Share

Kabanata 14

“Haha, bata!”

Tumahimik sandali si Hugh, at tumawa ng malakas. “Bata, mukhang ikaw ay napaka yabang!”

“Stock god man o hindi, isa lamang itong titulo, wala akong pakielam dito. Pero kung mayroong gusto umasta na mataas at magaling dahil sa isang babae, hindi ako mangangamba nito,” sagot ulit ni Jasper. Simple lamang ang rason dahil si Penelope ay ginagamit si Hugh.

Ang iba ay takot kay Hugh, pero hindi si Jasper.

Dumating ang punto na si Hugh Lewis ay unti-unti ng maghihirap. Karamihan sa mga investments nito ay manganganib na sa susunod na kalahating taon, at ang lahat ng ito ay mawawala, na magiging rason ng ikasisira ng capital chain ng Lantern Capital.

Higit pa, sa opinyon ni Jasper, ang pagkabagsak ni Hugh ay mangyayari ng mas mabilis. Sa kanyang personalidad, sino pa ba ang mamatay kung hindi siya?

“Bata, walang kwenta ang pagmamalaki. Dahil ang lahat ay nandito at magbubukas na ang market ng kalahating oras, bakit hindi tayo mag pustahan? Mamimili tayo ng stock at titignan natin kung sino ang mas malaki ang kikitain. Doon natin makikita kung ako ay tumatanda na o sadyang mayabang ka lang!”

Masama ang tingin ni Hugh kay Jasper, halatang galit.

“Mr. Lewis, ito ay…”

Lumapit si John. Para sa iba, si Jasper ay bata pa at kulang pa sa karanasan. Paano siya magiging kalaban ng isang batikan na katulad ni Hugh Lewis?

Hinahangaan ng sobra ni John si Jasper, at ito ay isang malaking kliyente niya din. Kahit ito ay isang opisyal o pribadong rason, ayaw niya makita na matalo ng malaki si Jasper.

“John, tumahimik ka kung ayaw mong madamay!” sigaw ni Hugh, na nagpaatras kay John na may hindi magandang ekspresyon sa mukha.

“Ano payag ka?” naninisik na tingin ni Hugh kay Jasper.

“Oo naman.”

Kinagulat ng iba ang mga salita ni Jasper. Hindi lang siya pumayag sa pustahan, mayroon din siyang dinagdag. “May pinaplano ako idagdag. Okay lang naman siguro sa’yo no?”

“Heh, bata, ‘wag mong isipin na ikaw ay nasa tuktok na ng mundo dahil may kinita ka ng pera. Mas marami ka bang pera kaysa sakin?”

Tumawa si Hugh.

Hindi siya pinansin ni Jasper at ito ay tumalikod, “John, ang ruby pendant na pinatago ko sa iyong bangko ay pakikuha mo para sa akin. Ipupusta ko ang ruby pendant at inaasahan kong kaya ito tapatan ni Mr. Lewis.”

“Osige! Kahit magkano pa ‘yan, tatapatan ko ang pusta na yan!” sabi ni Hugh.

Magkano ang halaga ng ruby pendant?

Dahil sa inaasahan sa isang mahirap na kagaya niya, walang kwenta para sa kanya ang pustahan na ito.

Tumawag agad si John upang dalhin ang ruby pendant sa Royce Villa. Si Penelope, na nakatayo sa tabi ni Hugh, ay naalala ang gamit na ito.

“Binili niya ang ruby pendant sa halagang $500,000,” sabi ni Penelope kay Hugh.

Natigilan si Hugh saglit bago ito tumawa. “$500,000? Binibiro mo ba ako? Kung kulang sa’yo ang presyong ito, ibibigay ko ito sa’yo. Hindi ka ba nahihiya na ilabas ito para ipusta?”

Matapos na sabihin ang mga salitang ito, ang ekspresyon ng iba ay parang bang nagpipigil ngumiti.

Kahit ang mga tingin nila kay Jasper ay puno ng pangungutya.

Sa panahon na iyon, kahit hindi maliit na halaga ang $500,000, sino ba ang mga taong nandoon? Ang $500,000 ay hindi gaanong kapansin pansin.

Hindi malayo ang Commercial Bank sa Royce Villa, at dahil ang mismong Presidente na si John ang nagbigay ng utos, agad mayroong empleyado ang dumating dala ang ruby pendant.

Matapos makuha ang pendant, sinabi ni Jasper kay Hugh, “Ang pendant na ito ay tinatawag na Chance Ruby. Ito ay sinuot isang beses ni Queen Victoria. At kinokonsidera na rare treasure ngayon. Ang halaga nito ay nasa $30 milyon. Sa auction, mas mataas pa ang presyo nito. Hindi pa ba ito sapat para makipagpustahan?”

Matapos sabihin ang mga salitang ito, lahat ay napatahamik ng sandali. Habang si Penelope at nanguna tumawa ng malakas.

“Hahaha, itong si Jasper Laine ay hindi lamang isang mayabang pero nahihibang na din! Sa tingin ko ay baliw na ito sa pera. Binili niya ito sa halangang $500,000 pero ang sinasabi niya $30 milyon. Bakit hindi mo pa sabihin na $300 milyon?

“Itong uto-uto na ito ay naniniwala sa mga pakulo ng may ari ng jewelry shop. Sabi ng may ari na sinuot ito ni Queen Victoria. Hindi ko inaasahan na mayroon tao sa mundo na maniniwala dito.”

Tumingin si Penelope kay Jasper na naawa, “Jasper, ‘wag kang maging tanga. Ang may ari ng jewelry shop ay sinabing peke ito. Kung ang pendant ay talagang pag mamay ari ni Queen Victoria, bakit ito ibebenta sa halagang $500,000. Ang isang uto-uto na kagaya mo ang bibili lamang nito!”

Si John lamang ang isa sa mga tao na hindi tinawanan si Jasper. Puno ng kahihiyan ang kanyang mukha.

Habang tinitignan na si Jasper ay napaka kampante, walang bahid ng konsensya siyang humarap sa mga taong pinagkakaisahan siya.

Napaiba ng tingin si John, at hinatak ang isang lalake na may edad 50 na.

“Mr. Landon, ‘di ba may ari ka ng isang auction house na may mga antique business matagal na pahanon na. Bakit hindi mo tignan kung magkano ang halaga ng pendant na ito?”

“Maari. Akin na, tignan natin.”

Ang matandang lalake na nag ngangalang Mr. Landon ay tumango. Nilapitan niya si Jasper at sinabi, “Maari mo bang ipakita sakin ang ruby pendant?”

Tumango si Jasper at binigay ang pendant sa kanya.

Tinitigan ito ng maigi ng matandang lalake at inobserbahan ito.

Lahat ay nakita ang pagbago ng kanyang mukha mula sa pagiging kaswal hanggang sa pagiging taimtim. Nagsimula itong huminga ng mabilis at ang kanyang kulubot na mukha ay naging puno ng pagkagalak.

“Mister, tigilan niyo ng tignan ‘yan. Ang uto-uto na si Jasper ay mukhang naloko. Mukhang sapat na yang $500,000, hayaan na sa $30 milyon,” sabi ni Penelope kay Mr. Landon.

“Manahimik ka kung wala kang alam!”

Sigaw ni Mr. Landon sa kanya, na nagpamutla sa mukha ni Penelope.

Ang mga tao na pinagtatawanan si Jasper ay natigilan din.

Nanliit ang mga mata ni Hugh, “Mr. Landon, ano ang ibig mong sabihin?”

Hindi na nakuhang sagutin ni Mr. Landon si Hugh.

Siya ay tumingin lamang sa ruby pendant sa kanyang mga kamay. Binigkas niya ang mga salita na nagpaiba sa mukha ng mga tao sa paligid. “Mr. Lewis, tunay ang ruby pendant!

“Ito nga ang ruby pendant na sinuot ni Queen Victoria na tinatawag na Chance Ruby. Ang huling balita tungkol dito ay hawak ito ng isang duke, pero wala ng balita matapos noon. Napasa siguro ito sa ibang kamay. Hindi ko inaasahan na lalabas ito ngayon.”

Napahinga ng malalim si Mr. Landon habang hinihimas ang alahas sa kanyang kamay. At ito ay dahan-dahan na binalik kay Jasper.

“Mr. Laine, kung interesado kang ibenta ito, pwede mo piliin ang aking auction house. Kapag itong alahas na ito ay iauction natin, ito na malamang ang huli. Ibibigay ko sa’yo ang magandang presyo base sa commission,” sabi ni Mr. Landon.

“Salamat,” sabi ni Jasper.

“Mr. Landon, sigurado ka bang hindi ka nagkakamali? Kung tunay ito, bakit ito binenta ng $500,000?”

Sumimangot si Hugh.

Naging seryoso ang mukha ni Mr. Landon at kampanteng sinabi, “Nandito na ako sa industriyang ito halos buong buhay ko na. Hindi pa ako nagkamali simula ng pumasok ako dito. Hindi ako pwede magkamali. Ang presyo na sinabi ni Mr. Laine ay mababa pa. Base sa current market, ang Chance Ruby ay hindi bababa ng $35 milyon!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status