Share

Kabanata 32

Kahit nakalabas na kami sa pinagkainan namin at nasa loob na ng sasakyan ay tahimik pa rin ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable kapag nasa iisang lugar kami ni Emerald o kahit magkausap man lang. Palagi kasing nagre-replay sa utak ko iyong nangyari dati. 

Hindi ko alam. Para na siyang nakadikit sa isip ko na kahit anong tanggal ko ay hindi ko magawa. 

Huminga ako ng malalim. Bakit kaya magkasama sila ni Keith? Umiling ako. Huwag ka na lang mangialam, Michelle. Tama. Huwag na. Problema na nila 'yon.

"Love?"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Aziel. Kanina rin ay medyo nainis ako sa kanya. Akala niya ata na hindi ko napapansin 'yong mga sulyap niya kay Emerald. Hindi ko naman siya masabihan kasi ayaw kong masira ang date namin.

"Bakit?"

"Kanina ka pa tahimik, ah? May problema?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang atensyon sa labas ng bintana. "Wala naman. . ."

Narinig ko ang pagbuntong hininga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status