Share

Kabanata 4

"Are you ready, Tiara?" I looked hopelessly to Quisha when she asked me that. 

Mukha ba akong okay sa paningin niya? I don't think I look okay right now, lalo na't nandito na kami sa mismong tapat ng venue na pagdadaungan ng engagement party niya. 

I'm wearing a tube gold dress that has a slit on the left side. Exposed na exposed ang left leg ko dahil medyo mahaba ang slit sa may bandang left side ng dress which made me really uncomfortable.

It was kinda revealing for me, but Quisha insisted that it was not kaya wala rin akong nagawa noong nag reklamo ako sa kanya. She will also pay me for this kaya ano nga bang karapatan ko para magreklamo?

"I don't think I'm ready for this," I said to her nang magsimula na kaming maglakad papasok. 

Quisha said to me na sa ibang daan kami papasok dahil sa grand staircase ang entrance ko sa party. Masyadong agaw atensyon ang bagay na 'yon para sa 'kin. What if they notice that I'm not Quisha? 'Di-hamak na mas lamang sa 'kin si Quisha mula mukha hanggang katawan kaya hindi ko rin alam kung bakit naisipan ni Quisha na ako ang piliin para magpanggap na siya.

I sighed. Sabagay, wala rin naman akong mapapala sa pagrereklamo ko ngayon dahil nandito na rin naman na kami.

Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong paakyat na pala kami sa isang spiral staircase. Kaming dalawa lang ni Quisha ang paakyat sa hagdan na ito habang ang dalawa niyang bantay ay naiwan sa ibaba ng hagdanan. Lookout ata to avoid getting caught.

Nang tuluyang makaakyat ay sumalubong sa amin ang isang pinto at dalawang lalakeng bantay sa labas na nagmukhang bodyguard dahil sa suot-suot nila. Tumikhim ang isa sa kanila when they saw us at pinagbuksan kami ng pinto.

"Tiara, enter to that room. Nasa loob niyan ang mag ga-guide sayo sa party. Anyway, wear this masquerade mask," aniya at inabot sa 'kin ang isang kulay gold na mask. Kinuha ko ito sa kaniya at bumuntong hininga. 

Wala na talagang atrasan 'to.

"You ready?" she asked me again. I slowly nodded. 

Dahan-dahan akong pumasok sa pintuan at sumalubong sa 'kin ang maliwanag na kwarto. Nilibot ko ang paningin ko and I noticed that this is actually a make-up room. May walk-in closet sa gilid at hilera ng mga vanity mirror sa harap. May dalawang pinto rin ito at agad mong maco-conclude na ang isa ay bathroom habang ang isa naman ay ang exit ng kwarto na ito.

"Good Day, Ma'am! Are you Tiara Mari Chua?" Tumingin ako sa gilid ko dahil sa biglaang pagsulpot ng babaeng 'to. Napansin kong dalawa pala sila and they're smiling at me brightly. 

They're wearing white button-up blouse and black pencil skirt. Paniguradong empleyado sila sa hotel na ito.

Tumango ako bilang sagot sa kanila kaya agad nila akong inalo paupo sa isa sa mga upuan kung saan maaari kang mag-retouch ng iyong make up. 

Tumayo sa likuran ng upuan ko ang dalawa at tinignan ako sa salamin.

"The party will start within 5 minutes, ma'am." one of them exclaimed. "Anyway, do you need anything, ma'am? Food? Water?" dugtong niya sa una niyang sinabi.

"Okay na po ako. Gusto ko lang pong magpahinga sa ngayon," I answered. 

Mukhang nakaramdam naman sila sa gusto kong mangyari kaya nilubayan na nila ako at tumayo na lamang malapit sa pintuan. Maya't-maya rin nilang tinitignan ang kanilang relo upang ma-monitor siguro ang oras.

Pumikit ako. Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na't alam kong sa loob ng limang minuto ay magaganap na ang engagement party. Bakit ko nga ba pinasok ang gulo na ito? Bakit nga ba pumayag ako sa plano na ito ni Quisha kahit na alam ko sa sarili kong delikado ito?

Yeah, I remembered. For my dearest little brother nga pala. 

Agad na nawaglit sa isip ko ang kaba at takot na hindi ituloy ang plano na ito nang maalala ko ang mukha ng aking kapatid sa tuwing nagku-kwento siya sa 'kin kung gaano niya kagusto si Nikolaj Sullivan and his bandmates. 

Parang noon ay araw-araw niya pang pinapatugtog ang mga kanta nila while vibing to it. Minsan naman ay kasama niya naman akong manood ng mga concerts nila ngunit sa TV nga lang. Naalala ko tuloy noong makita niya sa personal ang banda na iyon dahil talagang nag-abang kami sa airport para sa pag-alis nila papunta sa Japan para sa isang concert.

Karga-karga ko pa siya noong mga araw na iyon kaya kahit ulo lamang ang nasilayan ni Tonton sa kanila ay tuwang-tuwa na siya roon. He even said to me that it was the most memorable day for him.

I smiled sadly because of that memories of him. I missed my brother so much.

"Ma'am, 2 minutes. Please, prepare yourself." Tumango ako sa isang empleyado na nagsalita at tumayo na. 

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at dahan-dahang sinuot ang maskara na ibinigay sa 'kin ni Quisha. 

It really matched my dress. Halos hindi ko rin namukhaan ang sarili ko dahil kalahati ng mukha ko ang natakpan sa 'kin. It was a gold masquerade mask that has a gold feather on the left side. It also has glitters na nagkalat sa maskara. It looked fabulous.

"1 minute, ma'am." one of them declared. Huminga ako nang malalim at lumapit na sa pintuan dahil binuksan na nila ito. Tumayo ako roon at hinihintay na lamang ang signal nila na pwede na akong maglakad papalabas. 

Ang natitirang isang minuto ay ginugol ko na lamang sa pag-aayos ng dress ko dahil hindi talaga ako komportable roon. Bakit ba kasi ito pa ang naisipan ni Quisha na ipasuot sa 'kin? 

I sighed.

"Let's go, ma'am." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tumango sa kanila. Nauna silang lumabas sa 'kin dahil hindi ko naman alam ang daan papunta sa venue na pagdadaungan. 

Sumalubong sa 'min ang isang tahimik na hallway. May mga abstract paintings sa dingding nito at naka-carpet na pula naman ang lapag nito. Everything was expensive sa hallway pa lamang. What's more kapag nasa mismong venue na? 

Tumigil sila sa paglalakad kaya napatigil din ako. Doon ko lamang napansin na nandito na pala kami. 

"Ma'am, hanggang dito na lang po kami. Bababa lang po kayo sa hagdanan na ito once the MC calls your name. Do you get it po ba, ma'am?" bulalas ng isa sa kanila.

"Opo! Maraming salamat po sa pag-guide sa 'kin," pagpapasalamat ko sa kanila. Ngumiti sila sa 'kin at nagpaalam ng aalis kaya ako na lamang ang naiwang mag-isa rito.

Naglakad ako ng kaunti hanggang sa tumapat na ako sa mismong grand staircase na bababaan ko. Huminga akong malalim dahil kinakain nanaman ako ng aking kaba. 

Rinig na rinig pala mula rito ang boses ng MC. Ang sabi sa 'kin ay bababa lamang ako kapag tinawag na ang aking pangalan. 

Maya-maya ay nahinuna ko ng tatawagin na ang aking pangalan dahil sa panimulang isinaad ng MC!

"Finally, this is what you have been waiting for. Are you all ready? Let's all welcome, Quisha Laventilla! The very beautiful fiancée of Nikolaj Sullivan!" 

Pakiramdam ko ay napako ako sa aking kinatatayuan at halos mabingi dahil tuluyan ng tinawag ang pangalan ni Quisha! Ni hindi ko man lang narinig nang maayos ang pangalan ng fiancée niya dahil sa aking kaba! 

Lumunok ako at dahan-dahang bumaba sa magarbong hagdanan na ito. Humawak ako sa railings dahil nanginginig din ng bahagya ang aking mga kamay!

Pababa nang pababa, palakas nang palakas ang tibok ng aking puso. Pinagpapawisan din ako ng bahagya kahit napakalamig sa hotel na 'to!

I let out a deep sigh when I finally managed to see the attendees of this party. Hindi rin ako tuluyang makababa nang maayos dahil sa mga camera sa paligid na patuloy na nagfa-flash! 

Damn, I didn't know that Quisha and her fiancée are not a joke dahil talagang may media pa talaga! The attendees also look very expensive with their gowns and tuxedos. Sumisigaw ito ng karangyahan sa buhay at halos manliit ako dahil doon.

Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang sa marating ko na ang pinakahuling baitang ng hagdan. I smiled at the cameras before walking infront of the venue.

Nagpalakpakan sila ngunit mas malakas parin nang 'di-hamak ang tibok ng puso ko because of nervousness.

Nagmukha akong isang pusang parang nawawala dahil hindi ko alam kung saan ako tatayo o pupunta.

I roamed my eyes until someone caught my attention. Natigil ako sa paglalakad dahil sa kanyang malalim na titig sa akin. He's wearing a black tuxedo and black masquerade mask. 

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko. Ano ang gagawin niya? Siya ba ang fiancée na tinutukoy ni Quisha?

My eyes widen when he was finally near me. He slowly handed me his right hand na para bang sinasabing kailangan kong tanggapin iyon! Tumingin siya sa mga mata ko nang wala akong ginawang hakbang upang tanggapin iyon.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi because his stare sent shivers down my spine!

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahang inilahad ang kamay ko sa nakabukas niyang palad. When our hands finally met, iginaya niya ako sa kanyang tabi at humarap muli sa mga taong ngayon ay nagpapalakpakan pa rin. May mga ngiti sa kanilang mga labi at animo'y tuwang-tuwa na makita kaming magkasama.

Ngunit wala sa kanila ang atensyon ko kundi sa lalakeng nasa tabi ko pati ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko! 

Damn, his hand is so warm.

Tila ba nawala ang lahat ng kaba at takot ko sa simpleng paghawak niya lamang sa kamay ko! 

"Why are you nervous? This isn't your first time facing a lot of people and even media, Quisha."

Natameme ako at halos manginig ako sa lamig ng kanyang boses. Naramdaman niya siguro ang tensyon na naramdaman ko noong magsalita siya kaya marahan niyang pinisil ang kamay ko.

Lumunok ako. Kung gaano kalamig ang titig niya sa 'kin kanina, gano'n din kalamig ang kaniyang boses!

"I-I'm sorry..." saad ko, halos bulong na lamang. 

Nagulat ako nang isabit niya ang aking kamay sa kanyang braso. 

"Be professional," he said coldly once again. Tumango na lamang ako at tumingin na lang sa mga tao. Ayokong tumingin kahit sa gawi niya lamang dahil alam kong hindi ko kakayanin. That's how intimidating he is.

However, something is bugging me.

Why his voice and eyes look familiar? I'm certain that I've already heard that voice and saw those beautiful eyes, ngunit hindi ko lang maalala kung saan. Kanina ko pa iniisip kung saan ko nga ba narinig ang boses na iyon ngunit wala talagang pumapasok sa isip ko. Did we meet already? No, it's impossible. Sa estado pa lamang ng buhay namin ay imposibleng nagkita na kami noon. 

Naglakas loob akong tumingin sa kaniya dahil sa kuryosidad na nararamdaman ko.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko when I caught him looking at me too! 

Katulad ko ay parang nagtataka siya sa presensya ko. May pagdududa ang kaniyang mga mata kung kaya't agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

Damn, did he notice that I'm not his real fiancée? 

Huwag naman sana dahil hindi ko alam ang gagawin ko oras na gustuhin niyang ilaglag ako sa mga tao na nandito! 

Inilayo ko ang tingin ko at tumingin na lamang sa mga taong nasa harapan namin ngayon. Maya-maya ay may nag-abot ng mic sa fiancée ni Quisha. Mukhang magsasalita muna siya bago magsimula ang kasiyahan.

"Good day, everyone. First, I want to thank each of you who attended this party. I actually don't know how to express my gratitude but I'm more than willing to say how thankful I am. I hope you enjoy this party. Thank you," maikli niyang saad at inabot na pabalik ang mic sa MC. 

Ayon na 'yon? Akala ko pa naman ay maiiyak ako sa sasabihin niya. Halos hindi man lang umabot ng isang minuto ang pagsasalita niya. Ganoon ba kamahal ang mga salita niya?

Bahagya akong ngumuso para pigilan ang sarili ko na ngumiti dahil sa naisip.

"Something funny?" Agad kong natikom ang bibig ko nang magsalita nanaman siya! 

Bakit pati iyon ay napansin niya pa? Ibang klase rin ang lalakeng ito pagdating sa pag-obserba ng mga bagay-bagay. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko dahil baka paghinga ko ay punahin niya.

Nagulat ako nang may lumapit sa 'kin na mukhang waiter sa part na ito at inabutan ako ng isang champagne. Kinuha ko ito kahit na hindi ko alam kung anong gagawin ko roon. Iinumin ko ba ito?

Gosh, nagsisisi na akong hindi ako nagtanong kay Quisha sa kung ano ba ang dapat na gawin ko sa party na 'to!

Tumingin ako sa gawi ng katabi ko at napansin kong may hawak na rin pala siyang champagne glass. Bahagya niya itong itinaas kung kaya't itinaas ko rin ang akin. Tumingin ako sa aking harapan at ngayon ko lang din napansin na may hawak na rin pala silang champagne glass na bahagya ring nakataas.

Okay, what exactly is this? I really have no idea! Ito ba 'yung panimulang hudyat ng mga mayayaman na magsisimula na ang kasiyahan? They're weird.

Pagkatapos ng ilang segundo ng pagtaas ng champagne glass nila ay sabay-sabay din nila itong ininom na pinangunahan ng fiancée ni Quisha kung kaya't agad ko ring ininom ang akin.

Napangiwi ako pagkatapos ko itong maubos. May tamis ito ngunit agad na gumapang ang pait sa lalamunan ko paglipas ng ilang segundo.

I'm not really a fan of alcohol.

Agad kong inabot sa waiter na naghihintay sa gilid ang glass ko. Nagsimula na ring magdaldalan ang mga tao sa harapan namin sa kanya-kanya nilang round table stand. 

Nagulat ako ng maglakad ang fiancée ni Quisha papunta sa mga attendees. Dahil nasa braso niya ang isa kong kamay, wala akong naging choice kundi ang sumunod sa kaniya. 

Pumunta siya sa isang round table stand kung saan may tatlong lalake. I think nasa mid 30's na ang mga ito at base sa postura nila, agad mong mahihinuha na they're businessmen. 

Agad silang bumati sa 'min kaya ganoon din ang ginawa ko. Nagsimula na silang mag usap-usap tungkol sa business at sa iba pang mga bagay na alam kong hindi ako makaka-relate.

Sana lamang ay hindi mapunta kay Quisha ang topic dahil alam ko sa sarili kong wala akong maisasagot sa kanila. 

Tahimik lamang ako at panay tingin na lamang sa paligid para malibang ang sarili ko. Kahit papaano ay may naiintindihan naman ako sa mga sinasabi nila dahil Business Ad ang course ko. Ngunit ayoko namang sumali sa usapan nila dahil kaunting mali lamang sa masasabi ko ay paniguradong maiipit ako. 

Agad akong nakahinga nang maluwang noong umalis na kami sa table nila. Mabuti na lang at hindi ko talaga kinakaya ang atmosphere doon.

Maya-maya ay sa ibang table nanaman kami bumisita. Papunta kami ngayon sa isang table kung saan may tatlong lalaki. Ang kaibahan nga lang ay mukhang nasa early 20's pa lamang sila at hindi nalalayo ang edad sa amin. 

Mabibigat na titig ang sinalubong nila sa amin nang makarating kami sa table nila.

Sino sila?

Lexica Lily

Author's Note: Please interact ^_^

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status