Share

Kabanata 1

“Anna, ayaw ko nga sumali riyan, eh. Mapapahiya lang ako!”

“Ano ka ba! Wala namang mawawala kung susubukan mong mag-audition, ‘di ba?” pamimilit sa akin ng kaibigan ko. Naiinis na ‘ko kasi kanina pa niya ‘ko pinipilit na mag-audition daw sa lintek na glee club na ‘yan!

“Nahihiya ako, okay?! Paano kong pumiyok ako? Mawala sa tono? Edi, pagtatawanan lang nila ako?”

Naibaba niya ang hawak na flyers. Nakasimangot din siya at halatang badtrip na badtrip na sa akin. Tsk! I already told her that I don’t want to join that club! I am afraid that what if I failed? Mababa na nga ang self-esteem ko, ipapahiya ko pa ‘yong sarili ko sa harap ng maraming tao? Huwag na uy!

“Alam mo ikaw, sobrang negative mo. Ikaw na nga itong tinutulongan ko para magkaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo, ayaw mo pa. Gusto mong makagain ng self-confidence, ‘di ba? Why don’t you help yourself? Andito nga ‘ko para tulongan ka pero ikaw naman itong hindi gumagawa ng paraan para tulongan iyang sarili mo. Useless lang ang pag-e-encourage ko sa ‘yo kung ikaw di-ni-discourage mo naman ang sarili mo,” aniya at nakasimangot na umalis ng gazebo.

Natigilan ako at sandaling nakapag-isip. I heaved deep breath. I can’t deny the fact that she got a point. How can I gain self-confidence kung mismong sarili ko hindi ko tutulongan? Napapikit ako at napatampal sa aking noo. Should I audition then? Sabi nga ni Anna, wala namang mawawala kong susubukan ko, hindi ba? Pero kasi…

“Bahala na nga,” bulong ko at sinundan ang kaibigan. Ayaw ko pa man din ng may mga taong nagagalit sa akin. Ewan ko ba. Hindi talaga ‘ko natatahimik kapag may nakaalitan ako o nakasagutan ako. Mabuti na lang at hindi pa siya gano’ng nakakalayo kaya naabutan ko siya.

“Anna! Okay, fine! Mag au-audition na ‘ko.”

Napatigil siya sa paglalakd at agad niya akong nilingon na nanlalaki ang mga mata. “OMG! Totoo ba?”

“Oo nga. Basta samahan mo ‘ko, ah?”

Tumili siya at tumakbo papunta sa akin. “Oh my god! Yes! Ako ang pipili ng kakantahin mo!”

Kumunot ang noo ko. “Bakit ikaw? Ikaw ba ‘yong kakantaha?”

Inirapan niya ‘ko. Kita mo ‘tong babaeng ‘to! “Sige na nga! Oh, basta bukas na ‘yong pa-audition nila, ah. Galingan mo!”

Tumango na lang ako. Inakbayan niya ‘ko at naglakad na kami papunta sa building namin. Nang matapos ang klase ay sabay kaming umuwi pero dahil magkaiba kami ng dorm ay naghiwalay kami ng daanan. Habang naglalakad ako ay nagbo-browse ako ng mga kanta na pwede kong kantahin bukas. Napanguso ako. Paano kong Korean song na lang kaya ang kantahin ko? Ay! Huwag na lang pala baka sabihin nilang nagfe-feeling Korean ako.

“Miss, ilag!” sigaw ng isang lalaki.

Nilingon ko kung saan galing iyon pero huli na dahil natamaan na ‘ko ng bola sa ulo. Napamura ako sa aking isipan habang nakasalampak sa ground. Nabitawan ko ang cellphone ko habang hawak ko ang ulo na natamaan ng bola. Bwesit! Naalog ata ang utak ko dahil sa bolang iyon!

“M-miss… miss, ayos ka lang? Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya ‘yon,” wika ng lalaking nakatama sa akin.

Gusto ko sana siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumango na lang ako. “A-ayos lang naman.”

Kahit ang totoo ay masakit! I tried to stand up. Tinulongan naman ako noong lalaking unang lumapit sa akin. I noticed that he’s wearing a combination of white and green jersey shirt and shorts. Halata na isa siya sa mga myembro ng VSU Football team, at dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala.

Natigilan ako dahil sa kanyang itsura. He got the looks. Malinis ang pagkakagupit ng kanyang maitim na buhok, maganda ang malalim at kulay itim na mga mata, matangos na ilong at medyo pulang mga labi ay nakakahalina. Ang gwapo naman! Napalunok ako nang hawakan niya ang ulo ko.

“Are you hurt? Pasensya ka na, napalakas lang ‘yong sipa ko,” nag-aalala nitong tanong.

“Is she okay?” tanong naman ng isang matangkad at mestizo na lalaki. Pinulot niya ang bola saka ako tinitigan. Maamo ang kanyang mukha ngunit mapapansin mong medyo misteryoso siya dahil blanko lang ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Hell! I can’t stand his stares!

Some of the players went to us. Nagtatanong kung ayos lang ba ‘ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa paglapit nila sa akin. Hindi pa naman ako komportable kapag maraming lalaki! Shit! I need to go!

“Ah, ayos lang po ako. E-excuse me.”

“Are you sure? Wala bang masakit sa—“

“Ouch!” daing ko nang mahawakan niya ang parteng sapol na sapol ng bola.

“Shit! M-masakit ba? Should I bring you to the hospital?”

“H-huwag na. Ayos lang po talaga ko, Kuya. I… I need to go”

Narinig ko ang halakhak ng iilan sa mga players. The hell! Gustong gusto ko na talagang tumakbo dahil hindi ako komportable kapag ganito karaming lalaki! Sa dorm ko na lang ito gagamutin.

“Tinawag kang Kuya, Rence, oh. Ang tanda mo na pala, eh!” kantyaw ng isang soccer player.

Uminit ang pisngi ko. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Tsaka sa tingin ko naman ay nasa senior na siya kaya pwede ko siyang tawaging Kuya.

“Shut up, Drake. Anyway, ayos ka lang ba talaga?”

“Y-yes. Sa dorm ko na lang po ito gagamutin, bye po!” wika ko atsaka nagmamadaling umalis.

“Hey, miss!”

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hawak pa rin ang aking ulo. Napangiwi ako nang maramdaman kong may bukol ako! Anak ng!

“Babaeng natamaan ng soccer ball sa ulo!”

My forehead creased. Natigilan ako dahil sa sigaw na iyon. Ano raw? Babaeng natamaan ng soccer ball sa ulo? Ako ‘yon, ‘di ba? Nilingon ko iyong tumawag sa akin. It was the mestizo guy! May kung anong hawak siya sa kanyang kamay habang winawagayway niya ito.

Napansin ko na ang ilan sa mga kasamahan niya ay nakaalis na. Hindi ko alam kung bakit sila naglalaro roon eh may oval naman. Malaki pa at hindi sila makakatama ng tao. He jogged towards my direction. Tumigil siya sa harap ko at nilahad ang bagay na hawak niya.

“Naiwan mo,” aniya.

Umawang ang labi ko nang mapagtanto kuno ano ang hawak niya. Shit! Iyong cellphone ko! Mukhang nahulog o nabitawan ko ata noong natamaan ako.

“T-thank you po, Kuya,” sabi ko sabay kuha ng cellphone sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Tila hindi nagustohan ang sinabi ko. “Tss… mukha ba ‘kong senior?”

Napalunok ako. “Ah, medyo po pero salamat po ulit. Alis na po ako!”

Bago ako makalayo ay narinig ko pa ang binulong niya. “Tinatawag na nga akong Kuya tapos may po pa? Hindi naman siguro ako mukhang senior citizen, ‘di ba?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status