Share

I SAVE THE ALPHA
I SAVE THE ALPHA
Author: Rhea mae

Kabanata 1.1

Amara POV

Love is the most powerful weapon you can do everything for the person you love. 

Yan ang laging sinasabi sa akin ni Lola. Kaya mong gawin ang lahat para sa taong mamahalin mo, you can sacrifice your own life for them. Sometimes you need to sacrifice yourself for the sake of your loved ones. 

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsakripisyo ang isa kung pwede naman silang lumaban ng sabay at piliing mahalin ang isa’t isa? Bakit kailangan ng sakripisyo? Simula bata pa lang ako iyun na lang ang sinasabi at pinapaalala sa akin ni Lola. 

Laking Lola ako hindi ko na rin hiniling na makilala pa ang mga magulang ko dahil kung talagang mahal nila ako bakit nila ako iniwan kay Lola? Hindi ko rin alam ang tungkol sa kanila, ni pangalan hindi ko kilala. 

Ang sabi ni Lola kung mahal mo ang isang tao magsasakripisyo ka pero bakit ako ang isinakripisyo ng mga magulang ko? Hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa sinasabi ni Lola, kung ganun nga talaga ang meaning ng pagmamahal, ibig sabihin hindi ako minahal ng mga magulang ko dahil iniwan nila ako. Iniwan nila ako sa kamay ng Lola ko. 

Iwinaglit ko na lamang iyon sa aking isipan. Napapagod na akong intindihin iyon sa araw araw dahil hindi ko talaga maintindihan. 

Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad sa labas. Sa paanan ng bundok nakatayo ang bahay namin ni Lola, malayo sa kabihasnan kaya madalas kaming mapagkamalang mangkukulam ni Lola mabuti na lang din at hindi kami sinasaktan. Ang totoo pa nga niyan si Lola ang nilalapitan nila kapag kailangan nila ng tulong, kapag nanuno raw kuno yung mga anak nila. Mga utak talaga ng mga tao. 

Dahil wala naman akong magawa sa bahay naglakad na lang ako sa gubat, baka sakaling makakita pa ako ng puno ng prutas maiuwi ko pa. 

Pinagkakasya namin ni Lola ang kakaunting kinikita ko sa trabaho, minsan nasa bayan din siya nagtatrabaho. Sinabi ko na ngang huwag na siyang magtrabaho dahil matanda na siya pero lagi niyang sinasabing ayaw niya raw ng pabigat. Tsss. 

Pinulot ko ang isang kahoy at pinanghahampas ko sa mga nagtataasang mga damo para makadaan ako. Lumilinga linga rin ako sa paligid baka sakaling makakita ng puno ng prutas. Nararamdaman ko ring napapalayo na ako pero okay lang dahil alam ko naman ang pasikot sikot dito sa gubat na ito. 

Habang naglalakad ako may napansin akong parang katawan ng tao.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba o hindi, syempre mahirap ng magtiwala ngayon. Sinilip ko pa at parang katawan nga ng tao pero duguan, bakit may tao dito? Ang alam ko malayo layo pa ang mga bahay, sinabi ko naman na kami lang ni Lola ang may bahay dito kaya paanong nagkatao dito? 

Lumapit pa ako ng kaunti at hindi nga ako nagkakamali, isang katawan ng tao ang nakahiga sa damuhan at naliligo na sa sarili niyang dugo. 

Napapalunok ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, baka mamaya bampira pala yan o kung anong nilalang na nandito sa bundok, edi patay ako. 

Tatalikod na sana ako subalit nagsusumigaw ang isip ko, parang hindi kaya ng konsensya kong iwan yan dito. Maglalakad na sana ko paalis subalit parang may sariling isip ang katawan ko at lumapit ito sa taong ito. 

Punong puno ng dugo ang katawan niya, ano bang nangyari dito? Hindi kaya kinain ng bampira? O di kaya ng mga manananggal tapos wakwak ang katawan kaya nakadapa? Jusko. Nanalangin pa ako bago ako lumuhod para subukang gisingin ito. 

Tinapik tapik ko siya, natatakot pa ako dahil baka bigla niya na lang akong sunggaban. 

“Mama, mama, gising.” I tried to wake him up but there is no response from him. Why is he naked anyway? Nasaan ba ang damit nito? 

Dahan dahan ko siyang pinatihaya.

“LOLAAAA.” Malakas kong tili ng magulat ako dahil hinawakan niya ang braso ko pero pansamantala lang yun, hindi ko alam kung hinawakan ba niya o sadyang gawa lang ng ipatihaya ko siya. 

Kunot noo ko siyang tiningnan halos matulala pa ako ng makita ko ang mukha niya. Tumambad sa akin ang napakaamo niyang mukha. Mukhang kababaliwan ng mga kababaihan, para siyang isang character sa isang fantasy movie dahil sa ganda ng mukha niya, ang makakapal niyang kilay, medyo mahabang pilik mata at namumulang mga labi. 

Namumula pa rin ang labi niya kahit na parang naubusan na ito ng dugo sa katawan. 

Tumayo ako at luminga linga sa paligid baka sakaling may makita akong tao subalit impossible ang iniisip ko dahil wala namang bahay sa malapit dahil bahay lang namin ni Lola ang malapit dito. 

Umupo ako uli at sinubukan siyang gisingin pero wala pa rin. Inilapit ko na rin ang tenga ko sa ilong niya para masiguro ko kung buhay pa ba.

Naramdaman ko naman ang mahina niyang hininga, ibig sabihin buhay pa siya at kailangan niya ng magamot dahil kung hindi baka mamatay pa ito, hindi naman kaya ng konsensya ko yun. 

Kahit na hindi ako sigurado sa gagawin ko sinubukan ko siyang itayo pero sadyang mabigat siya. Halos magwala pa ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa taong to! Sayang ang lahi kung nagkataon. 

“Gabayan niyo po ako, bigyan niyo ako ng lakas para maitayo at maibaba ko ang taong ito. Kailangan niya ng gamutin.” Nanalangin pa ako sa taas, dahil hindi kaya ng konsensya kong iwan ang taong lumalaban pa para mabuhay.  

Tinitigan ko uli siya at bumuntong hininga.

Pumwesto ako sa bandang uluhan niya at sinubukan siyang pinaupo, isinandal ko pa sa dibdib ko ang ulo niya.

Napakaamo ng mukha niya pero sana hindi ka nangangain. 

Hirap na hirap akong itinayo siya. 

“Makisama ka naman please, kung naririnig mo ako magpagaan ka naman. Hindi biro yang bigat mo ah.” Inis kong saad sa kaniya, naitayo ko na siya at iniakbay ko sa balikat ko ang kamay niya habang nakahawak naman ako sa bewang niya. 

“Maglakad ka kahit kaunti lang para hindi ako mahirapan.” Muling saad ko, nang ihakbang niya ang isa niyang paa ay nasiguro kong naririnig niya ako pero dahil sa sobrang hina siguro hindi na maimulat ang mga mata niya. 

Dahan dahan kaming naglakad, medyo malayo pa naman kami sa bahay. Ano ba kasing nangyari dito eh? 

Kahit na pagod na pagod na ako ay hindi ko piniling magpahinga, nagpatuloy na lang kami sa paglalakad para mabilis kaming makarating sa bahay. 

Nang makababa na kami sa bundok ay sigaw na ako ng sigaw. 

“LOLAAA” 

“LOLAAAA” malakas kong sigaw, alam kong nakauwi na siya ng ganitong oras. 

“LOLAAAA.” Sigaw ko muli ng matanaw ko na ang bahay. Hindi pa bingi sa lola kaya alam kong maririnig niya ako. 

“LOLAAAAAA.” Mas malakas kong sigaw. 

“LOLA DITO!” sigaw ko ng makita ko na siyang lumabas ng bahay. Nang makita niya na ako ay nagmamadali siyang nilapitan ako. 

“Ano bang ginagawa mo Amara? Sino itong dala dala mo?” tanong niya agad sa akin, tinulungan naman na ako ni Lolang akayin ang lalaking ito.

Nang maihiga namin siya ni Lola ay nagmamadali akong naghanda ng mainit na tubig sa planggana at tela. 

“Saan mo ba nakita ang lalaking yan? Bakit duguan?” nagtatakang tanong ni Lola, sinilip ko naman ang lalaki at wala pa rin siyang malay. 

“Nakita ko siya habang naglalakad ako sa gubat Lola, ng malaman kong humihinga pa siya tinulungan ko na, hindi kaya ng konsensya ko La eh.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya. 

“Jusko kang bata ka.” Usal niya saka niya inagaw sa akin ang dala dala kong plangganang may tubig na mainit.

Lumapit naman na ako kay Lola at kinuha ko rin yung isang tela para tulungan ko na siyang linisan ang katawan ng lalaking ito. Ngayon ko lang naman napansin ang mga natamo niyang sugat sa katawan. 

“Lola bakit parang mga karamot ang mga sugat niya? Parang karamot ng mga mababangis na hayop sa gubat.” Nagtataka kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko naman si Lola ng huminto siya sa paglilinis sa katawan ng lalaking ito. 

“Bakit mo ba inuwi yan dito? Hindi natin siya kilala Amara baka mamaya kung anong mangyari sa ating dalawa.” Nag-aalalang saad ni Lola. 

“Eh kasi naman Lola nakakaawa saka may buhay pa yan eh, hindi naman siguro yan bampira o anong klaseng nilalang yan diba?” saad ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.

Pinagpatuloy niya na lang ang paglilinis sa lalaking ito. 

“Kapag nagkamalay na siya, paalisin mo na. Mahirap ng magtiwala.” Wika niya nanaman. 

“Kusa naman siguro yang aalis Lola kapag bumalik na yung lakas niya.” Sagot ko, hindi niya na ako sinagot. 

Tumayo na si Lola, nanguha siguro ng mga halaman niyang gamot. Dahan dahan ko pang hinaplos ang mga sugat niya. 

Ano kayang nangyari dito? Bakit ganitong klase ang mga sugat niya? Parang karamot ng mga mababangis na hayop, may sugat din siya na halatang kutsilyo ang ginamit. 

Kung mababangis na hayop lang ang nakasagupa niya bakit may hiwa at saksak siya ng kutsilyo? Hindi kaya totoo talaga ng mundo ng mga iba’t ibang nilalang at isa siya dun?

“Ouch!” daing ko ng tapukin ko ang sarili ko dahil kung ano ano ang iniisip ko. Hindi naman sila totoo, tss. Nasosobrahan na yata ako sa kababasa ng mga kwento ng fantasy. 

Bumalik naman si Lola na dala na ang mga halamang gamot niya. 

“Ibuka mo ang bibig niya saka mo ito ipainom para mabawasan ang sakit ng mga sugat niya. Pagkatapos ipainom mo ito para magkalakas naman ang katawan niya.” Wika ni Lola na sinunod ko naman. Kinuha ko na lang yung dropper dahil mahirap naman na ipainom ko sa kaniya ito ng dirediretso, hindi niya naman pati mailulunok ito baka mastock pa sa bibig niya. Sayang effort ni Lola. 

Napainom ko naman sa kaniya ng maayos kahit na tulog. Nang matapos kami ni Lola sa kaniya ay nilagyan na ni Lola ng mga benda ang mga sugat niya. Mas lalo tuloy lumabas ang kagwapuhan niya. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Shelton
Can’t read it not in english
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status