Share

Kabanata 8

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Wala ako sa sariling naglalakad papunta sa kung saan. Alam kong wala akong karapatang masaktan pero naiiyak ako. I was hoping for him to call me that night. Tangina, naghintay ako hanggang alas dose kasi sinabi niyang tatawagan niya 'ko ulit pero hindi. Nag-alas tres na lang ng madaling araw ay wala pa rin, at oo ang tanga ko sa part na hanggang madaling araw ay hinintay ko ang tawag niya.

"Mich," gising sa akin ni Ate Kim.

I groaned. Nagtalukbong ako ng kumot at nagpalit ng posisyon pero patuloy pa rin si Ate sa paggising sa akin.

"Ano ba 'yon?" tanong ko habang nakapikit at nakatalukbong pa rin. Inaantok pa.

"Andito siya."

Hindi ako nakinig. Nakapikit lang, antok na antok pa rin. Hindi ko alam kung ano'ng oras na basta ang gusto ko lang ngayon ay matulog.

"Aray, Ate!" sigaw ko nang tampalin niya ang balikat ko.

"Gaga ka, gumising ka nga! Si Aziel nasa baba kanina ka pa ata hinihintay no'n!"

Agad akong nagmulat dahil sa narinig. A-ano?! Sino raw ang nasa baba? Si Aziel? At ano naman ang ginagawa niya rito?

Hinila ni Ate Kim ang kumot ko. "Ano na? Hihiga ka lang ba riyan at hindi mo siya pupuntahan?!"

I was still shocked. Totoo? Akala ko talaga ay nagbibiro lamang siya. Bumangon ako pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay bigla akong inatake ng tampo. Ang sabi niya ay tatawagan niya 'ko pero hindi nangyari! He was so busy singing with his girls!

Natigilan ako. Teka nga. Bakit ba galit na galit ako? In the first place, I don't have the right to feel this kind of feeling! Isa pa, walang kami. Oo gusto ko siya pero hindi ko rin alam kung gusto niya ba 'ko. Napailing ako at niyakap ang unan at bumalik sa pagkakahiga. Pilit akong pinapabangon ni Ate Kim kahit ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko rin siyang harapin.

Iniisip ko kasi kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Tatanungin ko ba kung bakit hindi siya tumawag sa akin kagabi? But it would sound like a girlfriend who's demanding for an answer eh wala namang kami, 'di ba? I bit my lower lip. Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay. I'm doomed.

"Bahala na," bulong ko at bumangon. I went to the bathroom and fix myself first. Sinuklay ko rin ang buhok ko at sumimangot nang mapansin ang kulay itim sa ilalim ng aking mga mata.

"I looked like a zombie."

"Kaka-cellphone mo 'yan, Michelle," bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang pumasok si Ate Kim.

Mahina siyang natawa pero kalaunan ay naging seryoso na rin. "Para iwas sa sakit," may binigay siya sa aking band aid. Kumunot ang noo ko at nagugulohan sa kanya.

"Ano'ng gagawin ko rito? May sugat ka ba?"

Umiling siya. "Tapalan mo na bago lumalim 'yong sugat."

Nakababa na 'ko pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Ate kanina. Iyong sinabi niya ay parang may pinapahiwatig pero agad ding nawala sa isip nang makita ko si Aziel na nakaupo sa upuan dito sa ground floor o parang lobby na rin namin. Agad na bumigat ang dibdib ko pero pinilit kong maging maayos.

I smiled at him. Binigyan naman niya 'ko ng kaunting ngiti. He's wearing a white printed shirt and a khaki short. His hair is a bit disheveled and damp. Sa tingin ko'y kakaligo niya lang habang ako'y kakagising pa lang. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit hindi man lang ako nagpalit ng damit.

Tumayo siya nang makalapit ako. I smelled his familiar scent. "Hi, good morning."

Nanatili ang ngiti ko. Hindi ako sure kung tunay ba 'to o mukhang plastik. "Good morning din. Ano'ng ginagawa mo rito?"

He scratched his nape. Umawang ang labi ko nang iabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Hindi ko na alam kung papaano ko ikakalma ang puso ko dahil sa nangyayari ngayon. This is my first time. Lahat ng ito ay bago sa akin. Iyong atensyon, iyong pakiramdam na parang my drummer ako sa puso ko dahil kapag malapit siya ay lumalakas ang kalabog nito, iyong nararamdaman kong lungkot kapag hindi niya tinutupad ang sinasabi niya, at iyong nararamdaman kong kirot kapag nakikita kong may kasama siyang iba.

These feelings are new to me. In my entire life, si Aziel pa lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito and I am afraid of the possible things that will happen. Hindi ko pa siya ganoong kilala. All I know is that he's Aziel Marcellus Almazan, a tourism student, second year, magaling mag-gitara at maganda ang boses. I didn't know where he came from, his favorite band, movie, color or whatever.

So you want him to be your boyfriend? A little voice asked at the back of my head.

"Hindi mo ba gusto?" Did I buy the wrong flower, Mich? Do you want roses?" nahihimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Halata rin ang pagkakabalisa niya.

Hindi ako nagsalita. I was just staring at him. Iyong tampo na naramdaman ko kahapon ay biglang naglaho. Kahit matagal akong nakatulog kagabi dahil sa kakahintay ng tawag niya, ngayon pakiramdam ko ay bumabawi siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil halatang nag-aalala siya na baka hindi ko magustohan.

"Bakit naman sa tingin mo'y hindi ko magugustohan 'to?" I asked and get the bouquet from his hand.

Ngumiti ako dahil sa ganda niyon. It's a sunflower with a mixed of lavender. Kulay purple rin ang ginamit na pambalot niyon kaya hindi mawala ang ngiti ko. I smelled it. Napapikit ako nang maamoy ko ang lavender flower. It scent gives me calmness and peace.

The chaos in my mind last night subsided the moment he gave me a bouquet of flowers.

"You like it?"

Ngumiti ako at tumango. Ngumiti rin siya at yumuko kalaunan ay natawa. Natawa na rin ako at nakaramdam ng kung ano'ng kiliti sa dibdib. Uminit ang aking pisngi kaya bahagya kong tinakpan ang aking mukha gamit ang bigay niyang bouquet. Nanlaki ang mata ko nang kuhanan niya 'ko ng litrato.

"What the! Hoy, i-delete mo 'yan!"

He smirked. "Paano kung ayoko?"

"Aziel, isa!"

Ngumuso siya at bahagyang natawa. "Damn it, you really sounded like my boss. Isang banggit mo lang sa pangalan ko ay agad akong umuurong at susundin ka sa lahat ng gusto mo."

I smirked. "So, i-de-delete mo na?"

"Except this one," aniya at tumawa pa.

"Nakakainis ka naman, eh! Ang sabi mo—"

"Just this one, Castañares. I want a photo of you holding the flowers I bought."

Umirap ako. "Bahala ka nga."

He chuckled. May tiningnan siya sa likod saglit. His lips parted and his eyes widened a fraction. Nagtaka ako kaya nilingon ko rin ang nasa likod ko. Ngayon ko lang napansin na marami rami pala ang nakatingin sa amin. Ang lahat ng nasa ground floor ay halos nakatingin sa amin. Napapikit ako at mas lalong nakaramdam ng hiya. What the hell!

"Uhm. . . Balik na 'ko sa taas."

Nakakunot ang kanyang noo na bumaling sa akin. "Why?"

Pansin ko na hindi mapirmi ang kanyang mga mata. He's looking behind me every now and then na tila ba may binabantayan.

"Nakakahiya. Maraming nakatingin."

He sighed. Nilagay niya sa loob ng kanyang bulsa ang kanyang kamay atsaka tumango. He looked at the bouquet of flowers he gave me and smiled. Napangiti rin ako atsaka nagpaalam sa kanya na babalik na sa taas. I can hear the girls' murmuring something. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil mukhang kilala pa nila si Aziel.

The day went on. Dumating ang finals week at talaga namang mas pinag-igihan ko ang pag-aaral dahil ayaw kong bumagsak. Aziel message me constantly. Whenever I had a break I would send him a message asking if he's done studying. Kapag naman natapos na siya ay agad niya 'kong tatawagan. Katulad na lamang ngayon.

"Kumusta ang first day ng finals?" he asked.

Pagod akong umupo sa kama at nagtanggal ng sapatos. "It was fine. Sumakit lang 'yong utak ko sa pagbabagong morpoponemiko."

"A what?"

"Pagbabagong morpoponemiko."

"Ano? Pagbabagong meralko?"

Humagalpak ako ng tawa. Natawa na rin siya sa kabilang linya. Bahagyang nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa kagaguhan ng lalaking ito. Napangiti ako. When my days are gray, he would always make sure that it will never end up with sadness, instead, he will make a twist to make it lighter. Naghahanap talaga siya ng paraan para mapasaya ako.

The second day of the finals went well. Iyon nga lang ay nagbigay ng project si Miss at sa byernes ang deadline. Magkasabay kaming lumabas ni Anna. We parted our ways when we reach the ground floor of the CTE building. I heaved a deep breath and composed a message for him.

Ako:

Tapos na 'ko sa exams pero may project na binigay si Miss, awit.

Kumunot ang noo ko dahil sa sunod sunod na pagtunog ng aking messenger. It was from our band. Mayroong 35 messages at sobrang nakakatamad basahin kaya naman tiningnan ko na lang 'yon. I was about to pressed the home button when I read something.

Claudette Perez:

Hinatid na si Rain sa VSU hospital para magamot, si Yhel naman andito at kinakausap ni Miss.

Ronan Ysmael:

Tangina. Ano'ng nangyayari riyan, Clau? Nagte-take lang naman ako ng exam pero bungad na bungad sa akin ang balita mo.

Lauren Apostol:

Sinuntok ni Aziel si Rain.

Namilog ang mata ko at nagscroll pa ulit para mabasa ang conversations nila. Walang may alam kung ano ang pinagmulan ng away. Nang dumating si Clau ay doon niya naabutan ang pagsuntok ni Aziel. What the hell, Almazan! Ano'ng ginawa mo?!

I did not waste any seconds. Agad akong tumakbo papunta sa office ni Miss. We have the student affair building kung saan naroon lahat ng opisina ng mga organization. Nairita pa 'ko dahil may mga magjowang ang babagal maglakad! Susmaryosep, walang prosisyon kaya sana naman bilisan nila 'no?!

"Excuse me!" sigaw ko dahil magkaholding hands silang dalawa habang naglakad sa hallway.

Ang babagal niyong maglakad pero sobrang bilis niyo namang maghiwalay! Sigaw ko sa aking isipan. Hinihingal ako nang makarating doon. Naglakad ako papunta sa office ni Miss at nakita ko na naroon sa labas sina Clau at Lauren pati na rin si Roi na umayos nang tayo noong mamataan akong palapit sa kanila.

"Nasaan si Aziel?" agad kong tanong.

"Nasa loob, kausap ni Miss," sagot ni Clau.

Nilingon ko ang kulay green na pintuan ni Miss kung saan nakaukit doon ang kanyang pangalan. Jeanette Valerie Escalante.

"Ano ba kasi ang nangyari?"

Nagbuntong hininga si Claudette at akmang magsasalita nang biglang sumapaw si Roi.

"Nagsuntokan ang dalawa dahil sa isang babae."

Umawang ang labi ko. "A-ano?"

Sinapak naman ni Clau si Roi. "Kahit kailan talaga paepal ka, 'no? Ako 'yong tinatanong hindi ikaw kaya manahimik ka na lang diyan, bwesit ka."

Humalakhak si Lauren habang ako naman ay hindi na mapalagay. Damn it! I'm worried sick! Nag-aalala ako na baka may natamo rin siyang sugat.

"Puro na lang kayo bangayan. Kapag kayo nagkatuloyan, ewan ko na lang," si Lauren.

"No way!"

"Yuck, Lau!"

Sabay nilang sigaw. Agad silang tumahimik nang biglang lumabas ang isang instructor at pinagsabihan ang dalawa na ang ingay nila. Agad namang humingi ng tawad ang dalawa. Pinanlakihan ni Claudette ng mata si Lauren na nagpipigil ng tawa. Ako naman ay pabalikbalik ang tingin sa pinto ng office ni Miss. Bumaling ako sa kanila at tinanong ulit si Claudette tungkol sa nangyari.

"Iyon na nga, pababa na sana ako mula sa office ni Miss kasi may ibinigay lang ako sa kanya para sa upcoming Christmas party pero nadatnan ko silang dalawa dyan sa malapit," aniya at tinuro pa ang lugar kung saan iyon nangyari.

Actually, sa harap lang ng student affair building ang nangyari.

"Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila basta nagulat na lang ako nang biglang suntokin ni Yhel si Rain. He looks really mad. Para bang may sinabi si Rain sa kanya na nagtulak sa kanya para suntokin si Rain."

Umawang ang labi ko. "Narinig mo ba kung ano ang sinabi ni Rain sa kanya?"

Umiling si Clau. "I don't know."

"M-matatanggal ba siya sa grupo?"

"Nope, hindi siya matatanggal. It's either detention or disciplinary action ang ibibigay sa kanya," sagot ni Roi.

"How's Rain by the way?"

Sandali akong natigilan at naalala ko ang nangyari noong nakaraang araw. Gwen initiate the kissed. Sobra akong naiilang kapag nag-uusap kami ni Gwen dahil ang unang pumapasok sa isip ko ay ang pangyayari na hindi ko na dapat nakita pa.

"He's fine. . . I guess."

Naalarma ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Aziel na may malamig na ekspresyon at blanko ang mukha. Kinilabutan ako sa paraan ng kanyang tingin sa akin. It was far different from the Aziel Almazan I knew. Walang bakas na kasiyahan ang kanyang mukha. He was just serious. He's eyebrows were furrowed and he still looks mad. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"Katulad ng sinabi ko sa 'yo kanina ay hindi ka muna tutugtog sa darating na Christmas party. That's your punishment for punching your glee club president," ani ni Miss.

Nilingon ko siya. Tahimik lang siyang tumango habang nasa bulsa ang isang kamay. Nang pumasok si Miss sa opisina niya ay agad namang lumapit si Roi at kinausap ito.

"Ano ba kasi ang nangyari, pre?"

Umiling lang siya at tumingin sa akin. I was about to say something when he suddenly avoided my gaze and walked away. Umawang ang labi ko at hindi nakagalaw. I felt a pang of pain inside my chest. Gano'n lang? Pagkatapos kong magtatatakbo papunta rito, papunta sa kanya para malaman ko kung ayos lang ba siya, kung nasaktan ba siya tapos bigla lang siyang iiwas? Aalis? Pakiramdam ko'y hindi lang si Rain ang sinuntok niya kung hindi pati na rin ako.

But despite of what he did, I found myself running and chasing after him. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status