Isa si Zachary Xavier sa Four Great Guardians ng Divine Constabulary. Meron siyang kaalaman at karanasan.Anong mga eksena pa ba ang hindi niya pa nadadatnan dati?Gayunpaman, nang makita niya ang dugo at mga buto na nakalatag sa lahat ng dako sa silid, lubhang nangilabot ang kanyang mukha. Kumikibot nang husto ang sulok ng kanyang bibig habang sinasabi niya, “Ang mga sumasamba sa Blood Cult ay talagang hindi katanggap-tanggap sa mundo.”Dumating kagabi ang mga tauhan ng Divine Constabulary mula sa South California. Hindi lamang nila kinuha ang kontrol sa buong gusali ng Amaryllis Tower, nag-imbestiga rin sila ng maraming impormasyon.Nagpalitan ng impormasyon sina Alex, Sky at Zachary sa loob ng isang bakanteng kwarto.“Mahigit sa dalawampung taon na ang nakalilipas, mambubutang lang si Joshua Jones sa palengke sa Michigan. Nabuhay siya mula sa mga binabayad sa kanya ng mga tindero para sa proteksiyon at wala siyang masyadong pangarap sa buhay.“Ngunit kinalaunan, sumikat siya sa loob
Sa kabilang banda, sinundan naman ni Alex sina Brittany, Maya at ang iba pa pabalik sa Lush Cosmetics.Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumama na rin sina Waltz, Daya at iba pa.Biglang umalis si Alex sa California na wala man lang pasabi, dahilan para mabalisa ang dalawang babae. Nang maglaon, nang malaman nila ang nangyari matapos makipag-ugnayan kay Brittany sa pamamagitan ng phone, agad silang sumugod.Pagsapit ng tanghali, nakahanap ng mamahaling hotel ang grupo at sama-samang kumain.***Ala-una ng hapon ng araw ding iyon, ang opisyal na Instagram ng Lush Cosmetics ay nag-post ng balita tungkol sa pagpapanumbalik ni Stephen Hendrix sa dati nitong hitsura.Hindi lamang paghahambing na mga larawan ni Stephen ang meron bago at pagkatapos ng linggo. Meron pang high resolution na video bilang patunay.Sa video, nagbagong-anyo si Stephen mula sa pagiging madungis na binata na may balbas hanggang sa humantong sa hitsurang kumikinang sa kalusugan habang nakasuot ng puting kamiseta, itim
Walang nakaisip na biglang magkakaroon ng ganoong anunsyo si Zendaya Stoermer.Hindi maitatanggi, mas sikat si Zendaya kaysa kay Stephen Hendrix.Bukod dito, tatlong taon nang nagpapahinga si Stephen dahil sa naturang aksidente sa sasakyan.Makalipas ang halos dosenang minuto, nalampasan ng Instagram post ni Zendaya yung kay Stephen, na umabot sa tuktok ng mga trending.Para naman sa pagkakakilanlan ng “asawa” na binanggit ni Zendaya, naging mainit na talakayan ito ng mga netizen. Gayunpaman, dahil siya ang may-ari na bumuo ng produkto, ang Lush Scar Removal Cream mula sa Lush Cosmetics, tiyak na may kaugnayan siya sa Lush Cosmetics…Ang ilan sa mga opisyal na may access sa impormasyon ng archival, ay agad na hinanap ang abogado, kasalukuyang presidente at mga executive na namamahala sa Lush Cosmetics. Ang abogado pala ay isang dalagang nagngangalang Maya Howards. Samantala, ang impormasyon tungkol sa kasalukuyang presidente, si Brittany Rockefeller at iba’t-ibang mga datos tungkol sa
Mapusok niyang hinalikan si Zendaya.Marahang tumulo ang mga luha sa pisngi ni Zendaya.Rawr!Kinagat siya ni Zendaya sa labi hanggang sa dumugo ito.“Lagi mo dapat akong na-mimiss ha!”“Oo naman!”“Hintayin mo ang aking pagbabalik at manganganak ako ng malaki at malusog na bata para sa’yo.”“Sige!”“Mahal, alagaan mo rin ang sarili mo ha!”***Lumabas si Alex sa kwarto ni Zendaya at agad niyang tinawagan si Keith Yowell.“Mr. Yowell, kailangan kong pumunta ka sa Dorothy-Alex Constructions para protektahan si Dorothy.”“Pupunta na ako kaagad.”Nang matanggap ni Keith ang tawag, bahagyang natigilan siya.Base sa kanyang pang-unawa, matagal nang hiwalay sina Alex at Dorothy.Ngayon, parang hindi ganito ang kaso.***Makalipas ang isang oras o higit pa, sumugod si Alex sa Dorothy-Alex Constructions.Nakita niya si Dorothy, na nakaupo sa sopa sa opisina nito, kausap si Keith. Walang ibang naroroon sa eksena.Nakahinga ng maluwag si Alex nang makitang ligtas naman si Dorothy. Pagkatapos, ma
Paanong hahayaan ni Alex na may ibang pumalit sa kanya sa ganitong bagay?Hindi ba siya magiging cuckold siya kapag nangyari iyon?Tinanong niya, “Sinong may gusto sa’yo?”“Yung CEO ng Trinity International. Maldini yung apelyido niya. Isa siyang matabang lalaki na may malaking ulo. Sinabi niya na kung hindi ako sasama sa kanya, sisiguraduhin niya na magsasara ang ating Dorothy-Alex Constructions. Tingnan mo, isa lang akong mahinang babae at puro ibang babae lang ang inaatupag ng asawa ko. Ang magagawa ko lang ay ialay ang katawan ko para pangalagaan ang kumpanya.”“Um… nasa Michigan ako. Wala rin akong oras makipag-date.”“Oh. Bale aso pala yung kumagat sa labi mo?”“Ehem, ehem! Aalis na si Zendaya! Dadaan siya sa Pagsubok ng Impiyerno ng pamilya niya, kung saan maliit lang ang tsansang makakalabas siya nang buhay. Ginawa niya iyon para sa akin.”Nanigas ang ekspresyon ni Dorothy. Ngumuso siya habang sinasabi, “Sa huli, sobrang lala mo talaga. Alam mong palagi kang nasa panganib, pero
Naghanda pa siya ng nakatagong camera na inilagay sa headboard ng kama niya sa kanyang marangyang kwarto.Pagdating ng oras, mas magiging perpekto para sa kanya na i-record ang eksena. Hindi lamang niya ito madalas papanoorin para sa kasiyahan, ngunit maaari pa niyang gamitin ito bilang alas para pagbantaan si Dorothy sa susunod na pagkakataon nang walang anumang ginagastos.Alas otso, tumunog ang kanyang phone. Mula iyon sa kanyang tauhan na nagbabantay sa main entrance ng kanyang villa.“Mr. Maldini, nandito na si Ms. Assex.”“Sige! Papasukin mo siya kaagad.”Kung pupunta si Benedict sa balkonahe ng villa sa mga oras na ito, hindi lang si Dorothy ang makikita niya kundi pati na rin ang isa pang lalaki sa main entrance sa ibaba.Gayunpaman, hindi siya pumunta roon.Natural na hindi niya nakita na sinasakal na pala yung guwadiya niya ng naturang lalaki gamit ang matalim na karayom na nakatutok sa harap mismo ng mata ng gwardiya.Kung iuusog iyon ng kaunti para tumusok, mawawasak ang
“Ano?” Natigilan si Benedict nang marinig ang sinabi ni Azure kay Alex. Parang binabagyong dagat ang loob ng puso niya, na may malamig na simoy ng hangin na umiihip sa kanyang buong katawan.Tiyak na may kapangyarihan kahit papaano ang Trinity International sa California. Gayunpaman, napakalayo nito kumpara sa Thousand Miles Conglomerate. Dagdag pa rito, si Azure ay kilala na ngayon bilang bagong hari ng underworld ng South California. Paano niya magagawang saktan ang lalaking tinawag ni Azure bilang kapatid nito?”“Bro Azure, ito... Hehe, konting hindi pagkakaunawaan lang.”“Inimbitahan ko lang si Ms. Assex na uminom habang pinag-uusapan ang tungkol sa negosyo.”Inalog ni Alex ang bote ng alak. “Sinumang normal na tao ay hindi maglalakas-loob na inumin ‘tong alak mo. Sa sobrang dami ng droga sa loob, malilibog pati inahing baboy kapag ininom ‘to.”Kaasar!Nang marinig ito, agad na binigyan ni Azure si Benedict ng malutong na sampal sa mukha, pinapatalsik ang ilan sa mga ngipin nito.“
Ayaw magsalita ni Azure.Nagtaka si Alex. “Anong klaseng ekspresyon iyan? Hindi ka straight, ‘no?”Gumalaw ang mga labi ni Azure at sa wakas ay sinabi na may mahinang boses, “May sakit ako sa bato.”“Pfft!” Hindi na nakapagpigil si Dorothy at tumawa nang malakas.Lalong namula si Azure.Hinaplos ni Alex ang baba niya at sinabing, “Problema talaga iyang masamang bato. Kapag may gustong gumamit ng kutsilyo pero biglang nalaman na mapurol na pala, lubos na nakakahiya iyon.”Mabilis siyang kinurot ni Dorothy at bumulong, “Hindi ba parang pinapahiran mo ng asin yung sugat ng ibang tao? Masama na nga ang kalagayan niya, at sinasabi mo pa rin iyan?”Gusto na talaga ni Azure na maghukay sa lupa at ibaon ang sarili rito!“Bro Alex, wala ba kayong gagawin? Bilisan ninyo at umalis na kayo!”Kung hindi sila aalis, mas gugustuhin niyang magpakamatay na lang.Sagot ni Alex, “Huwag kang mataranta. Bilang binata, bakit ka kakabahan kapag binanggit lang ang sakit sa bato? Paano kung ganito, wala akong