Kabanata 7

Mataas at galit ang boses ni Penelope. Isa pa, puno ng maraming tao ang hall. Biglang si Jasper ang naging sentro ng atensyon nang siya ay tignan ng mga ito.

“Hindi mo ito pamamahay. Kung nandito ako, wala itong kinalaman sa’yo. Maari ba ‘wag mo akong istorbohin,” sagot ni Jasper ng nakasimangot.

Ngumisi si Penelope, “Totoo wala itong kinalaman sa akin. Nag-aalala lamang ako na baka ang dalawang barya na nasa bulsa mo ay hindi pa sapat para bayaran ang handling fees. Ang lakas ng loob mo para pumunta dito at mag trade ng stocks. Nakakahiya!” sigaw niya.

Sa oras din na iyon, lumapit si Richton.

Matapos niyang makita ang card ni Jasper sa Glory Jewellers nung araw na iyon, inisip iyon ni Richton ng buong araw. Paano magkakaroon ang isang binatang lalake na nasa edad early 20s ang magkakaroon ng sampung milyon dolyares na ipon?

Malamang, ang card na iyon ay hindi pag mamayari ni Jasper.

Baka mayroon lamang isang mayaman na tao ang nanghingi ng pabor kay Jasper para bilhin ito.

Luminaw ang isip ni Richton ng maisip niya ang dahilan na ito. Mas nakampante siya.

“Tara na, Penelope. Bakit mo masyadong pinagtutuunan ng pansin ‘yang mahirap na ‘yan? Pwede na tayo dumiretso sa itaas at inayos na ng kakilala ko lahat ng kailangan natin. Ang isang mahirap na kagaya niya ay hindi magkakaroon ng chansa na makakita kung ano ang itsura ng VIP room sa buong buhay niya!”

Lumapit si Richton ng may ngisi sa mukha kay Penelope.

Umaliwalas ang mukha ni Penelope. “Tama ka. Ang galling mo talaga, Richton. Makakapasok ka ng VIP room hanggang kailan mo gusto hindi katulad nitong mahirap na ito na iniidolo lamang tayo,” sagot niya.

Matagal na tinitigan ni Penelope si Jasper.

Matapos nilang umalis, si Wendy ay nagmamadali may kasamang lalake na hindi gaanong katandaan ang edad.

Nang dumating na si Wendy, napunta ang atensyon ng lahat ng tao sa kanya dahil sa kanyang kagandahan.

“Paumanhin, Mr. Laine. Ako si Harold Wood. Pasensya na at pinag hintay ko kayo.”

Matapos niya marinig ang tungkol kay Jasper, ang hindi gaano katandaan na lalake ay nagmadali na halos tumatakbo na papunta sa kanya. Madalang ang isang high-profile na kliyente na katulad ni Jasper. Kapag napapirma niya ito ng kontrata, tataas ang work performance niya.

“Ayos lang,” sagot ni Jasper.

...

Sa loob ng private reception room.

“Mr. Laine, nais mo bang mag trade ng crude oil futures? Walang problema, kami ay inutusan ni President Jackson na bigyan ka ng malaking discount sa aming commission,” sabi ni Harold kay Jasper sa magalang na paraan.

“Ang account opening at agency fees ay ililibre na namin. Kaya lang, para maisagawa na namin ang pagsulat ng kontrata, maari niyo bang sabihin sa amin kung magkano ang balak niyong iinvest at anong leverage ang in inyong balak gamitin,” hiling nito.

“$12 milyon. Ang gusto kong leverage ay 50 times para ang aking $12 milyon ay maging $600 milyon, na gagamitin bilang operating funds. Kapag masyadong maliit ang halaga, masasayang lamang ang oras ko!”

Tumahimik ang buong kwarto matapos magsalita ni Jasper.

“Mister… Mr. Laine, masyado yang delikado!” utal na sagot ni Harold.

Bilang isang business manager ng securities company, si Harold ay marami ng naengkwentro na mga numero. Walang sinabi ang $600 milyon dito, kaya lang bilang isang personal na futures speculator, pinasok ni Jasper ang kanyang $12 milyon para magka leverage na $600 milyon na pondo. Hindi babalaking gawin ni Harold ito!

“High risks, high returns. Mr. Wood, takot ka bang tanggapin ito?” tanong ni Jasper ng nakangiti sa kanya.

“Mr. Laine, tatanggapin namin ang iyong kagusuthan sa isang kondisyon. Kailangan mong magdeposito ng $12 milyon sa account ng securities company, at hindi ito pwedeng ilipat hanggang hindi pa nakaklaro ang iyong futures account,” sabi ni Harold.

Tumango si Jasper. Siya ay ngumiti at iniabot ang kanyang kamay. “Ikinagagalak kong makatrabaho ka,” sagot nito.

Nakahinga ng maluwang si Harold. Hinawakan niya ng parehas na kamay ang kamay ni Jasper. Si Harold na kilala sa financial industry, ay napamangha ng tingin kay Jasper.

Ang binatang lalake na ito ay… hindi niya mawari!

Natapos agad ang pirmahan ng kontrata. Nagkaroon ng din ng chansa makapag salita si Wendy.

“Mr. Laine… Jasp, hindi ba masyadong delikado ito?”

Namangha si Wendy sa pagiging matapang ni Jasper. Subalit siya rin ay nangangamba.

“Kampante ako na magagawa ko ito.”

Tumawa si Jasper at tinuro ang upuan kaharap nito. “Umupo ka. Kahit na ikaw ang aking personal assistant, hindi mo ako amo. Magtrabaho tayo bilang mag kaibigan,” sabi niya sa kanya.

Napadiin ang mga labi ni Wendy at siya ay napa ngiti. Gumaan bigla ang seryosong kapaligiran sa reception room.

“Malinaw sakin ang mga desisyon ko.”

Tinuro ni Jasper ang kanyang ulo.

“Kaya ginagawa ko lamang ang mga bagay na sigurado ako. Kapag alam kong sigurado ako, hindi ko na kailangan isipin pa ang sasabihin ng ibang tao. Kapag ito naman ay hindi ko naiintindihan, hindi ko ito papasukan,” sabi niya.

Sinabi ito ni Jasper upang makatulong kay Wendy.

Sa kanyang alaala sa nakaraan, alam niya na si Wendy ay anak ng isang mayaman na lalake. Ang tatay niya si Dawson Schuler, ang pinaka mayaman sa probinsya nila. Walang nakakaalam sa mga kaklase nila tungkol dito.

Nalaman ito ni Jasper matapos mangyari ang insidente kay Dawson Schuler.

Ngayon, si Dawson Schuler pa din ang pinaka mayaman sa probinsya nila. Kaya lang, baka ang insidente ay nangyari na.

Makalipas ang kalahating taon, magkakaroon ng balita tungkol sa pagkasira ng capital chain ng Schuler Corporation. Ang pinaka mayaman sa kanilang probinsya, si Dawson Schuler, ay magpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa isang gusali.

Si Dawson Schuler ay nalugi dahil pinasok niya ang financial industry, kung saan hindi siya pamilyar kahit na sa textile siya kumita ng maraming pera. Kinaharap niya ang financial crisis kung saan bilyon bilyon na dolyar ang nawala na para lamang bula.

Pagkatapos mamatay ni Dawson, magdadalamhati si Wendy sa pagkawala nito.

Siya lamang ang naging kaklase niya na hindi naging mababa ang tingin sa kanya at siya rin ang magandang babae na gusto niya noon pa. Gusto niyang matulungan ito para hindi mangyari ulit ang nakaraan.

Busilak ang puso ni Wendy. Mukhang may pumasok sa kanyang isipan matapos niyang makinig sa mga sinabi ni Jasper. Pero wala siyang isinagot dito.

Pagkatapos pirmahan ang dokumento at pag kumpleto ng fund transfer sa ilalim ng tulong ni Wendy, mayroon ng $12 milyon na pondo ang international futures account ni Jasper.

Mayroon na lamang $1.6 milyon na natira sa kanyang account na ginamit niya upang magbukas ng domestic trading account.

Ilang araw din muna ang lilipas bago tumaas ang crude oil market. Sa panahon na ito, pwede niyang kuhanin na oportunidad ito na kumita sa domestic stock market sa pag bili ng ilang kilala na odd stocks.

Dahil ito ay millennium year, ang domestic stock market ay dahan dahan na tataas hanggang sa taon na 2008. Kung hindi siya minamalas sa panahon na ito, makakamit niya ang long-term earnings na may ilang hawak na stocks.

Sa kalagitnaan ng lahat ng ito, maraming negosyante ang nabubulag sa renowned odd stocks. Ang iba ay kinukuha tong oportunidad para palakihin ang kanilang pera at ang karamihan naman nakikita lamang ang pagtaas ng presyo nito at madidismaya lamang.

Dahil si Jasper ay nagkaroon ng pagkakataon upang mabuhay uli, hindi na niya palalagpasin ito.

“Mayroon ka bang pansariling ipon?”

Tanong ni Jasper kay Wendy matapos niyang gumawa ng domestic trading account.

Nagulat si Wendy. “Mayroon akong naipon mahigit $200,000,” nahihiyang sagot nito.

Sa mga panahon na ganito, malaking bagay na kay Wendy ang makaipon ng $200,000. Kaya lang hindi ito sapat kung iisipin ang estado ng kanyang pamilya.

“Magpalago tayong dalawa ng pera,” sabi ni Jasper sa kanya at siya ay kinumbinsi na magbukas din account.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status