Share

Kabanata 2

“I want you all to read and analyze the Prognosis by Paz Marquez Benitez because next meeting you will make a thematic analysis, okay? That’s all for this afternoon. Class dismiss,” ani Ma’am Weena.

Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang aking mga gamit. World Lit ang huli naming subject sa araw na ito at mamayang ng alas sinco ang audition sa glee club. Hindi ko na dinala ang gitara ko since uuwi pa naman ako sa dorm para magbihis.

“Gwen, mag au-audition ka rin?” Nabaling ang aking atensyon sa kaibigan. Nasa labas na pala siya at kausap si Gwen. Isinukbit ko ang strap ng aking bag sa aking balikat atsaka lumabas.

“Ah, oo.” Sagot ni Gwen, kaklase namin.

“Hala! Si Michelle rin mag au-audition!” bulalas ni Anna.

Pinanlakihan ko ng mata si Anna. Natatawa naman siyang inirapan ako. Kahit kailan talaga hindi matikom ang bibig nitong babaeng ‘to.

Bumaling sa akin ang tingin ni Gwen. “Talaga, Mich? Pwede bang sabay tayo mamaya? Wala kasi akong kasama papunta sa convention center, eh.”

Tumango naman ako. “Sure! Parehas lang naman kayo ng dorm ni Anna, hindi ba? Sabay na lang kayong dalawa then sunduin niyo ‘ko sa dorm.”

“Wow, ah! Ginawa mo pa kaming taga-sundo mo,” wika ni Anna habang nasa bewang ang dalawang kamay.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Do you want me to audition or not?”

“Nang ba-blackmail ka ba? Kasi kung oo, congrats! Panalo ka nang gaga ka!”

Gwen and I laughed. Inirapan naman ako ni Anna atsaka sabay kaming tatlo na lumabas ng building. We talked random things. You know, girls talk? Tsaka naisingit na rin namin sa usapan ang mga papalapit na mga events sa school. Tapos na ang acquaintance party kaya sa mga susunod na buwan ay intramurals naman.

“Malapit na rin pala ‘yong finals natin, ‘no?” out of nowhere na tanong ni Anna.

“Atsaka before ng finals may intramurals pa tayo,” si Gwen.

“Ang bilis ng panahon, ‘no? Dati, excited na excited akong magcollege pero ngayon? Hindi na ‘ko natutuwa,” wika ko habang nakasimangot.

Natawa silang dalawa. “True! Grabe pala talaga kapag college ka na, ‘no? There’s no room for mistakes talaga. Like, dapat umayos ka dahil kapag hindi, naku! Sayang ang pinag-aral sa ‘yo ng parents mo!” saad ni Anna na sinang-ayunan namin ni Gwen.

“Tsaka manganganib din talaga ang future mo kapag hindi ka nag-aral ng maayos,” si Gwen.

Tumango ako. May mga punto sila. Kung dati, ginagawa ko pang biro ang pag-aaral. I mean hindi naman ako ‘yong tipo ng estudyanteng pasaway. Pero ibang iba talaga kasi ang high school at college. Sa high school, pwede mo pang daanin sa floor wax ang lahat pero sa college? Kahit umiyak ka pa ng dugo, kung bagsak ka, bagsak kang talaga.

“I’m not aiming to be one of the top students. Bunos na lang sa akin kapag naging dean’s lister ako pero ang goal ko lang talaga ay walang bagsak at makapagtapos,” wika ni Anna.

Tumango si Gwen at nilingon si Anna. “Same, sis. Maka-apak lang ako sa stage habang suot ang toga ko at hawak ang diploma sa kamay, ayos na ‘ko.”

Ngumuso ako. “Pero hindi naman masamang maghangad ng mataas, hindi ba? Kung kaya mo naman na mapabilang sa dean’s list, why not give it a try?”

“Iyon ay kung kaya mo pero hindi naman kasi ako kasing talino ninyong dalawa, eh.” Saad ni Gwen.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ako matalino.”

“Masipag lang talaga kaming mag-aral, Gwen. Naks! Buhat bangko!” si Ana at binuntutan pa ng tawa.

Hindi ko na rin napigilan ang matawa. Well, iyon naman kasi ang totoo. I’m not claiming that I am smart, sadyang gusto ko lang talaga patunayan sa mga magulang ko at ibang tao na kaya kong magtop. I’m a bit competitive, but I’m not into competing with others. I am competing with myself.

Because our greatest rival is ourselves alone. Kaya kung ano man ang naging marka ko noong midterm, hihigitan ko ‘yan ngayong darating na finals.

“Sunduin ka na lang namin mamaya, Mich!” wika ni Anna bago kami maghiwalay ng daan.

“Okay! Ingat kayo!” I replied while waving my hand.

Habang binabaybay ko ang daan papunta sa dorm ay hindi ko na napigilan ang sarili na lumingon lingon sa paligid. Baka kasi may sumigaw na naman at matamaan na naman ako ng bolang lumilipad. Nang masigurong wala ay nakahinga ako ng maluwag.

It’s still three in the afternoon kaya medyo mainit init pa pero sa dami ng mga nakapaligid na mahogany tree ay naibsan ang maalinsangan na panahon. Napanguso ako nang may makita akong magjowa na naglalakad habang magkahawak ang kamay at nakasuot ng couple t-shirt. I rolled my eyes on them. Sus! Iyang couple t-shirt ninyo magiging t-shirt na lang ‘yan kapag nagbreak kayo.

Okay, ang bitter ko sa part na ‘yon.

Bandang alas cuatro y media ay sinundo na nga ako nina Anna at Gwen. Sinarado ko ang pinto ng room namin atsaka naglakad palabas. Tinaas ko ang strap ng guitar bag ko at napangiwi dahil sa kabigatan nito. Napansin ko pa sa lobby na naroon iyong mga nursing student na palaging tambay rito sa amin dahil sa mga girlfriend nila. Napanguso ako nang mapansin kong dalawa na lang sila.

Oh? Nagbreak na ata iyong isa. I laughed.

“Alam mo, kung hindi lang kita kilala, sasabihin ko talagang nababaliw ka.” Bungad sa akin ni Ana.

Gwen is beside her. Nakahilig siya sa railings habang hawak niya ang strap ng guitar bag niya. Kunot noo kong binalingan ang kaibigan.

“What?”

Sinikop niya ang kanyang buhok sa kanang balikat bago ako sinagot. “Kasi naman po, para kang baliw na tumatawa mag-isa. Anyare sa ‘yo? Na engkanto ka ba?”

I chuckled. Natawa rin si Gwen. “Boba, hindi! Naalala mo ba ‘yong kinuwento ko sa ‘yo dati?”

Her forehead creased. Nakatuon naman sa akin ang atensyon ni Gwen.

“The nursing students I’ve mentioned to you? Nakalimutan mo na ba?”

Her dark almond eyes widened. “Bakit? Boyfriend mo na?!”

Umawang ang labi ko at uminit ang aking pisngi nang naglingunan ang iilang tao rito sa labas. Tinabunan ni Gwen ang kanyang maliit na mukha dahil sa pagsigaw ni Anna. Gusto atang takasan ang kahihiyan na ginawa ng kaibigan namin.

Sinapak ko siya sa braso at hinila ko siya paalis ng dorm. Nasa gilid ko naman si Gwen.

“Boba, hindi!”

Ngumiwi siya at hinaplos ang braso niyang sinapak ko. Shit! Napalakas ata. “Sorry. Ikaw naman kasi, eh. Ang lakas lakas ng boses mo. What I mean is, dalawa na lang silang dumadalaw ngayon.”

“Oh? May naaamoy ako.”

Kunot noo kong nilingon si Gwen. “Hey! Hindi ako amoy putok, ah!”

She laughed. “No! What I mean is… may naaamoy akong break up!”

Ngumisi ako. Narinig ko naman ang complain ni Anna.

“Tss… akala ko naman may jowa ka na.”

I rolled my eyes. “Not my priority, Anna Lucia.”

“Sus! Pustahan tayo! Kapag may naging jowa ka sa mga kabanda mo…”

“Hoy, hoy, hoy! Tumigil ka nga!” sigaw ko habang nakaturo sa kanya.

Oh my god! Kung ano ano na lang talaga ang pinagsasasabi nito! Words are freaking powerful, Anna!

Ngumisi siya sa akin. Dumaan kami sa VSU Market. Marami rami ang tao at estudyante ngayon. Kadalasan na naririto ay mga magbabarkada na kumakain ng hapunan.

“Takot ka lang na baka magkatotoo, ‘no?” panunukso niya sa akin.

I rolled my eyes. Mabuti pa si Gwen tahimik lang. Itong si Anna talaga hindi natitikom ang bibig. Natatanaw ko na ang sanctuary kung saan naroon ang mga deer. Hindi ko alam kung bakit may ganito sa university pero siguro napagtripan lang talaga nila na mag-alaga.

Nakarating na kami sa convention center. Mabuti naman at natahimik na si Anna. Medyo marami rami na rin ang naroon. Sa labas ay nakikita kong may isang linya at sa entrance ng center ay may maliit na lamesa. Napansin kong si Ate Kim iyong isa habang iyong kasama niya ay hindi ko kilala.

“Ano ‘yon? Attendance?” bulong ni Gwen.

Nagkibit balikat ako. “Siguro. Hindi ko alam. Tara na.”

Hinawakan ni Anna ang braso ko. “T-teka… paano ako? Should I fall in line, too?”

Napanguso ako. “I don’t know. Tanungin ko na lang si Ate Kim kung paano ka makakapasok.”

Pumila kami habang si Ana naman ay parang isang nawawalang tuta. Nilingon niya ‘ko at sumimangot. Hindi ko na napigilan pa ang matawa. Malapit na kaming sumulat sa papel nang magtagpo ang tingin namin ng lalaking lumabas. Umawang ang labi ko nang mamukhaan kung sino iyon.

Iyong si Kuyang soccer player!

He twitched his lips. Umiwas siya ng tingin at kinausap niya iyong babaeng kasama ni Ate Kim. Tumango ang babaeng hanggang balikat ang buhok. Maputi ito at chinita ang mga mata. She looks like a Chinese o baka may lahi?

“Mich, ikaw na,” ani Gwen na bahagya pa ‘kong tinulak.

My eyes dropped on the paper. Tumaas ang kilay ni Ate Kim at napansin atang nakatingin ako sa likod niya. Bago pa niya malingon kung sino ang tinitingnan ko ay hinawakan ko ang kamay niya para mabaling sa akin ang kanyang atensyon.

“A-ate! Makakapasok ba sa loob si Ana?”

Nagtagpo ang kilay niya. “Oo naman. Pwede naman siyang pumasok na kung manunood lang siya. Bakit? Is she here?”

“Yes, uh…” kinuha ko ang ballpen at sinulat doon ang pangalan, kurso at pirma ko. Nag-angat ako ng tingin at napansin kong wala na roon ang lalaking kausap noong chinita.

“Ana! Psst! Pasok ka na rito!” tawag ni Ate.

Ngumisi naman si Ana at humawak sa braso ko. Nang matapos sa pagsusulat si Gwen ay pumasok na nga kami sa loob. Napalunok agad ako dahil sa dami ng taong nandito. Halos lahat ay may hawak na gitara. Parang gusto ko na tuloy umatras. Humigpit naman ang hawak sa akin ni Ana.

“You can do this, okay?” bulong niya.

“K-kinakabahan ako. Parang gusto ko na lang tuloy umatras,” si Gwen na mahigpit naman ang kapit sa strap ng kanyang guitar bag.

Anna heaved a deep breath. Hinawakan niya rin ang braso ni Gwen. “Girls, normal lang naman ang kabahan pero lakasan niyo lang ang loob niyo. You can both do this! C’mon!” Aniya at hinila kami para maupo.

Mula rito sa inuupuan namin ay kita ko si Rain Sanchez, ang president ng glee club. Kilala ko na siya dahil nabanggit na siya noon ni Ate Kim. Inayos niya ang suot na salamin at kinagat ang pang-ibabang labi. May hawak siyang papel at may kung ano’ng binabasa. May dalawang bakanteng upuan sa tabi niya. Nawala nga lang ang atensyon ko sa kanya nang may magsalita sa stage. Isang petite at maputi na babae na may maiksing buhok. She’s wearing a long sleeve polo and patterned skirt.

Ngumiti siya sa amin. “Good evening, everyone! I am Miss Jean Escalante a professor from Culture and Arts Education and I am your adviser!”

“Ang cute naman ni Ma’am,” puna ni Gwen.

Tumango ako habang nasa stage pa rin ang mga mata. “I agree. I like her taste when it comes to dresses.”

Nilingon ko siya at doon ko lang napansin na wala si Anna sa tabi namin. Ginala ko ang paningin ko pero imbes na si Anna ang makita ay iyong soccer player ang nahanap ng mga mata ko. He’s biting his lower lip. Katabi niya iyong chinita, nagsasalita iyong babae pero mukhang hindi siya interesado dahil nakatingin lang siya sa harap.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang magtagpo ang mga mata namin. I immediately looked away. Yumuko ako at kinuha ang cellphone. Inabala ko ang sarili at nagkunwari na ite-text si Ana. Sa nanginginig na kamay ay nagtype ako. Shit! Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Ako:

Asan ka?

I sighed. Shit! Nahuli niya kaya ako?

Nakatanggap naman ako ng reply galing kay Ana.

Anna:

Andito ako sa likod. Nakakahiya naman kung dyan ako uupo, eh, hindi naman ako mag au-audition. Good luck!

Hindi ko na siya nareply-an nang mag-umpisa silang magtawag. Unang sumalang ang taga-Agri business. Matangkad at payat na lalaki. Nang mag-umpisa siyang kumanta ay napapikit ako. Oh my god! Ang namamaos niyang boses ay talagang nakakapanghina! Ang sarap sa tenga habang kumakanta siya ng Little Things by One Direction.

Nang matapos siyang kumanta ay nagpalakpakan kami. Narinig ko pa ang tilian ng mga babae.

“Kahit hindi siya gano’n kagwapo pero noong kumanta na grabe! Ang sarap niya titigan, mama!”

Natawa ako. I can’t blame them. Ang gwapo niya nga habang kumakanta. Idagdag mo pa ang mga mata niyang mapupungay kapag tumitingin!

“Michelle Raye Castañares, BSED Filipino please.”

Para atang nakalimutan kong huminga nang tawagin ang pangalan ko. Shit! Gamit ang nanginginig na kamay ay kinuha ko ang gitara mula sa loob ng aking guitar bag at naglakad papunta sa stage. Pakiramdam ko’y nakalutang ako dahil sa kaba at titig ng mga tao.

“Go, friend!” dinig ko ang malakas na boses ni Anna. Uminit ang pisngi ko dahil sa ingay niya.

Nang tingnan ko siya’y may hawak siyang cellphone at kumakaway sa akin at nakangiti. Animo’y nasa isang mall show ako at siya ang fan ko. I bit my lower lip. Kinonekta ko ang pickup sa gitara ko bago ko ito pinatunog ng mahina. I cleared my throat.

Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko dahil sa bilis nito. Iginala ko ang paningin sa dagat ng mga tao at sa hindi inaasahan ay nakita ko siyang nakatitig sa akin. Nakahalukipkip siya at blanko ang mga mata. I gulped and closed my eyes. Tinapat ko ang aking labi sa microphone at nag-umpisang kumanta.

“Summer after high school, when we first met

We make-out in your Mustang to Radiohead

And on my eighteenth birthday we’ve got matching tattoos

Used to steal your parents liquor and climb to the roof”

I opened my eyes. Unang bumungad sa akin ang titig niya. Ang mga mata niyang itim na itim at malalim. Mas lalo akong kinabahan nang ngumisi siya. Binaling ko naman ang tingin ko sa mga judge. I noticed that the President is staring at me.

Tiningnan ko ang aking kamay habang nililipat ko ang chords. Fingerpicking at plucking lang ang ginagawa ko. Iniba ko ang areglo ng The One That Got Away na nakasanayan nilang marinig.

“In another life, I would be your girl

We'd keep all our promises, be us against the world

In another life, I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away”

Muling kong binalik ang aking mga mata sa dagat ng mga tao na ngayon ay tahimik lang. Hindi na matanggal ang mga titig ko kay Kuyang soccer player. It’s like we’re in the staring contest and no one wants to quit. Pumikit ako ulit bago kinanta ang mga huling linya ng awitin.

“The one that got away”

Dumilat ako nang magpalakpakan ang mga tao. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagngisi at pagpalakpak ni Kuyang soccer player. I didn’t know what to do kaya nagbow na lang ako at kabado pa ring naglakad pababa ng stage.

“Brokenhearted ka siguro, ‘no?” isang babaeng nakaputing t-shirt ang nagtanong.

Umiling ako. “H-hindi naman.”

“Wala kang love life pero bakit ang sakit ng kanta mo?!”

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita pa. It’s not about your experiences kung may love life ka na ba o wala. It’s about how you understand what is the song’s meaning doon mo rin mailalabas ang emosyon mo. Pagkabalik ko sa upuan ko ay nginitian ako ni Gwen. Pinuri niya ‘ko at bahagyang uminit ang pisngi ko. Pagkatapos magperform ng lahat ay isa isa nang tinawag kung sino ang pasado sa mga hurado.

“Michelle Castañares,” anunsiyo ni Miss Jean.

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala na nakapasok. Narinig ko ang tili ni Gwen at ipinagtulakan pa ‘ko papunta sa stage.

“And…that’s all. Thank you for joining everyone at sa lahat ng nakapasok congratulations!”

My forehead creased. Hindi natawag si Gwen? Ibig sabihin…hindi siya nakapasok? Nilingon ko ang pwesto kung saan nakaupo si Gwen at napansin kong hawak na niya ang kanyang guitar bag. She mouthed “congratulations” before heading outside. Napansin ko rin si Anna na kumakaway. I smiled.

“Welcome to glee club everyone! Thank you so much for joining! Anyway, bago kayo umuwi—guys! Lahat ng glee club members please pumunta kayo rito sa stage,” tawag ni Miss Jean.

Nagsi-akyatan naman ang mga members at marami rami sila. Nakita ko namang naglalakad papunta rito iyong si Kuyang soccer player at iyong chinita.

“Okay, wala na bang kulang? Si Santrius?” wika ni Miss Jean.

“Wala po siya, Miss,” sagot ng babae na nasa tabi nito.

Umiling si Miss Jean. “Hay naku! Iyang Santrius na ‘yan talaga! Anyway, old members of glee club kindly introduce yourselves.”

Nag-angat ako ng tingin dahil ramdam kong may nakatitig sa akin. Umuwang ang labi ko at agad na nag-iwas ng tingin nang magtagpo ulit ang aming mata! What the!

“Sino’ng mauuna?”

“President, Miss!”

Rain Sanchez groaned pero dahil siya ang presidente ay wala na siyang nagawa kung hindi ang maunang ipakilala ang kanyang sarili. “Good evening, I am Rain Sanchez, the president of glee club. Third year, a nursing student.”

Pagkatapos niyang magpakilala ay sumunod naman ang babaeng katabi niya. She must be the vice-president. Napangisi ako nang tama nga ang hula ko.

“Aliyanah Gomez, vice president! Second year, a geodetic engineering student.”

Napalunok ako nang mapansin na siya na pala ang susunod. Narinig ko ang iilang tili ng mga babae lalo na noong suklayin niya ang medyo may kahabaan niyang buhok. He bit his lower lip and scratch his nape. “Aziel Almazan is the name. Second year, a tourism management student,” aniya. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang tumingin siya sa akin. “You can call me either Yhel, Aziel or love, but don’t call me Kuya. Bente pa lang ako,” dugtong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status