Share

Kabanata 5

Sevi texted me that they already in the venue. Samantalang ako ay papunta pa lang. Nag aalala na masyado si Mommy na baka hindi ako sumipot. Pagsisisihan ko pa nga daw kapag nangyari iyon. As if naman makaka urong pa ako sa event na ito! Minsan lang naman ito mangyari sa buhay ni Dad kaya pagbibigyan ko na. 

"Yes, i'm on my way na. Masyado lang praning yan si Mommy, akala mo naman hindi talaga ako dadalo. Nag 'oo' na nga ako kagabi diba?" masyado kasing mga oa! 

"Oo nga Ate, alam ko. Pero syempre, can you make it fast naman? Parang hindi kasi mapakali si Mommy, ayaw sigurong mapahiya." napahalakhak naman siya sa sinabi.

"Ok fine. On the way na ako. Ibababa ko na, nagmamaneho ako." paalam ko naman sa kaniya.

"Okay, take care. We'll wait for you here." at pinatay niya na ang tawag. 

Wala naman problema sa akin kung a-attend ako sa event. Ang inaalala ko lang talaga ay baka magkita na naman kami doon ni Zadiel. Last time ko siyang nakita ay iyong may kausap siya sa phone sa parking lot ng building ng condo namin. Mas malala pa doon ay nakita niya ako! Baka kung anong isipin niya. Bahala na lang. Basta I will act civil, iyon na lang ang tangi kong gagawin.

Nakarating ako sa venue na marami ang tao. Medyo nilukob ako ng pagkahiya. Ayaw ko pa naman sa crowded na place, maliban na lang kung bar to' kaso hindi. Malalaking tao at mga negosyante ang makakaharap ko dito. Hindi ko alam kung bababa pa ako dito sa kotse ko. Buti na lang nakita ko si Sevi na papalapit sa kinaroroonan ko! 

"Ate, you're here! At last! Let's go. Kanina ka pa hinihintay nina Daddy. May kausap lang sila sa loob." tumango naman ako sa kaniya at dumeretso na kami papasok sa loob.

Nadatnan kong nagkakasayahan na ang iba. Mukhang halos naman ay magkakakilala dito. Hindi ko talaga alam kung para saan ba talaga ang event na ito, basta na lang ako sama nang sama sa kanila. Nakalapit na kami ni Sevi kayna Daddy at may kausap pa itong halos kaedaran niya lang siguro. 

"Finally my daughter is here Sebastian. I want you to meet my Seferene, siya ngayon ang nakakatulong ko sa kompanya." pagpapakilala ni Daddy sa kasama niya.

"You have a good genes Amor ah? Hindi talaga mapagkakaila na dugong Dezaga ka, siguro hanggang sa kaapo-apuhan madadala ang magagandang lahi niyo." saad naman ng lalaki. Napatawa naman si Daddy sa sinabi niyon. 

"Buti na lang din talaga maganda ang Misis." sabay tingin naman ni Dad kay Mommy na agad naman kinakilig ni Mommy. Napa irap naman ako, hanggang dito ba naman Dad? 

"Anyway Sef, he is Sebastian Ramos, my classmate when we are in high school." kinamayan ko naman ang lalaki at nginitian ito.

"Nagmo-model ka ba iha? Medyo familiar na kasi ang hitsura mo sakin."

"Naku! hindi ko pa mapasok iyan sa industriya ng pagmomodelo Sebastian. Ayaw pa nitong asawa ko dahil nag aalala pa masyado na walang makakatulong sa kompanya namin." si Mommy naman ang sumagot no'n.

"Buti napalaki niyo ng responsable ang mga anak niyo." 

"Off course, ayaw naman namin mapariwara ang kinabukasan ng mga anak namin. Hinahayaan naman namin sila sa mga gusto nila para hindi naman masakal sa amin ng Daddy niya." pagpapatuloy ni Mommy. Nangingiti naman'g tumango si Mr. Sebastian sa mga narinig. 

Totoo naman talaga ang sinabi ni Mommy. Even though we are experiencing freedom, hindi naman namin inaalis sa isipan namin ni Sevi ang bilin nila sa amin.

Nalilimitahan naman namin ang ginagawa namin para hindi madisappoint ang Mommy at Daddy. Kahit pa minsan ay hindi ko nasusunod iyon. Pero mukhang okay naman kayna Mommy kung ano ang ginagawa ko. Minsan talaga ay hindi na nila ako mapigilan sa ginagawa ko. But they don't know what i'm really doing in my life.

Nagpatuloy lang sa kwentuhan sina Mr. Sebastian at Daddy. Hindi naman kami umalis ni Sevi dahil wala naman kaming kilala ni isa doon. Gusto lang talaga kami ipakilala ni Daddy sa mga kaibigan at kasosyo niya dito sa negosyo, dahil makakatulong rin daw iyon pagdating ng panahon kapag nagsasarili na kami. Maganda daw na marami kang kilala sa larangan ng pagnenegosyo. Kaya hindi naman na ako nakatanggi pa sa kaniya.

Even Ninong Ismael greeted us. Sobrang saya niya ng makita niya ulit ako. Sa tagal din kasing hindi kami nagkita.

Hindi kalaunan ay may narinig na kaming nagbubulangan sa iba't ibang gawi. Napalingon naman kami sa bukana ng entrance at halos magkagulo naman ang mga paparazzi dahil sa dumating. Hindi ko pa nakikita kung sinong sikat ang pumasok sa bulwagan. Naunawaan ko lang nang magsalita si Daddy sa tabi ko.

"Zaniel is so fucking famous ah?" naiiling naman na saad ni Daddy. Halata sa boses niya ang pagbibiro at tuluyang lumawak ang pagngiti niya nang lumapit sa amin ang sinasabihan niya.

"Kamusta naman ang buhay ng isang sikat na business man ah? Talagang dinaig mo pa ang artista dahil lang sa pagpasok mo dito!" pagbati ni Daddy kay Tito Zaniel na natatawa na rin. Nagyakapan pa muna sila bago siya sagutin ni Tito Zaniel.

"Sira ka talaga Amorsolo, long time no see pare! Pero sa tinagal tagal ng panahon parang hindi pa rin kayo nagbabago ng asawa mong si Amanda ah?" parang hanga niyang saad. 

"Parang hindi naman kayo ni Beatrice." nanunudyong napalingon naman si Daddy kay Tita. Napangiti naman si Tita Beatrice sa biro ni Daddy. 

"Wait si Sef na ba ito?" manghang tanong ni Tito na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Yumakap naman ako at humalik sa pisngi niya bilang pagbati at ganoon din ang ginawa ko kay Tita Beatrice.

"Wow! iha, is that really you? Oh my god! Last time I saw you you're still young! maybe you're in a 12 of age that time?" parang hindi pa rin'g makapaniwalang saad ni Tito.

"Hindi ko na rin po matandaan Tito kung kailan pa tayong huling nagkita." natatawa ko naman sagot sa kaniya.

Kahit rin kasi nandirito sa Pilipinas ay hindi na halos sila nagkikita nina daddy dahil narin sa sobrang busy nila pareho.

"You're a woman now ah? May mga manliligaw ka na siguro or maybe boyfriend?" tanong niya sa akin.

"Nako Tito, wala pa sa isip ko iyan. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa ganyang bagay. All i want right now is to help my Dad in his company. Ako muna ang makakatuwang niya habang nag-aaral pa itong kapatid ko.

"Hindi mo man lang ba pinagbibigyan ang sarili mo? Pwede ka naman mag enjoy while busy working right? Okay lang naman yata sa mga magulang mo yu'n? Amor, masyado mo naman yatang hinihigpitan ton'g anak mo kaya siguro hindi nakakaisip sa ganoong bagay?" tanong niya pa kay Daddy. 

"Nako Zaniel, kung alam mo lang talaga. Kung tutuusin nga gusto ko nang pag asawahin tong dalaga ko. Maranasan ko man lang magka apo. Kaso laging kontra ang Mommy niya, kesyo ang bata bata pa daw." 

"Eh totoo naman na bata pa itong anak natin Amor! sa ganitong edad niya dapat magawa niya muna ang mga gustuhin niya sa buhay. Paano kung nag asawa na siya tapos hindi pa pala siya ready sa ganoon di'ba?" pagtatanggol naman ni Mommy sa side ko.

Hindi naman ako komportable na ako ang pinag uusapan nila. Like, hello? Nandito lang ako, kasama niyo people! Nahihiya naman akong sumagot sa kanila.

"I have don't time for that pa po talaga Tito." 

"Sa bagay Sef, you have a point. Dapat ngang i-explore mo muna ang sarili mo sa mga magagandang bagay. Kase itong panganay ko hindi ko na rin alam kung kailan mag se-settle sa buhay. Ang tagal tagal na nila ni Sheena, hindi pa yata nagbabalak magpakasal." naiiling na sabi niya.

Napatingin naman ako sa lalaki at napairap na lang ito sa sinabi ni Tito. Siguro ay ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa kaniya. Lumingon naman si Zadiel sa akin at agad rin akong nag iwas. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Uusisain niya ba ako tungkol sa nangyari sa may parking lot? Baka isipin niya na tsismosa ako.

"Hayaan na lang natin ang mga desisyon ng anak natin sa buhay nila. Malalaki na naman na sila. At alam na nila ang kanilang ginagawa." iyon na lang ang sinabi ni Tita Beatrice na tinanguan naman nina Mommy. 

Nagpatuloy lang kami sa kasiyahan. Unti unti naman akong napapakilala ni Daddy sa mga kakilala niya dito. Hindi nga lang maiwasan na ireto ako sa mga anak anak nila. Ano ba ang tingin nila sa akin? Manok? Na pwede nilang isabong tapos pupusta kung sinong mananalo? Hindi rin naman ako interesante. 

Nakita kong may kausap din ang pamilya ni Zadiel. Nangingiti pa siyang kinakamayan ang isang babaeng pinakilala sa kaniya. Wow? Acting doesn't have a girlfriend ah? Alam kaya ng girlfriend niya ang mga pinaggagawa niya? Well, i don't think so, kase malayo sila sa isa't isa. I pity her. At wala din naman akong pakialam! Bakit ba masyado na akong na oobliga sa buhay ng lalaking iyon? Pinag sa walang bahala ko nalang iyon at sumimsim ng wine. 

Lumapit naman sa akin ang isang lalaking medyo may katangkaran. Napakilala siya sa akin kanina. Mukhang interesado naman sa akin base sa kinikilos niya. Kapagkakilala pa lang natin, easy'han mo lang Sir.

"Hi. Seferene right? Ako iyong anak ni Mr. Salvador. If you remember me." pagbati niya sa akin at halatang nahihiya pa. I smiled at him para hindi naman niya akong masabihang masungit. 

"Hello." simpleng sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi mo kasama ang pamilya mo? Andoon sila sa may banda roon." at tinuro niya kung nasaan sina Daddy.

"Ahh, medyo masakit na kase ang mga paa ko para maglakad pa, so i decided to stay here. Sa sobrang taas rin kase ng heels ko ay hindi na ako masyado makalakad." tumango naman siya sa sinabi ko.

"May boyfriend ka na ba?" He asked out of nowhere. Napa kunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Not my thing, wala pa sa isip ko yan." sagot ko sa kaniya habang nilagok ang huling wine sa baso ko. 

"Bakit naman? For sure maraming nagkakadarampa sa iyo, mapansin mo lang sila." 

"I don't entertain suitors naman kaya hindi naman siguro ganoon ang nangyayari." sagot ko. Kahit naman ang totoo ay nagkaboyfriend na ako. Hindi nga lang tumatagal. Si Jade lang siguro ang tumagal sa akin. Five months din yun.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin ready sa pakikipag relasyon?" muli niyang tanong sa akin. Bakit ba hindi niya na lang ako deretsahin? Ang dami pa niyang pasikot- sikot.

"Forever." iyon lang ang sinagot ko. Nagpaalam naman ako na nag mag c'cr lang. Deep inside naiilang ako sa mga tanong niya. Kung popormahan niya ako, well, huwag na lang niyang ituloy. I am not interested. Mahirap kaya akong pasagutin. You need to take months to get my sweetest 'yes'. As if i fall inlove easily.

Wala naman tao sa comfort room kaya malaya akong matingnan ang sarili ko sa salamin. Napa buntong hininga ako at inalala ang mga titig ni Zadiel sa akin kanina. Akala ba niya hindi ko napapansin ang pagtitig niya sa akin? Akala mo naman kung makatingin pag aari niya ako! Yuck! No way noh? Naangkin niya lang ako ng isang gabi, at never naman na mauulit iyon! And why Sef? You want to do it again? Oh my God! what i am thinking! Iniling-iling ko ang ulo ko sa mga naiisip. 

Nawala naman ang mga isipin ko dahil sa mga narinig kong haing ng isang babae. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Nanggaling ang boses sa isang cubicle dito sa loob. Ang akala ko ako lang tao, meron pa pala. Alam ko naman ang nangyayari sa loob no'n, kaya napa iling nalang ako at gumawi na ng pintuan para lumabas. 'Isang bata na naman ang masasayang'. Sambit ko sa isip ko.

Pag bukas ko naman ng pinto ay muntik na akong mapasigaw dahil sa lalaking nag-aabang dito sa may pintuan! At ano naman ang ginagawa niya dito sa may labas ng ladies room? May hinihintay ba siya dito? Iyong babae bang nakakamayan niya kanina? Dahil kung iyon siguro ay baka iyon yung babaeng naririnig ko sa loob? Ayaw ko naman maging judgmental pero iyon ang hinala ko. Hindi naman siya narito kung wala siyang pakay, di'ba? 

"H-i, ah-m what are you doing here?" nauutal kong tanong sa kaniya. Biglang bumilis na naman ang tahip ng dibdib ko. Nakatingin lang siya sa akin ng deretso na ultimo nakikipag laban sa titigan. Ako na ang nag iwas ng tingin doon.

"I just want to talk to you." sa lalim ng boses niya ay parang malulunod ako! 

"About what?" pormal kong tanong sa kaniya. Abot langit ang tahip ng dibdib ko sa nangyayari ngayon. Hindi ko mapaliwanag kung bakit.

"About what happened that night." simpleng sagot niya. Hindi pa rin inaalis ang titig sa akin. Doon naman nanlaki ang mata ko! Ano ang ibig niyang sabihin? Does he mean? about sa nangyari sa amin? Is he knew? Totoong alam niya talaga? 

Hindi naman agad ako nakapagsalita. Napalunok ako at kitang kita ko ang pangungusap ng mga mata niya sakin. I don't know what really happening. Naiisip ko pa lang na pag uusapan namin iyon ay hindi na ako nagiging komportable. 

Bahala na! Maybe this is the right time para maklaro namin ang nangyari. Para matuwid na rin ang pagkakamali.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hindi ka din nakalimutan ni zadiel sef
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status