Share

Kabanata VIII: Mga Alaala ng Nakaraan

Ang kalungkutang nadarama ni Francisco ay bahagyang naibsan habang ang karuwaheng kanyang sinasakyan ay naglalakbay sa isang bahagi ng magulong kalye ng San Lorenzo.

Nakalilibang panoorin ang mga kalesang nagpaparoo't parito. Ang mga Pilipino, Europeo at iba pang dayuhan ay nakikilala lamang sa kanilang mga kasuotan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin amg naglalako ng iba't ibang prutas at kakanin. Ang mga karitong hila ng mga kalabaw at ng hilera ng mga tindahan ay mga alaalang muling nagpapasariwa ng kahapon. 

Napansin ni Francisco na wala pa ring pagbabago sa mga dating lansangan. Hindi pa rin ito nalalatagan ng bato. Kapag tag-init ang kalye ay punong-puno ng alikabok na naninikit sa balat at kung humahangin ito ay nagiging libreng pulbos na nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga naglalakad. Kung umuulan, ito ay nagmimistulang ilug-ilugan. Kaya kaawa-awa ang mga nagdaraan dahil nagtitilamsikan ng marumi at nagpuputik na tubig.

Habang binabagtas ni Francisco ang liwasan ng Kalye Rosario napuna niya ang mga bansot at hindi pa rin lumalaking mga puno ng Talisay. Pati ang Escolta na sumama pa kaysa sa dating anyo nito. Napansin din niya ang mga inaantok na pasahero na nakasakay sa isang kalesa habang patungo sa kani-kanilang trabaho. May mga empleyado, sundalo at mga prayle. 

Isa sa namataan ni Francisco ay ang isang magarang Victoria kung saan nakasakay ang nakakunot-noo na si Padre Ignacio. Iti ay mukhang parang galit na nakatingin sa kanya. 

Nakasabay ng karuwahe ni Francisco, ang karitela ni Kapitan Tinong bago ito umakyat ng tuloy sa Ilog Ng Pag-ibig. Kasama ni Kapitan Tinong ang kanyang maybahay at dalawang anak na babae. Payuko siyang binati ng matanda.

Nang makababa ng tulay lumiko ang karuwahe ni Francisco sa Sta. Clarita.

Nang makababa ng sasakyan ay agad siyang nagbayad at pumasok sa kanilang tahanan. 

-bayan naming minamahal hangad ang iyong kaunlaran.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status