Share

Kabanata 18

Sa makikita sa software program, ang Horizon Shares ay tumigil bumaba at ito ay biglang tumaas ng pataas na parang isang dragon na lumilipad sa ere!

Ang stock para sa Horizon Shares ay mabilis na umangat at naabot agad ang pinakamataas na hangganan!

Ilang minuto lang ang lumipas noong bumagsak ito!

Pinikit pikit ni Hugh ang kanyang mata habang tinitignan ang upward trend line na lumalagpas sa buong screen. Hindi siya makapaniwala.

Hindi ito isang simpleng stock na umaangat salungat sa inaasahan ng iba. Sa loob lamang ng ilang minuto, nawala ang $50 milyon ni Hugh!

Ang $50 milyon na salapi ay sapat na para makabili ng ilang lupain sa panahon na iyon!

“Oh my God… Totoo nga… tumaas ito sa hangganan niya! Daang libong stocks ang naseal…”

May sumigaw dahil sa pagkagulat nito.

“Paano nangyari ito. Hindi pa ako nakakita ng ganoon na trend sa buong buhay ko. Nangyari iyon ng wala man lang senyales. Paano naging posible ito?!”

Bumilis lahat ang tibok ng puso ng makita ang uptrend. Nang maka siguro na totoo ang kanilang nakikita, tinignan nila si Jasper kung paano nila tignan ang isang Diyos-sa kanilang pagka mangha.

“Siya ang God ng Stocks, talagang isang God ng Stocks!” pagkamanghang sigaw ni John.

Akala niya ang pagiging impassive ni Jasper ay resulta ng kanyang pag kagulat.

Ngunit, kalmado pa din ang mukha ni Jasper. Naiintindihan na ni John ngayon. Kampante siya simula pa lamang.

Anong...klaseng tao siya?

Maingat na kinuha ni Jasper ang ruby pendant habang tinitignan ang lahat ng nakatingin sa kanya. At ngayon mayroon na siyang $50 milyon!

Kumaway ito kay Hugh.

“Kukunin lahat ng panalo. Maraming salamat sa iyong mga regalo, Mr. Lewis!”

Pagkatapos magsalita, hinila ni Jasper si Wendy na nandoon lamang sa kanyang pwesto at sila ay tumungo palabas ng kwarto.

“Diyan ka lang!”

Sigaw na galit ni Hugh. Nagdiin ang kanyang mga ngipin ng mapansin niya na hindi huminto si Jasper sa paglalakad. Ganoon pa man, wala din siyang masasabi dito.

Maraming tao ang nakatingin sa kanya doon. Kapag nilabag niya ang mga sinabi niya, siya ay mapapahiya.

Isa siyang makapangyarihan na lalake. Subalit, maraming tao ang may gustong makita siyang patay. Ang ilan sa mga kaaway niya ay nadoon ngayon. Hindi nila palalagpasin ang ganitong pagkakataon.

Subalit, hindi niya matanggap na matatalo siya kay Jasper ng ganoon na lang!

Habang si Hugh ay patuloy na nagiisip, hinawakan siya sa braso ni Penelope. “Mr. Lewis, anong nangyari? Paano siya nanalo?” hindi mapakaling tanong nito.

Sinampal siya sa mukha. Tinignan lang siya ni Hugh nang bumagsak ito sa sahig. “Kasalanan mo lahat ng ito, isa kang tangang p*ta! Umalis ka na ngayon! Kung hindi, papatayin kita!” sigaw nito.

Makikita ang pagkagulat sa mukha ni Penelope. Kaya lang natatakot din siya. Hindi na ito nagbalak pang sumagot sa kanya at tinanggap niya na lamang ang mga pang iinsulto nito.

Bakit hindi napansin ni Richton White na si Hugh ay galit na galit? Agad niya hinila si Penelope papalayo at umalis sa venue kasama ito.

Lahat ay natapos na. Ang buong hall ay tahimik. Hindi nila inaasahan na matatapos ang pustahan sa ganoong pangyayari.

Bago ilapag ni Jasper ang kanyang alas, walang umasa na siya ang mananalo. Si Hugh na mayabang sa buong oras na ‘yon, ang tunay na talunan.

Lahat, kasama si John, ay may pagkagulat at pagkamangha kay Jasper dahil sa pangyayari na iyon.

Nakakuha siya ng $50 milyon ng ganoon lang.

Ganun pa man, nanalo siya dahil sa kanyang kapasidad. Bakit hindi niya kukuhanin ang pera?

Habang iniisip ito, ang iba ay natutuwa sa pinagdadaanan ngayon ni Hugh. Marami sa kanila ang ayaw ang pagiging mapang mataas na si Hugh. Subalit, walang may kayang kalabanin siya. Ngayon na natalo siya ng $50 milyon, ang kinahaharap ng kanyang kumpanya ang magiging malaking problema. Saglit na lamang ay babagsak na din siya.

“Malaki ang kanyang potensyal,” bulong ng isa.

Bago ang iba ay sumang ayon sa sinabi, tinitigan sila ng masama ni Hugh na parang nasugatang lobo.

“Sa tingin niyo siya ang nanalo sa pustahan?!” ngisi ni Hugh.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status