Share

Kabanata 16

Kahit ayaw aminin ni Penelope, alam niya na ang pagkumpara sa kanila ni Wendy ay para lamang isang swan sa ugly duckling.

Sinusubukan niyang malampasan ang mababang tingin sa sarili sa at selos, hindi niya napigilan ang paglabas ng mga salita sa kanyang bibig.

Hindi nagalit si Wendy sa mga pang iinsulto ni Penelope. Siya ay umling laman. “Hindi ito mapipigilan. Ang iyong pagmamalaki sa mga nakasamang mong iba’t ibang mga lalake, pero sa tingin mo ang lahat ng babae ay kagaya mo? Patawad, pero hindi ako ganyang klase na babae,” sagot niya.

Lahat ay nagulat kung paano dalhin ni Penelope ang kanyang sarili.

Simula ng siya ay nagpakita, malagkit ang mga tingin sa kanya ni Hugh.

Kahit na balewalain niya ang mala anghel nitong ganda, bale wala ang kanyang mga babae sa pagka elegante nito.

Paano niya nakaligtaan ang gantong klase na babae?

“Tama ang iyong sinabi!”

Si Hugh, na nahulog na sa kagandahan ni Wendy, ang unang sumigaw ng suporta sa kanya.

Namutla ang mukha ni Penelope. Tumingin siya at hindi makapaniwala sa inasal ng lalakeng nasa tabi niya.

Bakit niya sinusuportahan si Wendy Schuler? Hindi ba niya nakikita na siya ay kinakagalitan nito?

Ganoon pa man, walang interes si Hugh kay Penelope sa mga oras na iyon. “Miss, ako si Hugh Lewis. Ako ang chairman ng Lantern Capital,” sabi nito.

Base sa karanasan ni Hugh, sa tuwing sasabihin nito ang kanyang pagkakilanlan, pinapakita nila ang kanilang mga pinakamagandang ngiti at ito ay umaaligid na sa kanya.

Kaya lang, hindi ganoon si Wendy. Siya ay humakbang palayo, pinapakita na gusto niyang mapag isa. Kahit kumunot ang kanyang mga kilay siya ay napakaganda pa din.

“Pasensya na, hindi kita kilala. At wala akong intensyon na makilala ka din,” sabi niya.

Pagkakilanlan ni Hugh ay balewala sa anak na babae ng pinakamayaman na tao sa probinsya.

Hindi man alam ni Hugh ang kanyang pinang galingan, lalo lumakas ang iterese niya dito!

Ito ang unang pagkakataon na tinanggihan siya ng isang babae matapos mag bukas ng negosyo.

Ang kanyang pagkasabik at pagdududa ay nagpaalala sa kanya kung gaano siya kapusok noong kabataan niya!

“Sa tinign ko maari natin kilalanin pa ang isa’t isa…”

Hinila ni Jasper si Wendy sa kanyang tabi.

“Mr. Lewis, date ko siya. Masyado kang nagsasalita,” magaang pagkakasabi ni Jasper, habang dinadala niya sa likod niya si Wendy.

Nagsasalita… masyado!

Lahat ay hindi mapalagay ng tingin. Kahit na ang tingin nila sa mga kilos ni Hugh ay hindi tama, walang may kayang sitahin siya bukod kay Jasper.

Dumilim agad ang mukha ni Hugh. Tumitig siya kay Jasper na tila bang may pananakit sa kanyang mga mata.

Hinid inaasahan ni Wendy na siya ay ipagtatanggol ni Jasper. Nakaramdam siya ng habag sa kanyang puso.

Subalit, alam niya ang posisyon at kakayahan ni Hugh. Lumapit siya maigi kay Jasper at sabay bulong sa tainga nito, “Jasp, parang sumama ang aking pakiramdam. Bakit hindi tayo ang maunang umalis?”

Naintindihan agad siya ni Jasper. Gusto niya makatulong makaalis sa mahirap na sitwasyon!

Tumayo siya para dito dahil hindi niya matiis kung paano siya indultuhin at takutin ni Penelope. Ngayon gusto niya makatulong na makaalis dito.

Ang ganitong klaseng babae ay mas maayos pa kaysa kay Penelope Hunt!

Sa oras na iyon, may habag na bumalot sa puso ni Jasper. Hindi lang maganda si Wendy at may magandang asal, siya din ay maawain at metikolosa!

Kaya lang… hindi na makaatras ngayon si Jasper!

Tumingin si Jasper sa agresibong tingin ni Hugh. “Hindi pa tapos ang laban. Paano ako aalis?” tanong niya.

Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Wendy. Bago ito may sabihin, nagsalita si Hugh.

“Haha, nag-aalala ako na kayo ay aalis! Dude, hindi ko alam na ikaw ay matapang at mabilis, hindi ko matanggi na naiiba ka. May katangahan ka lamang dahil hindi mo alam kung kailan ka susuko!” sabi nito.

Parehas silang hindi maayos ang pakikitungo. Imbes na sumuko, mas pinili ni Hugh na ipakita ang kanyang posisyon at kakayahan!

“Mr. Lewis, walang akong alam!”

Lumapit si Penelope na mayroong nakamamatay na tingin kay Jasper at Wendy. Ngumiti ito ng masama. “Bakit hindi natin pataasin ang kasiyahan? Bukod sa $35 milyon, bakit hindi natin idagdag si Wendy Schuler sa pustahan? Kung sino ang manalo pwedeng iuwi si Wendy? Hindi mas nakaka interesado ‘yon?” alok nito.

Ang kanyang salita ay nagbunga ng kaguluhan sa lahat. Lahat ay napatingin kay Penelope.

Hindi na nakakapagtaka ang katagang, ang puso ng babae ang pinaka masama sa lahat. Ang kilos ni Penelope na iyon ay masama at nakakahiya.

Tinutulak niya si Jasper hanggang dulo.

Ang pinakamagandang premyo sa pustahan hindi na ang $35 milyon. Ito na ay si Wendy Schuler!

Ang ganitong klaseng pustahan ay importante sa dignidad ng isang lalake. Kapag ang isa sa kanila ay natalo, baka patayin na lamang nila ang kanilang sarili.

Sumimangot si Jasper. Kinasusuklaman niya si Penelope Hunt sa buong mundo. Makikita ang pagkagalit sa kanyang mga tingin.

Maya-maya, si Hugh ay biglang tumawa. “Penelope, matalino ka. Ako’y namamangha sa’yo!” sagot nito.

Patuloy siyang ngumiti ng napakayabang. “Dude, lumuhod ka at gumapang paalis kung hindi mo kaya ang pustahan na ito!” sabi niya kay Jasper at Wendy.

Makikita ang malamig na tingin sa mata ni Wendy. Lalo siyang nagalit kay Penelope Hunt. Paano naging masama at mapag pakana itong babae na ito?!

“Wendy, tayo…”

Kahit na si Jasper ay hindi takot kay Hugh, hindi niya gustong madamay si Wendy sa kanya.

At masyadong nakakainsulto kung gagamitin siya sa pustahan.

Si Hugh at Penelope pwedeng maging kahiya hiya hanggang gusto nila, pero si Wendy ay tinatrato niya bilang kaibigan. Hindi niya kayang insultuhin ito.

“Jasper,” singit ni Wendy, nakatingin ng maigi sa kanya.

“Sabihin mo sakin na kampante kang mananalo?” tanong nito.

Tumawa si Jasper bilang sagot sa tanong nito. “Kaya ko siyang talunin agad,” sagot niya.

“O sige, ituloy ang pustahan. Isama ako sa pustahan!”

Matapos magsalita ni Wendy, hindi makuhang hindi mamangha ang mga tao sa tapang niya.

Hindi lahat ay sumasang ayon na maging pustahan, lalo na ang isang magandang babae.

Habang tinitignan ang determinadong mukha ni Wendy, tumango si Jasper. “Hindi kita ipapahiya,” sabi nito.

“Naniniwala ako sa’yo!” sagot ni Wendy, habang tumatango ito.

Si Jasper ay tumingin kay Hugh matapos sabihin ang kanyang salita. “Mr. Lewis, dahil ako ay pumayag na idagdag ako sa pustahan, dapat may idagdag ka din. Hindi ko gusto ang babae sa tabi mo. Dagdagan mo ang iyong pusta at gawin itong $50 milyon!” sabi nito.

Napatulala si Hugh sa mga sinabi nito.

Hindi inaasahan ng iba na magiging palaban din si Jasper. Sa akala nila na hindi papayag si Hugh, sumigaw siya. “Osige, pupusta ko sa’yo!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status