Sandali akong natulala bago nagtipa ng reply sa mensahe niya. Nagsorry na naman siya kanina pero mukhang guilty talaga siya kasi nagchat pa siya sa akin para mag-sorry ulit.
Michelle Castañares:
Ayos lang 'yon. Alam ko namang hindi mo sinasadya, eh.
Akala ko'y hindi na siya magre-reply pa pero nakita ko ang tatlong tuldok na paalon-alon. Ilang segundo lang ay nagreply na siya.
Maven Keith Morin:
I'm really guilty. I'm sorry.
Michelle Castañares:
Ayos na nga. Hindi ako galit, okay?
Maven Keith Morin:
Weh? Tingin nga ng mukhang hindi galit.
Hindi ko mapigilan ang matawa. Seriously? Kailangan pa talaga niya ng proof para lang mapatunayan na hindi ako galit sa kanya? Isa pa, hindi naman ako iyong tipo ng taong sanay magpicture. I don't have much selfies on my phone, mas marami pang litrato si Taylor Swift, Corbyn Besson at ang bias kong si Jeon Jungkook sa phone ko kaysa sa sarili kong mukha.
Michelle Castañares:
Hindi nga 'ko galit. Ang kulit.
Maven Keith Morin:
I'm still not convinced.
Napairap ako. Kairita naman. Eh, kung mukha na lang kaya ni Ana ang i-send ko sa kanya? Total patay na patay iyong kaibigan ko sa lalaking 'to, eh. I remember when she performed her talent before the pageant, Keith kissed her! And he even announced that he's crushing on my friend pero iyong kaibigan ko wala sa sarili. Hindi narinig na nagconfess si Keith at hindi ata nasiyahan sa halik kasi ibang tao ang hinahanap ng mga mata.
Naku kaibigan, mukhang totoo talaga 'yong the more you hate, the more you love.
I smirked. Nagscroll ako sa gallery at pinindot ang isang litrato. Medyo matagal bago niya si-neen ang message ko. When he replied, I laughed.
Maven Keith Morin:
What the hell! Bakit picture namin ni Ana 'to?
Michelle Castañares:
Ay sorry po, napindot lang. HAHA
Maven Keith Morin:
But. . . I like it. Nice shot, classmate! :)
I was about to type in my reply when it was interrupted by an unknown call. Nakakunot ang noo ko at nagdadalawang isip kong sasagutin ba. Hindi ko naman kasi alam kung sino ito pero wala namang mawawala kung sasagutin ko, 'di ba?
Kagat labi kong sinagot ang tawag. "Hello?"
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero narinig kong nagbuntong hininga ito.
"Are you okay?"
Napasinghap ako nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa akin. His cold yet calm voice filled my ears. Biglang nagwala ang puso ko nang marinig ko ang boses niyang punong puno nang pag-aalala.
"A-aziel?"
"Hmm?"
I almost closed my eyes when I heard him say that. Damn it! Bakit kahit sa cellphone ang ganda ng boses niya?!
"Uh. . . bakit ka napatawag?" Kahit sobra sobra na ang kalabog ng puso ko ay sinikap ko pa ring maging kaswal.
"I just want to check on you. Ayos ka lang ba?"
"Oo naman. Uh, saan mo nga pala nakuha ang number ko?"
"Secret," aniya at tumawa pa.
Umirap ako pero hindi maiwasang mapangiti. "Ayaw mong sabihin?"
"You sounded like a boss, Castañares. My boss to be exact," marahan niyang sabi. Halatang natutuwa.
I chuckled. "So, ikaw 'yong empleyado ko?"
"Yeah. . . at ang sweldo ko ay ang pagmamahal mo."
Sandali akong natigilan. Hinawakan ko ang dibdib ko at napapikit na lang dahil sa bilis ng tibok nito! Hindi ko na napigilan ang matawa.
"Ang corny mo uy!"
"At least I made you laugh, huh?"
Ngumuso ako at huminga ng malalim. Kapag talaga kausap ko siya hindi ko mapigilan na hindi kabahan at huminga ng malalim. I can't contain the feelings. I felt that he could take my breath away. Damn ang corny ko na rin!
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nag-usap ni Aziel. Basta ang alam ko na lang pagkatapos ng usapang iyon ay mas lalo ang akong nagkaroon ng gana na mag-review para sa finals.
"Kanina ka pa nag-aaral dyan, ah. Kain ka muna," si Ate Kim na ngayon ay naghahain na ng pagkain.
Nag-inat ako ng katawan at naramdaman ang sakit ng likod. Shit! Hindi ko na napansin ang oras. Kaya pala nakakaramdam na rin ako ng gutom. Humikab ako atsaka niligpit ang iilang notebooks at highlighters na nagkalat sa kama ko. Doon ko lang napansin na may message pala sa akin si Aziel kanina pa.
Aziel:
Tapos ka na ba mag-review?
Agad akong nagtipa ng reply para sa kanya.
Ako:
Yes, kakatapos lang. Nakakagutom.
Ibababa ko na sana nang makareceive ako ng reply galing sa kanya. Ang bilis naman magreply nito. Keyboard warrior ata 'to, eh.
Aziel:
You should eat then. Nakakapagod talaga mag-review.
Ako:
Sige, kain lang ako.
Aziel:
Text me kung tapos ka na. I'll call you.
Kumunot ang noo ko at nagtipa ng reply.
Ako:
Why?
Aziel:
I missed your voice. Can I call, please?
Pakiramdam ko'y lumulutang ako sa hangin. Kung hindi lang ako tinawag ulit ni Ate Kim ay baka hindi na 'ko gumalaw pa. Nakangisi siya sa akin at punong puno ng ito ng malisya. Umiling na lamang ako nang magsimula siyang tuksohin ako.
"Iba talaga kapag may inspirasyon, 'no? Kahit hindi na kumain basta maka-text lang, busog na busog na."
"Ate. . ." saway ko.
Humalakhak siya. "Ayos lang 'yan, ano ka ba! Syempre dalaga ka, kailangan mo ring maranasan ang ganyang mga bagay. Isa pa, bagay kayo ni Aziel."
Ngumuso ako at pigil na pigil ang ngiti. Pabiro niya 'kong tinulak. "Kilig ka naman!"
Uminit ang pisngi ko at hind na lang siya pinansin. Tahimik naman kaming dalawa na kumain ng hapunan. Nagboluntaryo akong ako na ang maghuhugas ng pinggan since si Ate naman ang nagluto ng pagkain namin. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay bumalik ako sa kama ko at naupo. Sosyedad at Literatura muna ang ni-review ko since more on memorization si Ma'am Granada. Nakakaloka nga kasi gusto niyang word by word ang sagot mo.
I pursed my lips as I stared on my phone. Nagdadalawang isip kong i-te-text ko ba siya o hindi na lang kasi baka may ginagawa iyong tao. Sa huli ay hindi na lang ako nagmessage sa kanya. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagscroll down at up sa aking social media accounts. I checked my twitter stan account for the updates of my kpop idols. Nang ma-umay dahil puro na lang away ang bumubungad sa akin ay umalis ako roon at kahit sa F******k stan account ko ay may away pa rin between different fandoms and teams.
I sighed. Wala namang bago. Kahit saan ako magpunta ay may mga taong nakikipag-away para lang sa mga paborito nila. Noon pa man ay mayroon ng fan wars na nangyayari at kahit immune na 'ko sa mga paninira nila sa favorite kpop group ko ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan.
I wonder why these people aren't tired of fighting? Why not focus and mind their own business, rather than proving a point to other people that leads to comparing our favorites? But maybe that's the reality of life. We can't control other people's mind. We can't force them to like what we like and they can't force us to like what they like as well, but I hope that they can give even a pinch of respect for our own choices.
Maybe a few people would understand that kind of mindset, that not all people will agree to the things that we like? Kahit magkaibigan kami ni Anna at may mga disagreements hindi naman umabot sa punto na nag-away kami.
We have different perspectives in life and the only thing we can give to them is to respect their opinions and choices. I just hope that they are open for another opinion and choices too, and reciprocate the respect we give to them.
I snap back to my senses when my phone rang. Napaayos ako ng upo nang rumehistro ang pangalan ni Aziel. He's calling me! Nagdadalawang isip pa 'ko kung sasagutin ko ba kasi nandito si Ate Kim at nakatingin pa sa akin. Natatawa siya. Ngumuso ako.
"Sagutin mo na nga 'yan. Hindi ako makikinig," aniya at nagsaksak ng earphones sa tenga.
Sasagutin ko na sana nang namatay ang tawag. Akala ko'y hindi na siya tatawag pero tumawag siya ulit!
"Hello, sorry busy ka ba?" bungad niya sa akin.
"Uh, hindi naman," tumingin ako sa gawi ni Ate Kim at napansin ko ang pigil na pigil niyang ngiti.
He chuckled. "Is it okay if I call?"
"Oo naman. . . bakit naman hindi?"
"Hmm, kumain ka na?"
Kumunot ang noo ko. This sounds familiar.
"Tapos na."
"Aziel, mamaya ha!" narinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya.
"Sheena, I told you I can't—"
"Ang KJ mo naman! Wala naman si—"
The call ended. Hindi ko na narinig ang sinabi noong Sheena na kausap niya. I wonder where are they going? Tsaka kaano-ano niya iyon? Classmate? A friend? Or. . . his girl? Parang may kumurot sa puso ko nang pinatayan niya 'ko para lang hindi ko marinig kung sino man ang pinag-uusapan nila.
My phone beeped. I received a message from him.
Aziel:
I'll call you later, okay?
I sighed.
Ako:
Kahit huwag na. . .
I immediately erased the text.
Ako:
Okay.
Humiga ako sa kama at naghintay ng reply galing sa kanya pero wala akong nareceive. Nilingon ko si Ate Kim at seryoso siyang nagbabasa ng notes niya. Alas siyete pa naman kaya nagpaalam ako sa kanya na lalabas muna. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong. Kinuha ko ang itim kong BTS ball cap at ang aking cellphone. Sinuot ko na rin ang jacket ni Keith. Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at sinuot ko 'yon. Basta komportable akong sinusuot iyon.
"Be careful, Mich," seryosong sabi ni Ate Kim.
Tumango ako. "Oo naman, Ate."
Tiningnan niya 'ko, tumango siya at ngumiti pero bago ako tuloyang makalabas ay narinig ko pa kung ano ang pinapakinggan niyang kanta.
People come and people go
But your touch cuts me deeper
And still it grows at the center
I will always remember
I sighed. Naglakad ako papunta sa Camotes Sea. Kahit nasa malayo pa lang ay tanaw ko na ang maraming tao sa kiosk at malapit sa dalampasigan. Maraming ilaw roon kaya kitang kita ko ang mga magkasintahan na nakahilera roon.
"Gusto kong mapag-isa. Umalis muna kayong lahat dyan, please lang," mahina kong sabi sa sarili at mahinang natawa. Baliw.
Ngumuso ako at naglakad papunta sa kaliwang bahagi kung saan kaunti lang ang mga tao. Nanliit ang mga mata ko nang makita hindi kalayuan ang isang pamilyar na babae. Kumunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata nang bigla niyang halikan ang lalaki! Oh my god! My innocent eyes!
Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang babae at iyong lalaki. Umawang ang labi ko nang biglang tinulak ni Rain si Gwen! Napatutop ako sa aking bibig nang marinig ko ang hikbi ni Gwen.
Hindi ko narinig ang pag-uusap nila kasi mahina lang iyon at medyo malayo ako sa kanila pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa ka-klase. Magkakilala sila o baka naman may relasyon silang dalawa? Tumalikod ako at hahakbang na sana paalis nang marinig ko ang sigaw ni Rain.
"It was your fucking choice to leave me, Gwen pero bakit parang kasalanan ko pa ngayon? You want me back, huh?! Tangina, dati rati ako 'yong naghahabol sa 'yo para balikan mo lang. Kaunti na lang luluhod na 'ko sa harap mo at sa mga magulang mo para lang balikan mo 'ko pero ano'ng ginawa mo?! Pinili mong iwan ako at ngayon na naka-move on na 'ko sa 'yo, babalik ka ulit?"
"I'm sorry! I was so dumb not to value your worth pero ngayon. . . mahal kita, Rain. Mahal pa rin kita," wika ni Gwen sa gitna ng kanyang iyak.
There was a moment of silence. Nagdadalawang isip ako kung haharap ba 'ko para tingnan kung ano ang ginagawa nila o lalakad na lang paalis at hindi na sila gambalain pa. I chose the latter. Umalis ako roon at naglakad na lang papunta sa gazebo habang hawak ang cellphone.
I would always check it every now and then. Oo na, inaamin ko na. Naghihintay na 'ko sa reply niya! I am waiting and anticipating for him to call me at kapag hindi ko nakikita ang pangalan niya ay naiirita ako.
Huminto ako at kinuha ang cellphone. I opened my f******k account. Umawang ang labi ko nang bumungad sa aking news feed ay isang video na naka-tagged si Aziel. May hawak siyang gitara at kumakanta. Hindi ako sigurado kung nasaan siya ngayon basta ang alam ko'y nasasaktan ako. Alam kong wala akong karapatan pero umasa ako na tatawagan niya 'ko.
Iyong kumuha ng video ay narinig kong sumigaw at itinutok sa isang babae iyong camera. The girl waved her hand. Tinakpan niya ang kanyang mukha at bumalik ulit sa gawi ni Aziel ang video. Hindi ko na tinapos iyon. Basta ko na lamang pinatay ang cellphone ko at wala sa sariling naglakad papunta sa kung saan.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Wala ako sa sariling naglalakad papunta sa kung saan. Alam kong wala akong karapatang masaktan pero naiiyak ako. I was hoping for him to call me that night. Tangina, naghintay ako hanggang alas dose kasi sinabi niyang tatawagan niya 'ko ulit pero hindi. Nag-alas tres na lang ng madaling araw ay wala pa rin, at oo ang tanga ko sa part na hanggang madaling araw ay hinintay ko ang tawag niya."Mich," gising sa akin ni Ate Kim.I groaned. Nagtalukbong ako ng kumot at nagpalit ng posisyon pero patuloy pa rin si Ate sa paggising sa akin."Ano ba 'yon?" tanong ko habang nakapikit at nakatalukbong pa rin. Inaantok pa."Andito siya."
Hindi ko na siya naabutan pa. I didn't get the chance to talk to him because he just disappeared. I send him a message asking if he's just okay pero nakarating na 'ko sa dorm wala pa rin akong natatanggap na reply sa kanya. Isa pa, nagtataka pa 'ko kung sino ang babae na naging dahilan ng pagsuntok ni Aziel kay Rain.Was it because of me? Ew, ang feeling ko naman. . .Natigilan ako at nanlaki ang mga mata. "Oh, shit! I should check Rain's condition too! Ayos lang kaya siya?" bulong ko atsaka kinuha ang cellphone para i-chat siya pero naalala ko na hindi ko pa pala na-a-accept ang friend request niya.I opened my Facebook account and accepted his friend request. Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya, pero binura ko rin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nakakaram
I was biting my lower lip while looking on our hands that are both intertwined. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nilingon ko siya at napansin kong nakatitig siya sa akin. He gave me a small smile. Hindi ko na rin maitago ang ngiti ko."Sure ka na talagang ayos ka na?" marahan kong tanong habang naglalakad kami pabalik sa dorm ko."Oo naman. Andito ka na, eh."I chuckled. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano'ng naging dahilan ng away nila ni Rain at nauwi pa sa gano'ng sitwasyon. But I don't have the right to asked him right now because it's not my story to tell. Siguro'y hihintayin ko na lamang na siya mismo ang magsabi sa akin.Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa harap. I can sense that he's thinking about somet
Aziel didn't say a word. I could see that he is really guilty about what Rain said. I stepped back after I overheard their conversation. I went back to the ground floor silently. Naupo ako roon at tahimik lang. Pakiramdam ko para akong isang computer na bigla na lamang nagshut down. I don't know what to feel. Nakatulala lang ako at pilit na pinoproseso ang mga narinig."Are you okay, Mich?"Nagulat ako sa biglang pagdating ni Rain. I gulped the lump on my throat and nod."Uh . . . pagod lang ako.""Do you want to cancel this?" he asked and I can sense sadness in his voice.Nakaramdam naman ako ng guilt. Syempre, I don't want to cancel this. Siya itong nag-aya tapos libre pa niya. Nak
Magkasama kaming dumating sa gym kung saan magaganap ang General Christmas Party. He was holding my hand and my guitar. Hinatid niya 'ko sa backstage. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya nilingon ko siya. He wasn't able to joined us tonight because that's his punishment from Miss Jean Escalante. I felt bad for him. Sayang naman ang pinag-practice-san namin kung hindi siya makakatugtog. Kahit naging busy kami sa finals week, naglaan pa rin ng panahon si Miss para makapag-insayo kami.Isa pa, binigyan niya kami ng kalayaan na tugtogin ang gusto namin. She was just there watching and guiding us. Kusa niyang binitawan ang kamay ko at nakangiti siyang binigay sa akin ang gitara ko."Good luck."Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Thank you . . ."
The first semester is finally over. Halos isang buwan din ang naging bakasyon namin. I spent the Christmas with my parents and Lola in Cebu. Malapit sa Bantayan Island ang lugar kung saan ang bahay nina Lolo't Lola kaya noong New Year ay doon kami sa isla namalagi at doon din sinalubong ang bagong taon.Mabuti na lang din at nakauwi si Kuya Mike galing Netherlands. He's a marine engineer at doon naka-base ang cargo ship nila na dumaong sa Netherlands. Three days before the Christmas, sinundo namin siya sa Mactan Airport at doon kami namalagi sa bahay ng grandparents namin. Kasama rin namin sa isla ang mga pinsan ko pati na rin ang mga kapatid ni Mama."Kumusta na kayo ni Charm, Mike? May kasalan na bang magaganap?" usisa ni Lola habang kumakain kami ng Notche Buena.Tiningnan ko naman
Parang gusto kong tumakbo na lang at takasan siya. I still can't believe that he's here! Ayaw ko naman isipin na sinusundan niya 'ko at ayaw ko ring isipin na gumagawa nga ng paraan ang tadhana para magkita kami. I am just staring at him right now, still shock and at the same time excited because he's here. Wait what?Why am I excited?!He chuckled. "Quit staring, Mich. Mas lalo lang akong mahuhulog sa 'yo niyan."I gulped the lump on my throat and looked away. My heart is pounding so hard!Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at nilahad sa akin ang kanyang kamay. Tumingala naman ako. He combed his hair using his left hand. My brows met, bewildered what he's going to do."Bakit?"
"Kakarating ko lang po, Tita . . . Opo, si Michelle po? Tapos na po siyang nagpa-enrol. Kasama niya po si Ana," rinig kong sabi ni Ate Kim.Nandito ako sa loob ng banyo. I am hiding from her actually. Narinig ko kasi ang yapak niya kanina kaya dali dali akong pumasok dito sa loob. Ngumiwi ako at hinimas ang hita dahil nabangga ako sa lamesa kanina."Michelle?! Asan ka?"I cleared my throat and open the faucet. Kunwari ay nagdedeposito ako. "Bakit, Ate?!""Oh, nasa banyo po siya, Tita. Nagbabawas ng sama ng loob. Opo, sige po. Bye po."Sumandal ako sa dingding atsaka hinimas ang hita na masakit pa rin hanggang ngayon. Lumapit ako sa sink at naghilamos dahil mahahalata ni Ate Kim