaman na kahinahunan mula sa kanya.

Ang ganyang klase na babae ay magiging sentro ng pansin kahit saan man siya pumunta.

Maski si Jasper ay natigilan, pero hindi siya nahalina sa ganda nito. Siya ay kilalang mabuti ni Jasper.

Wendy Schuler!  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status