Share

*°•CHAPTER FOUR•°*

"Ano, masarap ba?" Natatawa si David sa ikinikilos ni Austine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ito kalapit sa kaniya.

"Oo naman!" Sinabayan niya iyon ng malulutong na halakhak na ikinatuwa naman ni Austine. Ilang subo na rin ang kinain niya dahil talagang nasasarapan siya sa niluto ni Austine na puto cheese. Noong una niyang makita ang mga iyon ay talagang natakam na siya. Mas lalo lang siya namamangha kay Austine dahil marami itong alam sa buhay.

"Teka, kukuha pa ako!" Akmang tatayo na ito nang mabilis niya itong hawakan sa kamay para pigilan. Bilib na bilib na talaga siya sa pagkatao ni Austine. Nagtataka siya kung saan nito inilalagay ang napakarami nitong kinakain.

"I'm full," nginitian niya ito nang sabihin niya iyon.

"Sigurado ka?" Parang nagdadalawang isip pa ito sa sinabi niya.

"Yeah," kasabay nang pagtugon niya ay ang pagpilit niya dito para hatakin ito paupo.

"Ang sakit no'n ah!" Angal nito. Napatawa naman siya sa naging reaksyon nito.

"Sorry..." Sinadya niyang titigan ito at ilapit ang mukha niya dito subalit ganoon na lamang ang biglaang pag-iwas nito sa kaniya. Hindi rin naman niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon nagawa. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili pero hindi pa rin sila nagpapakawala ng mga braso nilang nasa balikat ng bawat isa.

"A-ayos lang ano ka ba!" Pinilit nitong tumawa kahit na alam niyang napilitan din lang ito. Gusto ni David na masagot ang mga katanungan sa kaniyang sarili. Gusto niyang malaman kung bakit ganoon siya kakomportable na katabi si Austine. Iniisip niya na posible kaya na gusto niya rin magkaroon ng kapatid na katulad ni Austine? Hindi siya sigurado sa nararamdaman basta ang alam niya ay masaya siyang kasama ito at kung malapit man na kaibigan o bilang kapatid man ang turing niya dito ay hindi na iyon mahala. Ang mahalaga sa kaniya sa ngayon ay ang nagkaroon siya ng kaibigan na tulad ni Austine.

"Thanks," napatingin ito sa kaniya dahil sa isang salita na lang din ang sinabi niya dito.

"May dumi ba sa mukha ko?" Takang tanong ni Austine. Natawa pa si David dahil sa pagtaas at pagbaba ng magkabilang kilay nito habang nagtatanong.

Napatingin siya sa bibig nito. Nasa gilid nga nito ang ilang dumi gawa ng kinain nilang puto cheese. Gumalaw ang isang kamay niya para abutin ang gilid ng bibig ni Austine at tanggalin iyon. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ganoong bagay. Ang swerte niya na sa isang Austine Alcantara niya naranasan.

Nagulat ito nang gawin niya iyon. Huli na rin para umangal pa ito dahil bago pa ito makapag salita ay natapos na niya iyong gawin dito.

"I brought you something and I hope you'll like these," hindi sigurado si David kung magugustuhan nito ang mga dala niyang tsokolate.

Binuksan niya ang kaniyang bag para ibigay dito ang mga dala niya. Habang ibinibigay niya iyon kay Austine ay naka abang naman ang kaniyang paningin sa magiging reaksyon nito.

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Natuwa siya sa naging reaksyon nito. Kahit na sabihing para itong bata sa naging reaksyon ay masaya pa rin siya dahil nagustuhan nito ang mga dala niya.

"Wow! Para sa 'kin lahat ng 'to?!" Bulalas nito.

"Yeah," tanging naisagot niya dito. Natatawa siya sa mga ngiti ni Austine. Masaya siya dahil napasaya niya ito sa kaunting dala niya para dito.

"Salamat!" Kasabay nang pagpapasalamat nito ay ang agad na pagyakap nito sa kaniya. Ilang segundo ang itinagal niyon. Sa pangalawang pagkakataon ay naulit muli ang ganitong sitwasyon. Nakangiti niyang hinaplos ang likod nito.

"Maliit na bagay..." Sa hindi malaman na kadahilanan ay kusa siyang tumugon sa pagkakayakap nito at mas hinigpitan pa niya iyon.

"Anak," untag ni Tisay sa dalawa na nasa sala. Tila isa iyong kidlat sa pakiramdam nilang dalawa dahil awtomatikong nagkalayo ang kanilang katawan sa sandaling tawagin na ni Tisay ang anak na si Austine.

"Mama, naman! Nanggugulat ka naman eh!"

"Baka gusto mong imbitahan si David na maglaro?" Natatawang tanong ni Tisay sa kay Austine. Parang hindi naman makapaniwala si Austine sa sinabi ng nanay nito.

"Talaga po? Hindi po kayo galit?" Takang tanong nito sa nanay. Tumango naman ito bilang tugon. Nakikinig lang si David sa pag-uusap nila. Napapangiti siya sa mag-ina.

"Nagpaliwanag si Kanor kanina, sinabi niya na gusto kang maging kaibigan nitong si David. Ang akala ko kasi ay imposibleng mangyari iyon kaya hangga't maaari, iniiwas kita sa mga bagay na alam kong masasaktan ka at sa mga sitwasyong mawawalan ka ng laban." Kasabay ng paliwanag nito ay ang pagpalipat lipat ng tingin nito kina Austine at David.

Napapapangiti na lamang si David sa paliwanag ng ginang

"Alam ko din po, gusto akong maging kaibigan nitong si David at alam ko pong walang masama sa pakikipag kaibigan diba, mama?" Nakita ni David kung paano mangusap ang mga mata ni Austine at talagang tumatatak iyon sa kaniya.

"Mabait po si Austine, tita." Nakangiti niyang saad sa ginang. Nginitian siya nito at saka bahagya siyang hinawakan sa pisngi.

"Mabait siya, mabait ka rin kaya walang masama na maging magkaibigan kayo. Protektahan niyo ang bawat isa, 'wag niyong hahayaan na sirain kayo ng ibang tao. Oh siya, sige na. Austine anak, ikaw na muna ang bahala dito kay David ha? Pupuntahan ko muna si mareng Hulyana." Sabay pa silang tumango ni Austine sa sinabi ni ng ginang.

Naiwan silang dalawa na parang hindi malaman kung ano ang unang sasabihin.

****

"Austine?" Parang may kung anong bumasag sa katahimikan nang banggitin ni David ang pangalan ni Austine. Sa palagay ni Austine ay nag-iisip na naman ito ng kung ano.

Higit sa lahat, nagpapasalamat siya na malaya na siyang makikipag kaibigan kay David. Hindi na magagalit ang kaniyang nanay dahil tanggap na nito ang makipag kaibigan siya sa isang mayamang tulad ni David.

"Oh?" Nakaramdam siya ng hiya nang sagutin niya ito. May parte sa kalooban ni Austine ang natatakot. Natatakot na baka matuklasan nito kung ano talaga ang mayroon sa kaniya. Kung sakaling malaman man nito ang tungkol sa pagkatao niya ay hinihiling niya na sanay maintindihan siya nito.

Narinig ni Austine ang pag hinga nito nang malalim kaya nakaramdam na rin siya ng pagkabahala.

"May gusto sana akong malaman tungkol sa 'yo," saad nito. Saglit siyang natigilan dahil parang hindi nga siya nagkakamali ng hinala. Umayos siya nang pagkakaupo at saka humarap dito kahit na pakiramdam niya ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng usapin.

"Tungkol saan?" Minabuti niyang pakalmahin ang sarili.

"I hope it's okay to know, since we're friends now." Panimula nito.

"Sige lang, sabihin mo." Kahit na may kung anong takot ang nabubuo sa kaniyang dibdib ay pinilit niyang maging kalmado.

"I saw some pony tails of a doll from your shoulder bag, last last day. I just want to know if there's something that I need to know, 'cause you know, I won't judge you." Kahit na naiirita si Austine panaka nakang pag-iingles nito ay naitindihan niya ang lahat nang sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit nakita nito ang mga tali ng kaniyang manika. Naisip niyang posible rin iyon dahil hindi rin naman niya namalayan kung saan niya inilagay ang bag noong pumasok sila ni David sa mansyon. Iyon na nga ang isang bagay na ayaw niyang malaman ni David. Alam niyang iiwas din ito tulad ng ibang normal na mga batang lalaki na nakakalaro niya ay iniiwasan din siya dahil sa kasarian niya. Sa ngayon ay hindi na maganda ang pakiramdam niya.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin," lumatay ang hiya sa katawan ni Austine nang sabihin niya iyon.

"I'm going to listen," nagulat siya sa sinabi nito pero mas ikinagulat niya nang mabilis nitong inabot ang kamay niya at saka mahigpit na hinawakan iyon. Sigurado si Austine na baka hindi siya magkaroon ng konsentrasyon dahil sa ginawa nito. Pinatatag niya ang sarili at saka mariin na ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay idinilat na niya ang kaniyang mga mata at nakahanda na para magpaliwanag.

"David, bakla ako." Parang nagpaulit ulit sa kaniyang isipan ang mga salitang kaniyang binitawan sa harap ni David. Nalulungkot si Austine dahil sa pinaka maikling panahon na nagkakilala sila ni David ay naging malapit ito sa kaniya at nagkaroon siya ng kaibigan na may pakialam din sa kaniya. Sa ngayon ay inihahanda na lamang ni Austine ang sarili na husgahan siya ng bagong kaibigan.

"Kaya pala, crush mo ako?" Humagalpak ito ng tawa. Hindi alam ni Austine kung maiinsulto siya tawa nito dahil parang nasayang ang kaniyang pagdradrama nang dahil lang sagusto nitong malaman ang tungkol sa kaniya.

"Ang kapal mo! Diyan ka na nga!" Inirapan niya ito at saka nagsimulang kunin ang mga tsokolateng bigay nito. Akmang lalayo na siya dito nang hatakin naman nito ang kaniyang tisyort. Naging dahilan iyon para mawalan siya ng balanse at direktang mapaupo siya sa hita nito.

Saglit na nagtagal ang ganoong posisyon nilang dalawa. Hindi na pinatagal ni Austine at napatayo siya kaagad.

"Sorry na," nakangiti na naman ito sa kaniya at parang bang sinasadya nito iyon.

"Ewan ko sa 'yo!" Inismiran niya ito at saka walang ganang binuksan ang isang piraso ng tsokolate.

"The truth is, I really do admire your kindness. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na tulad mo... I hope we always get this way," parang isang slow motion ang pagnguya ng tsokolate ni Austine dahil sa mga sinabi nito.

Gusto niyang matunaw sa harap nito dahil lahat yata ng pakiramdam ng kahihiyan ay nararanasan na niya sa mga oras na iyon. Ang akala niya ay siya lang ang makulit pero sa pagkakaalam niya sa ngayon ay pareho na lang din sila.

"Bodul mo pa ako," kunwari ay hindi siya naniniwala sa sinabi nito kaya pasimple siyang tumalikod dito para itago ang mga ngiting kanina pa gustong mangyari sa mukha niya.

"What's bodul?" Nilingon niya ulit ito nang magtanong ito. Halatang hindi nito alam ang salitang binanggit niya kaya mas lalo siyang natawa.

"Anak mayaman ka nga,"

"What's with that?" Natutuwa siya na ito naman sa ngayon ang naasar sa mga pasimpleng pagbibiro niya dito.

"Wala! Ang sabi ko masarap 'tong chocolates mo!" Pag-iiba niya ng usapan.

"Really? Syempre, cute ako eh!" Nadismaya siya nang nag pogi sign pa ito at sinabayan pa ng sunod sunod na kindat.

"Kapal! Nakatayo sa harapan mo ang cute na sinasabi mo, huy!" Natatawa lang ito sa mga sinabi niya.

"Cute daw, pero ang takaw!"

"Gutom lang ako no'n, huy!" Angal niya dito

"Huy ka nang huy, David ang pangalan ko." Natawa siya nang sumama ang paningij nito.

"Ang pangalan mo lang ang cute pero hindi 'yong mukha mo," sinabayan niya iyon ng halakhak.

"Whatever you say, that's still me. 'wag mo ngang inaaway 'tong crush mo!" Halos ituro pa ni David ang sarili mapatunayan lang ang sinasabi nito kay Austine.

"Sabi nila, pag mahilig magtanong sila daw 'ying interesado at may gusto. Baka ako ang crush mo!" Hindi naman nagpapaawat si Austine sa pagdadahilan.

"That's a made up saying," protesta nito. Natural na kay Austine ang mag dahilan at mag isip ng mga bagay na alam niyang pwede niyang panlaban kapag nagigipit na siya sa pakikipag daldalan sa mga kaibigan. Kaya sa ngayon ay gagamitin niya ang kakayahan niya laban kay David na alam niyang mahihirapan siyang talunin sa lahat ng bagay.

"Anong made up? Hindi 'yon made up, noh!"

"Whatever!" Biglang sambit nito.

"Whatever mo, mukha mo!" Nagtagal pa ng ilang minuto ang kanilang pagtatalo. Sa huli ay napagdesisyunan din nilang manood ng T.V series na sa pagkakaalam ni David ay si Austine lang ang may hilig sa mga korean novelas.

Habang tutok na tutok sa panonood si Austine ay hindi na rin niya namalayan na nakatulog na pala si David sa kaniyang balikat. Ramdam niya ang bigat ng ulo nito sa kaniyang balikat kaya minabuti niyang ayusin ang pagkakatulog nito. Marahan niyang hinawakan ang batok nito at saka kumuha ng unan para ilagay sa kaniyang mga binti. Saktong naalalayan niya ito para makahiga nang mas maayos. Sa bawat galaw ng katawan nito ay hindi niya maiwasan na titigan ang mukha ni David. Ilang beses siyang napalalunok ng laway kahit na kumakain siya ng pop corn.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status