Share

Chasing the Moon
Chasing the Moon
Author: nixcineji

Simula

"Congratulations Ms. Mckenzie." Nakangiting kinamayan ako nito at tumango tango. Malaking ngiti ang iginawad ko siya kanya.

I just got a job today, as one of their writers here. I'm here at ACT PUBLISHING CORPORATION, nag apply ako nung monday, and today is friday the final interview and thank God nakapasa ako at natanggap.

"Thank you Ma'am, hinding hindi ko po kayo bibiguin." Pagkalabas ko ng building, tiningalaan ko pa ito bago ako nag tatalon sa saya. Dali dali ako nag punta sa parking lot at tinawagan ang kaibigan ko.

"Hello Drea." Bungad ko sa kanya habang binubuhay ang makina ng kotse ko.

"Hoy bruha ka, ano na ang balita? Natanggap ka ba?" Taranta nitong sagot, at napa buntong hininga. 

"Drea kasi..." Pambibitin ko sa kanya dahil gusto ko siya asarin.

"Anong kasi? Ano nga?" Inis nitong singhal na ikinatawa ako. 

"Natanggap ako." Hyper kong sagot sa kanya at hindi namin napigilan na mapatili sa tuwa.

"O to the M to the G, omg sis! Sa wakas natanggap kana din. Ano tara na ba mag celebrate?" Umiling iling ako kahit hindi niya nakikita.

"Nope, deresto ako ng bahay dahil maghahakot ulit ako, last batch na iyon." Papunta ako ngayon sa bahay ko sa Bellé Royale Village para kunin ang mga last batch na gamit ko sa bahay at tuluyan ng makalipat.

"Ay oo nga pala, nag lilipat ka. Bukas puntahan kita para tutulong ako sa pag aayos ng gamit mo sa bago mong nilapatan." Saad nito.

"Oh sige para makapag celebrate na din tayo. Mag katrabaho na tayo sis I'm so happy. Ibaba ko na to ah, medyo malapit lapit na ako." Masaya kong saad, talagang mahahalata mo ang galak sa aking tono.

"Oh sige sige, bye ingat, love you sis."

"Love you too." Sagot ko tsaka ko pinatay ang tawag. Isinandal ko ang likuran ko sa upuan habang nakangiting nag mamaneho. Naabot ko na ang pangarap ko sa wakas, it's been 3 years since that day. 

The day he hurt me, the day he left. Nakayanan kong mag isa kahit sobrang hirap, nakayanan kong wala siya. Napatawa ako ng mapakla ng maramdaman kong tumulo ang luha ko. Dali dali ko ito pinunasan ito bago lumiko papasok ng village.

Pagkapasok ko ng gate ay kinawayan ako ng guard at tumango ako sa kanya. Pagkarating ko sa tapat ng bahay, pumikit ako ng marrin at bumuga bago bumaba. Pinagmasdan ko ang bahay sa aking harap, ang saksi ng lahat lahat sa mga nangyari sa aming dalwa.

Binuksan ko ang gate at nag lakad papasok, kinuha ko ang susi ng front door sa bag ko para maunlock ito. Pag kabukas ko ay walang madadatnan na mga gamit sa sala dahil na ilipat na sa nilipatan ko, tanging mga libro nalang na  niregalo niya sa akin ang natira sa katabing kwarto naming dalwa. 

Isinilid ko ang mga ito sa karton, puro mga favorite story ko itong lahat na isinulat ng mga favorite authors ko. Habang nagliligpit ay hindi ko maiwasan maalala ang gabing yun, napapikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili ko.

*****

Dali dali ako pumasok ng bahay at naabutan ko siyang nag lalabas ng bagahe niya. Nakaramdam ako ng kaba ng nabaling ang tingin niya sa akin, his eyes are full of anger.

"Bumalik kapa?" Sarkastik nitong tanong habang inaayos ang mga gamit. Taranta akong lumapit sa kanya.

"Saan ka pupunta? Kasama ba ako? Aalis tayo?" Naluluha kong tanong sa kanya habang sinusubukan ko siyang hawakan pero nilalayo niya ang sarili niya sa akin.

"Ako lang ang aalis Ayesha. Ikaw bahala ka kung gusto mo umalis din at sumama sa lalake mo o dito mo patirahin wala akong pake." Nagulat ako sa sinabe niya, lalake? Si Caleb ba ang tinutukoy niya? Wala siyang alam?

"Hindi kita maintindihan Lawrence, ano ba ang problema? Sasama ako sayo, hinding pwedeng ikaw lang aalis." Napatalon ako sa gulat ng hagipin niya ang vase sa gilid ng hagdan at binasag ito.

"Fuck Aye, wag kana mag maang maangan pa. 3 buwan kang nawala kasama ang lalake mo tapos babalik ka dito na parang walang nangyare? Babalik ka dito na parang wala kang boyfriend na nag aantay sayo?" Nag simula na itong umiyak. Napiyak ako at umiling iling ako sa kanya.

"That's not true baby, please hear me out. I'll explain it to you, just please..." Mag mamakawa ko dito pero inilingan lang ako nito at tinignan na nadidiri. 

"I don't need explanation Aye, kitang kita dito yung kagaguhan na ginawa mo sa likuran ko." Pasalpak na hinagis niya sa akin ang brown envelope, napatingin ako sa kanya bago magbaba ng tingin duon. Nanginginig akong buksan ito at napatakip ako sa aking bibig ng makita ang laman nito.

"No please Lawrence, pakinggan mo naman ako please wag ganito." Nag lakad ito papalapit ng pinto dala dala ang tatlong bagahe niya, dali dali ko ito niyakap mula sa likuran niya.

"Please baby, don't do this to me. Hindi ko kaya, wag mo ko iwan. Hindi ko magagawa sa iyo yon." Marahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at nilingon ako.

"Nakita mo na ang ebidensya nag sisinungaling ka padin, talagang sa harapan ko pa Ayesha. Mahiya ka naman, panindigan mo yang kasalanan na ginawa mo, pagod na ako." Umiling ako sa kanya at nag mamakaawa padin na wag ako iwan.

"Maniwala ka naman sa akin please Lawrence mahal kita." Natawa ito sa sinabi ko.

"Mahal mo ako? Mahal? Damn that pag mamahal na iyan. Ang sakit mo naman mag mahal. Kung mahal mo ko hinding hindi mo gagawin yun sa akin. May kulang paba ha? May kulang paba sa akin Aye? Ibinigay ko naman ang lahat diba? Ano paba ang kulang?" Galit nitong sagot sa akin, hinawakan niya ako ng mahigpit sa magkabilang braso ko at tinignan ako sa mga mata.

"Tama ang mama mo, magaling ka manakit ng damdamin ng mga lalake, na nakakapagod ka. Oo tama ang narinig mo, nakakapagod kang mahalin Aye, pagod na pagod na ako sayo and i regret that i loved you. Sana hindi kita nakilala, at sana hindi kita minahal para hindi ganito kasakit." Binatawan niya ako ng tuluyan at umalis. 

Napaluhod ako sa narinig ko, he regret that he loved me, na sana hindi niya nalang ako nakilala at minahal, but me i will never ever regret that i loved him and i do love him. Sinabukang kong tumayo at para habulin siya pero hindi kaya ng mga tuhod ko, unting unting nandilim ang paningin ko kasabay ng pagdilim ng mundo ko sa pag alis niya. My love, my happiness and my moon who always there for me to be light of my dark world, left me.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fuer Tes
ouch bat kasi gagawa ng mali tapos sasabihin niyang mahal ung tao ang weird ng ganung tao HAHAHAHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status