Share

Kabanata 2.2

Tahimik akong naglalaba sa gilid, nililingon lingon ko naman itong lalaking ito na busy ng naglalaro. Para talagang bata, bakit kaya siya naging ganiyan? 

Ano rin kaya ang pwede kong ipangalan sa kaniya? ang hirap naman kasi na hoy lang. 

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko halos mapaupo pa ako ng magulat ako dahil bigla siyang lumitaw sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa diddib ko, aatakihin ako sa lalaking ito eh. 

“May kailangan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga labahin ko. 

“Maupo ka na dun, huwag mo akong guluhin dito.” Pinagpatuloy ko na lang ang labahin ko pero nanatili siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. 

Nang matapos ako ay tumayo ako at pinatayo ko rin siya. 

“Bombahan mo ako ah? Ganito yan, taas baba mo lang ito para lumabas yung tubig. Okay?” dinemo ko pa kung paano nakatingin lang naman siya sa akin. 

“Oh ikaw naman, subukan mo.” Wika ko saka ako umatras. Hinawakan niya naman na iyon saka ginaya ang ginawa ko kaya napangiti ako. 

“Ganiyan nga, para mabilis akong matapos.” Nagsimula na siyang magbomba kaya nagbanlaw na rin ako pero napatingin na lang ako sa kaniya ng parang nanggigigil na siya sa poso. 

“Hindi ganiyan! Sisirain mo ba yang poso!” sigaw ko sa kaniya kaya napaatras siya. Akala na lang yata niya laruan na lang lahat. Gwapo ka sana eh, sira lang ulo mo. Hays. 

“Dahan dahan lang, ganito lang para hindi masira.” Usal ko, hinawakan niya uli at nagbomba naging maayos naman kaya naupo uli ako at nagbanlaw. Inis kong naihampas ang kamay ko sa tubig ng biglain niya nanaman yung poso. 

“Ano ba! Nananadya ka ba ha?! kung ayaw mo magbomba at para kang nagdadabog umalis ka na lang jan at maupo ka ron!!” sigaw ko saka itinuro ang kaninang inuupuan niya. Napahilot na lang ako sa sintido ko ng yumuko lang siyang parang bata. 

“I’m not mad, please just go there.” Mahinahon kong saad sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan kaya hinayaan ko na at naupo uli. 

Maya maya pa ay nagbomba nanaman siya at dahan dahan niya na iyon.

Marunong naman palang makinig gusto pang masigawan bago sumunod, tsss. 

Nang matapos kami ay nagsampay na rin ako. 

“Huwag mo ng pakialamanan yan, ako na jan. Maupo ka na dun.” Inalis alis ko lahat ng mga pinagsasampay niyang mga damit, basta isinampay na lang. 

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko kaya hindi ko na lang pinansin. Napalingon na lang ako sa kaniya ng iabot niya sa akin ang isang damit kaya napangiti ako. Kinuha ko naman iyon saka isinampay ng maayos kaya ang nangyari siya ang nag-aabot sa akin ng mga damit at ako ang nagsasampay. 

Natapos kaming dalawa pero wala pa rin si Lola kaya nagluto na ako ng makakain namin. Nakatingin lang siya sa bawat galaw ko, ng matapos akong magluto ay naghain na ako saka ko inalagay sa mesa. Kumuha ako ng pinggan at pagharap ko napairap na lang ako sa hangin at napakuyom ang mga kamao sa gigil. 

Kinain niya lahat at walang tinira! Para siyang patay gutom na aso sa kalye kapag nakakita ng pagkain sinusunggaban agad. 

Pagkatapos niya ay tiningnan niya lang ako na para bang wala siyang ginawa, mabuti na lang at may tinira pa pala ako sa kaserola para sa amin ni Lola. 

“Amara.” Tawag sa akin ni Lola ng makapasok siya sa kusina, sumasakit ang ulo ko dito sa lalaking ito. Tumabi sa akin si Lola at kunot noo ring nakatingin ngayon sa hapag kainan at sa lalaking ito. 

“Kinain niya nanaman ba lahat? Magsaing ka na lang ng kanin sa ating dalawa may dala akong mga de lata.” Wika ni Lola saka niya inilagay sa taas ang mga pinamili niya saka niya isinarado at nilock. 

“May natira pa naman po La, papapasukin ko lang ito sa kwarto ko tapos kain na po tayo.” Saad ko saka ko hinila itong lalaking ito papasok ng kwarto ko. 

“Jan ka lang naiintindihan mo? Huwag kang aalis jan.” Banta ko sa kaniya, diretso lang naman siyang nakatingin sa akin. Iniwan ko na siya dun at nagtungong kusina para kumain. 

Mabuti na lang at nakinig siya kaya nakakain kami ni Lola ng maayos. Nang wala na kaming magawa sa bahay ay lumabas kaming dalawa ng lalaking ito, hindi pa rin pala ako nakakaisip ng pangalan niya. Ano kayang maganda? 

“Clint na lang kaya ipangalan ko sayo?” tanong ko sa kaniya ng makaupo kami dito sa ilalim ng puno ng narra. 

“Kapag tinawag ko ang Clint, ikaw yun naiintindihan mo?” usal ko, pero nanatiling tahimik lang siya sa akin. 

“Tuturuan kita kung paano kumain ng tama naiintindihan mo? Para naman kapag hinain lahat ni Lola yung pagkain hindi mo kami mauubusan.” Kinuha ko ang mga nilagang mais. Bakas naman sa mukha niya ang pagkatakam don kaya hindi na muna ako lumapit sa kaniya. 

“Kapag sinabi kong ‘go eat’ saka mo kakainin okay? Kapag sinabi kong stop, tumigil ka.” Pagpapaliwanag ko pero sa mais pa rin siya nakatingin. 

Kinuha ko ang isa at dahan dahan akong lumapit sa kaniya, nakatingin naman siya sa hawak ko. 

“Go eat.” Saad ko mabilis niya namang sinunggaban ang hawak kong mais. 

“Stop!” saad ko pero hindi niya ako pinakinggan. 

“Clint I said stop—OUCH!” malakas kong sigaw ng makagat niya ang kamay ko. Nabitawan ko ang hawak kong mais at inis ko siyang tiningnan. 

“Sinabi ko naman sayong kapag sinabi kong stop, tumigil ka! Tingnan mo ginawa mo sa akin! Aray ko huhu.” Daing ko ng halata dun ang ngipin niya. Matalim ko siyang tiningnan at napaatras naman siya habang nakayuko. 

“Hindi ka ba marunong makinig?! Para kang aso! Tinuturuan kita ng maayos pero kinagat mo yung kamay ko!” galit kong sigaw sa kaniya, nakakainis! Ako pa naguiguilty kapag titingnan ako ng mga maaamo niyang mata. 

“Isa pa! kapag sinabi kong go eat kainin mo, kapag stop tumigil ka.” Wika ko nanaman. Kahit na masakit yung nakagat niyang kamay ko ay nanguha uli ako ng mais. 

“Isang kagat mo pa! isa pa at hindi ka nakinig! Ibabalik na kita sa gubat!” inis kong saad, titingnan niya ako tapos yuyuko agad, tsss. 

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya habang hawak ang mais. Titingin siya dun tapos titingin sa akin. 

“Go eat.” Saad ko pero hindi siya nakinig, nanatiling papalit palit lang ang tingin niya sa hawak ko at sa akin. 

“Clint I said eat.” Mahinahon kong saad, tiningnan niya uli ako saka kinain ang hawak kong mais. 

“Stop.” Wika ko at tumigil naman siya kaya napangiti ako. 

“Kaya mo naman palang sumunod eh.” Saad ko. Ibinigay ko sa kaniya yung mais at paspas niya nanamang kinain iyon parang laging nagugutuman. 

“Makinig ka sa akin, dahan dahan kang kumain hindi yung parang aso. Tuturuan kita kung paano gumamit ng kutsara at tinidor at kung paano kumain ng maayos.” Wika ko, pumasok ako sa loob at nanguha ng kutsara, tinidor, pinggan at pagkain. 

Paglabas ko ay para siyang batang naghihintay sa ina, tsss. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status