Share

Kabanata 17

Nanghingi agad si Hugh ng checkbook matapos mag salita. Sumulat ito sa cheke ng dagdag na $15 milyon at pinirmahan ito. Hinampas niya ito sa lamesa.

“Pag nanalo ka, kuhanin mo lahat. Lahat ng pera na ito ay sa’yo na! Kaya lang kailangan mo ng kaalaman para manalo muna,” sabi nito.

“Wow… Talagang pumayag si Mr. Lewis na gawin ito…”

Lahat ay biglang naghiyawan. Umabot ang pustahan sa $100 milyon!

Noong taong 2000, kapag ang isang tao ay may isang milyong dolyares ay masasabi ng isang milyonaro, paano pa kaya ang 100 milyong dolyares!

Kahit sa mga matataas na tao na nandoon, ang pustahan na nagkakahalaga na $100 milyon ay nakakabigla!

Isa pa, ang taong kasama sa pustahan ay si Hugh Lewis. Mas lalong nakakainteresado.

Makikita ang pagkasabik sa kanilang mga mukha. Hindi nila mahintay na magsimula na ang laban.

Sa oras na iyon, nag simula na ang afternoon trading session.

Ang stocks ay paiba iba ng galaw. Ang market ay nag iiba bawat segundo. Walang paraan upang malaman kung ano ang mang yayari sa susunod.

Si Jasper and Hugh ay nakatayo sa mga sarili nilang computer at nakaharap sa mga screen.

Si Jasper ay naghahanap base sa kanyang memorya. Hindi nagtagal, pinili niya ang stock ng isang kumpanyan.

Horizon Shares.

Nang binuksan niya ang interface ng Horizon Shares at tinignan ang trend ng stocks, naging kampante si Jasper.

Base sa historya nito, ang stock ay bumagsak sa pinakamababa at tumaas hanggang sa hangganan nito. Pagkatapos non, wala na masyadong nagbago. Kaya hindi ito pinili ni Jasper noon na investment dahil dito.

Magandang pagkakataon ito na gamitin para sa pustahan.

Ang stocks ng Horizon shares ay bumagsak sa hangganan nito.

“Pipiliin ko ang Horizon Shares. Pusta kong tataas ito hanggang sa kanyang hangganan,” anunsyo ni Jasper.

Ang mga nanunuod ay mga boss sa financial industry. Pamilyar sila sa stocks at alam nila ang tungkol sa Horizon Shares. Lahat sila ay nagtawanan ng marinig ang pinili ni Jasper.

“Nagbibiro ba siya ngayon? Ang stock na ito ay hindi gumagalaw ng tatlong buwan na. Ang dealer ay hindi binabago ang market o pinipigilan ito ng sadya. Ang ibig sabihin lang nito ay hindi maganda ang pinagdadaanan ng kumpanya at walang may gustong pasukin ito. Kapag tumaas ang market, magpapatuloy itong bumaba. Sasabihin mo sa akin na ang stock na yan ay tataas hanggang hangganan nito?”

“Alas, ang mga kabataan talaga ay mga kabataan. Malapit na ‘yan sumadsad pababa. Hula ko pikit mata na lang siya sa pag pusta. Kung hindi, paano siya mananalo kay Mr. Lewis?”

“Yari siya. Ibibigay niya ang kanyang date at assets. Sigh, tama si Mr. Lewis. Masyadong nagmamadali ang mga kabataan ngayon. Mawawalan at mawawalan sila.”

“Mismo, tignan mo ang Navy Pharmaceuticals na pinili ni Mr. Lewis. Maganda ang pamamalakad ng kumpanya at ang stocks nito ay stable. Kahit sino mapapansin na ito ay tataas unang tingin pa lang. Habang tignan mo ang basura na pinili ni Jasper Laine. Palabiro siya no?”

Sinilip ni Hugh ang Horizon Shares at tumawa. “‘Wag niyong sabihin iyan. Malay niyo ang binatang ito ay kaya talagang magbasa. Paano kung ito talaga ay tumaas?” sabi niya.

Matapos magsalita ni Hugh, ang Horizon Shares… sumadsad pababa.

Lahat ay nagsi tawanan.

“Hahaha. Nagiging palabiro ka, Mr. Lewis. Paano siya makakatantya ng maigi? Ang binatang ito ay pumili ng stock na sumadsad pababa. Mamamatay ako sa katatawa.”

“Mismo, ito ay bumagsak na sa pinakadulo. Posible ba na itong patapon na stock ay makakabawi? Ilang taon na akong nagtetrade ng stocks at wala pa ako nakita na ganoong nangyari.”

Hindi nagpaapekto si Jasper at Wendy sa mga tawanan nila at sa pulang sign na nasa screen na nagsasabi na bumagsak ang stock sa hangganan nito.

Habang tinitignan ang postura ni Wendy, hinangaan lalo siya ni Jasper.

Hindi siya natatakot ay mayroon siyang alaala ng nakaraan niya. Subalit, si Wendy ay ginagawa lahat ng ito base sa tiwala sa kanya. Ilang tao ang may kaya gawin ito?

“‘Wag kang mangamba!”

Napansin ang pag tingin ni Jasper, akala ni Wendy ay nagsisimula na itong mataranta. Binabaan niya ang kanyang boses at bumulong sa tenga nito, “Kapag pangit ang kinalabasan, tatawagan ko ang akin ama. Napakalakas ng aking ama! Walang may kaya sa kanya.”

Habang ang mabangong amoy ay bumalot sa ilong ni Jasper, naramdaman niyang gusto niya maiyak at tumawa ng magkasabay.

Nawala sa isip niya na nandadaya si Wendy sa pustahan na ito. Wala siyang intensyon na sundin ang patakaran. Walang makakatalo sa kanyang napakalakas na ama.

“Tumataas na, tumataas na. Ang stocks ng Navy Pharmaceuticals ay tumataas,” sabi ng isa.

Lahat ay tumingin. Ang stock na pinili ni Hugh na Navy Pharmaceuticals ay tumaas ng maganda. Tuloy tuloy ang pagtaas nito.

Mukhang malalaman na kung sino ang nanalo.

Tumawa si Hugh. “Ang stock na pinili mo ay sumadsad na pababa. Sa tingin ko wala ng rason para sayangin pa ang oras ng lahat, ‘di ba? Miss, akin ka na,” sabi nito.

Walang reaksyon ang mukha ni Wendy. Wala siyang sinagot ni isa. Tumingin lang siya kay Jasper.

Kapag ito ay tumango, tatawagan niya agad ang kanyang ama at makikiusap na ayusin ang sitwasyon.

Sa oras na iyon, napasigaw dahil sa sabik si John Jackson, “Tumataas! Tumataas!”

“Anong pinagsisigaw mo diyan, John? Lahat ay nakikita na umaangat ang Navy Pharmaceuticals. Bakit kailangan mo pa sabihin sa amin?”

“T*ng in*, ang sinasabi ko ang Horizon Shares! ‘Yung pinili ni Jasper Laine! T*ng in*, tignan mo itong uptrend! Sobra itong tumataas!”

Lahat, kabilang si Hugh, ay nagmadali pumunta sa screen ni Jasper. Bumilis bigla ang tibok ng kanilang mga puso.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status