Share

Chapter One

Tinignan ko ang oras dahil baka pagalitan na ako ni lolo. It's 7:54 PM. Mas lalo ko binilisan ang lakad ko nang makita ko ang oras kailangan ko makauwi ng 8:30 PM dahil pagagalitan ako ni lolo, panigurado. Inutusan kase akong tapusin ang survey questionnaire namin sa research. Kailangan na raw i-print dahil kailangan na ng hard copy bukas. Ginabi ako ng uwi dahil wala namang malapit na print-an sa bahay at baka mahuli ako ng pagpasok sa klase kinabukasan kung ipabubukas ko pa ang pagprint. Tatapusin ko rin ang chapter 2 ng research namin na pinapagawa sa akin ng kabilang grupo.

Hindi ko rin alam bakit ako pumayag sa utos nila sa akin na gawan ko sila ng chapter 2. Gusto ko tumanggi pero parang ayaw ng sarili ko dahil oo agad ang sagot at pumapayag agad na gawin ang pinapagawa nila hangga't alam ko na kaya ko gawin. Hindi ba ako naaawa sa sarili ko? Kaya ako naaabuso, e.

Kasalukuyan akong nag-aantay ng jeep na dumaraan sa bahay. Habang  nag-aantay, napatingin ako sa langit. Kahit ang dilim, pinapaganda ng mga bituin at buwan ang langit. Kahit madilim, ang mga bituin ay nagsisilbi mong pag-asa, e. Napatingin ako sa bituin na may tatlong stars na magkakatabi. Matagal ko na sila napansin pero ngayon ko lang natitigan nang maayos. Para silang ellipsis na patayo. It really bothers me, it's just weird that there's stars that inline and close with each other. Does it have a significance meaning? Or is it just a coincidence that they're close to each other?

Napatigil ako sa pagtingala nang mapansin na may jeep na dumaan at nakita na daraan 'yon sa bahay. Pinara ko agad 'yon at sumakay na. Nag-abot naman agad ako ng bayad ko para diretso baba na ako dahil medyo malapit lang naman ang school sa bahay.

Pagkapasok ko ng bahay, naabutan ko si lolo na nanonood ng TV. Nagmano naman agad ako at hinubad ang sapatos ko at niligpit.

"Bakit ngayon ka lang, apo?" tanong niya at tumingin sa akin saglit at bumalik naman agad ang tingin sa pinapanood na balita.

"May tinapos lang po ako sa school ko, 'lo." Itinuro niya ang lamesa.

"Kumain ka na at magpahinga." Sinunod ko naman siya agad. Buti na lang at hindi niya ako pinagalitan. Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko na rin ang pinagkainan namin ni lolo. Nauna na siyang kumain dahil siguro sa tagal ko umuwi.

I'm an only child. My mother died when she gave birth to me, my father died just a year ago because of a car accident. Buti na lang at andito sina lolo at tita, kung hindi, ako na lang mag-isa sa buhay. Si lolo ang nag-aalaga sa akin at si tita naman ang nagbibigay sa amin ng mga pangangailangan namin.

Tinulungan ko muna si lolo na uminom ng gamot niya at pinatulog. Pagkatapos, pumunta na ako sa kuwarto ko para tapusin ang chapter 2 na pinapagawa sa akin.

Balak ko tapusin 'to ngayong araw para hindi ko na isipin sa susunod. Alam kong hindi ako titigilan ng kabilang grupo hangga't hindi ko 'to matapos agad. Palapit na rin ang deadline nito kaya mas lalo nila ako mamadaliin. Hindi ko alam kung bakit ko pa pagpupuyatan at paghihirapan 'to kung hindi naman sa akin. Pero tulad nga ng sabi ko, hindi ko kaya tumanggi.

2 AM na ako natapos dahil hindi naman ako masiyadong maalam sa topic nila. I needed to surf the internet for more information and details about their topic. Wala akong malagay na iba kung hindi ako maghahanap sa internet na impormasyon. Niligpit ko na agad ang gamit ko at siniguro na nalagay ko lahat ng kailangan ko sa bag para wala akong makalimutan para mamaya sa pagpasok sa eskwela.

---

Nagising ako sa tawag ni lolo. Tinignan ko kung anong oras na at 6:58 AM na, bumangon agad ako dahil baka mahuli ako sa klase kung hindi ako kikilos agad. 8 AM to 4 PM ang klase namin. Malapit lang naman ang school sa bahay pero kailangan ko rin kumain at maglinis kaunti rito sa bahay bago umalis. Ayaw kong maraming gagawin si lolo habang wala ako dahil baka mapagod siya at magkasakit.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, dumiretso ako sa kusina para magluto pero nakita ko na si lolo na hinahain na ang mga pagkain namin.

"Kumain ka na at anong petsa na. Baka mahuli ka sa klase mo," sabi niya sa akin at ginaya ako paupo. Sabay kaming kumain, hindi ko siya makausap dahil antok na antok pa ako at wala pa ako sa wisyo. Niligpit ko naman agad ang pinagkainan namin at naghugas ng pinggan. Nagsipilyo na rin ako para makaalis na.

---

"Dumating ka na rin! Asan ang chapter 2 namin?" Ayan ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng silid. Buti at hindi ako na-late pero kung ito ang bubungad sa akin, gusto ko na lang ma-late lagi. Agad ko naman hinanap 'yong flashdrive ko sa bag. "Pakidalian!" sabi ni Charrieze habang nakalahad ang palad.

Ibinaba ko naman muna ang bag ko sa malapit na mesa sa akin. Nahihirapan akong hanapin dahil bukod sa nakatayo ako dahil sinalubong agad ako, nakalimutan ko kung saan ko siya nalagay. Maliit pa naman 'yon. Nang makita ko, inabot ko kaagad sa kaniya. She immediately took it from me and walked away.

"Thank you," I sarcastically whispered to myself.

Umupo na ako sa upuan ko at sakto namang pumasok na ang teacher namin sa research. First period namin siya. Agad din naman nakipagbalikan ang mga kaklase ko sa mga upuan at nag-ayos.

"Good morning, class. Mayroon na ba kayong hard copy ng research niyo?" bungad niya.

Agad namang umangal ang iba kong kaklase ang iba naman ay walang reaksyon. May iba pa na nagreklamo na wala raw sinabi ang teacher namin kahit mayroon naman. Nagsilapit naman agad ang mga ka-group ko sa akin. Inabot ko sa kanila ang survey questionnaire na pinagawa nila sa akin.

"Nasa saan 'yong iba? 'Yong buong research? Bakit questionnaire lang?" reklamo sa akin ng isa kong ka-group. Gumatong naman din ang iba, hinahanap ang research namin. Kumunot agad ang noo ko. Ang sabi nila survey questionnaire lang ang kailangan ko i-print.

"Ha? Sabi niyo survey questionnaire lang? Akala ko kayo na sa iba? Hati-hati tayo sa pagprint?" naguguluhan kong tanong. Ayon ang sinabi nila sa akin! Kung sinabi man nila na i-print ko na lahat, nai-print ko 'yon lahat.

"Automatic na 'yon, leader ka, e!" Natahimik naman ako sa sinabi niya. Gano'n ba 'yon? Hindi ko alam, a. Hindi na ako kumibo dahil lahat sila ay sumang-ayon. I sighed. Salo ko na naman?

Sinabi ko na lang kay Ma'am Llona na naiwan ko ang buong folder namin sa bahay sa pagmamadali. I took ta fall again even if I'm not the one to blame. Ano naman ang palag ko sa kanila? Isa lang ako, marami sila. Atsaka nasanay naman na ako sa ganito. I'm a push over. I can't say no to anyone. Bakit ba hinahayaan ko na ganito ang trato nila sa akin?

Binigyan kami ni ma'am ng time para tapusin ang research. Tapos naman na kami sa buong research namin. One fourth lang ang naitulong ng mga ka-group ko bawat chapter. Wala silang maisip na malagay o marugtong kaya ako na lang gumawa kaysa mag-antay ako at baka wala pa kaming magawa.

"Kailangan daw i-revise 'yong paragraph 3 and 5 dito." Pabagsak na nilagay ni Charrieze sa table ko ang flashdrive na inabot ko sa kaniya kanina. Tinignan ko kaagad 'yon kung nasira ba. Buti at hindi. Nakakahiya kay tita kung manghihingi ako ng bagong flashdrive.

"Pahiram ako ng laptop. Hindi ko dala laptop ko, e. Para matapos ko na," sabi ko sa kaniya kaya tinawag niya ang ka-group niya na may dalang laptop para mapahiram sa akin. Ginawa ko naman agad ang pinapa-revise niya sa akin. Wala naman akong ibang gagawin dahil nga tapos na kami sa research namin.

Isang oras ko natapos 'yon dahil may iba rin pa lang errors na nagawa ko dahil hindi ako nagkaroon ng oras para mag-proofread kagabi. I copied the file into the laptop para hindi na nila hiramin ang flashdrive ko.

Natapos din naman ang research subject namin at sunod naman ang philosophy kaya mas lalo akong inantok. Buong araw lutang ako. Kulang kulang ako sa tulog at may tatlong subject pa. Buti na lang at hindi nagpa-quiz ngayon at walang binigay na assignment.

"Class dismiss. Ingat kayo sa pag-uwi," sabi ng teacher namin sa last period. Nagligpit naman agad ako ng gamit ko para makauwi.

"Faye, 'yong print, a!" I just nodded and left the room. Hindi rin pala ako makakauwi at makakapagpahinga agad. Naglakad na ako mag-isa malapit sa print-an sa school. I have no friends, well, I have self-proclaimed friends if they need something from me. Natatakot akong makipagkaibigan dahil hindi ko alam kung sino ang totoo sa kanila. Alam kong may mga mababait naman na tao at kaya ako bigyan ng genuine friendship pero natatakot pa rin ako. Lalo na at uto-uto ako at hindi makapagsabi ng totoong nararamdaman sa isang bagay. Siguro ako rin may kasalanan at ako rin 'yong sira, 'no?

Nakarating ako sa computer shop at pina-print na 'yong research namin. Inaantay ko na lang matapos ang print para makuha ko na ang flashdrive at makapagpahinga na ako sa bahay.

"Salamat po," sabi ko kay kuya na nag-aasikaso sa computer shop. Inabot ko na ang flashdrive ko at lalabas na sana pero may biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako ro'n.

It was my classmate; Mariam Liahnne, Ashlyn, and May. Lumapit ako sa kanila para tanungin kung bakit nila ako tinatawag. Gusto ko na umuwi, bakit naabutan ko pa sila rito?

"P'wede paantay ng print namin? Baka ma-late kase kami sa pupuntahan naming event." Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa computer, 5:23 PM na. Kailanga ko na rin umuwi dahil sasamahan ko pa pala si lolo magpa-check up dahil nakita ko rin na Friday pala ngayon. "Saglit na lang 'yon. 6 PM start ng event, e. Please?" Pumayag na lang ako dahil tatlong papel na lang daw ang natira sabi ni kuya. Umalis agad sila pagkapayag ko. Minadali ko na ang pag-ayos ng gamit ko pagkaabot ni kuya sa akinng print nila. Hindi ko na nahiwalay ang papel nila sa papel namin. Mamaya ko na lang aayusin.

When I reach our house, I saw lolo getting out. Naka-polo at slacks siya at nakasuot na rin siya ng sumbrero. Sinalubong ko agad siya at inalalayan.

"Oh, apo. Nahuli ka na naman ng uwi. Bakit ngayon ka lang?"

"Sorry po. 'lo. May inasikaso lang po ako. Magtricycle na lang po tayo para hindi tayo gabihin masiyado."

"Nako, kagagaling mo lang sa eskwelahan. Magpahinga ka na lang do'n at kaya ko naman na." Umiling agad ako sa sinabi niya.

"Okay lang po, 'lo. Hindi pa naman po ako pagod." Hindi na siya nakatanggi at naglakad na kami papuntang sakayan. Sabado naman bukas kaya makakapagpahinga ako dahil wala naman kaming takdang aralin.

"Bawasan niyo na lang ang insulin ni lolo and check his blood sugar regularly pati na ang blood pressure in case na bigla siya atakihin ng sakit niya." Tumango ako sa sinabi ng doktor sa akin. Pumunta muna kami ni lolo sa bilihan ng gamot para makabili ng insulin niya.

Pagkauwi namin, tinurukan ko siya ng insulin bago pakainin at painumin ng gamot. Dumiretso tulog na rin siya kaya dumiretso na rin ako sa kuwarto ko. Nagbihis muna ako bago humiga sa kama. I checked my phone first bago matulog pero pinagsisihan ko kaagad 'yon dahil nakita ko ang chat ni Charrieze.

Charrieze Ocampo:

Hi, Faye! Thank you sa paggawa ng Chapter 2 namin.

You:

Walang anuman

Charrieze Ocampo:

P'wede mo rin bang gawan kami ng Survey Questionnaire?

I sighed upon reading her chat. I knew it. May kailangan siya kaya gan'to siya kabait. Kaduda duda talaga kapag biglang bumait 'yong kausap mo na parang sugo ni Lucifer.

You:

Send ko nalang 'yong document bukas.

seen 20:58

Nilagay ko na sa gilid ang cellphone ko. May pahinga ba ako? Magkakaroon ba ako ng pahinga kahit isang araw lang? Why am I like this? My mind wants to say no but my mouth's always say yes. How dumb. Bakit pinapahirapan ko ang sarili ko?

Napatingin ako sa binatana. I saw the moon, half moon siya ngayon. It was beautiful. It gives light in the dark. I hope I can shine even in the darkness, too. Napatingin din ako sa mga bituin na dagdag liwanag sa gabi. Napansin ko ulit ang tatlong stars na parang ellipsis. I pretended it to be a shooting star. I closed my eyes and wish something I always wanted.

I hope I can have someone beside me. I hope I can have my rest. I hope I could be in another world where I can freely do what I want. I hope I can do the things for myself, not for other people. I hope...

Nakatulog na lang ako bigla sa pagod. I wish I could finally experience the life I wanted and deserve.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman ako na may dumapo sa mukha ko. Inalis ko 'yon at mayamaya ay kinagat ako ng lamok kaya dumilat na ako.

Nanlaki ang mata ko nang hindi kisame ng kuwarto ko ang bumungad sa akin. Bumangon agad ako and I looked around and all I saw are trees! Bakit nasa gubat ako?! Bakit ako nandito? Panaginip ba 'to? Bakit wala ako sa kuwarto ko? Anong nangyayari?

And next thing I knew, my wishes are slowly coming true...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status