Share

Kabanata 5

Kusa akong lumayo nang mapansin ko ang malamig na titig ni Rain sa akin. Kita ko rin sa hindi kalayuan si Ate Kim na magkatagpo ang kilay. Halatang hindi nagugustohan ang nakikita. Uminit ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya.

"Uhm, e-excuse me," mahina kong sabi atsaka tumakbo ako papunta sa gawi ni Rain. Kahit nakalayo na'y ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. We were so damn close! Kung hindi lang siguro nila alam na natapilok ako ay iisipin nila na magkayakap kami!

Oh, God! Doon ko lang naalala na nasa stage pala kami! I heaved a deep breath. Nanginginig ang kamay at tuhod ko dahil sa nangyari kanina. Nang nasa harap na 'ko ni Rain, I handed him the pickup.

I can't look at Rain's eyes because it's very cold. Napalunok ako dahil hindi niya pa rin kinukuha sa kamay ko ang pickup. He's just staring at me!

"Heto na 'yong pickup..." marahan kong sabi.

Napatalon ako sa gulat nang hawakan niya hindi lang ang pickup na hawak ko kung hindi ang kamay ko mismo. Dumapo ang aking mga mata sa kanyang kamay na nakahawak pa rin. Napalunok ako nang hindi niya pa iyon binibitawan at ramdam ko na ang tingin ng mga kabanda ko sa aming dalawa.

Babawiin ko na sana ang kamay ko nang kusa siyang bumitaw at nagbuntong hininga. Dahan dahan kong binaba ang kamay at nagdadalawang isip kung aalis na ba o tatanungin ko siya kung may i-u-utos pa.

"Uhm, may ipapakuha ka pa ba?"

Inayos niya muna ang suot na salamin bago malamig na umiling. "Kunin mo na lang 'yong gitara mo. Any minute from now mag-uumpisa na tayong tutogtug."

I cleared my throat and nodded. Tumalikod ako at ang una kong nakita ay ang nakatayo at nakatitig sa akin na si Aziel Almazan. Kung saan ko siya iniwan ay naroon pa rin siya, nakatayo. Kumabog ang puso ko nang magtagpo ang mga mata namin. 

Nakatungo akong naglakad papunta sa backstage para kunin ang gitara ko. I was about to leave when I saw him standing at the door. Nasa kamay ang isang bulsa at ang isa naman ay inaayos ang kanyang salamin. Napakurap-kurap ako sa gulat.

"What are you doing here?"

Tumaas ang isa niyang kilay. "Bakit? Bawal na ba 'kong pumunta rito?"

Uminit ang pisngi ko. Oo nga naman, Michelle! Bakit ko ba siya pinapake-alaman? Tsaka pansin ko lang medyo masungit itong president namin, ah. Hindi na 'ko nagsalita pa dahil baka mabara na naman ako. Lumabas ako ng backstage nang hindi siya nililingon. Narinig ko pa siyang nagbuntong hininga.

"Ayos na ba lahat?" dinig kong tanong ni Miss Jean kay Roi.

"Yes, Miss. Ayos na po."

Nakita kong tumango si Miss. Ngumiti muna siya bago bumaba ng stage. Nang lumabas si Rain ay doon lang kami pumwesto. Si Claudette ang unang kakanta habang ako naman ang lead guitarist. Si Roi ang nasa drums, si Loren ang nasa bass at katabi naman niya si Aziel. I can feel his eyes on me but I chose to ignore it. Hindi pwedeng ma-distract ako.

"1, 2, 3, go!" si Roi kasabay ng paghampas niya sa drums ay siyang pagkalabit ko sa aking gitara.

Nagsigawan ang mga tao sa loob ng gym nang magsimulang kumanta si Claudette. Napangiti ako dahil bagay na bagay sa kanyang boses ang kantang Ligaya ng Eraserheads. Isa pa, she looks like a real perform wearing her black crop top shirt and skinny jeans. Nakasuot din siya ng kulay itim na boots kaya naman litaw na litaw ang kanyang maputing balat dahil sa kanyang suot.

Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?

Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?

Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo

Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

I didn't know what got into me but my eyes looked at Aziel who's looking hot on his bass guitar. He bit his lower lip and smirked. Narinig ko ang samu't saring hiyawan ng mga babae sa kanyang ginawang pag-ngisi.

"Putangina, Aziel anakan mo 'ko!"

Kumunot ang noo ko nang ngumisi siya at kumindat pa. Nang nilingon niya ang gawi ko ay agad akong umirap. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na na-miss niya 'yong pagtawag ko sa apilyedo niya, heto siya at ngingiti at kikindat pa sa ibang babae?! Nakakainis!

Pagkatapos kumanta ni Clau ay may sumigaw pa nang 'more' sa audience. Agad akong ginapangan nang kaba dahil ako na ang susunod na kakanta. Si Rain ang pumalit sa akin habang ako naman ay kabado na hinawakan ang microphone.

"Goodluck," aniya.

I heaved a deep breath. "Thanks."

He smiled at me. Marahan niyang tinapik ang aking balikat. He commanded me to walk on the center. Ngumiti sa akin si Clau nang magkasalubong kami. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Hindi ko rin napigilan na hindi lingunin si Aziel na ngayon ay nakatingin sa akin ng seryoso. I mentally rolled my eyes and cleared my throat. Damn it! Kabado pa rin talaga 'ko. Idadagdag mo pa ang sigawan ng mga tao rito sa loob. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang lamyos ng musika.

"Para kang asukal

Sintamis mong magmahal

Para kang pintura

Buhay ko ikaw ang nagpinta

Binuksan ko ang aking mga mata at kabado pa rin. I noticed that the crowd went silent.

Para kang unan

Pinapainit mo ang aking tiyan

Para kang kumot na yumayakap

Sa tuwing ako'y nalulungkot"

I gasped. I was about to sing the next part of the song when Aziel went to me. Nanlaki ang aking mga mata nang kantahin niya ang parteng iyon at gamit pa ang aking mikropono! His cold yet calm voice enveloped the whole gym. Kailangan ko pang lumayo nang kaunti dahil baka mahalikan niya 'ko!

Kaya't wag magtataka

Kung bakit ayaw kitang maawala

"Come on, Castañares sing with me," bulong niya.

I was still in shocked kaya hindi ako agad nakagalaw. Ang kamay kong nakahawak sa mikropono ay kanyang hinawakan din.

"Sing with me, Viscan!" sigaw niya.

Kung hindi man tayo hanggang dulo

Wag mong kalimutan

Nandito lang ako

Laging umaalalay

Hindi ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

When he sang the word 'ikaw' ay nilingon niya 'ko at ngumiti. Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng ibang pakiramdam. I felt something inside my stomach and I can't help not to smile because his smiling at me! Nakakahawa ang ngiti niya!

Ang kantang solo ko lang sanang kakantahin ay naging duet at iisang mikropono lang ang gamit namin. He kept on smiling and his eyes were so bright like the stars. Bandang alas diez y media na kami nakauwi dahil inayos pa namin ang mga instrument. Mas lalong natagalan dahil panay ang daldalan nina Roi at Santri. Si Ate Kim naman ay pinauwi ko na kanina kahit gusto niya pa sanang manatili para antayin ako. I refused because she looks really tired and exhausted. Mabuti na lang ay sumunod naman siya sa akin.

"Bakit ka nawala kanina, ha? Pinuntahan mo na naman ba si Miss Education?" dinig kong tukso ni Roi.

"Hinatid ko lang kasi gabi na. Masyado kang malisyoso, 'no?" si Santri.

"Sus! Hindi ako naniniwalang hinatid mo lang."

Narinig kong tumili si Clau kaya napatingin ako sa gawi nila. Umawang ang labi ko at hindi nakagalaw nang makitang hawak na ni Santri ang kwelyo ni Roi at halatang naiinis na siya. Agad namang inawat ni Aziel at iba pa naming kasamahan na lalaki ang dalawa.

"Tangina mo! Huwag mo 'ko i-tulad sa 'yo."

Roi chuckled. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at umiling at natatawa pa rin.

"Ronan Ysmael!" Loren called him out. Mapungay ang kanyang mga mata, halatang antok na nang hinila siya ni Loren paalis.

Halatang iritado pa rin si Santri pero kahit gano'n ay nagawa niya pa ring magpaalam nang maayos kay Rain na ngayon ay mukhang antok na rin. Humikab ako at akmang kukunin na sana ang guitar bag nang may maunang kumuha niyon.

"Hatid na kita," wika ni Aziel.

Napakurap ako ng ilang beses. Hindi pa naman ako tulog, hindi ba? Gising pa naman ako, hindi ba? Kinurot ko ang aking pisngi.

"Aray..." mahina kong daing nang makaramdam ng sakit. Holy carabao! I'm not dreaming! Nag-offer siya na ihahatid niya 'ko?!

"Hey... don't hurt yourself," aniya at hinawakan ang aking kamay.

I gulped when his warm hand touched mine. Bumaba ang aking paningin sa kanyang kamay na nakahawak sa akin. I was about to pull it when he held it tightly. Hinila niya 'ko palabas doon. Tanging tapik lang sa balikat ni Rain ang ginawa niya bago niya 'ko hinala ulit. Ngunit hindi nakalampas sa aking paningin ang blankong ekspresyon ni Rain habang nakatingin sa kamay kong hawak ni Aziel. Damn it! Parang may karera ng kabayo sa puso ko dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon!

"H-huwag ka nang mag-abala pa na ihatid ako. Kaya ko namang umuwi mag-isa, eh."

"I know, but still I want to take you to your dorm. Gabi na."

Nang makalabas kami sa gym ay nanginig ako sa ginaw. The cold wind touched my bare skin. Napansin kong napatingin siya sa akin. I gulped and forced a smile. He sighed and let go of my hand. Pinahawak niya muna sa akin ang gitara ko. Doon ko lang napansin na wala siyang dalang gitara.

"Iniwan mo ba 'yong gitara mo?"

"No. Hindi ko siya dinala. Nasa dorm ko lang," aniya at hinubad ang suot na kulay gray na jacket. He handed it to me.

"Here, suotin mo para hindi ka ginawin."

"Paano ka?"

"I'll just hug you para hindi ako lamigin—oh! Bakit ka nananapak?" aniya habang hinihimas ang kaliwang braso.

Ramdam ko ang init ng aking pisngi. "Tigilan mo nga 'ko!"

"Pikon," aniya habang tumatawa pa.

I rolled my eyes on him. Kinuha ko sa kanya ang jacket, binaba ko muna si Corbyn bago iyon sinuot. His manly scent filled my nose. Napapikit pa 'ko dahil sa bango. Ano kaya 'yong perfume niya?

Nang maisuot ko na iyon ay pansin kong nakatitig siya sa akin at may multong ngiti sa kanyang mga labi. Tumaas ang isa kong kilay.

"What?"

He bit his lower lip. He grabbed the hoodie and put it on my head. After that, he rubbed his both hands for how many seconds and he laid his hands on my cheeks. Agad kong naramdaman ang init sa kanyang palad kaya hindi ko naramdaman ang lamig.

"Better?"

Umiwas ako ng tingin dahil malapit siya sa akin. I can't stand his eyes! Masyadong nakakadala. Mapanganib.

"Uhm... l-let's go?"

Tumango siya at kinuha ang aking gitara sa lapag atsaka ikinawit sa kanyang kanang balikat. Humikab ako atsaka kami nagpatuloy sa paglalakad. I was half a meter away from him when he suddenly grabbed my arm. Napasinghap ako dahil sa gulat.

"Huwag ka masyadong lumayo..."

I didn't argue with him because I'm too tired and exhausted. Tahimik lang ako habang nilalaro ang dalawang kamay. Dumaan kami sa VSU Market. Maraming estudyante ang nakatambay roon. Ang iba sa kanila ay nag-iinuman pa. I saw a group of guys who called Aziel to give him a shot but he declined.

"Sa susunod na lang, pre!"

Nauuna akong maglakad sa kanya dahil gustong gusto ko na talagang humiga sa kama. Naramdaman ko siya sa gilid ko. Dahil medyo malayo pa kami ay nag-isip ako ng pwedeng mapag-usapan pero dahil sa pagod ay mas pinili ko na lang na manahimik. I thought that it would be boring if I will not talk with him but the thought of him walking beside me is already enough for me.

I heaved a deep breath. Nilagay ko ang aking kamay sa loob ng kanyang jacket.

"You alright?" mahina niyang tanong. Bakas sa kanyang boses ang pagod.

"Yeah. I'm just really tired."

He chuckled a bit. "But you enjoyed it, did you?"

Nang maalala ko ang nangyari kanina ay pigil na pigil ko ang aking ngiti. Shit!

"O-oo naman. Masaya..."

"Hmm... what's your favorite song by the way?"

"Spring day."

"BTS? Army ka?"

Nilingon ko siya at ngumiti. "Yes. I love them and their songs so much."

"Sana pala naging BTS na lang ako," he whispered.

"What? Ano 'yon?" shit! did I heard it right o inaantok lang talaga 'ko?

"Huh? Wala. Sabi ko oo maganda nga 'yong mga kanta nila."

"Ikaw? Ano'ng paborito mong kanta?"

"Marami, eh pero sa ngayon Kundiman."

"Bakit?" Tanong ko.

Doon ko lang napansin na malapit na pala kami sa dorm. Ano ba 'yan! Bakit ang bilis?

"Secret," aniya habang natatawa.

I rolled my eyes on him. "Tss."

"Pangatlo na 'yan, ah."

Kunot noo ko siyang nilingon. "Ang alin?"

Tinuro niya ang mga mata ko. "Tatlong beses mo 'kong inirapan ngayong gabi. Tsaka kapag sa 'kin sobrang sungit mo, pero sa iba hindi."

"Because you're so madaldal."

He chuckled. Nasa labas na kami ng dorm noong inabot niya sa akin ang gitara, pero bago ko tinanggap iyon ay hinubad ko muna ang jacket at ibinigay sa kanya.

"Salamat sa paghatid. Uh..."

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Hindi 'to libre, 'no."

My brows met. "What?"

"I'm just kidding. Sige na pumasok ka na."

I bit my lower lip. "No. Tsaka lang ako papasok kapag nakaalis ka na."

"No. Mauna—"

"Aziel," matigas kong wika.

His lips parted. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Okay? What did I do?

"What... what did you just call me?"

I rolled my eyes. "Just go. Inaantok na 'ko."

He uttered some curses. Kinuha ko sa kanyang kamay ang gitara ko at iminuwestra siyang umalis na, pero ang gago nakatayo pa rin. Para siyang tanga na nakatayo at panay kapa sa kanyang bulsa. Nagtataka ako kung ano'ng ginagawa niya. Kapag hindi kumilos 'to papasok na talaga 'ko sa loob. Bahala siya dyan.

"Aziel—"

"Here," he cut me off. Hinawakan niya ang kamay ko at binigay sa akin ang isang puting guitar pick.

Tumaas ang kilay ko. "I have guitar picks already. Bakit mo pa 'ko bibigyan?"

"That's my favorite. I'm giving it to you."

Kumunot ang noo ko. "Why would you give me this? Kung paborito mo 'to, bakit mo binibigay sa akin?

"Because you're like that," aniya habang tinuturo ang hawak kong guitar pick.

I gave him a blank expression. Seriously? "Alam kong hindi ako maganda pero hindi ko naman siguro kamukha itong pick ng gitara, hindi ba?"

He laughed. "Silly girl, that's my favorite guitar pick. So, just like that... I'm giving it to you because you are my favorite as well, and one more thing... you're beautiful."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status