Share

Kabanata 1

Agad akong napatalikod sa gawi ng lalaking kapapasok lang na kasalukuyang nag-oorder. Hindi rin naman agad nakakilos si Sab dahil sa biglaang pagdating ng lalaki. 

"Kilala ka ba niya?" Bulong niyang tanong sakin.

"Hindi ko alam, malay ko bang tinitingnan niya ang mukha ko habang nag-sesex kami? All i know is we both drunk that time!"

"Paano kung nakilala ka niya Sef, what will you do?"

Praning niyang tanong. Wala naman talaga akong pakialam kung makilala niya ako o hindi. Ang pinoproblema ko lang ay baka malaman nina Daddy ang lahat! Hindi pwedeng mangyari iyon! Baka kung ano pa ang isipin nila kung bakit magkakilala kami niyan'g lalaking iyan! Hindi ko pwedeng sabihing may nangyari sa amin! Isang malaking kahihiyan yun! 

"Basta! Bahala na!" kabadong sagot ko sa kanya.

Nakita namin siyang omorder ng tatlong coffee, i guess ite-take out niya. Mukhang hindi naman siya magtatagal dito sa cafe'. Nang matapos ang pagbili niya ay nagpalinga-linga pa siya sandali sa buong paligid.

"Umalis ka na hangal!" bulong ko sa sarili ko. Masyadong tensyonado na ang pakiramdam ko. Dumagdag pa ang kaibigan ko na tumayo at nilapitan ito! Ano bang nasa isip ni Sabrina?! Sinasabi ko na nga ba! Hindi man lang niya naisip ang magiging kapakanan ko!

"Hi, Zadiel right?" pang bungad tanong niya. Hindi naman agad nakapagsalita ang lalaki dahil sa inasta ng kaibigan ko.

"Ahh, i know you, Oh! Syempre, you're a famous model in USA even here in Philippines! bakit mukhang takado ka pa?" dagdag niya.

"A-hh yeah! Im Zadiel, nice meeting you" pormal niyang pagpapakilala sa kaibigan ko. 

"Ow, I'm Sabrina, kailan ka pa dito sa Pilipinas?" 

"Just a week ago" simpleng sagot niya. Mukhang nababagot na siya sa set up nila ng kaibigan ko na ultimo parang gusto niya nalang umalis sa harapan ni Sabrina.

"Anyway, nice meeting you Zadiel, hope to see you soon. Let's bond sometimes! marami akong friends na girls, for sure magugustuhan mo ang isa sa mga yo'n." masayang saad niya. Hindi na rin naman nagsalita ang lalaki at agad na nagpaalam sa kaibigan ko.

"Oh my God! Sobrang gwapo naman pala talaga sa personal ng Zadiel na iyon! I think favorite ka ni Lord!" dere-deretso niyang saad habang inaayos ang upo.

"Tumigil ka nga! muntik mo na akong ipahamak kanina dahil sa paglapit mo don! Kung maaari nga lang sana ibaon ka na do'n sa kinatatayuan mo kanina, ginawa ko na!" inis kong sambit.

"Iniligtas pa nga kita kanina diyan, kaya dapat magpasalamat ka sakin!" 

"Wow, thankyou ah? kasi muntik na niya akong makita dito sa kinauupuan ko!"  buti na lang nga talaga hindi siya lumingon sa pinanggalingan ng kaibigan ko.

"Ang sarap nga siguro no'n noh? Hayyyy sana maka experience din ako ng na-experience mo." she acts like she was daydreaming.

"Tumigil kana nga! sana nga sa ibang lalaki ko nalang nagawa iyon! Not with him! malay mo may girlfriend na yan o kaya fiance, eh di ako pa talaga ang mapapahamak?" 

"At least natikman mo naman. At isa pa, hindi ka na lugi do'n ah?" pagbibiro niya. 

Napailing na lang ako sa kanya. Even if i tasted him, hindi pa rin pwede. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan ng mga magulang namin ng dahil lang sa isang gabing katangahang nagawa namin'g dalawa.

Hindi na rin naman ako nagtagal doon, nagpaalam na ako sa kaniya. Niyayaya ko siya para mag mall but she insist, may gagawin pa daw siyang mas importante, babawi naman daw siya sa sunod. Hindi na lang din ako nagpumilit pa. Palagi naman kami magkasama kaya okay lang, medyo nakakasawa na rin ang pagmumukha ng kaibigan ko.

"Hello Mom?" Sagot ko sa tawag ng Mommy ko. 

"Aalis kami ng daddy mo, we're going to Singapore. Naging biglaan lang ang lakad. Ikaw na muna ang bahala sa bahay dahil baka abutin kami ng ilang araw doon. Baka dumating ang kapatid mo galing probinsya, ikaw nalang muna ang umasikaso". 

"Mom, baka hindi na ako umuwi sa bahay, uuwi ako sa condo, linggo na bukas then the other day Monday na, ipagpapasok ko na sa opisina yun." pagdadahilan ko sa kaniya, which truth is ayaw ko lang talaga umuwi sa bahay dahil for sure pag nagkita kami ng kapatid ko ay iinisin lang ako no'n!

"Okay, basta sabihin mo nalang kay Sevi na hindi ka makakauwi do'n, magsasabi naman sa'yo iyon. We also told him na wala kami sa bahay." wala na rin akong nagawa kundi ang sang-ayunan ang mga sinabi niya.

"Okay fine, mag-iingat kayo ni Daddy" nagpaalam na rin naman siya sa akin at pinatay na ang tawag. 

Dumeretso ako sa mall dahil may bibilhin ako. Hindi naman ako mahilig mag shopping pero kadalasan kasi pag may naiisipan akong bilhin ay napapadpad ako sa iba't ibang mall, kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Nasa botique ako ng mga damit, hindi ko na maalala ang sinabi sakin ni Dad kung kailan gaganapin ang sinasabi niyang event. Maghahanap na lang ako ng formal para makasigurado na. Ayaw ko naman kumilos kung kailan kapanahunan na, masyadong gahol sa oras.

Inabot ako ng ilang minuto bago makapili ng magugustuhan, but I choose a simple long dress na may slit sa hitaan, kulay maron siya na parang sinamahan ng red, i can't explain pero maganda siya sa paningin ko. I like the color though.

Nagbayad na ako sa counter at kinuha ang mga pinamili ko. It's already 12 in the afternoon. Medyo nakaramdan na ako ng gutom kaya naghanap muna ako ng mga food chain na makakainan ko dito sa mall. Hindi naman ako maarte sa pagkakainan, but i prefer this than street foods. Sinasabi ng iba na masarap kumain sa ganoo'n pero i don't think na healthy yun. Hindi ko naman sa sinisiraan, ayaw ko lang talaga. But i salute all vendors there. Marangal na trabaho naman iyon at proud ako sa kanila dahil kahit hirap ang buhay, hindi pa rin sila tumitigil sa pagtatrabaho. Kahit simpleng hanap-buhay lang ito kung masasabi.

Sa buddy's na ako nagtungo, sobrang gutom na rin talaga ako. I order some foods na. Nang maihain sa akin ay nilantakan ko kaagad ang mga ito. Nakikita ko ang iba na nakakamay, so I try. Maayos naman pala kung nakakamay, nakakakain ng maayos at tuloy-tuloy lang ang kain. Mas enjoy ang ganito. Gagawin ko rin to sa bahay para maiba naman. For sure kahit sina Mommy, mababaliwan sa ginagawa ko.

Nangingiti at tahimik lang akong kumakain. Pero nakarinig ako ng mga nagbubulungan sa may tabi ko. I don't know kung ako ang pinag uusapan nila. Tiningnan ko sila at tataasan sana ng kilay nang makita ko na sa may pintuan sila nakatingin. Napatingin naman ako sa gawing tinitingnan nila. Kota na talaga ako sa ganito ah?

Pero mukhang mapagbiro nga talaga ang tadhana at mundo, sobrang lawak naman ng Pilipinas pero bakit lagi nalang kaming nagkakatagpo ni Zadiel? Kung pinaparusahan man ako dahil sa isang gabing nangyari sa amin, napaka OA naman. Madami naman taong gumagawa no'n ah? Minsan nga inuulit pa nila! Bakit ba sa lahat na lang ng pagkakataon lagi kaming nagkakatagpo? Iisipin ko na talagang sinusundan niya ako!

"Babe, sa restaurant nalang kase tayo kumain, hindi ba masyadong cheap dito? May mahihirap na kumakain dito, baka mamaya may bacteria pa silang dala at mahawaan nila tayo." maarteng sabi ng kasama niya. Hindi ko napansin ang babae, nalaman ko na lang na kasama niya iyon nang magsalita ito.

"Sheena, The food is okay here, one time na kumain ako dito sobrang nagustuhan ko kaagad. Lutong pinoy talaga lalo na iyong sisig na sinasabi nila!" sabi naman no'ng isa! So, nakapunta na pala siya dito? Hindi halata sa kaniya ah? Sa personality niya mukhang hindi siya makakahinga sa ganitong lugar dahil sa karangyaan niya, pero mukhang kabaliktaran ang lahat ng iyon. 

Napabuntong hininga naman ang kasama niya at wala na ring nagawa.

"Okay fine, basta kasama naman kita, ayos lang sa akin." malanding saad niya kay Zadiel. Napa irap naman ako sa sinabi niya. Mukhang higad. Eh di lumipat siya kung ayaw niya pala dito? 

Naghahanap na sila ng mapepwestuhan nang marealize kong sa may bandang kanan ko na lang walang naka upo. At hindi pa nga ako nakakaisip ng paraan kung paano ako makakaalis dito nang doon sila mismo dumeretso! Agad akong tumalikod para lang hindi nila ako mahalata! Ang hirap ng ganito, para akong isang kriminal na natatakot na mahuli ng mga pulis!  Bakit kailangan pang maging ganito ang buhay ko? At bakit nga ba ako nagtatago? Kung hindi naman niya ako kilala? right? Dahan-dahan naman akong pumihit para ayusin ang upo ko ng gaya ng kanina. Tahimik lang akong kumakain at pinapakinggan ang ino-order nila sa waitres. Patuloy lang akong kumakain upang matapos at nang makaalis na rin ako sa lugar na ito! 

"That's all miss, thank you." rinig kong sabi ni Zadiel.

"Kailan ka uuwi ng USA babe?" malambing na tanong ng kasama niya. Girlfriend niya yata to'!

"Hindi ko pa alam Sheena, kababalik ko lang dito. At saka may event pa akong dadaluhan next week. Importante iyon, dahil nandoon ang Daddy ko."

"So mag-isa lang akong babalik ng America dahil magtatagal ka pa pala dito" tunog nagtatampo ng babae.

"Lagi naman tayo nagkikita, at pinuntahan mo pa nga ako dito sa Pilipinas oh, hindi pa ba sapat sa'yo yun?" masuyo namang saad ng lalaki. Nakakasuka ang usapan nila ah?  

"Zadiel gusto kitang laging kasama, ayaw mo ba non? Noong nandoon naman tayo pareho sa ibang bansa hindi ka ganyan." napasimangot na ang babae. "Gusto mo pa nga lagi tayong magkasama, tapos hindi ka pa makatiis at pinupuntahan mo rin ako sa condo ko."

"Babawi nalang ako pag wala na akong kailangang asikasuhin dito sa Pilipinas, okay?" panunuyo niya.

"Basta babalik ka ah?" paninigurado naman no'ng babae. 

"Sure" iyon lang ang tanging sagot ni Zadiel at saktong dumating na rin naman ang order nila. 

Tapos na rin ako sa pagkain ko. Nagbigay narin agad ako ng bayad at dali-daling lumabas doon. Nang makalabas ako ay parang nakahinga ako ng maluwag. Sana ay ito na ang wakas! Hindi ko na talaga kakayanin ang mga nangyayari pa! Hindi pa man lang natatapos ang araw ay ang dami-dami na agad ang nangyari sa akin. Lord, magpapakabait na po ako basta wag lang ulit mag tagpo ang landas namin ni Zadiel! 

Kinuha ko ang susi ko at dali dali kong pinatunog ang sasakyan. Kailangan ko na rin magmadali dahil baka magkita pa ulit kami. Alam ko naman na mabait si Lord pero mas maganda na iyong nakakasigurado. Ngunit hindi pa manlang ako nakakapasok sa sasakyan ko ay may narinig na akong tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita kong hingal na hingal na lumapit sa akin si Zadiel! What the hell? Lord why? 

"Ahm, i'm sorry Miss, naiwan mo itong wallet mo sa may table. Pasensya na kung binuklat ko, I want to know kung sinong may may-ari. Buti kamukha mo ang nasa picture sa mga cards." namutla naman ako sa mga saad niya dahil hindi ko alam kung palusot niya lang iyon o talagang kilala niya ako. 

"A--hhh th-ank you. I h-ave to go." dali-dali kong hinablot sa kanya ang wallet ko at agad na sumakay ng kotse ko. Nakita ko pang nakatitig lang sakin ang lalaki. Pinaandar ko na ang sasakyan at napapikit na lang sa mga nangyari.

May pakiramdam ako na kilala niya ako! Sana hindi! Parang hihimatayin na ako ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Kaya ko naman ayusin ang lahat pero parang ang hirap naman! It's just a f*cking sex Seferene Marien! 

Pinaharurot ko ang sasakyan ko para gumaan ang pakiramdam ko. Dumeretso ako sa condo at hindi sa bahay, bahala ang kapatid ko kung umuwi siya ngayon, may problema pa ako! 

Kung alam ko lang na magkakaganito ang lahat dapat nag-isip na muna ako sa kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap. 

Help me God! Please have mercy with me.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana nakilala ka ni zadiel sef ay ang ganda kaabang abang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status