Share

Kabanata 13

Nagulat siya ng makita niya si Jasper, siya ay nag-react bigla.

Nakapasok siguro siya dahil may kakilala siya. Kung hindi, paano siya makakapunta sa isang high-end party sa kanyang kakayahan lang?

Makikita ang pagkainis sa mukha ni Penelope. Lumakad siya papunta kay Jasper. Ang kanyang matinis na boses ay gumambala kay Jasper na nakikipag usap sa grupo nila ni John.

“Oh, Jasper, hindi ko inaasahan na nandito ka!”

Ang salitang ito ay agad nakuha ang atensyon ng mga kasama niya.

Nagtaka si John at tumingin kay Jasper.

Nanatiling tahimik si Jasper.

“Nagpapanggap na cool!” ngisi ni Penelope, “Isa ka lamang mahirap. Tapos pupunta ka dito at mag papanggap na mayaman?

“Makinig kayo. Isa lang siyang lalake na umaasa sa babae. Kaya lang siya nakapasok dito ay dahil nakahanap siya ng mayaman na babae. Kayong mga mayayaman. ‘Wag kayong magpapaloko sa kanya!”

Ngisi ni Penelope, sa kanyang pag iisip na inaalagaan lamang ito ni Wendy na nakita niya lamang noong isang araw!

Habang naiisip niya ito, bigla siyang nairita at tumitig ng masama kay Jasper, gusto niya makita ang takot at pagaalala sa mukha nito.

“Jasper, bakit hindi ka tumingin sa salamin para makita mo kung ano itsura mo? Sa tingin mo ba pasok ka sa gantong klase na kaganapan?”

Tumingin si Jasper sa mukha ni Penelope, “Kung ako ay hindi pwede, ikaw ba?”

Sumimangot si Penelope at sabay sabi, “Oo naman no. Inimbitahan ako ni Mr. Lewis mismo. Eh ikaw? Sa tingin mo ba mataas ka na dahil nakakilala ka ng isang mayaman na babae? Sabihin ko sa’yo, nawala ang iyong dignidad bilang isang lalake!”

“Jasper, hindi mo ba naiisip na ang isang mababang tao ay mananatili habang buhay na mababang tao? Kahit na manghiram ka pa ng suit, mababa ka pa din!”

Pangit ang tono ng pananalita ni Penelope.

Si Jasper na nasa kalagitnaan ng bagyo, ay hindi nagalit taliwas sa iniisip ni Penelope. Siya ay naging malamig lamang.

Para kay Jasper, si Penelope ay parang langaw na ayaw siyang tantanan. Siya ay nakakairita na, at ang kanyang mga intensyon para siya ay ipahamak ay mga kathang isip niya lamang.

Sa oras na yon, isang matipunong boses na may hindi katandaan ang nagsalita.

“Penelope, anong problema?” lumapit si Hugh.

Nang makita si Hugh, ang grupo ng mga boss na nakikipag kwentuhan at tawanan kay Jasper ay bumati sa kanya. Maski si John ay tumingin muna kay Jasper bago niya ito binati.

Isa pa, abala si Hugh sa mga oras ‘yun. Hindi nila pwedeng mabastos ‘to.

“Wala. May nakita lang ako na kakilala.”

Tumingin si Penelope kay Jasper ng may halong inis, pinapakita na wala siyang kinakatakutan.

“Itong lalake na ito ay isang mahirap talaga. Nakakilala siya ng mayaman na babae para dalhin siya dito. Nag-aalala lang ako na baka maloko ang boss dito, kaya nilantad ko siya.”

Tumingin si Jasper kay Penelope at kalmadong sinabi, “Dinala ako dito ng ibang tao, pero ikaw pumunta mag-isa?”

Nainis si Penelope at sinabi, “Bakit mo ikukumpara ang sarili mo sakin? Dinala ako dito ni Mr. Lewis.”

Hindi bago kay Jasper ang pangalan na Hugh Lewis. Siya ang pinaka legendary stock god sa syudad. Ginamit niya ang $2,000 noon para pumasok sa stock market at kumita ng $20 milyon sa loob lamang ng ilang taon. Kinalaunan, binuksan niya ang Lantern Capital, ang kauna unahang financial company sa syudad.

Kaya lang, base sa kanyang alaala, si Hugh ay nalugi sa iba’t ibang investment sa taon na ‘to, ang rason kung bakit nawalan ng kumpiyansa ang ibang investors at nag withdraw ng pera sa kumpanya. Dahil sa limitadong pondo, gumawa ng desperadong hakbang si Hugh at ito’y nag invest sa Tycoon industry at… nawala sa listahan ang Tycoon industry.

Nawala lahat kay Hugh at ito ay kinasuhan 14 na taon sa kulungan dahil sa ilegal na fundraising.

Matapos, siya ay nagpakamatay sa loob ng kulungan.

Ang rason kung bakit namangha si Jasper kay Hugh ay hindi dahil isa siyang legend sa syudad, at dahil itong matandang ‘to ay isang babaero.

Narinig niya na mayroong itong 20 kasintahan. Ito ay mga regular lovers, hindi pa kasama ang mga pang labas lang.

“Ang mga tao bang dinala ni Mr. Lewis ay mas maayos kaysa sa iba? Paano ka naging mas maayos kaysa sa akin?” tanong ni Jasper.

Nang marinig ito, nagalit at dinuro ni Penelope si Jasper, “Ano ang pinagsasabi mo? Kilalang tao si Mr. Lewis. Isang karangalan ang maimbitahan niya. Sa isang basura na kagaya mo na binenta ang sarili para dito, nag mamayabang ka pa?

“Sino ka para hindi kilala si Mr. Lewis sa mga mata mo? Jasper, sa tingin ko mayabang ka at walang alam. Para sa isang langgam na katulad mo, pwede kang durugin ng paulit ulit ni Mr. Lewis gamit lamang ang isang kamay.”

“Tama na.”

Tumingin si Hugh kay Jasper at sinabi, “Ang mga kabataan ngayon ay mayayabang, kaya hindi ko na ipipilit pa ito sa’yo, pero kailangan mong tandaan na dapat maging mapagkumbaba at matalino ka pag labas. May mga tao na hindi mo dapat bastusin.”

“Osige, hindi ito ang lugar para sa’yo. Umalis ka na ngayon. ‘Wag mo ng hintayin na tumawag pa ng security para palabasin ka.”

Nagwagi ang mga ngiti ni Penelope at sinabi kay Jasper, “Narinig mo ‘yun? Aalis ka ng kusa o gusto mo mapaalis pa?

“Mr. Lewis, ako nagdala kay Jasper dito.”

Nagsalita na si John sa oras na ‘yun ng pinagpapawisan. Isa pa, siya ang nagpakilala kay Jasper. Kung si Jasper ay talagang paalisin, magiging mahirap ito para sa kanya.

“John, kaibigan mo siya?” pagtataka ni Hugh.

“Siya ay aking little brother. Mahusay siya. Netong nakaraan lang, siya ang misteryosong retail investor ng domestic mung bean futures,” paliwanag ni John.

Sa oras na ‘yon, gulat na gulat si Hugh.

Sa financial circle, bukod sa stocks, futures ang pinaka iniiwasan ng mga tao na pasukin. Noon, ang sobrang pagtaas ng mung bean futures ang nagiging rason para ang mga tao ay maging mayaman o malugi ng isang gabi lang.

Pinasok niya din ito, sa kasamaang palad, mali ang kanyang pagpasok at nalugi ng milyon.

Pero, ang binatang lalake na nasa harapan niya ay ang usap usapan na retail investor na gumawa ng account sa pinaka mababang presyo at binenta sa pinakamataas na presyo. At siya ay nag-uwi ng sampung mahigit na milyon na pondo?

Kahit na… Bakit ito mahalaga?

Libong pondo sa mga ni Hugh ngayon ay wala lamang. Isang beses na tagumpay ay isa lamang swerte.

“So siya ‘yun, ang pinag uusapang stock god.”

Si Hugh ay natawa at sinabi, “Mga kabataan ngayon ay marami ng alam. Ang mga matatanda na katulad natin ay dapat na mag retiro.”

Ang kanyang mga salita ay pinupuri si Jasper, pero alam niyang may inis at galit sa mga linya nito.

Nang ito ay sabihin, may pag aalinlangan na makikita sa mga mata ng ibang kasamahan.

Kilala bilang isang manlalaro si Hugh sa market. Kaharap ang isang gwapong binatang lalake na katulad ni Jasper, nakaramdam ito ng inggit.

Nakadepende ito kung paano sasagot si Jasper.

“Masyadong mabait si Mr. Lewis,” sabi ni Jasper. Alam niya na si Hugh ay kakampi ni Penelope. “Ang capital market ay hindi tumatanda. Kung ikaw ay kumikita ng pera dahil ikaw ay mas matanda, ang lahat ng matatanda na babae at lalake sa nursing homes ay pwedeng maging stock gods.”

Sumama ang tingin ni Hugh kay Jasper na may pagbabantang tingin. Siya ay ngumisi, “Wala pang nagtangka na pagsalitaan ako ng ganyan sa tagal ng panahon!”

“Mr. Lewis, mas nakakatanda ka sa’kin. Dapat lang respetuhin kita,” agad sinabi ni Jasper, “Pero pamilyar sa’kin yang babae sa tabi mo. Naging magkasama kami ng ilang taon.”

Ang kapaligiran ay biglang tumahimik. Ang iba ay namangha kay Jasper dahil sa pag sagot nito kay Hugh, ang iba naman ay tumawa dahil sa pagka ignorante ni Jasper. Subalit, kahit sino sa kanila, wala silang plano makisawsaw.

Kaya talaga ni Jasper sabihin ang mga ganoong bagay sa harap ni Hugh. Kinukutya niya ba si Hugh dahil pinaglalaruan niya ang dating nitong kasintahan? Naghahanap ba siya ng ikamamatay niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status