Share

Kabanata X: San Lorenzo

Ang bayan ng San Lorenzo ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa, tulad ng tubo na ginagawang asukal, palay, kape, mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamantalang Instik. Ang bayan ay nasa baybay lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.

Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Lorenzo. Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang may pawid na bubong na sinalitan ng mga kabunegro, yero at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala ahas na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa di kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.

Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masisinsin na malalaki at maliliit, kayat kahut ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinangilagan ng mga taga roon dahil sa iba't ibang alamat na bumabalot dito. Ang isa sa pinaka-palasak sa mga alamat na ito ay:

Noong unang panahon ng ang San Lorenzo ay hindi pa ganap na baryo at kaunti pa lamang ang dito'y naninirahan. May isang matandang Kastila ang biglang dumating dito. Ang matanda kahit purong Kastila ay matatas magsalita ng Tagalog. Nilibot ng Kastila ang buong kagubatan na parang sinusukat ang lawak nito. Kapansin-pansin ang mainit na tubig na dumadaloy sa loob ng gubat. 

Ipinagtanong ng matandang Kastila sa mga tagaroon kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng gubat. May ilang nagpanggap at sila'y binayaran ng matanda ng damit, alahas at salapi. Ngunit ang nakapagtataka ay ang biglang pagkawala ng matanda. Naglaho itong parang bula na ikinagulat ng marami. 

"Siguro naengkanto ang matandang Kastila," ito ang paniniwala ng karamihan.

Isang araw, naamoy ng ilang pastol ang mabahong alingasaw na nagmumula sa gubat. Hinanap ng mga pastol ang pinagmumulan ng hindi kanaos-nais na amoy. Ganoon na lamang ang kanilang panghihilakbot nang makita ang nabubulok na bangkay ng matandang Kastila na nakabitin sa isang puni ng balite. 

Labis na nahintakutan ang mga tagaroon nang matuklasan ang nagbigting bangkay ng matandang Kastila. 

Sabi nga ng isang matandang babae, "Noon pa man nabubuhay pa ang Kastilang iyan talagang nakatatakot na. Ang boses niya ay parang nagmumula sa isang madilim na balon. Nanlilisik ang kanyang nanlalalim na mga mata. Maging ang kanyang pagtawa ay parang nananaghoy."

Dahil sa matinding takot, ang mga salapi't hiyas na nanggaling mula sa Kastila ay itinapon ng mga tao sa ilog. Ang mga damit ay kanilang pinagsusunog. 

Ang labi ng matanda ay ibinaon mismo sa puno ng balite kung saan siya natagpuang nakabitin. Magmula noon ang nasabing puno ay pinagkatakutan at pinangilagan dahil sa mga balitang kumalat na may nakikitang ilaw sa punongkahoy kung gabi at nakaririnig din sila ng mga panaghoy na nanggagaling mula sa puno. 

Lumipas ang ilang taon, dumating sa nasabing pook ang isang binatang mukhang mistisong Kastila. Nagpakilala ito sa pangalang Arthuro. Ayon kay Arthuro, siya ang anak ng namatay na matanda at simula noon doon siya namalagi.

Si Arthuro ay masipag at matiyaga pero walang kibo, mapusok at malupit kung magalit. Pinagyaman ang mga lupang naiwan ng kanyang ama. Tinamnan niya ng indigo o tina ang sakahang lupa.

Pinabakuran ni Arthuro ang libing ng ama at madalas siyang dumalaw rito. 

May edad na si Arthuro nang magpakasal sa isang dalagang taga-Sta. Maynila. Isa lamang ang kanilang anak na pinangalanan nilang Lorenzo. Si Don Lorenzo ang ama ni Francisco Alonzo.

Dahil sa mabuting pag-uugali ni Don Lorenzo ay napamahal sa mga magsasaka. May katangi-tanging karunungan siya sa pagpapaunlad ng ari-arian kayat mabilis na umangat ang kanyang buhay. Dumagsa ang mga dayuhan lalo na ang nga Intsik na manirahan sa nasabing lugar dahil sa mabilis na pagsulong nito. Di nagtagal ito ay naging isang baryo, nagkaroon ito ng isang kurang Indio. Sa kalaunan iti ay naging isang nayon. Nang mamatay ang paring Indio si Padre Ignacio ang humalili.

Iginalang at hindi tinirahan ang pinaglibingan sa matandang Kastila. Hanggang ang pook ay parang naging gubat na nahiwalay sa karamihan. 

-sabihin kung tagasaan ka at sasabihin ko ang iyong pinagmulan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status