Kabanata 12

Royce Villa.

Ito ang pinakasikat na private club sa kanilang lugar. Sinasabing ang amo sa likod na ito ay isang kakila-kilabot na tao na may malakas na reputasyon.

Narinig na ito ni Jasper sa nakaraan niyang buhay. Noong panahon na iyon, ang amo ng kanyang tinatrabahuan na kumpanya ay miyembro nito. Bilang amo sa likod ng Royce Villa, hindi siya maari na makipag usap dito.

Ngayon, habang nakatayo sa harap ng Royce Villa, mayroon na siyang kakayahan na rumanggo sa mga pinakamataas na financial circle sa syudad.

“Jasper, nandito ka na.”

Si John Jackson ay ngumiti at binati siya kasama ang magandang babae sa tabi niya.

Sa mga gantong klaseng okasyon, lalake ang mga bida, pero maraming paraan upang mapakita ng mga lalake ang lakas nila. Ang kalidad ng babae na nasa paligid nila ay isa sa mga malalakas na paraan.

Kaya lang, ang babae na kasama ni John ay walang wala kay Wendy.

“John, salamat sa pag bigay sakin ng oportunidad.”

Kinumpas ni John ang kanyang kamaya, “Alam ko ang kakayahan mo. Kahit na hindi mo ako kilala, kung hindi man ngayon, makakapasok ka sa gantong klase ng grupo. Ginagawa ko ito para sayo in advance.”

“Marami ng tao ang nasa loob. Lahat ay pinag uusapan ang iyong nakaraan na performance sa mung bean futures market. Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?” ngiting tanong ni John.

“Tara.”

Tumango lamang si Jasper ng walang halong kaba.

Sa tabi niya, humawak si Wendy sa kanyang mga braso, mukhang isang makinang na bituin. Nakuha niya ang atensyon ng mga lalake habang sila ay naglalakad.

Pagdating sa pagkakakilanlan, ang reputasyon ni Wendy ay mas malakas pa sa mga taong nandoon. Isa lang naman ang kanyang tatay sa mga pinakamayaman sa probinsya, kung kaya walang pinakita na kaba si Wendy at siya ay kumilos lamang ng mabuti.

Dinala ni John si Jasper sa isang maliit na grupo. Apat o limang lalake ang nakasuot ng suit at leather sa sapatos ang naguusap at nagtatawanan. Sa hindi kalayuan, ang mga kasama nilang babae ay naguusap usap.

Agaw tingin si Wendy, matapos niyang bumati sa lahat kasama si Jasper, pumunta siya sa grupo ng mga babae upang makipag kilala.

“Brother, kamusta ang iyong assistant?” tanong ni Jasper sa mahinang boses.

“Hindi na masama.” tawang sagot ni Jasper.

Hindi siguro alam ni John ang kilanlan ni Wendy. Kung hindi, hindi niya gagawing assistant si Wendy.

Hindi lang iyon, ang anak ng pinakamayaman na tao sa probinsya ay sapat na para takutin ang isip ng mga tao sa paligid niya.

“Everyone, ito ang stock god na pinag uusapan ng lahat!”

Nakuha ni John ang atensyon ng lahat.

Biglang ang mga mata na puno ng pagtataka, pagsiyasat at pangungutya ay napunta kay Jasper.

Ano man ang isipin nila, lahat ay nasurpresa sa batang edad ni Jasper.

Lahat ng nandoon ay halos nasa mid-30s, at si Jasper Laine, isang binatang lalake na nasa early 20s, ang agaw pansin sa maraming tao.

“Ito ba ang lalake na lumikha ng milagro sa mung bean futures market nitong nakaraan lang?” tanong ng isang middle-aged na lalake.

Ngumisi si John at sinabi, “Wala ng iba. Nagbukas siya ng account sa Commercial Bank. Bakit ako magsisinungaling sa inyo?”

“Kailangan ko makilala ang taong ito. Ako si Kai Jones, Presidente ng Ascendas Investment.”

Ngumiti si Kai at inabot ang kanyang kamay na may palakaibigan na itsura sa kanyang mukha.

“Jasper Laine,” sagot ni Jasper at ito ay nakipag bati kamay.

Dahil sa magandang reputasyon niya, madaling napakisamahan ni Jasper ang grupo.

Kung sabagay, lahat ay gustong makipagkilala sa napakahusay na tao. Hindi lahat ay may kakayanan na kumita ng $13.6 milyon na mula lamang sa $800,000 sa loob ng limang buwan.

Kaya lahat ng taong nandoon ay nagtataka tungkol kay Jasper.

Sa oras na iyon, matagumpay na sinabi ni John, “Hindi niyo pa ‘to alam. Noon, itong kaibigan ko na ito ay pumasok sa stock market na may $1.6 milyon na puhunan at ito’y natriple niya ng ilang araw lang.”

“Wow! Napakahusay!”

Iba ang tingin ng mga taong nandoon kay Jasper.

Kung ang unang tagumpay ng investment ay base sa swerte, ang susunod na tagumpay sa maigsing oras ay dahil sa lakas. Isa pa, nakuha niya triple ng kita! Konti lamang ang may lakas ng loob na gawin ito.

“Talagang isang god of stocks!”

Bungad ni Kai, “Noong ako ay kasing edad mo, pinagyayabang ko ang pag didisco araw-araw. Wala akong ganyang kakayahan sa’yo noon.”

“Masyado kang mabait. Itong maliit kong kakayahan, paano naging karapat dapat sakin ang ganyang titulo. Iisipin ng mga tao na ito ay isang biro lamang,” mapakumbabang sagot ni Jasper.

Habang si Jasper ay nakikipag tawanan at usapan sa mga boss sa financial circle, may grupo ng mga tao ang dumating sa entrance ng banquet hall.

Sa tabi ni Hugh Lewis ay si Penelope Hunt na nakahawak sa kanyang braso. Kasunod nila si Richton White.

Itong nakaraang araw, nalugi ang pera si Penelope dahil sa nirekumenda na stocks ni Richton. Simula non ay ginugulo niya si Richton upang mabalik ang kanyang pera.

Kaya lang, wala gaanong pera si Richton upang maibalik ito, kaya pinakilala niya ito kay Hugh. Sabi niya hanggang mayroon siyang pahintulot mula kay Hugh, kahit daang libo pa o milyon ay hindi magiging problema.

Sino si Penelope Hungt? Pera ang pinaka importante sa kanya sa lahat ng bagay.

Hangga’t may pera siya, kaya niya gawin ang lahat.

Isa pa, ang nakilala niyang lalake ngayon ay si Hugh Lewis. Sa pakiramdam niya, habang hawak niya si Hugh, hindi siya mauubusan ng pera sa hinaharap!

Alam ni Hugh na si Penelope ay maganda at matalino, kaya niya ito dinala sa banquet para malaman ang kanyang abilidad at estado.

“Oh my, masyadong bongga dito. Hindi pa ako nakakita ng ganitong dekorasyon noon,” sabik na sagot ni Penelope.

Pagkatapos niya dito, sobra niyang ipag mamayabang ito.

Isa pa, ang pagpasok sa Royce Villa ay isang simbolo ng estado.

Bulong nito, “Gaano kalaki ang lugar na ito? Itong hall pa lamang ay kasing laki ng tatlo o apat na pinagsamang bahay.

“Itong villa siguro ay nagkakahalaga ng mahigit sampung milyon.”

Hindi mapigilang mahiya ni Richton sa mga sinasabi niya. “Ignorante ka talaga. Ang mga dekorasyon pa lang ay mahigit sampung milyon na. Kung wala kang alam, ‘wag ka gaanong magsalita at magbasa ka mabuti. ‘Wag mo gawing katatawanan ang sarili mo.”

Tinikom agad ni Penelope ang kanyang bibig, alam niya na hindi niya pwede mabastos ang kahit sino dito.

Ang pagdating ni Hugh ay nakakuha ng atensyon ng maraming tao. Kahit na kabilang sila sa isang grupo, may nahahati din sa mga malalakas at mahihina. Si Hugh ay hindi na nakakapag taka na kasama sa mga pinakamalalakas.

Sa oras na ‘yon, abala si Hugh. Ang Lantern Capital ay kilala sa buong probinsya. Sa kanyang biglang pagdating, ang mga tao na gusto makipag kilala sa kanya ay talagang pagkakaguluhan siya.

“Doon ka muna sa tabi. Kailangan kong makipag usap sa mga dati kong kaibigan,” sabi ni Hugh kay Penelope.

Si Penelope ay abala sa pagmamangha sa lugar, katulad ni Alice nang ito ay pumasok sa Wonderland. Syempre, hindi niya pwedeng hindi sundin ang utos ni Hugh, kaya siya ay masunuring umalis.

Nakuntento si Hugh habang tintignan na umalis si Penelope. Gusto niya ang mga masunurin at maamong babae.

Isang babae na sulit sa oras paglaruan.

Pumunta si Penelope sa kabilang gilid ng banquet at tinitigan ang mga magarbong dekorasyon doon, maski ang mga mamahalin na brand at alahas na suot ng mga bisita. Kinainggitan niya ang mga mayayaman.

Gustong sumiksik ni Richton sa upper-class circle, kaya lang hindi siya karapat dapat. Ngayon, kung hindi dahil kay Hugh, hindi siya karapat dapat na pumasok sa pinto nito.

Matapos niyang umikot, siya ay napabalik lamang sa tabi ni Penelope.

“Richton, tignan mo ‘yung cake. Mayroong siyang 12 layers. Hindi pa ko nakakita ng ganyang kalaki na cake.” habang tinitignan ang malaking cake sa hindi kalayuang dining table.

Ito ang una niyang pagkakakataon na makakita ng magarbong cake. Umiling siya at sinabi, “Magkano kaya ang halaga niyan?”

“Para sa isang banquet na katulad nito, siguro hindi baba sa isang milyon.”

Mas may alam ng kaonti si Richton. Napabuntong hininga siya habang nagseselos. “Ito ang tunay na high society.”

“Isang milyon!”

Nanlaki ang mga mata ni Penelope sa gulat.

Hindi pa siya nakakita ng ganoon karaming pera sa buhay niya, at itong mayayaman na ito na gumagastos para lamang sa party?

“Penelope, sa tingin mo ba si Jasper ‘yun?”

Ang mga salita ni Richton ay agad pinagtuunan ng pansin ni Penelope.

“Richton, baka mali ka. Sa tingin mo ba nasaan tayo? Paano ang isang mahirap na Jasper ay makakapasok…”

Bago niya matapos ang kanyang sinasabi, parang nabulunan sa pagsasalita si Penelope ng makita niya ang anino ni Jasper sa hindi kalayuan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status