Kabanata 2

Pagka uwi ko sa condo ay agad naman akong napasalampak sa sofa. Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. I can't imagine why cupid always do this to me! Kung pinaglalapit man niya ang landas namin ni Zadiel, well, i will make sure na hindi siya magtatagumpay! At isa pa, may  girlfriend na yung tao! Oh my God! Tapos nakipag sex ako sa lalaking iyon? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na ang isang sikat na modelo sa buong mundo ay may affair sa isang babae, at ako yun! Pareho lang kaming masisira! What a life!

Naligo muna ako at nagpahinga lang. Wala akong ganang kumilos sa ngayon, magmumukmok nalang ako dito kaysa sabihin ito kay Sab at mag isip ng kung ano ano. Nahiga ako sa kama ng biglang tumunog naman ang cellphone ko. Nakita kong si Sevi ang tumatawag.

"What?" 

"Ate I thought uuwi ka dito sa bahay? Sabi ni Mommy nandirito ka?"

"Nakikita mo ba ako diyan?" sarkastiko kong tanong sa kaniya, "Kapag hindi mo nakita ang bulto ko diyan, malamang wala ako." pagtataray ko.

"Sungit naman, parang nagtatanong lang naman ako."  for sure he's pouting again, gaya ng nakasanayan niya pag nagmamakaawa.

"Malaki ka naman na Sev, nandiyan naman sina Manang eh, sa kanila ka nalang magpa asikaso. Nag'aayos pa ako para sa kompanya."

"Ate namimiss na kita kase, next next week aalis na naman ako para bumalik sa probinsya."

"Eh bakit umuwi ka pa kung babalik ka rin naman agad?" hindi ko na maintindihan to'ng kapatid ko. Nagsasayang lang ng panahon, babalik din naman pala agad sa Province.

"Dad told me that there have an even next week kaya pina-uwi niya ako. Kasama ka rin naman yata do'n eh, hindi naman siguro pwedeng hindi ka kasama?" takang tanong niya.

"Kasama ako, next week ba iyon? Hindi ko naman kase masyado naintindihan iyong sinabi ni Dad, para saan daw ba kase yun?" tanong ko sa kaniya dahil wala akong ideya kung para saan iyong event na gaganapin.

"Sabi ni Dad, he want us to meet his friends in company, baka mga kasosyo niya sa negosyo." 

"Bakit kasi isasama pa ako doon? Ikaw naman ang magmamana ng kompanya ni Daddy ah? kailangan bang kilala rin ako?" hindi naman kase importante iyon! Ang dami lang alam ni Daddy.

"Ewan ko, baka siguro dahil maganda ka para lalong maging interesante iyong mga kasosyo niya."

Napahalakhak naman siya sa pagbibiro niya. 

"Napaka epal mo talaga, i know naman na maganda ako noh!"

"Oo na nga ate, basta uwi kana dito sa bahay. Bye! Ingat sa pag-drive!" magsasalita pa sana ako ng agad na niyang patayin ang line. Bwesit talaga iyon! Magpapahinga nga ako ngayon eh! Pero wala narin akong nagawa. Nagpalit lang ako at umalis na, kung hindi ko lang talaga siya kapatid! 

Nakarating din ako sa bahay, at nadatnan kong nag ce-cellphone ang kapatid ko habang nakade-kwatro sa may sofa. Akala mo naman talaga senyorito! Hilaw naman! 

"Katext mo na naman iyang girlfriend mo?" nagulat naman siya at napabalikwas sa kinauupuan.

"Ate hindi ka naman nagsasabi na darating ka!" 

"Aba, at sino bang may sabing umuwi ako dito? diba ikaw naman? Eh bakit parang nagtataka kapa?" tinaasan ko siya ng kilay.

"What i mean is, hindi ka manlang sumigaw sa may pintuan na nandirito kana, hindi iyong parang multo ka diyan na bigla bigla nalang sumusulpot." pagdadahilan niya.

"Arte mo." bulong ko tumabi na rin sa kaniya. "Sina manang?" mukha kasing tahimik sa kabahayan.

"Maggro-grocery daw si Manang, si ate Anna naman nasa laundry." simpleng sagot niya habang nagtitipa sa phone niya.

"Sino ba ya'ng katext mo?"

"Wala to" hindi na ako nakatiis at hinablot ko sa mga kamay niya ang kaniyang cellphone.

"Ate naman!" 

"I miss you, babby?" basa ko sa message na kakasent niya lang. "Babby? really? Babby ang pangalan niya? chubby yan no?" sunod sunod kong tanong habang inaabot sa kanya ang cellphone.

"Callsign namin iyon, wag ka nga diyan. Basag trip ka naman eh!" medyo namumula na ang kaniyang tenga, halata kapag kinikilig o nahuhuling may ginawang kakaiba. Napa iling naman ako sa kaniya. Binata na talaga ang kapatid ko kahit tatlong taon lang naman talaga ang agwat namin.

Wala naman kaming gaanong ginawa sa bahay. Nagbonding lang kaming magkapatid maghapon. Dito nalang siguro ako matutulog tutal sunday pa lang naman bukas. Okay lang na gabi na rin akong uuwi sa condo. 

Sabay kaming kumain ng hapunan. Naubusan yata kami ng pag uusapan kaya wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Patuloy lang kami sa pagkain.

"Break na pala kayo ni Jade ate?" pagbasag niya sa katahimikan.

"At bakit mo naman natanong?" walang ka amor amor kong tanong.

"He'd always message me na kausapin mo na raw siya, ako lagi ang ginugulo no'n." binlock ko na kase sa lahat ng social media accounts ko iyong lalaking iyon, sex lang naman pala ang gusto sakin. Pinaabot pa ng limang buwan ang relasyon. Eh sa ayaw ko ngang makipag sex! tapos ang ending nakipag sex ako sa iba! What a shame! 

"Huwag mo nalang replayan, magsasawa rin iyon kamemessage sa'yo." 

"So totoo ngang break na kayo? medyo matagal rin kayo no'n ah? Tumagal ng hindi nalaman nina Mommy at Dad." 

"Basta tumahimik ka nalang diyan, ang intindihin mo si babby mo, huwag ako. Isumbong kita kay Mommy diyan eh!" pananakot ko, hindi pa kase tumigil! 

"Palagi ka nalang galit pag nagtatanong ako." umiling naman siya at pinagpatuloy ang pagkain. Ngunit hindi pa pala matatahimik ang mokong! Nagsalita pa ulit!

"Oh I remember, nakauwi na pala yung anak ni tito Zaniel? yung bestfriend ni Dad?" biglang nanlamig naman ang pakiramdam ko. Heto na naman tayo.

"Bakit ba kase ang dami mong nalalaman diyan? Hindi ka nalang manahimik? Hindi ko kilala iyon okay?" pagdadahilan ko sa kaniya.

"Oww hindi mo kilala si kuya Zadiel? kawawa ka naman buti pa ako kilala ko." napa inom naman agad ako ng tubig at tiningnan siyang nangingisi. "Sobrang sikat kaya no'n? sana ma'meet ko siya ulit. Gusto ko pa naman maging modelo rin!" 

"Hibang kana Severino! kumain ka nalang, pinag aarchitect ka ni Mommy at alam kong iyon din ang gusto mo!" 

"Iba na ngayon ate, maging Model na ang gusto ko. Baka nakikita mo ang muscle ko." at pinakita pa niya ang muscle niya sa braso. 

"Ewan ko sayo, para kang alitaptap." inirapan ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Sumapit ang linggo ng gabi at nagpaalam na akong uuwi sa condo. Wala naman problema sa kapatid ko dahil makakasama naman niya sina Manang.

"I'll go now, tumawag ka nalang sakin pag kailangan mo ako, may trabaho na ako bukas. Mag aral ka at wala ka naman ibang gagawin." habilin ko sa kaniya.

"Yes Ma'am Seferene!" napatawa naman ako sa kaniya. Yinakap ko siya at tumalikod na.

Habang nasa byahe ako ay nakita ko naman tumatawag si Sabrina. 

"What Sab? Nasa byahe pa ako." 

"Tara sa Casa de' reza, nandoon sina Meg at Hailey, bonding daw tayo." bungad niya. Wala naman ako gagawin. Kaso Lunes bukas baka naman kung ano na naman ang mangyari.

"Okay, game ako, nasaan na ba kayo?" 

"On the way na ako, nandoon na rin sila. Tayo nalang ang hihintayin." 

"Ahh sege, magkita nalang tayo, bye" pinatay ko na at iniba ang gawi para pumunta sa nasabing bar. Paborito namin puntahan iyon, dahil bukod sa masasarap ang inumin, maaliwalas din ang ambiance ng place. Sobrang relaxing at mapapasayaw talaga sa ganda ng mga pinapatugtog ng DJ.

Sabay din kaming nakarating ni Sabrina sa bar. Buti nalang para hindi na ako mahirapang hanapin kung nasaan sina Hailey.

"Nasaan daw sila nakapwesto?" tanong ko sa kaniya habang pinapakita namin sa bouncer ang aming id. Suki na kase talaga kami dito.

"Nasa private room sila. Gusto nila ng privacy para naman daw makapag usap tayo ng matino, pagbigyan mo na yung dalawang iyon at minsan lang makauwi ng Pilipinas, daig pa ng mga Amerikana yung mga y'on eh!" napatawa naman ako sa kaniya. Sabagay totoo naman, minsan nalang kase sila umuwi ng Pilipinas simula ng pumunta sila sa Canada para doon magtrabaho.

Nang magkita kami ay nagyakapan agad kaming apat! sobrang namiss ko talaga sila. 

"Kamusta na kayo?" tanong ni Meg. 

"Okay lang kami, lalo pang gumaganda. Ikaw Hail? ano na? kayo parin ba?" si Sab na ang nagtanong.

"Hay nako, huwag niyo nang tanungin dahil baka umiyak na naman, ang hirap kayang patahanin niyan" si Meg. 

"It's okay! naka move on na kaya ako! tagal na non." sabi ni Hailey, halata naman na okay na talaga siya base sa nakikita ko sa kaniya.

"Sege na Girls! Okay lang yan! Nandito tayo para mag bonding at hindi para balikan ang mga nakaraan! Let's cheer up guys!" Sabi ko para maging jolly naman kami. Puro kadramahan lang ang napag uusapan eh! Pasira lang talaga yung Jeremiah na'yon para saktan ang kaibigan namin, ayan tuloy. Broken.

Medyo marami na rin agad ang nainom namin. Nag usap lang kami ng mga naging karanasan namin noong mga nagsisimula pa lang kami sa mga trabaho. Masaya naman kami lahat, hindi lang talaga maiwasang hindi maiyak ni Hailey dahil naalala niya si Jem, akala ko okay na siya. Totoo talaga siguro na kahit nakikita mo sa isang tao na kaya na niya, hindi pa rin talaga. Siguro pinapakita lang nila iyon para hindi sila kaawaan ng iba. And i stan Hailey for that. Sobrang strong parin niya kahit nasasaktan na siya. Sana pagdating ng araw, maging katulad niya rin ako.

Nagpaalam muna ako saglit sa kanila upang pumunta sa comfort room. Hindi ko na kase matiis pa ton'g ihiin ko. Saka medyo hilo na rin ako sa dami na ng nainom kong alak. 

Pasuray suray na akong nakarating sa cr. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabawasan ang dinadala ko sa katawan. Lumabas din ako agad sa cr at nanalamin. Tinitigan ko pa ang sarili ko kung okay pa akong tingnan. Naghilamos at nagretouch nalang ulit ako para hindi gaanong halata na may tama na ako. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako.

Inayos ko ang lakad ko at dere-deretsong tinungo ang place namin kanina, ngunit sa kalasingan ay hindi ko na alam kung sino ang nakabanggaan ko! 

"Sorry miss, are you okay?" tanong ng lalaki sakin. Hawak niya ako sa braso upang alalayan patayo. 

"I'm okay, sorry i'm just tipsy." saad ko sa kaniya. Unti unti naman akong nag angat ng tingin sa kaniya, upang ngitian sana. Kaso biglang napawi ang ngiti ko ng makilala ang may hawak sakin. Hindi ako makahinga dahil na rin sa tindi ng titig niya sa mga mata ko. Napagawi ang patingin ko sa mapupula nitong labi na napaawang. 

Hindi ko alam ang nangyayari but my heart beating so fast. Hindi naman ganito dapat. Siguro dahil ay mag nangyari sa amin kaya ganito nalang ang pakiramdam ko.

"Seferene" 

Iyon nalang ang narinig kong sinabi niya at dali daling umalis sa harapan niya! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status