Share

Chapter Five

I can't believe what happened earlier. I just got hit by a car. Buti na lang hindi gano'n kalakas ang impact no'n. Kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Good thing na 'yong nakabangga sa akin ay mabait. I didn't experience a hit and run.

"Doon ka muna sa kuwarto ni Chryszyler, sa ngayon." Nanlaki ang mata ko sa narinig at magrereklamo sana ngunit naunahan ako ng isa.

"What?!" Kung maka-react 'to. Hoy, ako rin ayaw ko rito! Ang gusto ko lang naman makita ulit sina Jeruza pero dito ako napadpad. Makikita ko pa kaya sila? Sina Ate Melinda at Mang Bert kaya?

"Dito na lang po ako sa sofa. 'Di naman po ako magtatagal dito," sabi ko sa kanila. I heard Chryszyler hissed, again.

"Baka kung ano gawin niyan sa kuwarto ko," inis na sabi niya. I'm not that kind of person.

"Chryszyler!" saway sa kaniya ng papa niya. "Doon siya sa ayaw at sa gust--"

"Okay lang po ako rito sa sofa," I said, cutting his father off. I smiled at them para hindi na nila ipilit. Ayaw kong pinipilit ang isang tao na gawin 'yong ayaw nila, lalo na kapag para sa akin 'yon.

Hindi na nila ako pinilit. Nabawasan naman ang inis ni Chryszyler sa akin simula no'n. Hapon na at andito ako sa sala nila. Nanonood ako ng T.V. dahil wala naman akong ibang gagawin.

"Magluluto lang ako rito, a," paalam sa akin ni Tita Marife, mama ni Chryszyler, nang lumabas siya sa isang kuwarto. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Pumunta siya sa kusina.

Lumabas naman din si Chryszyler sa kuwarto niya. He looked at me like he was bored. Dumapo naman ang tingin niya sa kusina at dali-daling pumunta ro'n.

"Ma, ako na rito. Tapos ka na ba sa trabaho mo?" I heard him asked.

Sinilip ko naman sila sa kusina at siya na ang nagluluto ro'n at nakaupo na lang ang mama niya. Mabait din naman pala 'to, e.

"Ayos na ako rito, ma. I'll just call you and dad later." They smiled to each other. Tita Marife was about to pat Chryszyler's hair when he avoid his mother's hand. "'Wag buhok ko, ma."

Tinawanan lang siya ng mama niya at tinapik na lang sa balikat. Umalis ang mama niya sa kusina kaya nagkunware akong busy sa pinapanood.

Kung nabuhay kaya si mama, paano kaya kami mag-uusap? Magiging close ba kami sa isa't isa? Magtatawanan din ba kami na parang matalik na kaibigan? Siya kaya magtuturo sa akin magluto at ng mga gawaing bahay at hindi ko kailangan aralin 'yon mag-isa?

Bumalik si Tita Marife sa kuwarto niya. Sinilip ko ulit si Chryszyler sa kusina. I saw him putting some seasoning in the pan. Swabe ang galawan niya at parang sanay na sanay sa kusina.

My brows furrowed when I heard him... singing? I turned down the volume of the T.V. I heard him humming! Lumapit ako ro'n, nahirapan pa ako dahil hindi ako sanay sa benda na nakakabit sa paa ko. Unti-unti kong naririnig nang mas klaro ang kinakanta niya.

"Honey

I'd walk through fire for you

Just let me adore you~"

Napangisi ako nang marinig ang pagkanta niya. Hindi ko maiwasan na maalala sina Thy at Drake. Kumusta na kaya sila? May gig kaya sila ngayon? Hinanap kaya nila ako pagkatapos ng gig nila?

"Oh, honey

I'd walk through fire for you

Just let me adore you

Like it's the only thi--"

Natigil siya nang mapansin na nakikinig ako sa gilid. Gulat na gulat siya na parang nakalimutan ata na andito ako sa bahay nila. Bigla naman nagbago ang ekspresyon niya. From shocked to bored look. I heard him hissed, again. Bumalik siya sa pagluluto.

Puwede kaya siya sumali sa banda nina Drake at Thy? Mukhang wala silang vocalist. P'wede 'to si sungit, maganda naman boses niya. But I don't know if he's interested.

"Are you done watching me?" Nagulat ako nang tumingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin pero tinignan ulit siya nang may maisip ako.

Tumaas ang kilay niya dahil bumalik ang tingin ko. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na.

"Interested ka bang sumali ng banda?" He froze when he heard my question. Why?

He cleared his throat and looked at the pan. Tumagal ang tingin niya ro'n na parang may iniisip nang malalim.

"Not interested," he said with a bored tone, nanatili ang tingin niya sa niluluto. I just shrugged and went back to the living room. Not interested...

Natapos siya magluto at tinawag na niya ang magulang niya. Akala ko ay tatawagin niya rin ako pero tinignan niya lang ako at dumiretso sa kusina. Sana hindi masarap panglasa mo ngayon.

"Oh, halika na. Bakit andiyan ka pa sa sala?" tanong sa akin ni Tita Marife. Wala po kase atang balak anak niyong pakainin ako. I didn't know why I'm being this mean.

Sumunod ako kay Tita Marife at umupo sa tabi niya. Nagsimula kaming kumain. Nag-usap sila tungkol sa business. May sarili pala silang kumpanya. Pareho rin pala kaming nag-aaral nitong Chryszyler. Kaso sa ibang mundo ako.

"Ikaw? Saan ba ang school mo?" Napatingin ako kay Tita Marife nang tanungin niya 'yon.

"Sa Barita Univer--" Napatigil ako nang maalala ko na wala pala 'yon dito. Nagtataka naman sila kung bakit huminto ako. "Sa Barita University po ang dati kong school. Hindi ko pa po alam kung saan ako mag-aaral dito," palusot ko.

"Sa Ferry University ka na lang din para mabantayan mo ang anak namin," sabi ni Tita Marife at tumawa. Nakitawa na lang din ako kahit narinig ko na naman si Chryszyler na tumutol.

---

"Ayos ka lang ba talaga riyan?" tanong sa akin ni Tita Marife habang inaayos ko ang unan na gagamitin ko sa sofa.

"Ayos lang po." Nginitian ko siya at humiga na. Pinatay naman niya ang ilaw at nagpaalam sa akin para pumuntang kuwarto nila.

Inayos ko ang paghiga ko. Nahihirapan ako dahil sa paa ko. I don't know why I don't feel comfortable. Maayos naman ang pagkahiga ko pero parang nangangawit na ewan ang paa ko.

I sat and groan silently because of frustration. I sighed. Tumingin ako sa bintana. Hindi pa gano'n kalalim ang gabi pero inaantok na ako. Humiga ulit ako at naghanap ng kumportable na higa pero hindi ko talaga alam kung paano ako hihiga! Ano ba naman 'tong paa na 'to.

Nagulat ako nang may humila sa akin paupo. Tinignan ko si Chryszyler na nakakunot ang noo. Inayos niya ang unan ko at pinatayo ako. Nanlaki naman ang mata ko nang humiga siya ro'n at balak na matulog.

"Matutulog na ako, tumayo ka na riya--"

"Sleep in my room." I bit my lower lip when I heard him said that.

"Ayos nga lang ako riyan. Tumayo k--"

"I said sleep in my room. Hindi ka kumportable rito dahil sa..." Tumingin siya sa paa kong may benda. "...paa mo." Tinignan niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang inis. "If you're not okay with it, you should have said anything." Bakas sa boses niya ang inis sa akin.

Umayos na siya ng higa at pumikit. Hindi ko na siya inistorbo. I pursed my lips trying to control my smile while walking to his room. May pakialam pa rin pala 'to kahit papaano.

Dahan-dahan kong binuksan ang kuwarto niya. Nagulat ako sa mga nakadikit na posters do'n. Mga banda! So, he's into bands? Pero sabi niya hindi siya interesado?

Nakita kong may gitara siya sa gilid, naka-cover 'yon. Marami rin siyang trophies sa isang shelf malapit sa pinto. Puro sa pagkanta 'yon. What makes him said that he's not interested when he likes playing?!

Pumunta ako sa kama niya at umupo ro'n. Ang lambot. Humiga ako at kinuha ang unan niya para yakapin. Tumingin ulit ako sa kuwarto niya. I'll let you sing and play again if that what's your heart wants.

Natulog na ako dahil kanina pa ako inaantok at para mabawasan ang sakit ng paa ko.

---

Nagising ako. I was expecting that I'll be in Chryszyler's room, but I'm in my room at our house. I came back. In the reality. Right, I should face my reality.

I sighed and prepared for going to school. Another hard day. Inapak ko ang paa ko, hindi na 'yon gano'n kasakit katulad... kahapon? I can walk properly now.

Nagpaalam ako kay lolo at sumakay na papuntang school. Dumiretso ako sa upuan ko pagpasok. I saw Charrieze and her squad walking towards me. Inantay ko silang makalapit nang hindi lumilingon.

"Hi, Faye!" I just smiled at her. May araw ba na hindi ko maririnig kaplastic-an niya? "Samahan mo naman kami mamaya, bibili lang ng mga damit."

Bakit? Para may taga bitbit kayo? Gusto ko tumanggi dahil ramdam ko pa rin ang pagod ng katawan ko kahit nakatulog na ako.

"Libre naman kita, don't worry."

"Bawal ako mamaya, e." Sumimangot sila nang marinig ang sagot ko. Wala ata siguro silang taga bitbit kaya gusto nila akong isama.

"Sige na, saglit lang naman!" Muntik ko na siyang irapan sa kulit niya. Sumapaw pa 'tong mga kasama niya.

"Sorry. Next time na lang?" Walang next time. She rolled her eyes at me then walked out with her squad. I shook my head. Buti nalang at mahaba ang pasensya ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako natatakot sa kaniya. Mas nakakatakot at nakakainis si Chryszyler sa kabilang mundo kumpara kina Charrieze.

The day went well, maliban lang sa mga utos na lagi kong naririnig, naging normal lang naman ang klase. Lumabas ako ng room para makauwi pero hinarangan ako ng isang kaibigan ni Charrieze.

"Bakit?" mahinahon kong sabi.

May binigay siya sa aking paperbag at isang papel. Umalis na siya pagkatapos no'n. Hindi ko alam ang gagawin sa inabot sa akin. Sinilip ko naman ang laman no'n. It's a red short dress. I don't think this will fit me and I don't think that someone will give me something like this. I read what's written on the paper. Napalobo ako ng pisngi sa nabasa.

"Can you deliver this dress to Empress Club? 8 PM. Thanks.

- Charrieze"

Gusto kong itapon ang paperbag at punitin ang papel. Mabuti sana kung may sahod 'to, e. Willing pa akong sundin lahat. I sighed out of frustration when I know I'm still going to do it anyway.

Umuwi muna ako sa bahay para makapagbihis at alagaan si lolo. Inantay ko lang mag 7:30 PM para makapunta sa Empress Club, byabyahe pa kase ako.

I'm just wearing a black shirt and a dark grey jogger pants. Nagsuot na rin ako ng jacket para hindi ako gano'n lamigin. Saglit lang naman ako, hindi ko na kailangan magbihis nang pang-alis.

Nagpaalam ako kay Lolo na lalabas saglit. Lumabas ako at naramdaman ko kaagad ang lamig ng hangin. Sumakay na ako para makapunta sa club. Mga 7:50, nakarating na ako ro'n. I chat her that I'm already outside. Mabilis naman siyang nag-reply.

Charrieze Ocampo:

Go inside. I'm at the bathroom.

Tumingin ako sa pinto ng club. May bouncer do'n. Nakita ko naman ang mga iba't ibang ilaw sa loob.

Papasok ako riyan? Bumuntong hininga ako at lumapit sa bouncer. Tinignan niya ako nang mabuti. Gumilid siya at pinapasok na ako. Gano'n lang 'yon?

Bumungad sa akin ang nakakabinging music. Paiba-iba ang mga ilaw. Maraming tao ang nagsasayaw sa gitna. Nakakahilo 'yon. Paano nila natitiis dito sa loob? Hinanap ko ang cr ng girls at pumunta ro'n.

"Charrieze?" tawag ko.

Bumukas naman ang isang cubicle at ando'n sa Charrieze. Mapula na ang mukha niya. Ngumiti siya nang makita akong hawak ang paperbag. Kinuha niya 'yon sa akin at pumasok sa isang cubicle.

"Just in time!" rinig kong sabi niya habang nasa loob siya.

I guess even if she's drunk, she don't know how to say thank you? Lumabas na ako ro'n. Nakita ko naman ang tatlong lalaki na nakasandal sa labas ng cr. Parang may inaantay. Sabay-sabay silang lumingon sa akin pero bigla ring umiwas nang hindi ako ang inaasahan. Are they waiting for Charrieze? Si Charrieze lang ang alam kong nasa loob.

I just shrugged it off and left the bar. Nag-aantay ako ng masasakyan.

"Wala nang dumaraan dito." Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. Nakatingin siya sa akin na parang kanina pa ako pinagmamasdan.

"O-Okay lang po," sabi ko nang lumapit siya sa akin. Umatras naman ako nang lumapit siya ulit. Problema nito? Hindi ko naman 'to kilala.

"Doon may sakayan, samahan kita." Kinilabutan ako nang ngumisi siya sa akin. Kapag lumapit pa ulit 'to, tatakbo na ako. Ayaw kong mapahawak. Kung wala siyang masamang balak sa akin, hindi na niya ipagpipilitan ang gusto niya.

Nang akmang hahakbang siya palapit, hindi na ako nagdalawang isip kung hindi tumakbo. I ran as fast as I can, not minding where I'm heading.

Lumiko ako sa isang iskinita. Habol habol ko ang hininga na sumandal sa pader do'n.

I want to go far far away. I want to get out of here. Ngayon na nga lang ako lumabas ng gabi, gan'to pa ang mangyayari sa akin. Tumakbo ako ulit at napalayo sa lugar na 'yon.

Lumabo ang paningin ko dahil sa luha. Nadapa ako bigla dahilan para mapadaing ako. Hinawak ko ang paa ko na sumakit. Napapikit ako sa sakit. Ayon 'yong paa kong may sprain!

"What happened?" Napadilat ako nang marinig ang boses ni Chryszyler. Lumapit siya sa akin at tinignan ang hawak hawak kong paa.

"What happened?" he asked again in a husky voice. Halatang kagigising lang dahil sa akin. Did I scream too loud? Sobrang sakit kase ng paa ko. Hindi ko naman inakala na makakabalik ako rito bigla.

"S-Sorry. Nagising k-ka." Nanginginig pa ang boses ko. Hindi pa ako nakaka-recover sa nangyari. I know nothing really happened but what if I didn't ran away? What if he's too strong and fast to catch me earlier? He looked at me angrily. Napayuko ako dahil hindi ko kaya tagalan ang tingin na 'yon. Ayaw kong may nagagalit sa akin.

Napadaing ako sa sakit nang pisilin niya 'yong paa ko. Kita ko pa rin ang benda ng paa ko. Sobrang sumakit na siya ngayon, hindi katulad kahapon.

I heard him hissed. "Did you fell?" Nakakunot ang noo niyang tanong. Halata pa rin sa boses niya ang galit. Tumingin siya sa akin nang hindi ako sumagot. "Why are you crying? Sobrang sakit ba?" His tone is angry, but I can see in his eyes that he's worried.

Yes, it hurts. But that's not the reason why I'm crying! I almost got rape for Pete's sake! I don't really know why guys like doing that! I mean, they can masturbate on their own! Bakit kailangan pa idamay ang mga inosenteng tao? Lalo na ang mga babae. Jeez, men.

Inalalayan ako umupo ni Chryszyler sa kama niya. Lumabas siya saglit ng kuwarto at pagbalik ay may bitbit ng hot compress at benda.

Inalis niya ang benda sa paa ko. He puts the hot compress on my injured foot before putting a new bandage. Napapaiwas naman ako paminsan minsan kapag nararamdaman ko ang kamay niya sa paa ko.

"Hey, it's okay. Mawawala rin 'yan." Napatingin ako sa kaniya sa sinabi. Parang naginhawaan naman ako kahit alam kong hindi niya talaga alam ang nangyari sa akin.

"Bakit sabi mo hindi ka interesado kahit gusto mo naman?" tanong ko habang nilalagay niya ang benda sa paa ko. Kumunot saglit ang noo niya. He hissed when he get what I mean. Lumibot ang tingin niya sa k'warto niya. Nakita kong napangiti siya nang kaunti pero nawala rin 'yon.

"What if I told you I'm interested? What you going to do about it?" Nag-isip ako ng isasagot sa kaniya. Ano nga ba ang gagawin ko kung intersado siya? Sabihin na sumali siya bilang bokalista sa banda nina Thy kaso hindi ko naman alam kung nasa saan sila ngayon.

"Do you know the band..." What's Thy and Drake's band name again? I don't even know. Hindi ko natanong. "The band where Drake and Thy is in?"

Lumiwanag naman saglit ang mukha niya. "You mean, Drake and Thyron? The band named Universe?" Universe is their band name? Cool. And what did he said again? Thyron? Akala ko Thy lang, ayon lang kase ang tawag nila sa kaniya.

Tumango ako. Natapos na niyang lagyan ng benda ang paa ko. Umupo siya sa tabi ko.

"You know them, too?" I'm going to ask him that.

"Yeah. Kanonood ko lang ng gig nila sa Nuke field." Nanlaki ang mata niyang tumingin sa akin. Natawa ako nang mahina sa reaction niya. He's fanboying. How cute.

"How? Paano ka nakapanood do'n?" gulat niyang tanong. What? Why? Anong big deal do'n? Nakita naman niyang nagtataka ako kaya nagpatuloy siya. "Pili lang ang nakapasok no'n! Mga exclusive, mostly. The ticket were expensive. Malawak kase ang field and the one who makes that show happened is the biggest company in music industry." May halong paghanga ang pagkasabi niya. For a moment, parang nawala ang nakilala kong ill-tempered guy. Ang nakikita ko na lang ngayon ay isang lalaki na may puso sa musika.

"They gave me tickets to their sho--"

"They? You mean, Universe?" Tumango ako na ikinagulat niya. "How? Ang hirap kaya silang lapitan!" I laughed again when I saw how he fanboy over some band.

"They're somehow my..." Nagdalawang isip ako. Ano ko ba sila? Customers? Dahil do'n ko naman sila nakilala. "My friends?" Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga ang turing nila sa akin dahil isang beses lang naman kami nagkita.

Tumingin naman ako kay Chryszyler dahil hindi na siya nagsalita. Bumalik ang bored look niya.

"My friends," he mocked. "Yeah, right. Liar." Tumayo siya at akmang lalabas nang pinigilan ko.

"Wait! Do you know where they'll play next? Kailangan ko silang makita para makauwi ako." Tumigil siya at lumingon sa akin. Nagdadalawang isip siya kung paniniwalaan niya ba ako o hindi. "Take me to them, please? Sasabihin ko na gusto mong maging vocalist."

He was stunned because of what I said. He stood there. Ilang segundo siyang nakatayo ro'n bago magsalita.

"I'll take you to them. Para makauwi ka na at hindi ka na manatili rito." Tumalikod na siya sa akin at binuksan ang pinto.

"At para ma-apply kitang vocalist nila?" I teased. I heard him hissed before walking out and closed the door. I just laugh.

Finally! I can go back to Aling Melinda's house! Hindi na ako mag-aalala kung ano na ang lagay niya. I can also see Universe again and watch them play!

tywaiseuuuu

WARNING:  May consist triggering scenes and words. Read at your own risk!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status