Kabanata 11

“Subukan mo,” sabi ni Jasper kay Wendy habang nakangiti sa kanya.

Sa kanyang nakaraan, hindi niya sinubukan maging malapit kay Wendy, pero iba na ang buhay niya ngayon. Mayaman na siya at magiging mas mayaman sa hinaharap!

Kapag ang lalake ay hindi na kailangan isipin ang pang pinansyal na kalagayan, makikita mo ang kumpiyansa sa sarili-katulad ni Jasper na nabuhay ng dalawang beses.

Kagaya ng sabi ni Wendy dati, magkaiba ang ugali ng paggulang ang pagkabata pag ito ay pinagsama. Para itong isang bisyo na hindi mapigilan ng babae magpadala.

Habang tinitignan ang kwintas na nakalagay sa jewelry box, mas lalo itong makinang tignan sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng Cartier counter. Nakaramdam ng konting kaba si Wendy.

Hindi ito dahil sa mamahaling presyo na $800,000. Bilang isang anak ng pinakamayaman tao sa probinsya, hindi ito sapat para siya ay magulat.

Ito ay dahil sa mga titig ni Jasper, nakaramdam ng ibang kaba si Wendy. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang kanyang mga kamay at hindi rin niya magawang tignan ng diretso sa mga mata si Jasper. Ito ay lumihis na lamang ng tingin at natarantang sinabi, “I… masyado itong mahal.”

Bakit naman magreregalo ng kwintas ang isang lalake sa isang babae na nagkakahalaga ng $800,000?

Maski ang isang tanga ay maiintindihan ito.

Sa kanyang kaguluhan ng isip, nakaramdam lamang si Wendy ng pagkakaba at gusto niya ng umalis.

Sa oras na ‘yun, kinuha ni Jasper ang kwintas, tumayo sa harapan ni Wendy, at sinabi, “Ibaba mo ang ulo mo. Isusuot ko ito sa’yo.”

Napakahinhin ng boses ni Jasper pero ito ay may tatag. Sinunod ni Wendy ang kanyang utos.

Ang balat sa likod ng batok ni Wendy ay napakaputi at lambot na may mga berdeng ugat na nakakalat.

Ang layo ng dalawa sa isa’t isa ay napakalapit sa puntong nararamdaman ni Wendy ang maskuladong katawan ni Jasper

Para kay Jasper, siya ay nahalina sa amoy ni Wendy.

Habang pinapanuod ang pangyayaring ito, dumilim ang mukha ni Felix. Nakita niya na na si Wendy ang babae sa kanyang puso!

Ngayon, si Jasper ay kumikilos ng malapit kay Wendy sa harap niya. Ang ayaw pa niya ay hindi mapigilan ni Wendy ang kayang sarili!

‘Damn it. Kung hindi mo ‘yan bibilhin, sakin mo makukuha yan!’ naisip ni Felix.

Matapos nitong dahan dahan ilagay ang kwintas sa leeg ni Wendy, humakbang patalikod si Jasper at sabay tingin at puri, “Ang ganda.”

Maganda na talaga si Wendy, pero itong kwintas na ito ang lalong nagpaganda sa kanyang mga balat at postura!

Nang itinaas ni Wendy ang kanyang ulo suot ang kwintas na to, siya ay mukang pinaka elegante at pinaka magandang dyosa. Wala ng mas gaganda pa sa kanya sa mga oras na ‘yon.

Tinitignan ang kanyang sarili sa salamin na hawak ng salesperson, nakita lamang ni Wendy na namumula ang kanyang pisngi at naluluha ang kanyang mahiyain na mga mata. Hindi siya ganito. Para siyang batang babae na nagkaroon ng first crush!

Nagalit ng kaonti si Wendy dahil hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa harapan ni Jasper.

“Ang ganda, kaya mo bang bilhin ‘yan?”

Ngisi ni Jasper, “Kung hindi, umalis na kayo agad. Tigilan niyong ipahiya ang inyong mga sarili. Hindi niyo kasalanan na mahirap kayo, ang mali ay mahirap na nagpapanggap pa sa lugar na kagaya nito. Ayos lang na lokohin mo sarili mo, bakit kailangan mo pa isama si Wendy sa’yo?”

Lumingon si Wendy kay Felix at sinabi, “Felix, hindi ko naisip na magpabili ng regalo kay Jasper, para hindi mo siya mapilit. Hindi kami magpapadala diyan. Jasper, tara na.”

Hindi gusto ni Wendy na bumili ng kwintas si Jasper dahil lamang sa galit. Pagkatapos ng sitwasyon, tatanggalin niya na ang kwintas upang makaalis na.

Kaya lamang, tumayo lang si Jasper at hinawakan ang kamay ni Wendy habang siya ay tumawa ng bahagya, “Napakaganda talaga. Hindi mo ito kailangan tanggalin.”

“Pakiswipe ang card.” binigay ni Jasper ang kanyang card.

“Hahaha!”

Tumawa ng napakalakas si Felix. “Mayroon kang $800,000 sa iyong card? Tapos ka na bang mag panggap? Sasabihin mo bang nagkamali ka ng kuha ng card pag nag transaction fail mamaya? Ito ay nakakahiya. Mamamatay ako sa kakatawa. Mukha kang kalmado, pero lamang sobra ka ng kinakabahan, ‘di ba? Hahaha!”

Si Lindy ay inabot at hinawakan ang braso ni Felix at sinabi ito ng nakangiti, “Tama. Parehas na lalake, pero ang laki ng agwat sa isa’t isa. Kayang bilhin ni Felix lahat ng walang pagdadalawang isip.”

Habang sila ay nangungutya, kinuha na ng salesperson ang credit card at ito ay iniswipe sa machine.

$800,000 ang transaksyon ay successful!

Biglang tumigil ang pagtawa ni Felix at Lindy na para bang sinuntok sa lalamunan, ang kanilang mukha ay biglang nagbago.

Lalo na si Felix. Tinangihan niyang paniwalaan na si Jasper ay kaya talagang bilhin ang kwintas.

Maski ang salesperson ay nagulat. Itong kwintas na ito ay nasa kanilang counter ng kalahating taon na. Maraming tao ang nakakita nito, ngunit wala sa kanilang bayan ang may kakayanan na bumili ng kwintas na may halagang 800,000.

“Mayroon bang mali? Hindi kaya bilhin ng mahirap na ito ‘yan!” Tanong ni Felix sa salesperson na may galit sa mukha.

Umiling ang salesperson at sabi, “Ito ay imposible. Natanggap namin ang transaction slip. Ang mga tao ay nagkakamali, pero dahil ito ay machine na bigay ng bangko hindi ito pwede magkamali.”

“Paano nangyari ‘yon…”

Tinitigan mabuti ni Felix si Jasper, at nagulat sa mismong oras na ‘yon.

“Maaring sa tingin mo ang kwintas na ito ay napakahalaga, pero sa aking mga mata, ang $800,000 ay katumbas sa mga ngiti ni Wendy.”

Habang nagsasalita, hinila ni Jasper si Wendy. Nagulat siya sa biglaang matatamis na salita. Sila ay tumalikod at sabay ng umalis.

Ang mga salita, matalas at malakas, ang nagpamaga sa mukha ni Felix.

Sa pagiisip ng kanyang mga panunuya, at ang mga salita ni Jasper, naramdaman na lamang ni Felix na nag iinit ang kanyang mukha at ito’y masakit.

Nagulat din si Wendy sa mga huling dominanteng salita ni Jasper. Hanggang sa pag hila sa kanya ni Jasper sa counter saka lamang siya bumalik sa kanyang sarili. Sabi niya ng mahinhin, “Mahal talaga ito. At isa pa, hindi pa ako handa.”

“Handa saan?” tanong ni Jasper.

“Huh?” tingin ni Wendy kay Jasper.

Tama. Saan nga ba siya mag hahanda?

Sa anuman, naramdaman ni Wendy na nag iinit ang kanyang pisngi. Bigla siyang nahiya. Pinadyak niya ang kanyang paa at sinabi, “Lagi mo na lang ako inaasar!”

“Haha!”

Tumawa si Jasper at sabay sabi, “Isipin mo na lang na welcome gift ito. Hindi naman ito espesyal na bagay at wala din itong kahulugan. Tanggapin mo lang. Wala itong ibig sabihin at wala naman ako hinihingi na pangako galing sa’yo.”

Matapos marinig ito, biglang nalito si Wendy.

Ano ibig sabihin ng mga salita niya ngayon? Bakit sinasabi niya na walang kahulugan ito at ano ang mga pangako sa sinasabi niya?

Masyado niya lang ba ito iniisip, or galit ito sa kanya?

Balak ba siyang ligawan nito?

Papayag kaya siya?

Sa madaling salita, iba siya sa mga lalake.

Sa kanyang magulong pag iisip, biglang hinawakan ni Wendy ang kanyang pink diamond sa kwintas sa kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng konting pag aalala.

Matapos mabuhay ng dalawang beses, hindi maiwasan ni Jasper na mapansin ang pagiba ng ekspresyon ni Wendy. Sa totoo lang, alam niya ang iniisip nito.

Napakaganda sa pakiramdam!

Sa kanyang nakaraan, wala siyang lakas ng loob na magsalita sa harapan niya, pero sa buhay niya ngayon, kusa siyang nagkagusto sa kanya!

Subalit, hindi naman nag mamadali si Jasper. Isa pa, ang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa ay dapat umusad ng dahan dahan. Marami pa silang importante na gagawin!

“Wendy, tara na. Kailangan natin pumunta sa banquet.”

“Sige.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Wendy kakaisip ng kung anu-ano habang sila ay patungo sa pupuntahan nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status