Kabanata 6

Sila ay mag kaklase ng anim na taon mula junior high school hanggang high school. Noong high school sila, naging magkatabi pa sila sa klase.

Si Wendy Schuler ang pinaka maganda at matalinong babae sa kanilang paaralan. Bukod sa hindi siya nagpapatalo, nasa kanya din ang magandang mukha. Lumipas man ang ilang taon, lalo siyang gumanda at humubog lalo ang pagkababae ng kanyang itsura.

Samantalang si Jasper ay iba ang istorya. Siya ay laging pinagkakaisahan dahil mahirap lamang ang pamilya niya. Si Wendy lamang ang hindi nang loko sa kanya.

Sa murang edad pa lamang, minsan nang naisip ni Jasper ang posibilidad na maging kasintahan siya.

Kaso napakalayo ng agwat nila sa isa’t isa. Si Wendy ay nakapasok sa sikat na unibersidad samantalang si Jasper ay sa ordinaryong unibersidad lamang. Nawalan na sila ng komunikasyon matapos ito.

At nang makilala ni Jasper si Penelope, binuhos niya ang kanyang natatagong nararamdaman kay Wendy kay Penelope.

Kaso ang kinalabasan ng lahat ng ito. Hindi karapat dapat si Penelope. Pero hindi ito nakaapekto sa mga magaganda niyang alaala kay Wendy.

“Jasper Laine, ikaw ba talaga ‘yan?”

Nang makita ni Wendy si Jasper. Makikita ang pagkabigla sa kanyang magagandang mata.

Noong marinig niya kay John na mayroon silang malaking kliyente na nag ngangalang Jasper Laine, ang akala niya kapangalan lamang niya ito.

Tinignan niya agad ito pag pasok ng reception room, alam niya na ito ang dati niyang kaklase. Kahit na maraming taon na ang lumipas at malaki na ang pinagbago ng kanilang mga itsura, nakilala niya pa din ito.

Ang pinaka tahimik at ordinaryong tao sa eskwelahan nila noon ay isa na sa mga pinaka malaking kliyente ng Commercial Bank? At siya pang magiging personal assistant nito?

Hindi makapaniwala si Wendy.

“Matagal na ‘di tayo nagkita, Wendy,” ngiting bati ni Jasper.

“Kilala niyo ang isa’t isa?”

Nagulat si John nang malaman nito na matagal na silang magkakilala.

“Dati kaming magkaklase.”

Tumawa ng malakas si John. Dahil hindi gaano nag kwekwento si Jasper, hindi rin siya gaanong nagtatanong. Inutusan niya lamang si Wendy na pagsilbihan ng mabuti si Jasper at respetuhin bilang isang kliyente.

Matapos nilang magpaalam kay John, sila ay tumungo na sa securities company. “Hindi ako makapaniwala na milyonaryo ka na. Kapag nalaman ito ng ating mga kaklase, lahat sila ay magugulat,” sabi ni Wendy.

“Sinwerte lamang ako. Hindi ko inaasahan na makikita ulit kita,” sagot ni Jasper.

Tumawa ng mahinhin si Wendy. Kakaiba talaga ang ganda niya.

Hindi magarbo ang ganda ni wendy. Para lamang siyang isang tunay at purong lotus flower. Lahat ng maliliit na detalye sa kanya ay makakapag patibok ng puso.

“Hindi ko din inaasahan na makikita ulit kita. Ang dami ng nagbago sa’yo!” bati ni Wendy.

“Ano ba ako noon? Ano na ako ngayon?” tanong ni Jasper.

Tumawa ng malakas si Wendy. “Mas kinakausap mo pa ako ngayon kaysa noong mag kaklase tayo anim na taon ng lumipas. Tahimik ka lang noon. Hindi ka lumalaban kahit na pinagkakaisahan ka na. Sobrang mahiyain ka din,” sabi niya.

Habang nagsasalita si Wendy, tinitigan niya si Jasper. Nakikita niya ang kanyang anino sa mga mata nito. “Ngayon may kumpyansa ka na sa sarili. Mayroon akong hindi mapaliwanag na awra na bumabalot sa’yo. Mukhang marami ka ng pinagdaanan, pero ang kagalakan mo na dapat mayroon sa edad mo ay nasayo din. Kung kaya, kakaiba ka,” sabi niya.

Tumawa siya at iniabot ang kanyang kamay. “Unang trabaho ko ito. Gusto ko magawa ko ito ng maayos. Ipapakilala ko ulit ang sarili ko. Kinagagalak kong makilala ka, Mr. Laine. Ako ang iyong personal assistant. Maari mo akong tawaging Wendy Schuler!” bati niya.

Iniabot din ni Jasper ang kanyang kamay at hinawakan ang malambot at makinis na kamay ni Wendy. “‘Wag mo akong tawaging Mr. Laine. Pwede mo akong tawaging Jasp,” sagot niya.

Unang beses nilang makipagkamay sa isa’t isa, pero ang pakiramdam nila ay sila ay magkahawak kamay. Hindi naisip ni Jasper na balang araw magiging personal assistant niya si Wendy!”

Nang sila ay nakipagkamay, tumibok ang puso ni Wendy ng hindi inaasahan. Baka dahil sila ay magkaklase dati!

At baka dahil din sa… malaking pagbabago ni Jasper!

Habang tinitignan niya si Jasper, nakikita niya na napaka kampante nito at may malakas na dating.

Naramdaman ni Wendy sa kanyang puso ang pag hanga dito. Bigla niya din naisip ang mga gusto niya sa isang lalake... Namula bigla ang mukha nito!

Dahil ngayon na lamang sila ulit nagkita malipas ang mahabang panahon, masaya silang nagkwekwentuhan papunta sa securities company.

Ang securities company sa ilalim ng Commercial Bank ay ang pinaka malaking securities company sa bansa. Mayroon pa silang sales department sa maliit na bayan na ito.

Bilang isang nagtatrabaho sa Commercial Bank at personal assistant ni Jasper si Wendy, pamilyar siya sa mga proseso na kailangan nilang gawin.

Matapos ang isang buwan na paghihintay, tinawagan si Jasper ng manager ng departamento.

Hindi maari hawakan ng mga normal na empleyado lamang ang negosyo ni Jasper.

Masyadong aktibo ang securities hall. Parami ng parami ang bilang ng stock traders kada araw dahil nag-iiba ang market, mula sa bearish ito ay nagiging bullish trend. Kaya maraming tao ang napupunta para magbukas ng trading account.

Isa na si Penelope Hunt at Richton White sa kanila.

“Richton, ang dami naman tao dito,” sabi ni Penelope kay Richton habang sila ay magkatabi, tinitignan ang mga tao sa paligid nila.

Tumawa si Richton. “Maganda ang market ngayon. Madali kumita ng pera. Kaya maraming tao ang nagbubukas ng account. Maganda ang iyong desisyon na sundan ako dahil gusto mo kumita ng pera. Mataas akong uri na kliyente dito, kaya marami akong kakilala. Kaya hindi na natin kailangan pumila katulad ng mga ordinaryong tao,” pagmamayabang niya.

“Ang galing mo talaga, Richton. Ang dami mong kakilala kahit saan. Dala ko ang ipon ng pamilya ko. Kailangan mo ko tulungan kumita ng pera,” tugon ni Penelope.

“‘Wag kang mag-alala, kikita ka talaga ng pera kung susundan mo ako!” tumawa si Richton.

Habang sinusundan ni Penelope si Richton sa securities company, nahuli ng kanyang mga mata si Jasper sa bandang malayo. Itinawa na lamang niya ang kanyang pagkabigla. Humakbang siya ng malalaki patungo sa lalake.

“Napakaliit talaga ng mundo ng mga mag kaaway!”

Hindi inaasahan ni Penelope na makikita siya dito!

Mukhang si Jasper ay nandito upang magbukas ng account para sa stock trading. Dahil sa iniisip niyang kilos ni Jasper, bigla niya itong nginisian, “Nandito ka din ba para mag bukas ng account para mag trade?”

“Hindi ba pwede?” kalmadong tanong ni Jasper.

Naismiran si Penelope matapos niya marinig ang sinabi nito.

“Akala ko wala kang utak noon. Ngayon na tinitignan kita, wala ka talagang utak. Sa tingin mo kaya mo kumita ng pera katulad ng iba? Akala mo ba madali mag trade ng stocks?” tanong niya.

“Hindi madali para sa magulang mo ang kumita ng pera dahil sa pag tatanim. ‘Wag mong dumihan ang stock market. Bakit hindi mo tignan ang sarili mo kung saan ka nararapat? Naiintindihan mo ba kung ano ang market?” dagdag niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status