Share

*°•CHAPTER SIX•°*

"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti.

"Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David.

"Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya.

"Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggit ng kaniyang ina.

"Mom!" Tanging nasambit na lang niya at saka nagpakita na parang hindi niya gusto ang sinabi ng ina.

"Oh, bakit? Totoo naman ah!" Tugon nito at saka isinubo ang pangalawang piraso. Napapailing na lang siya dahil sa sinabi nito.

"'wag po kayong mag-alala, ako po ang bahal kay David." Pagkasabi ni Austine ay kaagad na ibinigay ni David ang kaniyang pinaka matalim na mga tingin. Tumawa lang si Austine sa kaniyang ginawa. Alam na alam na nito na hindi tatalab ang ganoong bagay.

"Siya nga? Ay, mabuti pa nga. Dito na mag-aaral itong apo ko kaya sana ay mabantayan mo rin siya, Austine. Baka maging pasaway itong apo ko," natawa ang kaniyang lola sa sinabi at ganoon din naman si Austine.

"Austine, sana kahit papaano ay matingnan mo siya sa eskwela, ha? Sa susunod na ang pasukan niyo," nakita ni David na nailipat ni Austine ang atensyon sa kaniyang ina.

"Gagawin ko po ang makakaya ko, tita Loren." Natawa siya nang makitang itinaas pa ni Austine ang kaniyang kamay na para bang nanunumpa ng isang responsibilidad.

"Kanina ka pa ngiting ngiti diyan ah?" Takang tanong ng kaniyang ina.

"Nothing mom," agad na tugon niya dito at saka inabot ang isang baso ng orange juice.

Sandali lamang ang itinagal ng kanilang salo salo. Sa isip ni David ay natutuwa siya na isiping mas lalo silang magkakalapit ni Austine dahil sa mga ibinilin ng kaniyang lola at ina. Kahit siguro sa pagtulog at pakikipag-usap habang nag-aaral ay gugustuhin niyang mangyari. Mag-iikasampung baitang na siya sa mataas na paaralan at mag-iika siyam na baitang naman si Austine. Isang taon lang sa mataas na paaralan ang kanilang pagitan at sigurado siyang makikita niya ito lagi.

****

Hindi na mapakali si Austine dahil ilang araw na lang ay pasukan na. Sa sobrang saya ay pati ang kaniyang nanay hindi na siya maintindihan.

"Austine anak, ibinilin ni lola Paula mo na titingnan mo si David sa eskwela ha? 'wag mo siyang pababayaan dahil bago pa lang siya dito," narinig niya ang kaniyang nanay mula sa labas ng kaniyang kwarto. kasalukuyan na inaayos ni Austine ang kaniyang mga gamit pang-eskwela. Nakahanda na ang lahat tanging ang kaniyang uniporme na lang ang kulang. Nalabhan na niya ang mga iyon at sa sandaling matapos siya sa pag-aayos ng kaniyang mga papel ay paplantsahin na kaagad niya ang mga iyon.

"Opo, mama!" Tugon niya dito.

Ilang sandali pa at natapos na rin siya sa ginagawa. Nakangiting tiningnan niya ang kaniyang bag. Masaya siya at kompleto ang kaniyang kagamitan sa pasukan. Akmang lalabas na siya nang kwarto nang gulatin siya ni David. Saktong natumba siya sa sahig dahil sa ginawa ni David.

Hindi siya makapaniwala na nasa kwarto niya ang kaibigan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil dito. Ni hindi man lang niya narinig ang pagpara ng sasakyan nito malapit sa kanilang bahay.

Inabot naman nito ang kamay habang natatawa. Inirapan niya ito at agad na hinawakan ang kamay nitong nakalahad sa kaniya. Dahil sa inis ay sumumpong na naman ang kaniyang pagiging maldito. Nilakasan niya ang pagkabig sa kamay nito para matumba rin ito. Ngunit hindi iyon ang inaasahan na mangyari ni Austine.

Parang dahan dahan na nawalan ng balanse si David at Pigil ang hininga na baka tuluyan itong matumba. Ang akala nito ay deretsong tatama ang kabilang kamay nito sa kama ngunit hindi iyon nangyari dahil nadulas ang isang paa nito at saktong tumama ang kamay nito sa tagiliran ni Austine.

Sa isa pang pagkakataon ay nagkalapit ang kanilang mga mukha at pigil ang hininga. Nakatitig lamang sila sa kanilang mga mata at hindi alam kung ano ang dapat na gawin. Nakramdam ng hiya si Austine sa posisyon nilang dalawa. Nakadagan ito sa kaniya at parang wala pang balak na umalis. Mabuti na lang at hindi deretsong tumama ang bibig nito sa bibig niya.

Kakaiba na itong nararamdaman ni Austine. Sigurado siyang hindi iyon normal.

"Ano ba?! Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa labas ng kwarto ko?! Pwede mo naman akong tawagin, hindi 'yong hindi ka man lang nagsasabi!" Pakiwari niya ay medyo tumaas ang kaniyang boses sa mga oras na iyon kaya bigla rin siyang natahimik nanag mapagtanto ang pagbulyaw dito.

Nakita niya itong tumayo. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong nalungkot at hindi alam kung ano ang sasabihin. Napayuko ito.

"I'm sorry..." Hindi makapaniwala si Austine sa narinig na boses. Malungkot iyon at parang may kung anong bumabagabag sa kaniya na ayaw niyang maramdaman nitong nagalgalit siya.

Naghintay siya ng ilang minuto para magsalita si David pero wala na siyang naririnig mula dito. Nananatili lamang itong nakatayo at nakikiramdam.

"Sorry..." Sa wakas ay nasabi niya rin. Dahil sa sinabi niya ay nag-angat ito ng tingin. Doon lang rumehistro sa utak niya na nasaktan niya ito sa pagbulyaw niya.

"I guess, I have to go?" Malungkot na nga ang boses nito kaya mabilis na pinigil niya ito. Dahil sa kalituhan ay kaagad na nahawakan niya ito sa kamay.

"Dito ka lang," nagkatitigan sila sa sandaling nasabi niya iyon kay David. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong nalungkot nang dahil sa kaniya at parang may kung anong tumutusok sa puso niya.

"I just want to see you, I made and brought you some pancakes. Nanood ako ng tutorial sa internet para makagawa nang mas maganda," literal na napamaang siya sa sinabi nito dahil hindi niya akalain na ang isang David Ortega ay mag-aabalang magluto para dalhin sa kaniya.

Nakita niyang may kinuha ito sa labas at mabilis din namang nakabalik. Binuksan nito ang bag at saka kinuha ang isang malinaw na kahon. Naaninag niya sa loob niyon ang mga pancakes.

"N-niluto mo 'yan para sa 'kin? Sa 'kin talaga 'yan?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Nahihiya namang tumango si David sa tanong niya.

"Sana magustuhan mo..." Kasabay nang pagkakasabi nito ay marahan nitong iniabot kay Austine ang dala. Hindi naman nakapaghintay si Austine at kaagad niya iyong binuksan. Naramdaman niyang mainit init pa ang pagkakagawa kaya hindi na rin siya nakapag pigil na amuyin iyon.

Hindi nakaligtas sa ilong ni Austine ang masamyong amoy ng mga pancakes. Halatang amoy pa lang ay talagang masarap na. Napangiti siya at saka ibinalik ang paningin kay David.

"Amoy pa lang, masarap na!" Sambit niya dito. Dahil sa tinuran ay agad na napalitan ng ngiti ang malungkot na mukha ni David. Napangiti na rin si Austine nang makita iyon.

"Ano bang gagawin natin ngayon? Maglalaro o manonood? Pasensiya kana dahil wala pa kaming T.V. dito sa bahay,"

"Alam ko naman 'yon! I came here and brought my laptop 'cause I know you want to watch korean novelas," nakita ni Austine na in-ere nito ang kabilang kamay sabay turo sa laptop nitong nasa salas.

Sabay na nagpintig ang kaniyang magkabilang tainga dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya kung saan ito nakaturo at talaga ngang dala nito ang laptop. Sa kaniyang kaibuturan ay ramdam niya ang pagka-galak.

"Aba, talagang nag effort kana ngayon ah!" Kunwari ay hindi niya pinahalata na masaya siya.

"Yeah! I just think you'll have a better day if you always see me," parang nag-iba kaagad ang ihip ng hangin nang mapagluho niyang bumalik ang walang katumbas na tiwala sa sarili nito. Hindi pa ito nakontento at kumindat kindat pa na parang bang sinasabi nito sa mga tingin nito na hindi niya kayang mag-isa.

"Aba! Baka baliktad naman 'ata yon?! Baka namimiss mo lang ako!" Ang akala siguro nito ay ganoon na lang na magpapatalo siya dito. Kung asaran lang ay hindi niya ito uurungan. Minsan din niyang maisip na baka inaasar lang siya nito dahil alam nitong isa siyang bakla. Pero kahit na ganoon ay alam niyang totoo itong kaibigan. Hindi naman ito mag-aabalang ipagluto at dalhin ang laptop nito kung wala lang para kay David ang kanilang pagkakaibigan.

"Sandali, kukunin ko lang ang laptop para dito na tayo sa kwarto mo manood." Tila hindi na nito pinansin ang nasimulan na asaran at agad na kumilos para kunin ang laptop.

Mabilis na nakabalik din naman agad si David at agad na binuksan ang laptop. Namamangha si Austine sa mga daliri ni David na mabilis gumalaw sa ibabaw ng teklado. Noon pa man ay nais na niyang mabilhan siya ng kaniyang nanay ng laptop para hindi na siya lalabas ng bahay para imprentahin ang mga dokumento na may kinalaman sa kaniyang pag-aaral.

Habang abala ito sa pagtipa sa aparato ay naalala niyang hawak niya ang dalang pancakes ni David kaya kaagad niya iyong binuksan para tumikim ng isa. Sa unang kagat pa lang niya ay nanuot na sa kaniyang dila ang manamis namis nitong lasa. Nanuot rin ang lasa ng mantikilya na siyang nagbigay ng aroma sa ginawa nitong pancakes. Hindi niya napansin na napapapikit na siya sa bawat kagat.

"Done! Let's watch!" Nagulat siya nang may bahagyang kumilos. Doon lang niya naalala na may kasama pala siya sa kwarto. Natawa siya ng kaunti dahil sa nagawa niyang kalimutan na may kasama pala siya sa loob ng kwarto nang dahil lang sa dala nitong pagkain.

"Tara!" Biglang sabi niya dito at saka sinadyang iiwas ang tingin mula kay David.

"Masarap ba?" Nilingon niya ito na ngayon ay nasa tabi na niya. Gustuhin man niyang tumango at sagutin ito, hindi niya magawa dahil baka kung ano na naman ang isipin nito at lumaki pa ang ulo. Sa huli ay isang tango lang ang ginawa niya.

"Manood na tayo," mahigpit ang hawak niya sa pancakes na para bang wala na siyang balak na pakawalan ang mga iyon. Natawa naman si David sa ginawa niya pero hindi na lang niya iyon pinansin.

"Do you have any plans to give some of my pancakes?" Natatawang tanong ni David habang abala siya sa panonood.

"Binigay mo na 'to sa 'kin, sa 'kin na to!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kahon.

"Come on, give me some!" Para siyang nakuryente nang sundutin siya nito sa kaniyang tagiliran.

"Ano ba?!" Hindi alam ni David na naroon ang kaniyang kiliti kaya hindi mapigilan ni Austine ang mapatawa.

"Give me some!" Angal nito. Hindi niya ito pinansin kaya inulit nito ang ginawa nitong panunundot sa kaniya.

"Oh, 'ayan na!" Nadismaya si David nang ilahad niya ang kalahati sa isang piraso ng pancake.

"Really, now?" Natawa siya sa reaksyon nito. Tila hindi nito nagustuhan at asar na asar na binigyan niya lamang ito ng ganoong bahagi ng pancake.

"'wag ka ngang maarte! Sige na kunin mo na!" Depensa naman niya habang pinipilit niya itong kunin ang hawak niya.

May pumasok na naman na kalokohan sa isip ni David. Inilapit nito ang  mukha sa kamay niyang nakalahad at saka mabilis na inilabas ang dila para lagyan iyon ng laway. Mabilis na kinuha ni David ang bahagi ng pancake gamit ang kaniyang bibig at saka walang humpay na humalakhak.

Sadyang malinis sa katawan si Austine at ayaw niyang hindi naliligo sa isang araw. Dahil sa ginawa ni David ay halos maging isteriko na si Austine.

"Daviiiiiiiiid!!! Yuuuuck!" Kaagad siyang lumabas ng kwarto at deretsong pumunta sa kusina para hugasan ang kaniyang kamay habang humahagalpak naman ng tawa si David.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status