Share

Kabanata 3

Hingal akong nakabalik sa private room na kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Napansin naman agad nila ang hitsura ko.

"Oh anong nangyari sa iyo? Bakit parang tinira ka ng sampung kabayo diyan?" tanong ni Meg. Hindi ko man masakyan ang biro niya ay pinilit ko parin maging pormal sa kanya.

Hindi pa rin talaga ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko anytime ay pwede akong masundan ni Zadiel dito.

"Sef, ayos ka lang ba?" si Sab naman ang nagtanong. Kita ko rin ang pagtataka sa kanyang mukha.

"A-hhh O-oo, okay lang ako, medyo may nagka rambulan lang sa labas kaya medyo natakot ako." pagdadahilan ko. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo, pakiramdam ko ay nawala ang pagkahilo ko dahil sa nangyari. 

Naramdaman ko naman na kinublit ako ni Sabrina. "Ayos ka lang ba talaga? Parang hihimatayin ka na kanina pagkapasok mo eh." kunot noong tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo, knowing Sabrina, pag alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo, kukulitin at kukulitin pa rin niya ako.

"He saw me Sab." bulong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. Hindi siguro naintindihan ang sinabi ko. "Si Zadiel." dagdag ko. Halos manlaki ang mata niya sa sinabi ko, hindi naman kami halata ni Hailey at Meg sa kung anong pinag-uusapan namin, may sarili din kase silang agenda kaya hindi alintana sa akin na sabihin kay Sabrina ang nangyari kanina.

"Kilala niya ako Sab, tinawag niya ako sa pangalan ko!" pigil kong sabi sa kanya. "Hindi ko alam pero natatakot talaga ako na makilala niya ako!" Napa-inom agad sa alak na iniabot niya sa akin.

"Okay, relax lang, magagawan ng paraan yan, malalagpasan mo pa rin iyan." pagpapagaan ng loob niya sa akin. "Bakit ba kase hindi ka na lang maging civil sa kanya? Let's just say na, sex lang naman yu'n, hindi big deal say'o, like that di'ba?" napa isip naman ako sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi na lang maging gano'n? Balewala lang din naman sa kaniya ang nangyari sa amin, at ako lang talaga ang oa? Siguro nga.

"Yeah, you're right Sab, bakit nga ba ako matatakot? Sabihin nalang natin na pareho lang kaming nangailangan, right?" iyon lang ang tanging narealize ko. Na bakit nga ba ako matatakot na makita siya? Bakit kailangan kong makipag taguan tuwing makakasalubong siya? It's just sex! 

It's almost 12 in the morning na kami nakauwing magkakaibigan. Nawala ang hilo ko sa nangyari kaya nakapag drive pa ako ng maayos. Hindi ko pwedeng iwan ang sasakyan ko dito dahil dala ni Sab ang kanya. Umuwi ako sa condo ko dahil may pasok na ako sa opisina bukas, wala si Daddy kaya ako ang maaasahan doon. 

Hindi na ako nag atubili pa at nagderetso na sa banyo para maligo at maglinis ng pangangatawan dahil pakiramadam ko'y nanglalagkit na ako. Nagising ako around 5 AM, nag ayos na ako para pumasok sa trabaho, nagluto lang ako ng bacon at egg. Ito na lang ang kakainin ko ngayong umaga para hindi rin nabibigla ang katawan ko. At ito lang talaga ang alam kong lutuin sa umaga. Tipikal na rin naman to' sa akin.

I will always make sure rin na secured lahat ang gamit ko dito sa condo bago ako umalis, even the passcode of my door. May personal key rin ako nito para na rin double secured, kahit kase condo na, nanakawan pa rin, kaya mas mabuti na ang sigurado.

At bilang isang anak ng CEO, kailangang imaintain ang kaayusan ng kompanya at palaging responsable sa lahat ng bagay kaya naman maaga akong nakarating sa kompanya. Kahit maaga rin akong nakakarating dito ay hindi ko pa rin talaga inaasahang maaga rin magsipasukan ang mga empleyado dito. Na tila ba mapapagalitan sila kapag hindi sila umaga ng pagpasok. Well, hindi naman ganoon kahigpit dito sa kompanya. As long as walang importanteng dapat ayusin, malaya ang mga empleyado sa mga gusto nilang gawin.

"Good morning Miss Seferene." pagbati ng mga empleyado dito sa akin. Nginingitian ko lang naman sila bilang response, baka isipin nila na napaka sungit ko kahit hindi naman iyon totoo.

Nagtungo na ako sa opisina ko at binuksan ang loptop  ko para tingnan ang inventory ng nakaraang buwan. Patapos na rin kase ang buwan ilang araw na lang ang dadaan, kakailanganin ko na ulit ayusin ang kinikita ng kompanya for this month.

"Miss, good morning po, papipirmahan ko lang po sana itong project na gagawin sa isang Province, pa aprove na lang po." sabay ngiti sa akin, siguro sa HR siya naka assign, hindi ko rin naman halos kilala ang mga empleyado dito. Pinirmahan ko naman agad iyon dahil mukhang pirma ko na lang ang wala na dapat si Dad ang pipirma pero wala pa naman siya dito kaya ako ang naatasan. It's my responsibility too.

"Aneth, pwede bang paki dalhan ako ng tanghalian dito sa opisina ko? Adobo is okay, thank you!"

Halos mapagod din pala itong trabahong ito, gustuhin man ni Mommy na ipasok ako sa pag momodelo, hindi pa niya magawa dahil walang makakatulong si Daddy sa pagpapatakbo ng kompanya, dahil ang tagapag mana ay nag-aaral pa. Sana lang talaga ayusin ni Sevi ang pag-aaral niya, dahil kung hindi, ewan ko na lang talaga! I want to pursue my modeling career kaya sana naman tapusin na niya agad ang pag-aaral niya! Kung pepwede nga lang sana yun! 

Hindi rin nagtagal ay dumating ang pagkain ko. Sobrang nagutom na rin talaga ako. Nagpasalamat naman ako kay Leth, personal assistant siya dito matagal na, kaya naman saludo din ako sa dedikasyon niya sa pamilya ko. Ewan ko nga kung may balak pa siyang umalis dito kung may mas magandang mai-ooffer sa kanya.

Natapos ako sa tanghalian at bumalik na rin agad sa trabaho. Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na ako sa mga empleyado. Nasa parking lot na ako nang tumunog ang phone ko. And it's from Mom.

"Yes Mommy?" 

"Nasa opisina ka ba ngayon?" tanong niya sa akin.

"Pauwi na ako actually, why?" 

"Oh i forgot to tell you na pauwi na kami ngayon ng Dad mo." 

"Akala ko ba matatagalan pa kayo diyan?" 

"Hindi na, nasarado na namin ang deal at tapos na rin ang conference meeting na dinaluhan namin ng Daddy mo, kaya yo'n."

"That's great Mom! well, see you soon, si Sevi nasa bahay pa, next week pa yata daw ang uwi niya."

"Oh Yes, that's right, because on Wednesday we have an event to attend to, gaya ng sabi namin ng Daddy mo say'o, kung naalala mo pa."

"Ow, i still remember Mom, i'll go there naman, you don't have to worry about that." 

"That's good, dapat lang! Malaking event iyon kaya dapat kompleto tayo."

"Okay Mom, sege na po. I have to go now, i'll stay to my condo, i need to go to the gym pa kase." pagpapaalam ko sa kanya.

"Okay, take care always Seferene, dahan-dahan sa pag drive." habilin niya.

"Sure Mom" at binaba ko na rin ang tawag at pumasok sa sasakyan ko. 

Pagkarating ko sa condo ay nagpalit ako ng damit, hindi na muna ako naligo dahil mag g-gym ako mamaya, it's better if i go there around 7 PM, so i decided to lay on my bed muna and then i try watching some movies in Netflix. Sasayangin ko na lang muna ang oras. Kahit walang hilig sa panunuod ay ginawa ko na lang.

At exactly 6:30 naman ay inaayos ko na ang gym bag ko, malapit lang naman dito ang gym, nasa may 17th floor lang naman kaya hindi na problema sa akin iyon.

Pagkarating ko sa gym ay marami na rin ang nag wo-work out. Lumapit agad sa akin ang instructor ko para iassist ako sa mga gagawin ko ngayon. He ask me to do a push up. To gain my abs daw. Mas maganda pa rin daw kung may kaunting abs ang mga babae kaya naman sinunod ko na lang siya.

Sa kalagitnaan naman ng ginagawa ko ay may kararating lang na customer at saktong nilapitan ito ng instructor ko. Hindi ko na pinansin ang pinag uusapan nila at tinuloy na lang ang ginagawa ko. Napatigil lang ako nang lumapit sila pareho sa gawi ko. Para naman akong mabibilaukan sa nakita ko! Hindi pa ako nakakabawi ng tingin ay nagsalita na ang instructor ko. 

"Miss Dezaga, this is Mr. Zadiel Remejo, mas maganda siguro kung kikilalanin niyo rin ang isa't isa para sabay ko na lang kayo iinstruct sa mga gagawin niyo." pagpapaliwanag naman niya. Nanatili akong nakatingin sa lalaki at napaawang ng kunti ang labi.

"Hi Miss Dezaga." nakangiting pagbati sa akin ni Zadiel. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang kamay niyang nakalahad o huwag na lang, pero kinuha ko pa rin iyon at nagpakilala.

"Seferene Dezaga, nice to meet you." pormal kong saad. Hindi niya agad binitawan ang kamay ko at tinitigan pa muna ako. Ako na lang ang nagbawi ng kamay ko at sabay ngiting tinalikuran sila.

What a very nice day Seferene? You meet him again! You can't hide anymore!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan inilalapit talaga kayo ng tadhana
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status