Share

Chapter Two

"I came to formally apologize for what happened," pagpapakumbabang sabi niya nang makalapit na siya sa amin nina mama. Nakayuko siya at halos hindi makatingin nang direstso.

Napaupo si mama sa sahig sa labis na pag-aalala. Hinahagod ni Ambrose ang likuran nito para mapakalma. Binigyan naman siya ni Amir nang tubig pero hindi niya ito pinansin.

"Dalhin niyo ako sa kanya," matigas na sabi ni Mama na direktang nakatingin sa lalaking kakarating lang. "Kailangan niya kami nang mga anak niya," sabi niya habang pinunasan ang mga pisngi na basang-basa ng luha. Inalalayan siya ni Ambrose na makatayo.

Tumango ang lalaking kausap niya at masuyong tinignan si mama. "Ihahatid ko po kayo sa kanya," mapagkumbabang sagot niya.

"Huwag ka nang magbihis ate. Dadalhan ka namin nang pamalit mamaya. Mauna na kayo ni Mama." sabi ni Ambrose habang tinatapik ako sa likod dahil hindi mawala ang tingin ko kay mama.

Hinawakan ko ang kamay ni mama na umiiyak parin at natutulala. "Tara, ma," malumanay na sabi ko at sumunod naman si Mama sa'kin.

Nagpaalam na ang kasamahan ni papa na aalis na. "Salamat po," mahinang sagot ko sa kanya at ngumiti siya nang malungkot sa'kin.

Tahimik lang kami buing byahe. Walang may lakas ng loob na basagin ang katahimikang namamagitan sa'min. Ang tanging naririnig lang ay ang minsanang paghikbi ni mama.

Ilang ulit akong tumingala para bumalik ang letseng luha ko na nagbabadyang tumulo.

Matapang ako. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Oo, natatakot ako. Pero naniniwala akong kaya ni papa. Kakayanin ni papa.

Kaya mo 'yan pa! Hindi pa ako marunong magbuhol ng swelas ko kaya hindi ka pwedeng sumuko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Pinapakalma ko ang puso kong gusto na yatang bumigay. Napakapa ako sa dibdib ko at dahan-dahang tinatapik.

Puso, kalma. Matapang ka.

Nang maramdaman kong medyo unaayos na ang pakiramdam ko ay tumingin ako ng diretso sa unahan. Napatingin ako sa salamin sa harapan. 'Di ko man lang namalayan na nakatingin pala siya sa'kin. Tingin na parang may halong pag-aalala o awa.

Ilang saglit pa ay huminto kami sa isang malaking ospital na kilala sa dahil sa mga magagaling na doctor at sa mga kagamitan na mga mayayamang ospital lang ang may kayang bumili. Kahit kaunti ay naibsan ang pag-aalala ko dahil alam kong maaalagaan si Papa ng mabuti rito.

Pero ang inaalala ko ay ang mga bayarin.

Nauna siyang maglakad sa hallway habang nakasunod kami sa kanya.  Binabati ng mga doctor ang lalaking kasama namin at 'yong iba ay yumuyuko.

May kakilala siguro siya rito.

Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 11th floor. Pagdating namin sa mismong floor ay nagmukhang receiving area ng hotel ang loob nito. Kung hindi lang dahil sa mga doctor at nurse na dumadaan ay aakalain mong wala ka sa ospital.

Nakasunod lang kami sa kanya ng may sumalubong sa amin na tatlong doctor.

"Good afternoon, Mr. Walton," bati ng doctor na nasa gitna.

"How did the operation go?" direktang tanong niya rito na may seryosong tono. Medyo nakakunot pa ang kanyang noo.

"May organ siyang natamaan ng bala kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. We were able to save his organs but due to excessive blood loss, he is still unstable. We have to wait," malumanay na pagpapaliwanag niya. Nakita kong napapikit siya at huminga ng malalim. Napansin ko ring napalagok ang doctor na kaharap at napapunas ng pawis.

Napahagulgol si Mama kaya inalo ko siya at niyakap. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko kaya huminga lang ako ng malalim. Nilingon ako ng kasama namin, na ngayo'y alam ko nang si Mr. Walton. Nakatingin na naman siya sa akin at kaya umiwas na ako.

Lumapit ang doctor kay Mama."We will do our best to save him. Don't worry. He's in good hands. You're husband is a fighter. Nalagpasan na natin ang critical stage kaya malaki ang chance na magigising siya," sabi niya kay mama kaya napatingin si mama sa kanya at nabuhayan nang loob.

"Please po. Iligtas niyo po ang asawa ko," pagmamakaawa niya rito sabay hawak sa mga kamay nito.

"We have the best doctors here kaya huwag po kayo masyadong mag-alala, " sabi pa nito.

Best doctors. Best din ang PF. Paano ko ba 'to mababayaran?

"E, doc, paano po ang bills dito? Ano po ang process?" nag-aalalang tanong ko.

"Don't worry about the bill. I'll handle it," sagot ni Mr. Walton. Tumayo siya sa harapan namin ni Mama at pormal na nagpakilala.

"I am William James Walton II," malumanay na sabi niya habang inaabot ang kamay kay Mama. Tinanggap naman ni Mama ito at nagpakilala rin. "Gina," tipid na sagot niya. "At siya si Amber, ang panganay ko," sabay turo sa'kin.

Tipid lang akong ngumiti sa kanya matapos siyang kamayan.

"Nakaready na po ang kwartong gagamitin sa pag transfer. Pwede niyo po siyang hintayin na muna roon,"  saad niya sabay senyas sa nurse na dumaan para samahan si mama. Pumayag naman si mama at sumunod na rin.

Nagpaiwan muna ako para malaman kung ano talaga ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos na maintindihan kung bakit 'yon nangyari kay papa.

"Can we talk outside? May coffee shop sa harap nang ospital," tanong niya sa' kin.

Nag-aalangan akong sumama dahil wala naman akong dalang pera.

He smiled as if he knows what I'm thinking.

"My treat, " tipid na sagot niya na nakangiti pa rin.

Wala kaming imikan habang naglalakad. Kagaya nang pag dating namin kanina ay binabati pa rin siya nang mga doctor at staff na nakakasalubong namin.

Gusto ko sana siyang tanungin dahil sa kuryusidad pero pinili kong manahimik nalang.

Nakarating na kami sa coffee shop na alam kong mamahalin ang mga tinda. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaghila ng upuan.

Ang gentleman niya.

Napapansin kong napapalingun ang mga babaeng nakakakita sa kanya. Sino ba ang hindi? Dinaig pa niya ang artista sa lakas nang dating. Matangkad siya na parang isang modelo. Itim na itim ang tuwid niyang buhok na naka clean cut. Makakapal ang mga kilay. Kulay abo ang maaamo niyang mga mata. Maganda rin ang porma nang kanyang ilong na napakatangos. Nahihiya rin ang namumutla kong labi sa labi niyang mamulamula.

Hindi ko lubos maisip na ang lalaking iniisip ko bago ako matulog ay siya ring kaharap ko ngayon.

He chuckled.

"Didn't you know that it's rude to stare?" pabiro niyang sabi.

Letse!

"I'm sorry po. Hindi kasi ako sanay na may kasamang lalaki kaya naninibago ako, " pagsisinungaling ko. Nararamdaman ko ng nag-iinit ang mga pisnge ko.

"It's okay. I'm just kidding," sabi niya sabay senyas sa isang crew. Malumanay siyang magsalita. Ibang-iba sa pananalita niya kanina nang kaharap ay mga doctor.

Ilang saglit lang ay inihatid na ng lalaking crew ang order namin. Isang choco frappe na sa f******k ko lang nakikita at isang kape americano para sa kanya.

"I was about to enter the building earlier when a suspicious rider stopped in front of my car," pagsasalaysay niya. "Bumaba ako. Your dad was there. He saw the guy took the gun on his waist and was about to shoot me. He blocked himself to protect me," sabi niya na tila sinasariwa ang pangyayari kanina.

Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay siguradong na trauma na ako at hindi makalabas ng bahay. Pero kahit na nalulungkot ako sa nangyari kay papa, ay nakakaproud na may tatay ako na kasing tapang niya.

"Maayos ka lang ba? Hindi ka ba natatakot na baka balikan ka nila?" tanong ko sa kanya. Wala man lang bahid ng takot at pag-aalala ang mukha niya para sa sarili niya. Mas nag-aalala pa siya para kay papa.

He smiled. "I'm used to it," sagot niya. "How lucky you are to have a father like him. A father whose willing to jump on a bullet for you," malungkot na sabi niya. "I'm sorry for causing you all these pain," sinserong paghingi niya ng tawad na hindi naman kailangan.

Tipid ko siyang nginitian. Alam ko namang hindi niya kasalanan. "Ipagdasal nalang natin na magising na si Papa. Alam kong hindi rin naman niya pinagsisihan na niligtas ka niya," positibong saad ko. Naniniwala akong mabilis lang rin makakarecover si Papa.

Tinapos lang namin ang inorder namin at nag take out ng para kay mama. Bumalik na rin kami agad sa ospital. Pagbukas namin ng kwarto ay naroon na si Papa at nakalipat na. Naka-intubate pa siya. Si mama naman ay nasa tabi niya nakahawak sa kamay ni Papa habang tumutuli ang mga luha.

Iniwas ko ang tingin ko at tumingala. Nakatalikod ako kina mama. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

Humarap ako sa kanila ng magaan na ang pakiramdam ko. Kagaya ng kanina, nakatingin na naman siya sa'kin. "Bakit?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Tears are not signs of weakness you know," sabi niya. Tipid akong ngumiti at tumango.

"Alam ko," pabulong na sagot ko.

Lumapit siya kay mama para magpaalam. "Mrs. Flores, I need to leave. My assistant will be here later to check on your needs," sabi niya sabay abot nang kanyang calling card kay Mama. "This is my personal number. You can call me directly if you need anything," aniya bago magpaalam at lumabas ng kwarto.

Hiniram ko ang calling card kay mama at binasa ng masigurong wala na siya.

Isang itim at glossy na papel na may gintong print ang calling card niya. Malalaman mo talagang hindi siya basta-bastang tao lang sa kompanya.

Dahan-dahan kong binasa ang mga nakasulat sa card.

Imposible!

Halos mabitawan ko ang card na hawak at gulat na napalingon kay mama na ngayo'y nagtatakang nakatingin sa akin.

"Siya ang CEO nang pinagtatrabahuan ni papa?!" gulat na tanong ko kay mama.

"Bakit anak?" takang tanong niya sa 'kin na sa tono pa lang ay malalaman mo na alam niya.

"Wala po. Hindi ko alam na CEO na pala 'yong kausap natin," sahot ko nalang.

Pero ba't parang nanghinayang ako bigla? Dahil ba masyado siyang mataas para abutin ko?

Natatawa ako sa pumapasok sa isip ko. Nakakahiya na hindi ko alam na isa siyang CEO. Nagmukha tuloy akong yaya niya kanina.

Napalingon ako sa may sliding door nang bumukas ito. Iniluwa naman nito sina Ambrose at Amir. Bitbit nila ang bag na may lamang damit namin ni Mama.

Inupdate naman namin sila sa kalagayan ni Papa. Kagaya ko ay alam naniniwala silang malaki ang chansang magising pa ito.

Maya-maya lang ay dumating ang assistant ni Mr. Walton. Halos kaedad niya lang ito na sa hula ko ay nasa mid twenties pa lang. Kagaya ni Mr. Walton, matangkad rin ito at halatang may lahi. Dark brown ang buhok nito at kulay tsokolate ang mga mata. Mahaba ang pilik mata nito at makapal. Makinis rin ang balat nito at halatang anak mayaman. Kung hindi ko lang siguro alam na construction company ang negosyo nila ay iisipin kong nasa modeling agency silang dalawa.

May bitbit siyang mga prutas at mga pagkain na inilagay niya sa ref. May mga microwaveable food din siyang dala. "May kinontact na po akong food delivery na maghahatid nang pagkain niyo po ngayon and mamayang hapunan. Everything is paid already so huwag na po kayong mag-alala," sabi niya. "I'm Ethan Suarez-Lewis," pormal na pagpapakilala niya.

Hindi rin siya nagtagal at umalis rin agad. Napapansin kong maya't maya ay may tumatawag sa kanya. Hindi ako sigurado kung dahil ba malakas ang volume ng cellohone niya o malakas lang talaga ang singhal nang kausap niya. Naririnig ko kasing tinatadtad siya nang mura nang kausap niya sa phone. Pero imbes na matakot o magalit ay nakikita ko siyang napapangisi. Pinipilosopo niya pa nang sagot ang kausap niya. Imposible namang si Mr. Walton 'yon. Sa tingin ko kasi ay mabait siya at hindi madaling magalit.

Medyo kumakalma na si mama at natitigil na sa pag-iyak. Inutusan namin si Amir na magbantay kay mama at kumausap sa kanya para hindi niya masyadong dibdibin ang sitwasyon.

Salitan kaming nagbantay kay Papa. Gusto kasi namin na bantayan siya in case na bigla siyang magising ay may makakatawag agad nang doctor. Schedule ko hanggang six am. Nagpaalam muna ako sa kanila na uuwi dahil kukuha ako nang mga damit. Gusto ko rin sanang maligo nang maayos kaya umuwi ako.

Umakyat ako sa kwarto ko para umidlip saglit. Naka charge rin ang cellphone ko sa gilid dahil as usual, lowbat na naman. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako agad-agad.

Hindi ko alam kung ilang oras o gaano katagal akong nakatulog. Nagising ako na may nagpupukpok sa baba.

Nagmadali akong bumaba at nakitang sinisira nina Aling Marites ang door knob namin. Nanggagalaiti ako sa nasaksihan. Mabilis akong bumaba at inagaw ang martilyong bitbit nang anak niya.

"Ano pong ginagawa niyo?!" nanggagalaiting tanong ko na nakaharap kay Aling Marites.

"Hanggang bukas lang ang palugit na binigay ko sa inyo! At ngayong nakaratay sa ospital ang tatay mo, makakabayad pa kaya kayo?" sagot niya habang dinuduro ako. "Mabuti na rin at nandiyan ka! Kunin mo na lahat nang gamit niyo at may lilipat na rito bukas!" nakapamewang na saad niya at galit na galit.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Napasabunot ako sa buhok ko. Wala sina Mama. Nasa ospital pa si Papa.

"Parang awa niyo naman po. Wala kaming matitirhan! Ngayon pa na nasa ospital si Papa," pagmamakaawa ko pa sa kanya sabay iwas nang kamay niya.

Umiwas siya nang tingin at umatras. "Ayoko nang makarinig nang drama nang buhay niyo. Negosyo ito! Ilang beses ko na kayong pinagbigyan. Isa pa, nagbigay na nang down payment at advance ang bagong tenant. Kailangan niyo nang umalis!" matigas na sabi niya. "Kung ayaw niyong ipakaladkad ko pa kayo sa baranggay!" banta niya pa.

"Pero po--" hindi pa ako natapos magsalita nang may humawak sa braso ko.

"Let's go. I already asked my staff to take your things," seryosong saad niya.

Mr. Walton?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status