Share

Chaotic Love (Band Series #1)
Chaotic Love (Band Series #1)
Author: Lexica Lily

Kabanata 1

Tiara's POV

"Tonton, ate missed you so much na. It's been a week since you left me. Bakit naman ang aga ninyo akong iniwan nila mama?" I asked emotionally. Nandito ako ngayon sa puntod ng aking kapatid, visiting him again because of loneliness. Mag-isa na lamang ako sa buhay ko at wala na akong masasandalan kundi ang sarili ko na lamang.

My little brother died due to cancer in blood. Yes, a leukemia. Iniisip ko nga kung bakit sa kapatid ko pa nangyari ang bagay na iyon ngunit kahit maglupasay pa ako rito ay hindi na muling maibabalik pa ang buhay ng aking kapatid.

I sighed and looked at the bright sky. Inaalala ko ang huling hiling ng kapatid ko sa akin bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

"A-Ate, get Kuya Nikolaj's autograph for me, okay? D-Dapat ay nakadisplay 'yon sa bahay kapag n-nakuha mo na. Ate, papahinga na ako, ha? P-Pagod na pagod na po ang mga mata ko eh. I-I'll sleep na po, ate. I love y-you so much po." 

That was my brother last words before he died. 

Pumikit ako nang mariin at pinunasan ang luhang tumulo galing sa mata ko. Just by remembering those last words of him pains me. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nagiging emosyonal nanaman ako.

Mula noon ay fan na talaga siya ng bandang The C.haos. Lagi ko siyang nakikitang pinapakinggan ang mga kanta nila at maging kwarto niya ay puno ng posters ng bandang iyon. Nikolaj Sullivan is his bias, he's the leader and vocalist of that band. Kilala ko na ang halos lahat ng myembro ng banda dahil ito ang laging bukambibig ng kapatid ko noon.

I know that it's impossible for me to get the autograph of the leader pero susubok ako nang susubok dahil iyon ang huling hiling ng kapatid ko. Hindi ko dapat ipagsawalang bahala iyon.

Tumambay pa ako ng ilang minuto sa tabi ng puntod ng kapatid ko bago tuluyang tumayo. I looked at my watch, it's already 4:30 in the afternoon.

"I need to go now at Nikolaj Sullivan's University," bulong ko sa aking sarili at nagpaalam na sa aking kapatid na ako'y aalis na. Pagkatapos ay marahan na akong naglakad papaalis. Naging araw-araw na gawain ko na ang pagpunta sa Unibersidad ng lalakeng iyon, nagbabakasaling makita ko siya upang makahingi ng kanyang autograph.

Sumakay na ako sa jeep at bumyahe na papunta roon sa Unibersidad.

Nang makarating ay naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa matanaw ko na ang malaking gate ng school. Tumingala ako at doon ay nakapaskil sa itaas ng gate ang pangalan ng kanilang Unibersidad.

"Ang ganda talaga ng University na ito," wala sa sariling naibulong ko habang nakatingala. 

Luminga-linga ako sa paligid, mukhang hindi pa uwian ng mga estudyante. Naglakad pa ako at pumwesto sa gilid ng gate kung saan matatanaw ko ang lahat ng estudyanteng lalabas mula sa gate.

Luminga-linga ako nang may napansin akong isang poster na nakapaslit sa kabilang gilid ng gate. Nakakunot akong tinignan iyon at ganoon na lamang ang gulat ko nang mabasa ko kung ano ang nakasulat doon.

"OMG, this University is offering a scholarship?" gulat na gulat kong tanong sa aking sarili pagkatapos kong basahin ang poster na iyon. Nakasaad na limang estudyante ang maaaring matanggap ngunit may mga kailangan pang ipasa na requirements. 

Kahit nahihiya ay naglakas loob parin akong pumasok sa gate upang lumapit doon sa nagbabantay na guard. Nang makalapit dito ay agad akong nagtanong.

"Kuyang Guard, legit po ba 'yong nakapaslit na poster doon sa labas tungkol sa scholarship?" puno ng paggalang kong tanong. Tumingin naman ito sa akin mula ulo hanggang paa bago sumagot.

"Oo, ineng. Hanggang bukas na lang 'yan kaya kung ako sayo ay mag submit kana ng form mo," sagot nito. Napatango-tango naman ako, nagpasalamat ako sa kaniya at agad na lumabas sa gate.

"Yes! Tonton, pakiramdam ko ay malapit ko ng magawa ang gusto mo!" nakangiti kong saad habang nakatingin sa langit. Hindi ako makapaniwala na mismong tadhana na ang pumapanig sa akin upang magawa ko ang huling hiling ng kapatid ko.

Kung mapipili man ako para sa scholarship na iyon ay malaki rin ang magiging benepisyo nito para sa pag-aaral ko. Sikat na school ang Unibersidad na iyon kaya hindi ko dapat sayangin ang oportunidad na siyang mismong nalapit na sa 'kin.

Bukas na bukas din ay mag a-apply ako para sa scholarship na iyon.

Tagumpay akong nakauwi sa bahay at agad na hinanap ang mga kakailanganin ko para bukas. Dapat ay maasikaso ko kaagad iyon dahil baka maabutan ako ng cut off.

Nang matipon ko na ang lahat ay agad kong isinilid 'yon sa isang brown envelope para hindi na magkalat pa. 

"Feeling ko ay napagod ako nang sobra ngayong araw na 'to," saad ko at naglakad papasok sa banyo upang maligo. 

Napangiti ako dahil na e-excite ako para sa mangyayari bukas. I just hope that I get accepted in that scholarship, hinding-hindi ko sasayangin iyon kung matanggap man ako.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo. Nilibot ko ang aking paningin sa aking kwarto. 

Maliit lang ang bahay namin, isang palapag lamang ito at hindi nakabukod ang aking kwarto. Halos magkakadikit lamang ang sala, kusina, banyo, at ang aking kwarto dahil maliit lamang ang espasyo ng aking bahay. Lumipat kami ni Tonton dito noong namatay ang aming mga magulang dahil wala na kaming kakayahan upang bayaran pa ang renta sa dati naming tinitirhan.

I was just 10 years old when my parents died because of a car accident. Ngayon ay mag isa na lamang ako dahil kapatid ko naman ang nawala sa akin noong nakaraang linggo lang.

At first, akala ko hindi ko kakayanin. May parte sa akin na gustong sumunod na lamang sa kanila dahil baka hindi ko kayaning mag-isa ngunit hindi ko naman kayang gawin dahil alam kong hindi 'yon magugustuhan ng aking pamilya.

I sighed.

Humiga na ako sa aking higaan at ipinikit na ang aking mga mata. 

-

"Aling Bebang, baka naman pwedeng umutang ng isang lumpia?" saad ko sa tindera. 

Alas dyes na ng umaga at ngayon ang punta ko sa eskwelahan. Maaga akong pupunta roon para masigurong hindi ako maaabutan ng cut off dahil mahirap na kung sakaling ako'y maabutan.

"Ano ba 'yan, Tiara! Umagang-umaga ay utang agad ang isasalubong mo sa akin," dire-diretso nitong sabi sa akin habang inaasikaso ang iba pang customers.

"Sige na po, Aling Bebang! Hahayaan mo ba akong magutom sa daan?" Ngumuso ako pagkatapos kong sabihin iyon. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang magsupot siya ng isang lumpia at inabot sa akin. 

Sa wakas, hindi rin ako natiis.

Ngiting-ngiti ako nang tanggapin ko ang supot na iyon. 

"Pasalamat ka at kumare ko ang nanay mong bata ka! Aba, goodluck ire sa scholarship mo! Galingan mo, ha!" she said and gave a pat on my head. Tumango naman ako sa kaniya at nagpasalamat na. 

Naglakad akong muli habang kain-kain ang lumpiang inutang ko kay Aling Bebang.

"Sarap," mahinang bulong after kong maubos ito. Tumingin ako sa paligid ko, malapit na pala ako sa sakayan ng jeep.

Naglakad pa ako ng kaunti at naghintay na ng jeep na dadaan. Agad akong pumara nang matanaw ang isang jeep na paparating. Huminto ito sa harap ko at agad akong naglakad papasok doon.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating din ako sa Unibersidad. Bumaba na ako sa jeep at naglakad na papasok sa gate ng paaralan.

Inayos ko muna ang buhok ko bago tuluyang lumapit sa guard na bantay ngayon sa gate upang magtanong.

"Magandang araw po, Manong Guard. Saan po ba ako pupunta kung magpapasa ako ng requirements para sa scholarship?" Tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa 'kin. 

"Are you going to apply for the scholarship, Miss?" Sabay kaming napalingon ni Manong Guard nang may magsalita mula sa 'king likod.

Sumalubong sa 'kin ang isang babaeng nakasalamin. Base sa kanyang outfit ay mukhang nagtatrabaho siya sa paaralan na 'to. 

Tumango naman ako sakanya at nagsalita, "Opo, ma'am. Nabasa ko po kasing this school is offering a scholarship."

Tumango-tango naman ito sa 'kin at sinenyasan ako na sumunod sa kaniya. Ngumiti naman ako at nag pasalamat muna kay Manong Guard bago tuluyang sumunod sa babae. 

Luminga-linga ako sa paligid at mas lalo ko lamang napatunayan kung gaano kaganda ang paaralan na 'to. Lalo akong namangha nang pumasok kami sa isang building. It's a 3-storey building at medyo may kalayuan sa pinaka main building ng school, siguro this is where you can locate the faculties. Mas lalo kong napatunayan ang aking hinala nang magkalat ang ilang professors sa second floor ng building. I bowed at them to show my respect at nginitian naman nila ako bilang ganti.

"Come inside," Sumunod ako papasok sa babae nang makarating na kami sa aming destinasyon. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap ng isang table habang siya ay umupo naman sa kanyang swivel chair.

"So, I heard that you're gonna apply for scholarship, right?" panimulang saad niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Your requirements?" tanong niya sa 'kin at inilahad ang kaniyang kamay. Agad ko namang kinuha sa aking shoulder bag ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga kakailanganin ko upang makapag-apply.

Nang maiabot ko ang brown envelope ay sinimulan niya ng tignan 'yon isa-isa habang ako ay hindi mapakali sa aking upuan dahil baka mamaya ay sabihin niyang hindi ako tanggap o baka may kulang sa 'king pinasa.

"You're quite good, huh? 1.45 GPA in your previous college school? Wow." Napangiti naman ako sa papuring ibinigay niya sa akin. Well, not to brag but I can proudly say that I'm good at school. 

"Yes, ma'am. But I stopped due to some personal problems," I muttered and smiled sadly.

"Is financial included in your problems?" she asked nang makabawi sa aking sinabi. I slowly nodded at her.

"Yes, ma'am. That's why I didn't hesitate to apply for the scholarship," maagap kong sagot. Ngumiti naman siya sa akin at tumango-tango. Siya'y nagpatuloy muli sa pagbabasa ng aking mga papeles.

Ilang minuto ang lumipas nang siya'y magsalitang muli.

"We'll just contact you for further announcements regarding sa scholarship, Ms. Chua. You may go now, thank you so much," saad niya at inilahad ang kanyang kamay. Malugod ko namang tinanggap iyon.

"Thank you so much po!" saad ko at lumabas na sa kaniyang office. 

Luminga-linga ako nang makalabas na ako sa building. Ang laki ng school na ito, no wonder why some people na high-profile are studying in this school, like Nikolaj Sullivan and his bandmates.

Nagtataka tuloy ako kung paano ko pakisasamahan ang mga taong nag-aaral dito if I'm not in their league in the first place. Forever lonely na ba talaga ako? Wag naman sana.

I sighed and continued to walk.

Libutin ko muna kaya 'to? Para maging familiar na rin ako sa mga lugar oras na matanggap ako rito.

Tumango-tango ako sa sariling naisip at naglakad na papunta sa main building ng school. Halos mapanganga ako nang tumambad sa 'kin ang main building dahil halos sobra pa sa triple ang laki nito sa building na pinanggalingan ko kanina! 

Naglakad ako papasok sa building na 'yon. Tumambad sa 'kin ang walang katao-tao na corridor, panigurado ay nasa kanya-kanya pang klase ang lahat. 

Mabuti na lang dahil ayoko ring maging sentro ako ng atraksyon dahil sa suot ko. Baka sabihin ay isa akong outsider na pagala-pagala rito. Nako, ayokong makaladkad papalabas dito, 'no!

Tahimik ulit akong naglakad, maya-maya ay nadaanan ko na rin ang mga classrooms. I took a peek at one of the windows, doon ay nakita ko ang mga estudyante na tahimik na nakikinig sa kanilang guro. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malibot ko na ang buong lugar ng main building.

It was a nice tour, indeed.

Tumingin ako sa aking relo pagkalabas ko ng building. It was already 12 noon at natatandaan kong hindi pa pala ako nakain ng tanghalian. 

Nasaan kaya ang canteen nila rito?

Naglakad-lakad ako hanggang sa may natanaw akong tatlong estudyante na nag-uusap sa gilid ng entrance ng Main Building. Lumapit ako sa kanila at agad na nagtanong dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko.

"Hello, nasaan po ang canteen ninyo rito?" mahinhin kong tanong. Lumingon naman sila sa 'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. The girl in the middle raised her eyebrow at me, at umirap pagkatapos. 

Maldita.

"Nasa ground floor ng building na 'yon, miss. Pasukin mo na lang," saad nung isang nasa gilid at itinuro ang sinasabi niyang building sa akin. Nagpasalamat naman ako sa babaeng sumagot ng tanong ko at naglakad na papaalis because the girl in the middle seems really irritated because of my presence.

"Ang maldita naman no'n," bulong ko sa aking sarili, pertaining to that girl in the middle. Kung gano'n ang lahat ng tao rito sa eskwelahan na ito ay baka nagdalawang isip na ako na pumasok dito. 

I just really can't bear people like that.

Pagpasok ko ng building ay agad kong natanaw ang canteen dahil made of glasses ang dingding nito. Natanaw ko mula sa labas ang ilang mga grupo ng estudyante na may kanya-kanyang pinag-uusapan.

Lumunok ako bago pumanhik papasok. I don't know why, but I feel so nervous.

Ganoon na lamang ang pagkailang na namutawi sa 'kin nang tumingin ang lahat sa aking gawi pagpasok ko.

Damn. This is kinda awkward, for real.

Kahit nahihiya ay nagpatuloy parin ako sa pagpasok at dumiretso sa counter. 

"Hello po... Burger at Orange Juice nga po," saad ko sa babaeng bantay dito sa counter. Tumango naman ito sa 'kin at siningil ako. Agad ko namang ibinigay ang bayad ko.

Maya-maya ay dumating na rin ang order ko, binuhat ko ang tray kung saan nakapatong ang pagkain ko at nilibot na ang paningin ko upang makakita ng pwesto kung saan medyo malayo sa mga tao.

Nang may makitang pwesto ay agad akong umupo roon. I roamed my eyes again at nandoon parin ang mga mapangmatang tingin ng mga tao. I bit my lower lip and just decided to eat, hindi naman ako mabubusog sa mga tingin nila.

I ignored those glances at sinimulan ng lantakan ang inorder ko. Hmm, it was good, huh. Sabagay, this is a prestigious school that's why no wonder why foods are good as well.

Nangangalahati na 'ko sa burger ko nang biglang magtilian ang mga kababaihan sa paligid ko. Nangunot ang noo ko at nakitingin din sa entrance ng canteen.

Halos mabilaukan ako nang makita ko kung sino ang mga 'yon! It was the members of The C.haos! 

Agad-agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at nakisilip na rin sa ibang mga kababaihan.

Ang gu-gwapo! Tao pa ba ang mga 'to? 

Nangunot ang noo ko dahil tatlo lang sila. Nasaan si Nikolaj? 'Yong leader nila? 

"Miss, diba apat sila? Nasaan 'yong vocalist? Si Nikolaj Sullivan?" tanong ko sa isang babae na nasa tabi ko. Tumingin naman ito sa 'kin at nagtagal ang tingin na 'yon, para bang nagtataka kung sino ako. 

"He's busy," maikling sagot nito. Tumango-tango na lamang ako dahil mukhang ayaw niya ako kausap.

Busy? Nakakainis naman. Ano ba ang pinagkakaabalahan ng lalakeng iyon? Ang alam ko wala naman silang paparating na gig o concert sa pagkakatanda ko. 

Sayang! It was almost a dream come true sana.

Bumalik na ako sa aking upuan at palihim na lamang na sumisilip sa lamesa kung saan nakaupo ang myembro ng The C.haos. 

They're all good-looking, walang kapintas-pintas na makikita sakanila sa panlabas na anyo. Bagay na bagay sa kanila ang uniform nila dahil mistula silang mas nag mukhang bata pa.

Hindi halatang nagbabanda sila, sa mata ko ay mukha silang mga estudyante na gusto lamang makapagtapos ng pag-aaral. 

Nanlaki ang mga mata ko at napaiwas agad ng tingin because one of them looked at me! Napalunok ako at pinagtuonan na lamang ng pansin ang burger kong hindi maubos-ubos.

Ano ba iyon. Why did he suddenly look at me like that? Gosh, that was embarrassing! Titig na titig pa naman ako sa kanila kanina. Panigurado ay na-weirduhan sa 'kin ang lalake 'yon. Nakakahiya ka, Tiara!

Nang maubos ko ang pagkain ko ay lumabas na rin agad ako ng canteen. Wala naman akong mapapala sa kanila dahil wala roon ang hinahanap ko. Si Nikolaj lang ang kailangan kong makita at wala ng iba pa.

I sighed and looked at the school gate for the last time bago naglakad muli upang makauwi na dahil tila nakakapagod ang araw na ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mark Angelo Carcillar
Landi mo Tiara
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status