Bittersweet Melody (Tagalog)
Bittersweet Melody (Tagalog)
Author: Archeraye
Simula

Nakatitig ako sa singsing na kanyang binigay. Kumikinang ito at sobrang ganda kabaliktaran sa relasyon naming dalawa. Unti unti nang nawawala ang respeto at walang araw na hindi kami nag-aaway. Kahit dinudurog ang aking puso ay nagawa ko pa ring tanggalin ang singsing mula sa aking daliri. Pigil na pigil ko ang aking luha habang dahan-dahan ko itong nilalapag sa lamesa.

“Ayoko na. . .” bulong ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Lumipat ang kanyang tingin sa akin at sa singsing. Ilang beses siyang umiling.

“No, no, no! Love, please huwag naman ganito.” Aniya at tumayo sa pagkakaupo.

I bit my lower lip to stop myself from crying. I need to do this. I’m tired. I am finally awake and I am not blind anymore to see the red flags. Eight years. I suffered for eight fucking years because I love him so much. I gave him so many chances because I thought that he will change. But he didn’t until I get tired of it.

“I am giving back that ring not because I don’t love you anymore but because we need to end this.” My voice is now shaking.

Nilapitan niya ‘ko at hinawakan ang aking kamay. “Love. . .”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang kanyang mga mata ay namumula. Tuloyang tumulo ang aking luha nang lumuhod siya sa harap ko. “A-anong gusto mong gawin ko? Love, please. Huwag ganito,” nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

Umiling ako nang umiling. “Let’s end this, Yhel. I don’t want to spend the rest of my life with you! Ilang taon akong nagtiis at ilang beses kitang pinatawad kasi akala ko babalik sa akin ‘yong dating Aziel na m-minahal ko,” tuloyan nang nabasag ang aking boses. Mahirap para sa ‘kin na gawin ito pero kailangan.

Hinawakan niya ang kamay ko habang umiiyak at nakaluhod sa harap ko. Ang bigat sa dibdib. Sobrang sakit pero mas lalo lang kaming magkakasakitan kung ipagpapatuloy naming dalawa ang relasyong ‘to.

“P-please, love, one last chance! Last chance. I’ll be good. Please, huwag mo ‘kong iwan.”

Walang tigil sa pagbagsak ang aking mga luha. Nahihirapan na ‘kong huminga dahil parang dinaganan ng malaking bato ang dibdib ko. “Y-yhel, I gave you so many chances before because I thought that you will change for good! Walong taon akong nabulag at naniwala sa mga pangako mo na hindi mo na ‘ko sasaktan! Na aayusin mo na ‘yong buhay mo pero napapagod din ako, Yhel! Nauubos din ako!” I screamed.

“Aayusin ko na naman talaga, eh. Aayusin ko na, love. Pero bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Malapit na ‘yong kasal natin, oh! Michelle, malapit na!”

Napahagulgol ako. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha na para bang isang gripo. “Kaya mas pinili kong makipaghiwalay sa ‘yo nang maaga kasi baka pagdating ng kasal natin walang Michelle na dumating! Hindi mo ba ‘ko naiintindihan?! Napapagod na ‘ko! Nauubos na ‘ko! Marami akong sinakripisyo para sa relasyong ‘to kasi mahal kita! Wala nang natira sa akin, Yhel! Binigay ko sa ‘yo lahat pero hindi mo ba nakikita na nagkakasakitan na tayong dalawa?!”

I am thankful because I was able to love him, but I need to save myself. I ignored the opportunities. I sacrifice my dream because he doesn’t want me to be far away from him, and I was too attached to him to the point that I became blind and deaf because the only thing that matters to me is . . . him.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
CarLyric
Bakit umpisa palang ang sakit na?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status