Share

Kabanata 3

Lahat kami’y hindi makapaniwala sa nangyaring sagutan nina Santri at Anna kani-kanina lang. Nakaawang ang labi ko at ramdam ko ang init ng aking pisngi dahil sa hiya. Kahit hindi ako ‘yong naroon ay nakakaramdam pa rin ako ng kahihiyan.

I was the one who brought her here! Isa pa, hindi ko rin naman alam na si Santri pala ang nagpalit ng password niya sa cellphone. Nang makaalis ang kaibigan ay narinig ko ang ilang tawanan at kantyawan ng mga kabanda namin.

“Galit na galit, brad!” wika ng lalaking may hawak na drum sticks.

“Bakit kasi pinalitan mo ‘yong password?! Bobo!” dagdag ng isang lalaking nagse-set up ng keyboard.

Huminga ng malalim si Santri at umiling. Nagtagpo ang dalawa kong kilay. So, ibig sabihin si Santri ‘yong dahilan kung bakit hindi mabuksan ni Ana ‘yong cellphone niya? Hmm. I smell something . . .fishy.

“Bumalik ka na nga rito! Tsaka mo na suyuin ‘yon. Kailangan natin magpractice para sa paparating na event,” si Rain.

I was busy connecting the pickup to my guitar when someone bumped behind me. Napatili ako dahil malakas lakas iyon. Napangiwi ako nang bumagsak ako sa sahig ng stage habang yakap yakap iyong gitara. Shit! Hindi na bale kung matamaan ako ng kung ano basta ligtas ang gitara ko! Oo, ganito ko kamahal si Corbyn!

“Oh my god! Hala! Sorry, sorry!” wika ng babaeng chinita na nakabunggo sa akin.

“Hey, are you okay?” si Rain na inalalayan akong tumayo.

I sighed and nod. I checked my guitar first to see if there’s a scratch. Mabuti na lang at wala.

“Seriously? Mas concern ka pa sa gitara mo kaysa sa sarili mo?” dagdag niya. Magkatagpo ang kilay.

I bit my lower lip. Naagaw naman ng babaeng chinita ang atensyon ko. “Naku! Pasensya ka na talaga, ah? Si Yhel kasi, eh! Sobrang kulit!” aniya at humagikhik pa.

Napalunok ako nang banggitin niya ang pangalan na iyon. “A-ayos lang.”

“Pwede bang huwag muna kayong magharutan ni Aziel, Claudette? Tsk.” Si Rain at halatang naiirita na.

“Ang sungit mo naman, Pres!” Nagulat ako sa presensya ni Aziel nang bigla siyang sumulpot at inakbayan si Claudette. Ngumisi siya. Tumikhim ako at umiwas nang tingin dahil naaasiwa ako sa ngisi niya.

“Chill, man. Sorry nga pala . . . Castañares,” aniya.

I swear! Para akong kinalabutan nang marinig kong tinawag niya ‘ko gamit ang apilyido ko! Ewan ko ba naaasiwa talaga ‘ko kapag binabanggit ang apilyido ko. Tumango na lang ulit ako at tahimik na lang. I heard Rain hissed. Umalis siya sa tabi ko at bumalik sa ginagawa niyang pagtulong sa pagset up ng amplifier.

“Pasensya na talaga, ah? Nasaktan ka ba?” She looks concern now.

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya dahil ramdam ko ang tingin ni Aziel sa akin. Heck!

“Ayos lang—aray!” naisigaw ko dahil may biglang humawak sa braso ko.

“Akala ko ba walang masakit sa ‘yo?” nakataas ang kilay na wika ni Aziel sa akin.

I gritted my teeth. Bwesit ka! Ikaw may kasalanan nito kaya bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Gusto ko iyong sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang na manahimik. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at binawi ang aking braso sa kanyang hawak. He seems surprised. Umawang ang labi at hindi na lang umimik.

“I’m fine. Hindi naman siya gano’n kasakit, eh.”

“Uh . . .I think I should get a cold compress. Namamaga siya, Mich,” ani Claudette.

Umalis siya at nagpunta sa kung saan. Umiwas ako ng tingin kay Aziel. I just can’t stand his eyes! Ewan ko ba. May kung ano sa kanyang mga mata na parang hinahalukay ang buo kong pagkatao. Idadag mo pa ang mga ngisi niyang parang may masamang balak. I cleared my throat and sat on the chair.

I checked my guitar again. Sana talaga walang gasgas o ano dahil kung meron mahahampas ko talaga silang dalawa nitong gitara ko!

“Tss… you really love your guitar that much, huh?”

I nod and still checking my guitar. I checked the neck, head stock, tuning keys, body, and the cutaway. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang gasgas o ano.

“Ano ba!” Naisigaw ko dahil bigla niyang hinablot ang gitara ko. Uminit ang pisngi ko dahil nagtinginan sa akin ang iilang mga kabanda. I gritted my teeth. Nakakainis siya, ah!

Ngumisi siya sa akin. The audacity of this guy! Niyakap ang gitara ko atsaka kinalabit ang strings nito. He played a familiar song. Nagtagpo ang dalawa kong kilay. Ano’ng trip nitong lalaking ito? Wala ba siyang sariling gitara?

“Akin na nga ‘yan. . .” marahan kong sabi. Ayaw ko nang sumigaw dahil baka maagaw ko na naman ang atensyon nila.

He bit his lower lip, still strumming the guitar. “Ako o itong gitara mo?”

Natigilan ako. What…the…hell?

“A-akin na kasi ‘yan.”

Hindi siya nakinig. Patuloy pa rin siya sa pagtugtog ng Passenger Seat habang may ngisi na nakaukit sa kanyang mukha. Naka-upo siya sa harap ko at mukhang nag-e-enjoy pa ata ang walang hiya dahil halata sa mukha ko ang inis. Oo! Naiinis na ‘ko! Gwapo nga siya mukha nga lang walang hiya.

“You know what, babaeng natamaan ng bola sa ulo . . . ako dapat ang piliin mo.”

I swear! Kung pwede ko lang siyang itulak ngayon mismo ay baka nasa baba na siya ng stage! And what did he call me? Babaeng natamaan ng bola sa ulo? Baka nakakalimutan niyang sila ang may kasalanan niyon?! Sino bang matinong tao ang magpa-practice malapit sa daan? Seriously? May oval naman pero mas pinili pa nilang doon maglaro, para ano? Magpasikat? Tss.

“Wala akong balak piliin ka, Kuya. Kung ayaw mong ibigay sa akin ang gitara ko, kainin mo ‘yan. Ubusin mo, ha? Tsk!” inis kong bulong atsaka umalis roon.

Lumipat ako sa kabilang side nitong stage. Pansin kong nakaupo lang sa isang sulok si Santri at pinaglalaruan ang kanyang cellphone. Hindi ko alam kung magkatext ba sila ni Ana o baka nag-iisip lang siya dahil sa nangyari kanina. Napikon ang kaibigan ko at talagang mukhang masama ang timpla ng mukha.

Kung ako rin ang nasa sitwasyon ni Anna, maiinis din talaga ‘ko, eh.

“Oh? Bakit ka nandito?”

Bahagya akong napatalon dahil sa gulat. Rain chuckled. Inayos niya ang suot na salamin at humalukipkip. Napansin kong tapos na siya sa pagset ng amplifier.

“Does Aziel pissing you off?” dagdag nito.

I heaved a deep breath and nod.

“Pagpasensyahan mo na, he’s just like that.”

“Tss . . . gwapo sana, walang hiya nga lang,” bulong ko.

Inayos niya ang kanyang salamin at bahagyang lumapit sa akin. “I’m sorry? May sinasabi ka?”

Agad akong umiling. “Uh . . . sabi ko a-ayos lang. Magsisimula na ba tayo?”

Nilibot niya ang paningin. Nakanguso siya at oo na! Bagay na bagay sa kanya ang suot na puting polo shirt at ang kanyang salamin. He looks like Conan Edogawa! Dumapo ang kanyang tingin sa akin pagkatapos niyang libutin ang kanyang paningin.

Napaatras ako ng humakbang siya papalapit sa akin at akmang hahawakan ang aking mukha. What the?!

“S-sorry . . . may ano ka kasi sa mukha mo,” aniya sabay hawak sa kanyang baba.

“Oh? Birth mark ko ‘yan,” I said awkwardly.

He seems surprised. “Talaga?”

I gave him a small smile. “Yeah—“

“Gitara mo, Castañares . . .” singit ni Aziel. He’s holding the neck of my guitar. Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot kaya hindi ako agad naka-react.

Umawang ang labi ko nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at pinahawak sa akin ang gitara. Hindi ko alam pero parang nasa isang karera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. I gulped. Pansin ko ang seryoso niyang tingin sa akin. Humigpit ang kapit ko sa aking gitara. Lumingon siya kay Rain.

“Maya na kayo mag-usap. Practice na tayo, Pres,” aniya atsaka kami iniwan na dalawa. Dumating naman si Claudette na may dalang cold compress. Wala na ‘kong nagawa dahil mapilit siya na lagyan ko raw ng ice ang braso ko. Mukha siyang guilty sa nangyari kaya pinaunlakan ko na rin ang tulong niya.

We practiced for an hour. OPM ang napili ni Miss na kakatanhin namin sa darating na intramurals at dahil marami rami kami ay nahati ng dalawa ang banda. May mauunang tutugtog sa opening at sa pagsarado ng event. Pagkatapos ng Mr. and Miss Intrams ay tutugtog kami hanggang alas diez.

“Sino pang may klase ng alas sinko?” Tanong ni Ali.

Nagtaas ako ng kamay. May iilan ding nagtaas ng kamay na kagaya ko’y may klase rin ng alas sinko. Gamit ang kanyang mga mata ay tahimik niyang binilang ang mga kamasahan na may mga klase. Bago kami pinalabas ay may mga sinabi pang announcements si Rain.

“Bukas ay magpa-practice tayo ng bandang alas siyete hanggang alas nueve. May mga announcement din si Miss na sasabihin kaya dapat nandito kayo. Thank you for your participation. Paalala, ang mahuhuli bukas ay may parusa,” wika ni Rain.

Nang masigurong wala na silang ibang announcements ay tumayo na ‘ko at niligpit si Corbyn. I checked my phone to see if someone sent me a message. I pressed my lips when I noticed my father’s message for me.

Papa:

Kumusta ka riyan, anak?

Ako:

Ayos naman ako, Pa. Kakatapos lang ng practice namin.

Nilapag ko sa tabi ng aking bag ang aking cellphone. Sinarado ko ang guitar bag, tinabi ko muna ito sa gilid nang mapansin kong tumatawag si Papa. I heaved a deep breath. I’m old enough, I mean 18 na ‘ko pero kahit gano’n ay pakiramdam ko, hindi pa rin ako pinagkakatiwalaan nina Mama’t Papa. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan kasi ay naiirita na ‘ko. Halos araw araw na tumatawag.

“Pa?” wika ko pagkasagot.

“Wala ka na bang klase?”

Humalukipkip ako at tumingin sa kabilang banda. Nakikita ko mula rito na nag-uusap sina Claudette at Aziel. Umiwas ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin.

“May huling subject pa ‘ko, Pa. Bakit po?” marahan kong tanong.

Napatingin ulit ako sa banda nina Clau. My eyes widened when I noticed that he’s still looking at me! I averted my gaze to Rain who’s currently reading something.

“I just want to check you kung ayos ka lang. Pagkarating mo sa dorm mo kumain ka agad, ah? Sinabihan ko na rin ang Ate Kim mo na bantayan ka since magkabanda lang naman kayo.”

Huminga ako ng malalim. “Pa, I told you—“

“Michelle, we already talk about this,” putol niya.

I bit my lower lip. Tumingin ako sa taas para pigilan ang mga luha. Oh, God! Hanggang dito ba naman sa school? I can do it alone! Kaya kong alagaan ang sarili ko pero bakit hindi nila mapansin iyon? I can handle myself! Gusto kong sabihin sa kanila na kaya ko nang mag-isa pero hindi ko magawa kasi alam kong magagalit lang sila. Most especially si Papa.

“O-okay po,” halos pabulong kong sabi.

I heard him sigh to the other line. “Good. Mag-ingat ka palagi riyan, okay? Kung may nanliligaw sa ‘yo—“

“Papa…”

He chuckled. “Come on, anak, loosen up. College ka na pero ‘yong mga boyfriend mo puro korean actors at fictional characters. Get yourself a boyfriend, hija. Kaya ka bugnutin kasi wala kang love life, eh!” aniya at tumawa pa.

Napairap ako. “Ayaw ko ng stress sa buhay, Pa. Sige na po, bye. I love you.”

“Take care, hija. I love you too.”

Nang mamatay ang tawag ay napairap ako ulit. Tss! Boys in books and movies are better than boys in reality! Mas gugustohin ko pang kiligin kay Ji Chang Wook at Song Joong Ki kaysa sa mga lalaki na puro lang ‘Kain ka na, huwag kang papagutom ha? Papakasalan pa kita’ ang alam! Seriously? Anong koneksyon ng pagkain at kasal? Kabobohan!

Umiling ako at nilagay sa loob ng bag ang aking cellphone. Five minutes na ‘kong late pero ayos lang, academic advising lang naman siya. Nang maiayos ang mga gamit ay sinukbit ko na ang aking bag sa aking balikat at basta ko na lang kinuha ang gitara ko.

Pagkarating ko sa classroom ay wala pa si Anna. Ngumisi ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Kalokang babae! Saan kaya tumambay iyon? Inayos ko muna si Corbyn bago ko nilagay ang bag sa aking upuan. Wala pa si Miss kaya daldal nang daldal ang mga ka-klase ko.

Napansin ko rin na may nakasulat sa blackboard. Mukhang may meeting aat kami ngayon.

Lumabas ako ng classroom dahil namataan ko si Anna na papunta na rito. Nasa hamba ako ng pinto pumwesto habang nasa baywang ang dalawang kamay.

“Ano’ng eksena ‘yong kanina, Anna?”

She rolled her eyes. “Acting lang ‘yon. Nagpapratice kami para sa theatrical arts.”

Kumunot ang noo ko. Ano’ng theatrical arts pinagsasasabi nito? Hindi ko na napigilan ang mabatukan siya dahil sa kabobohan ng sagot niya. Bago dumating si Miss ay kinausap ko naman siya tungkol kay Santri. Aba’t ang isang ito ay pabebe pa! Santri’s a total package kaya!

Nang dumating si Miss Lariva ay tumahimik na nga kami pero itong katabi ko ay text nang text tapos biglang kukunot ang noo at mukhang inis na inis. The meeting started. Si Anna ang tinuro ko for representing our department. Ang sabi rin ni Miss na Filipino major ang naka-assign bilang candidate for Mr. and Miss Intramurals, at ang gaga lutang na lutang kaya gulat na gulat na siya ang pinili.

Pagkatapos ng meeting na ‘yon ay pinalabas na kami. Nagpaalam ako kay Ana na mauuna akong umuwi. Naiwan siya roon dahil nag-uusap pa sila ni Miss. Pagkalabas ko ng building ay dumaan muna ako sa Canteen para bumili ng chuckie. Hawak ko sa kanang kamay ang chuckie at sa kaliwa naman ang guitar bag ko. Dahil siguro sa nangyari sa akin noon, mas naging mapagmasid na ‘ko sa paligid habang naglalakad papunta sa dorm.

Tsk. Baka matamaan na naman ako ng bola.

“Castañares!” A familiar voice shouted.

Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang may-ari ng boses. My eyes widened. What the hell?! Ano’ng ginagawa niya rito?!

“Ah, bakit?” Kagat kagat ko ang straw habang tinatanong siya.

Saglit niyang tiningnan ang kamay ko bago ako tinitigan sa mata. “You just stole my heart, Castañares.”

Umawang ang labi ko at ramdam kong uminit ang mukha ko.Muntik ko pang mabuga ang iniinom ko! My heart is beating so loud! What the hell?!

“A-ano? What are you saying, Aziel?”

I stole his heart?! Seriously?

He smirked. Tinuro niya ang guitar bag na hawak ko kung saan nasa loob ang pinakamamahal kong si Corbyn pero natigilan ako nang ibang apilyedo ang nakalagay sa head stock ng guitar bag na hawak ko.

A.M.Almazan

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status