Share

Kabanata 15

Matapos sabihin ang mga katagang ito, lahat ay nagulat. Ang mga tao na kinutya siya noon ay hindi na makatawa ngayon.

Maririnig ang mga buntong hininga nila.

Ang isang gamit na nabili ng $500,000 ay maaring mabenta ng $35 milyon?!

$35 milyon!

Sa oras na iyon, kahit ang mga mayayaman na amo ay naiinggit.

Ang isa sa mga hindi makapaniwala ay si Penelope at Richton.

Punong puno ng selos ang kanilang mga mukha.

Wala ng iba pang nakakaalam bukod sa kanila dahil nasaksihan nila na binili ni Jasper ang ruby pendant sa halagang 500,000. Noong oras na ýon, pinagtawanan nila si Jasper dahil sa akalang naloko siya sa pera.

Ngayon, lumalabas na ang ruby pendant ay nagkakahalagang 35 milyon?!

Tumutulo ng dugo ang puso ni Penelope. Ramdam nila na ang alahas na ito ay dapat pag mamay ari nila at sa kanila din ang 35 milyon!

“Jasper Laine, bakit hindi mo sinabi na napaka halaga ng ruby na ito?” pinunto ni Penelope at sumigaw kay Jasper.

“Baliw ka ba o sadyang may tama ang iyong utak?” sabi ni Jasper, “Bakit ko sasabihin sa’yo kung magkano ang halaga nito?”

“Ang laki na ng kinita mo ngayon. Dapat bigyan mo ako kahit kalahati man lang!” galit na sabi ni Penelope.

“Tanga!” Matapos sabihin ang salitang iyon, hindi na niya pwedeng guluhin pa si Jasper.

Ramdam ni Penelope na parang kinakagat ng mga insekto ang kanyang puso. Iyon ay 35 milyon. Dapat may porsyento siya doon. At isa pa siya ay dating kasintahan ni Jasper at muntikan pa silang ikasal!

Sumama ang tingin ni Hugh kay Jasper at sinabi, “Swerte kang bata ka.”

Walang pakielam si Hugh sa 500,000, pero ibang usapan ang 35 milyon.

Walang pwedeng mag kwestyon sa kagalingan ni Mr. Landon. Kung ito ang sinabi niyang presyo, malamang ito ay totoo.

“Tuloy pa ba ang pustahan?” tanong ni Jasper.

May halong inis na sinabi ni Hugh, “Dahil ito ay nilabas mo, bakit ako tatanggi? Maghanap ng magdadala ng dalawang computer!”

Pagkatapos magsalita, nilabas agad ni Hugh ang kanyang checkbook. Pagkatapos sumulat ng cheke, pinunit niya ito at nilagay sa lamesa, “Isang cheke para sa 35 milyon.”

Hindi nagdalawang isip si Jasper na itabi ang ruby pendant sa tabi ng cheke at sinabi, “Simulan na natin.”

Ramdam ni Hugh na ibinibigay niya ang pera niya kay Jasper, pero bakit si Jasper ay parang hindi ganoon ang nararamdaman?

Hindi pa kasi nag sisimula ang crude oil market, at ang pondo ni Jasper na 12 milyon ay masyadong maliit.

Kung madadagdag ang 35 milyon, makakapag simula agad siya na madagdagan ang kanyang kapital at masimulan ang mga susunod na hakbang para sa kanyang negosyo.

Sa pagsusugal sa stocks, si Jasper, na bitbit ang kanyang memorya matapos mabuhay ulit, ay kayang patayin si Hugh ng ilang segundo lamang habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Mabilis lang, may dumating na may dalang dalawang laptop at binuksan ang software. Sa oras na iyon, limang minuto na lang bago magbukas ang market.

Lahat ay pumalibot. Ito ay malaking pustahan na aabot ng 70 milyon. Kahit na sila lahat ay mayaman, nagulat pa din sila sa halaga nito.

Isang pustahan na nagkakahalaga ng 70 milyon. Hindi maiisip ni minsan ito ng mga ordinaryong tao sa buong buhay nila.

“Jasper, mag-ingat ka.”

Lumapit si John sa tabi ni Jasper at nag-aalalang sinabi, “Kumita si Hugh dahil sa stock market. Siya ay bihasa sa ganito. Madalang siyang magkamali.

“Bakit hindi na lang natin kalimutan ito? Hindi naman malaking bagay ang mabawasan ng konting dignidad. Mayroon ka pang pagkakataon. Hindi ka karapat dapat matalo dito.”

Alam ni Jasper na iniisip lamang siya ni John. Isa pa, wala naman umaasa sa kanyang pagkakataon, kabilang si John. Ngunit, ayaw umatras ni Jasper. Sabi niya, “’Wag kang mag-alala. Kampante ako.”

Habang nakikita ang determinasyon sa kilos ni Jasper, napahinga na lang si John at wala ng ibang sinabi.

Dahil alam niya na naglagay si Jasper ng 12 milyon sa crude oil futures market at tumaas ang leverage nito ng 50 beses, alam niya na ang binatang ito ay may desisyon. Hindi niya pinapahalagahan ang opinyon ng ibang tao.

Lumapit din si Wendy.

Nang makita ang pangamba ni Wendy, ngumiti si Jasper at sinabing, “Pipilitin mo din ba akong sumuko at sasabihin na hindi ito karapat dapat isaalang alang para sa aking dignidad?”

Ngumiti si Wendy sa kanya, parang isang daang rosas na namumulaklak. Binulong nito, “Hindi, naniniwala akong mananalo ka.”

Natawa ng bahagya si Jasper at sinabi, “Salamat sa iyong tiwala.”

Si Penelope na nakatayo sa hindi kalayuan kay Hugh, ay masama ang tingin kay Jasper. Sabi niya ng may halong pangungutya, “Walang kahihiyan na mag kasintahan. Iiyak din kayo mamaya.”

Matapos sabihin ni Penelope iyon, tumayo si Wendy sa tabi ni Jasper.

May masayang kapiligaran doon, napansin ni Wendy na si Jasper ang naging sentro ng pang aatake at pangungutya.

Ang nagpasimula ay si Penelope Hunt.

“Ikaw ba si Penelope Hunt?”

Tinignan ni Wendy si Penelope ng walang halong emosyon.

Sa mga oras na ‘yon, hindi lahat ay may kakayahang humarap at magsalita.

Bilang isang anak ng pinakamayaman na tao sa probinsya, hindi na nakakapagtaka na malakas ang dating ni Wendy!

Isa pa, ang pagsabi ng kanyang pagkakilanlan at pinang galingan, walang uubra sa kanya sa mga tao doon.

Sa kanyang malakas na awra at perpektong katangian, walang may kayang tignan siya ng mababa kahit kalalabas niya lamang.

Malamang ang kanyang awra na bilang anak ng isang pinakamayaman ay masyadong nakakatakot, o kaya naman ay masyadong maganda si Wendy, at si Penelope ay natatakot kaharapin siya.

Ganoon pa man, mayroon na siyang Hugh. Lumakas na ang kanyang loob para humarap.

“Ano ngayon kung ako?”

“Hindi ko alam bakit galit na galit ka kay Jasper, pero gusto ko lang ipapaalala sa’yo bilang kapwa babae na ‘wag mong hayaan na maging masama at wala sa katwiran na babae!

“At ‘wag kang mang aapi gamit ang ibang tao! Dahil lalong baba ang tingin sa’yo ng mga tao.”

Nakita na namutla si Penelope sa mga sinabi sa nito, naging mas kampante si Wendy. Ito ang unang beses na siya ay lumaban dahil hindi siya sang-ayon sa kilos ng ibang tao.

Hindi niya maintindihan ang galit ni Penelope at Jasper sa isa’t isa, pero nakikita niya ang mang gagamit na personalidad ni Penelope.

“Kung walang patutunguhan ang isang babae, ano ngayon kung kaya mong kuhanin ang pabor sa mga lalake? Isa lamang itong pansamantalang kawanggawa galing sa iba!”

Ang mga salita ni Wendy ay parang isang kutsilyo na tinusok sa puso ni Penelope.

Kahit na tahimik ang pangyayari, karamihan ng mga lalake ay sumang ayon kay Wendy sa kailaliman ng kanilang mga puso.

Sa panahon na ‘yon halos ang mga taong nakatayo ay mga mayayaman na unang henerasyon na nanggaling talaga sa wala. Naiintindihan nila ang paghihirap na nagsimula sa pinaka mababa.

Ang mga salita ni Wendy ay simple pero tagos, at ito ay pinaliwanag ang simpleng katotohanan.

Halimbawa, ang tulad ba ni Penelope Hunt ay may halaga?

Maaring masabi na walang lalake, maski si Hugh Lewis, ay titingin sa kanya.

Sa totoo lang, siya ay mapang-api dahil mayroon siyang kakampi.

“Ikaw!”

Nang gigil sa galit si Penelope. Tinuro niya si Wendy at sumigaw, “Sino ka para sabihin ito sa akin? Karapat dapat ka ba?”

“Hindi ka ba isa lang din magandang mukha? Hindi ko alam kung naka ilang lalake na ang nakatabi mo sa pag tulog? Lahat ay sumsampa sa kama ng lalake, paano ka naging mas kagalang galang kaysa sa akin?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status