Share

Her Desires (TagLish Version)
Her Desires (TagLish Version)
Author: Mathea P.

Prologue

I feel so weak in this body. It's very far from my liking but I heard na ito yong katawan na pinili nya, suits her.

It all started the day after our birthday. I've shared this body with someone whom I loathe so much. Well, mas mabuting sabihin na nagsusumiksik ako sa katawang hindi naman akin. 

She's known to be so nice and pretty kind to everybody in this lifetime while I'm the complete opposite. I take over this body most of the time after kong mahawakan ang sandatan konektado sa nakaraan kong buhay. 

I am completely aware of everything while she's being as dumb as she is. Hindi nya namamalayan na may gumagamit sa katawan nya.

I'm known as one of the most powerfull sorceress from my previous life but I was betrayed by someone whom I trust so much that it leads to my death. I don't accept defeat and I am someone who holds a grudge. I was once identified as evil.

"May mga piraso pang hindi buo." I may be aware of my being and my character in the past but there is still missing pieces. May mga detalyeng hindi ko maalala. Hindi ko alam ang buong pangyayari ng pagtatraydor nya sakin. 

Tinititigan ko ang mga mata nya sa salamin. Ito ang mga matang huli kong nakita habang unti-unti akong binawian ng buhay. Naalala ko ang mga ngisi at tawa nya. Gustong-gusto kong gumanti pero hindi ako makaganti ng maayos habang hindi pa kompleto ang naalala ko. Mahirap kumilos ng walang alam.

"Matulog ka lang ng mahimbing." Nanggagalaiting sabi ko habang nakaharap sa salamin. I am in control of this body now dahil natutulog pa ang kanyang diwa. Dadating ang panahon na mapapasakin na rin to and she will completely vanished from existence.

Pagkagising nya naman ay may mga detalye sa mga ginagawa ko na maalala nya pero iisipin nyang nanaginip sya o pawang natural lang ang mga ginagawa ko na parang sya ang may gawa at nagko-kontrol sa katawan nya. Alam ko ang bawat kilos at galaw nya. While on the other han she doesn't know about my existence.

Natatawa ako habang iniisip na kinabukasan ay magmumukha syang tanga pero nakakainis ang pagpapanggap nyang inosente at mabait. 

Kinuha ko naman ang sandatang may nakalagay na pangalan ko. I can feel the power it holds. I also remember that I am the one who cast a spell on this way back in my past life. Hindi ko lang alam kung paano napasakamay nila ito. 

May narinig akong kumatok sa pinto kaya tumayo ako at pinagbuksan ang taong kinikilala kong kapatid. 

"Father said you two have a training." Seryosong sabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay sa expresyong pinapakita nya. I don't particularly like or hate him dahil wala naman akong rason. For now.

"I told him you can't because you are injured but..." Tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa. Yes, this body is injured but I have high pain tolerance unlike Styx.

"you seem okay now." he continues. Ang boba naman kasi ng babaeng to at nadapa pa in the middle of general training. 

"I'm okay now. I can manage myself." Nakangiting sabi ko para makumbinsi siya na okay na talaga ako. I can't use my magic. Not until I am completely in control of this body. 

"Just don't overtrain yourself, okay?" He sounded so soft now. He even pat my head na parang aso. Tumango lang ako sa kanya habang nakangiti pa rin. 

I hate every face of affection.

Inirapan ko naman sya pagkatalikod nya. Naglakad ako sa papunta sa pinakapaborito niyang lugar dahil alam kong doon sya naghihintay. 

"Father" pagkuha ko sa atensyon nya. Tinignan naman nya akong nakakunot ang noo. 

"What are you doing here? I thought our training will be suspended because you're badly injured." Lumapit pa sya sakin upang suriin ang buong katawan ko. 

"I'm fine now. I can even lift a rock." I said calmly. I even put a smile on my face just to look charming and soft as per description of Styx. Ang sakit na ng cheeks ko kakangisi ng peke. 

"You seem different." He looks at me suspiciously.

Unti-unti naman nawala ang ngiti ko at tiningnan rin sya ng seryoso. Magsasalita na sana ako pero agad naman siyang tumawa. Nakitawa naman ako para sabihin same vibes kami kahit hindi ko naman alam kung bakit.

"I was just joking. I know you're not okay. It was only yesterday and now what? Your injury magically healed? Come on princess, rest. I'm sorry I didn't know it until a while ago when your brother told me." He looks at me softly just like how brother did. Alam kong ang pagiging concern nila ay hindi naman para sakin kundi para sa babaeng tunay na nagmamay-ari sa katawang to pero naiinis pa rin ako. 

I hate even a bit of affection. I don't particularly know why. I just feel like I loathe that feeling. Even the thoughts of it makes me want to puke.

"Okay. Maybe next time? I badly want to show you my skills." Hindi na ako nagpumilit pa. 

Lumabas ako ng hindi nagpapaalam at pumunta sa ilog. Tirik na tirik ang araw dahil tanghaling tapat pa naman. Pagkarating ko sa lugar ay walang kahit anino ng isang nilalang akong nakita kundi ang sarili ko. 

Lumapit ako sa gilid ng ilog at tiningnan ang repleksyon ko sa tubig. Agad akong naghubad ng kasuotan at napagpasyahang maligo. Pagkalusong ko sa tubig ay hindi ako tumigil hanggang nasa gitna na ako. Hinayaan ko ang sarili kong lamunin ng tubig. 

•••

I feel so exhausted. Kanina pa ako naglalakad ng walang patutunguhan. I can't make up my mind to where I am going to stay. I can't seem to choose a particular place. 

Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa may maramdaman akong agos ng tubig. Agad ko naman itong pinuntahan para makapagpahinga at gusto ko rin maligo kahit papaano. 

Pagkarating ko sa lugar ay nakakita ako ng talon at wala namang bakas ng isang nilalang kaya dali-dali akong naghubad at naligo na. 

Lumangoy ako hanggang sa pinakailalim. It feels so great being able to reach this deep and the crystal clear makes this whole place majestic.

Tumigil ako sa paglangoy at hinayaan ang sarili kong lumobog at anurin ng tubig. Ninanamnam ko ang lamig at katahimikan ng lugar. Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

Naalimpungahan ako ng may maramdaman akong malakas na enerhiyang paparating. Agad akong lumosong at kinuha ang damit ko't nagbihis. Nagtago ako sa gilid ng isang malaking puno. 

Papalapit na ang anino ng isang nilalang. Isang...tao? Ang alam ko hindi pa naman ako pumasok sa portal papunta sa mundo ng mga tao.

Tahimik lang ito at kahit wala pa siyang ginagawa ay nararamdaman ko na ang kanyang malakas na enerhiya. Pagkakita ko sa kanyang buong anyo ay napakunot naman ang noo ko. 

Isang batang lalaki. 

Ramdam kong hindi sya ordinaryo at napatunayan ko yon ng lumingon sya sa pwesto na pinagtataguan ko. 

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko kasi wala namang saysay dahil na bistado na. 

Hindi ako basta-basta natatakot pero pamilyar sakin ang enerhiyang nilalabas nya. Ang kilos at tindig ay pamilyar sakin. Bibihira lang ako matakot pero tinitingnan ko palang sya ay kulang nalang mamuti ako sa kaba. 

Kitang-kita ko ang kanyang mapupulang mga mata. Kasing-pula ng dugo. Ang kanyang mapuputlang balat na lumiliwanag kapag natatapatan ng araw. Bampira.

Unti-unti niyang binuka ang bibig nya hanggang sa may sinambit sya na mga salitang nakapagpatigil ng tibok ng puso ko.

•••

Nagmamadali akong umahon sa tubig. Naluluha pa ako habang umuubo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala don. Bwesit nayan, muntik pa akong mamatay. Nang makarecover na ako ay pilit ko naman inaalala ang napanaginipan ko.

Hindi ko na masyadong maalala. Kapag lalo ko pang pinilit baka tuluyan ko na itong makalimutan kaya yon ang ginawa ko. Akala ko makakalimutan ko na ang mga matang yon ngunit hindi. 

I forgot the rest but not those eyes. Those bloody eyes looking at me hungrily. Na parang gusto akong kainin ng buhay. Nakangisi pa habang nagsasalita.

"Even in this lifetime. Your life is mine., Morana".

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status