Kabanata 9

”Anong problema?”

“Gusto ko maging magkakilala kayo ng ama ko!”

Matapos si Wendy magsalita, napansin niya ang pagka bigla ni Jasper. Ang kanyang magandang mukha ay biglang namula, “’Wag mo masamain, hindi ‘yun ang ibig kong sabihin.”

“Itong nakaraan kasi ang aking ama ay nalulong sa financial investment, pero wala siyang naiintindihan kaya nalugi siya ng malaking pera. Sana matulungan mo siyang mapunta sa tamang direksyon.”

Sa totoo lang, nangyari nga.

Alam ni Jasper na may pinagdadaanan si Wendy ngayon. Makalma niyang sinabi, “Bakit kita kailangan tulungan?”

Nagulat si Wendy. Simula ng bata pa lang siya, halos lahat ng nasa paligid niya ay gagawin kung ano ang hilingin nito. Lalo na ang mga lalake para lamang makumbinsi siya. Hindi ba iyon kusang loob nila?

Tama si Jasper. Wala naman relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa. At isang milyonaryo na si Jasper at hindi matatapos ang kanyang kinahaharap.

Kung tutuusin, sila lamang ay mag kaklase noon, bakit siya tutulungan ni Jasper?

Nahihiyang napangiti na lang si Wendy nang ito ay manghihingi ng paumanhin kay Jasper, “Medyo marami akong ginagawa ngayon at ang crude oil ay baka mag simula din agad. Maghintay ka lang at babalikan kita.”

Ang mga salita ni Jasper ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Wendy na para bang siya ay nakasakay sa isang roller coaster. Habang tinititigan niya si Jasper, hindi mapigilang tanungin siya ni Wendy, “Bakit mo ako tinutulungan?”

Sumagot si Jasper, “Marahil… tayo ay magkaklase! Tutulungan kita hanggang kaya ko.”

Lalong tinignan ni Wendy si Jasper na kalmadong kalmado. Napangiti na lamang ito at tumango ng maigi.

Kinagabihan na iyo, si Jasper ay umuwi sakay ng sasakyan ni Wendy.

Hindi na din nakakagulat na mayroong sasakyan si Wendy at ito ay isang BMW 3-series na nagkakahalaga ng $50,000 to $60,000.

Ito ay masyadong mamahaling sasakyan para sa mga ordinaryong tao, pero para kay Wendy, ito ang pinakasimpleng sasakyan na nahanap ng kanyang pamilya para sa kanya.

Ito din ang nagudyok kay Jasper na bumili ng sasakyan sa madaling panahon.

Pagkauwi ng bahay, bumuntong hininga si Jasper, kinuha ang kanyang telepono, at tumawag kay John Jackson.

“Brother, narinig ko marami kang kinitang pera ngayon. Congrats,” sinagot agad ni John ang telepono at sinabi ito ng may halong tawa.

Tumawa din ng bahagya si Jasper, “Maliit na pera lamang ‘yun. John, kailangan kitang istorbohin ngayon.”

Nais ni Jasper na lumipat ng tirahan. At isa pa, laging pumupunta si Penelope doon para guluhin siya, ngayon na may pera siya, gusto niya magpalit ng bahay.

“Mayroon akong bahay sa Pioneer Homes ngayon. Sa mga personal na rason, balak ko ibenta ang bahay. Sa susunod, plano ko bumili ng dalawa pang bahay. Maari mo ba akong ipakilala sa mga mapagkakatiwalaan mong ahente?”

Matapos marinig ito ni John, siya ay sumagot, “Maliit na bagay lamang ‘yan, ibibigay ko sa’yo ang numero mamaya. Kausapin ko muna sila para tulungan ka nilang matapos ito.”

“Salamat, John. Maghapunan tayo sa mga susunod na araw,” ngiting sagot ni Jasper.

Ito ay magalang na pagsagot lamang ni Jasper, ngunit may ibang naisip ni John kaya ito ay biglang napahagikgik. “Mayroon talagang pagkakataon para mag hapunan sa mga susunod na araw, pero hindi ko sigurado kung magiging interesado ka.”

“Maraming mga investors sa ating syudad na mahilig din sa stocks at futures. Kinokonsidera silang mga malalaking manlalaro sa kanilang grupo. Nagkakaroon kami ng exchange meeting paminsan minsan. Ito ay upang mapanatili ang magandang relasyon sa kanila.”

“Sa negosyo, lalo na sa finance, ang mga kakilala at kaalaman ang importante. Parang katulad nung nakaraan na naglaro ka sa futures ng mung beans, marami nagtaka kung sino ka.”

“Sa darating na exchange meeting, gusto ko imbitahan ka para sumama ka sa akin. Interesado ka ba?”

Habang pinapakinggan ang mga salita ni John, naintindihan ito ni Jasper.

Sa kanyang nakaraan, siya ay nasa financial industry at kilala niya ang mga nasa upper-level na grupo sa kanilang syudad.

Ang mga miyembro sa grupo nito ay mga namumuno sa kanilang sariling ispesyalisasyon. Maaring itong grupo na ito ay namamalakad sa financial circle ng syudad, at isang padyak lamang nila ay mayayanig na ito.

Kaya lamang, isa lamang siyang mababang uri na empleyado sa financial company sa kanyang nakaraang buhay at ang impormasyon na nasasagap niya ay base lamang sa mga sabi-sabi at ito’y kinaiinggitan niya.

Sa buhay niya ngayon, hindi niya inaasahan na makakuha ng ganitong oportunidad na makasama sa grupo na iyon.

Mula sa salita ni John, kabilang na siya ng grupo dahil mayroon na na siyang estado sa kaya nais niyang imbitahan ito.

Matapos niyang mabuhay ng dalawang beses, alam ni Jasper kung gaano kaimportante ang mga koneksyon.

Nang sila ay nagkasundo na ng oras sila ay nagpaalaman na at binaba ang telepono.

Mabilis lumipas ang oras kapag maraming pinagkaka abalahan.

Sa mga nakalipas na araw, ang international crude oil ay hindi pa dumarating at marami pang hindi natatapos na mga gawain, naka tuon ang isip at lakas ni Jasper ngayon sa domestic stock market.

Sa alaala ng kanyang nakaraan, parang mayroong kopya si Jasper ng mga stocks at ang lahat ng asset niya ay tumataas araw-araw.

Kahit anong stock ang kanyang piliin ito ay tataas ng tataas hanggang maabot ang hangganan nito.

Ang kanyang pangka buuan na kita ay nakakagulat na halaga.

Ang kanyang pondo na $1.6 na milyon ay naging limang milyon sa loob lamang ng ilang araw.

Ang kapital naman ni Wendy na $200,000 ay naging $600,000.

Ang kabilisan ng pagkita nila ng pera ay parang kasing bilis lamang ng pagpprinta ng bagong pera.

Mabilis na kumalat ang balita na parang apoy ang tungkol sa isang local stock god, ang iba na nakakaalam sa impormasyon na ito ay lumuluhod sa talaan ng transaksyon ni Jasper.

Magkakaiba ang balita, iniisip na bali balita lamang ito. Paano nagkaroon ng 100% na accuracy sa pagbili ng stocks?

Walang pakielam si Jasper sa mga chismis at usap usapan sa labas.

Sumusubok siyang magsuot ng suit.

Ito ang araw kung saan pupunta sila ni John sa isang pagtitipon. Nang malaman ito ni Wendy, nagkusa siya dalhin si Jasper upang mamili ng suit.

Sa paglabas nito sa fitting room, lahat ay napatingin sa itsura ni Jasper kabilang si Wendy.

Gwapo pala si Jasper, at ang kanyang matalas na mata at mga kilay ay lalakeng lalake ang itsura. Hindi man ganoon ka maskulado ang kanyang katawan, tamang tama lang ito.

Ang sukat ng suit ay parang itinahi para kay Jasper. Saktong sakto ang sukat nito. Isa pa, malapad ang kanyang mga balikat at maganda ang tindig nito. Bago sa mata ang kanyang kaanyuhan!

“Kamusta naman?” tanong ni Jasper habang ito ay nakatayo sa harap ng salamin.

“Gwapo!” komento ni Wendy.

“Bill please.”

Gwapo at mayaman.

Ang mata ng salesperson ay kumikinang habang tinitignan si Jasper, pero pag tinitignan nila si Wendy na katabi si Jasper, sila ay napapa buntong hininga na lang. Kung sabagay, alam ng mga tao kung saan sila lulugar.

Bihira lamang ang babae na may kumpyansa sa sarili kapag kaharap si Wendy. Siya ang laging napapansin at lagi niya natatalo ang kalaban.

Matapos bilhin ni Jasper ang mga damit, tumingin siya kay Wendy na nasa tabi lamang niya at bigla itong dinala sa Cartier store sa tabing pinto lamang.

“Wendy, tara pasok tayo.”

Habang tinitignan niya si Jasper papasok ng Cartier store, natigilan sandali si Wendy at hindi na gaano nag-isip pa at siya ay pumasok na din.

Akala ni Wendy na bibili si Jasper ng relo para maging matikas lalo, sa hindi niya inaasahan, tumingin ito sa kanya.

“Wendy, bibilhan kita ng regalo!” ngiti ni Jasper.

Sa kanyang nakaraan, hindi man lang nagkaroon ng lakas ng loob si Jasper na suyuin si Wendy Schuler.

Ngayon na nagkita ulit sila, mayroon na siyang pondo para suyuin siya, gusto ng makuha ni Jasper ang oportunidad na ito.

Habang sinasabi ito, hindi niya pinansin ang pagkagulat ni Wendy at siya ay tumungo sa salesperson, “Mayroon ba kayong Étincelle de Cartier collection na kwintas?”

Matapos tanungin ni Jasper ito, parehas na natigilan si Wendy at ang salesperson. Ito ay marahil ang kwintas na ito ay kabilang sa mga hindi kaya bilhin ng mga ordinaryong tao!

Ang kwintas ay aabot ng isang milyon, sa panahon ngayon, sapat na ito para bumili ng ilang bahay!

Bago sila magulat, may mag kasintahan din na nagtitingin ng alahas sa loob ng Cartier ay bigla din napatingin sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status