Share

Kabanata IX: Iba't Ibang Pangyayari

Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.

Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"

Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya. 

"Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad.

"Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."

Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.

Nang makita ang pari, mabilis na sumalubong si Gobernador Gregorio. Gusto niya magmano sa pari ngunit hindi iniabot ni Padre Ignacio ang kanyang kamay. Kaya si Gobernador Gregorio na ang kusang yumuko at pilit nagmano sa pari. 

Nang makapasok sila sa silid-tanggapan ay mariing isinara ni Padre Ignacio ang pinto. Lalong tumindi ang takot ni Gobernador Gregorio.

Bago tuluyang umalis, nagngangalit ang mga bagang, iniwan ng prayle ang mga ganitong salita:

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin at nasabi ko na kung alin ang dapat mong sundin. Maiiwasan mo sana ang mapasubo kung kumukunsulta ka muna sa akin ng dapat mong gawin. Ayoko nang maulit ang kalokohang ginawa mo!"

Wala na si Padre Ignacio ay patuloy pa rin sa hindi mapalagay na pabalik-balik si Gobernador Gregorio sa bulwagang kinaroroonan nila. Matindi ang kanyang pag-iisip at mabilis na tinungo ang bahay dalanginan. Pinagpapatay niya ang mga kandila at lamparang pinasindihan niya. 

-pinuno kang mahusay di dapat katakutan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status