Share

*°•CHAPTER TEN•°*

"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon.

"Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito.

"Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.

Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa ilang taon na magkakasama sila ay parang magkapatid na ang turing nila sa isa't isa. Tumatak ang pangalan ng kanilang banda sa bansa hanggang sa naging matagumpay ang kanilang karera sa industriya.

"Kahit saan basta sama sama tayo!" Narinig niya ang masiglang boses ni Kris. Natutuwa siya sa tuwing makikita niya ang saya ni Kris dahil likas itong masayahin at talagang nakakahawa ang ugali nito.

"Mabuti pa 'tong si Kris, kahit saan sige lang nang sige!" Pagkatapos niya iyong sabihin ay sabay sabay silang nagpakawala ng malalaks na tawanan.

"Tama si Kris, mas masaya na magkakasama pa rin tayo kahit saan man tayo magbakasyon." Natawa siya nang marinig iyon kay Carlos. Tila wala itong nagawa sa desisyon nilang tatlo na umuwi at magbakasyon sa Pilipinas. Mag-iisang linggo na rin sila sa Las Vegas at may ilang lugar na rin silang napapasyalan pero masasabi niyang iba pa rin ang hatid ng paraiso sa Pilipinas.

"Okay na tayo ha? All we have to do is to pack our things 'cause we're going back to the Philippines!" Napapahiyaw siya sa tuwa.

"We should be early," dagdag pa ni Clark.

"Saan ba tayo sa Pilipinas?" Nagtatakang tanong ni Kris habang inaayos ang mga kwerdas ng gitara. Saglit siyang nag-isip at saka naalala ang Bohol.

"Game ba kayo sa Bohol?" Naging malapad ang ngiti niya nang tanungin niya ang tatlo. Gustong gusto niya ang Bohol at sana ay pumayag ang mga ito sa gusto niya. Maigi niyang tinititigan ang mukha ng mga ito. Laking tuwa niya nang sabay sabay na tumango ang mga ito.

"Oh yeah!" Hiyaw niya sa mga ito at saka naghagalpakan sila ng tawa.

****

"I can't do this! I demand an explanation, sir Bryan! This is exaggerated!" Nadismaya si Austine nang makita ang content ng bagong project niya. Isa iyong dokumento na kailangan niyang gawin. Nakalagay doon ang gusto ng management at hinihingi dito ang isang makamundong larawan na dapat niyang gawin.

"This could be your big break, kapag nagkataon. Austine, dolyar dolyar ang kikitain mo dito. Hindi ito madalas mangyari sa mga modelo at kung iisipin mong mabuti, hindi lang ang pagiging modelo mo ang mamayagpag kundi pati ang impluwensiya mo." Hindi nito inaalis ang seryusong titig nito. Alam niya ang pinupunto nito pero hindi pa sumagi sa isipan ni Austine ang ganoong klaseng bagay. Ang gusto lang niya ay ang maging parte sa mga sikat na magasin.

"I cannot do this, sir. I just have the courage to give my best in styles or whatever fashion that makes me feel satisfied but this one is a big no for me," napatayo siya mula sa pagkakaupo at saka seryusong tumitig dito. Ilang hakbang pa lang ang kaniyang ginagawa nang muli itong magsalita.

"This could even help you to investigate, about your motther." Saglit siyang natigilan at saka nagtatakang napalingon. Kahit kailan ay wala siyang sinabihan tungkol sa pagkamatay ng kaniyang nanay maliban na lang sa mga taong nakakita noon. Nakakapagtaka na alam nito ang nakaraan niya.

"Paano mo–" tila nawala sa isip niya ang mga dapat na isipin sa oras na iyon.

"Walang maitatagong sekreto sa akin si Jelo," hindi pa rin napapalitan ang ekspresyon ng mukha nito. Naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito. Alam na alam ni Austine kung paano ito mag-isip.

Dahan dahan siyang lumapit dito habang hindi pa rin niya pinapakawalan ang kaniyang tingin dito. Sa kabilang banda ay alam niyang may punto ito. Makakatulong ang malaking halaga para sa pag-iimbistiga at makamit ang hustisya na matagal na niyang inaasam. Isang bagay lang ang humahadlang sa kaniya kung bakit hindi niya gusto ang proyekto. Iyon ay ang hinihingi ng management. Hindi niya kaya na ibalandra nang lubos ang kabuuan ng kaniyang katawan.

"Hindi magbabago ang isip ko–"

"I will give you time to think about it, alam kong hindi ito madali pero isipin mo ang career mo." Iyon lamang ang sinabi nito at saka agad na humarap sa laptop nito.

Kahit na ano pa ang pilit na pang-eengganyo nito ay hindi magbabago ang isip niya. Masaya siya sa trabaho at kontento na siya sa kinikita niya. Iniisip pa nga niya na sobra sobra na iyon. Bigla namang sumagi sa isipan niya si Jelo. Dahil doon ay agad na nabuhay ang galit sa kaniya. Hinding hindi palalagpasin ni Austine ang ginawa ni Jelo. Wala itong karapatan para makialam sa kung anong pinagdadaanan niya at lalong lalo na wala itong karapatan para ipagsabi sa iba ang nakaraan niya.

****

Nakita agad ni Jelo si Austine na papasok na ng restaurant. Maaga siyang natapos sa trabaho dahil ayaw niyang mahuli sa date nila ni Austine. Sinigurado niyang wala itong masasabing hindi maganda pero habang papalapit ito sa kinaroroonan niya ay unti unti niyang nakikita ang ekspresyon ng mukha nito at hindi iyon maganda sa kaniyang pakiramdam.

"What were you thinking?!" Awtomatikong nagsitinginan ang mga taong nasa loob sa kanila. Mula sa pagkakaupo ay marahan siyang tumayo para kausapin ito nang masinsinan.

"Please, have a seat." Pakiusap niya dito habang hindi pa rin niya maiwasan ang mahiya sa mga tao dahil sa malakas na boses ni Austine. Nakita niya sa mukha nito na parang balewala ang mga naging reaksyon ng mga tao sa pagsigaw ni Austine. Matatalim na titig ang ipinupukol nito sa kaniya. Hindi siya sanay kapag ganoon si Austine. Alam niyang may nagawa siyang hindi nito ikinatuwa.

"We really need to talk," kasabay niyon ay ang walang ganang pag-upo nito. Dahan dahan din siyang umupo at saka iniabot ang menu kay Austine subalit tinitigan lamang nito iyon at deretsong itinuon ang atensyon sa kaniya.

"Why so mad?" Pinilit niyang ngumiti kahit na nag-aalangan siyang tanungin ito. Napangisi naman ito sa tanong niya na tila hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

"Really??" Mas inilapit pa nito ang mukha sa kaniya bagay na nagbigay sa kaniya ng kung anong kahali-halinang pakiramdam.

"May ginawa ba akong mali?–"

"Anong karapatan mo na ipagkalat ang pagkamatay ng mama ko? Hindi ka pa nakontento, kay sir Bryan mo pa sinabi?!" Muli silang pinagtinginan ng mga tao pero ganoon pa rin ang pakiramdam ni Austine na para itong walang pakialam sa magiging reaksyon ng ibang tao. Siya lang ang nakakapansin niyon at sa tingin niya ay siya lang din ang sumasalo sa kahihiyan.

Hindi sa gusto niyang maawa si Bryan kay Austine, gusto lang niyang makita ni Bryan ang potensyal at dedikasyon ni Austine sa pagmomodelo. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari.

"Look, I'm sorry. I didn't mean that way but you know, you've been working for years and you really deserve special spot." Inaasahan ni Jelo na sana ay maintindihan nito ang pinupunto niya pero parang mahihirapan siyang kumbinsihin ito.

"Kahit na gano'n ang intensyon mo, wala ka pa ring karapatan na isali sa trabaho ang mama kong matagal nang wala." Ramdam ni Jelo ang panggigigil ni Austine sa bawat salitang binibitawan nito.

"I'm sorry, Austine." Sa kabilang banda ay inaamin niyang nagkamali rin siya. Tama ang sinabi nito, wala siyang karapatan na ipagkalat ang nakaraan ni Austine lalo pa at hindi man lang niya ito sinabihan.

"Sana hindi na maulit 'to, Jelo." Umasa pa naman siya na magiging maganda ang date nila ngayong araw pero nagkamali siya. Naging dahilan na naman siya para magkaroon ito ng sama ng loob sa kaniya.

"I promise..." Iyon na lang ang nasabi niya at saka ngumiti dito. Nakita niyang kinuha nito ang menu. Tinititigan niya si Austine habang abala ito sa pagpili ng kakainin.

Naaalala niya ang nga araw na kasama niya ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kanilang ugnayan. Masasabi niyang kahit paano ay napapasaya niya ito. Kaunting tiis pa at mahuhulog din sa kaniya si Austine at sisiguraduhin niyang mangyayari iyon.

"Sana iba na lang ang idi-nate mo kung tititigan mo lang din ako ng ganiyan," bahagya siyang nagulat sa sinabi nito at saka napagluho na nakatingin na rin ito sa kaniya. Kahit kailan ay hindi siya nagsasawang titigan ang kulay kastanyo nitong mga mata. Nagdadala iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang buong pagkatao. Tila ninanais ng mga mata nito na mahigop siya mula sa mababang bugso ng damdamin patungo sa pinaka sukdulan nang marilag na larawan.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo dahil sa mga iniisip. Hindi maaari na mahalata nito ang kaniyang mga iniisip. Kilala niya si Austine at alam nito ang takbo kaniyang isip.

"Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko, 'di ba?" Sa ibabaw siya ng mesa nakatingin at hindi sa mga mata ni Austine na mapang-akit. Kahit na ganoon ang nararamdaman niya ay totoo naman ang sinabi niya dito.

"Bakit 'di ka makatingin sa 'kin? At bakit kanina mo pa hinihimas 'yang binti mo? Ano bang meron?" Dahil sa mga tanong nito ay bigka siyang natigilan. Hindi niya napansin na ganoon na ang kaniyang ginagawa. Marahil ay epekto iyon ng kaniyang isip. Palagi niyang iniisip na sa tuwing matititigan niya ang mga mata ni Austine ay ganoon na lang siya kaagresibo na malaman ang dahilan ng kaniyang pag-iinit.

"Iniisip ko lang kung anong bagong tagline ang pwedeng gawin para sa mga bagong item na eendorse ng mga models," pagdadahilan niya.

"Kaya pa la himas ka nang himas sa binti mo?" Naramdaman niya na parang pinupunto nito ang ginagawa niya.

"I'm just bothered,"

"Bothered from what?" Minsan ay hindi niya kinakaya ang pagiging makulit ni Austine.

"Basta," tila nawalan na siya ng idadahilan kay Austine. Nakita niya itong saglit na nag-isip at saka muling nagsalita.

"Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang Jelo Sentino, iiwan ang yaman na mayroon siya sa San Isidro para lang maging isang typical worker ng isang kompanya. Kung tutuusin, kaya mong magtayo ng sarili mong negosyo." Pasimple siyang natawa dahil sa tinuran nito pero tama ang lahat ng sinabi ni Austine. Kung mas pinili lang niya ang maging heredero ay tiyak na mas pa sa inaakala ni Austine ang yaman niya.

Pinili niyang magtrabaho sa kompanya kung saan nagtratrabaho si Austine bilang modelo para sundan ito. Ganoon kahalaga para kay Jelo si Austine. Gagawin niya ang lahat para lang sa taong gustong niyang makasama.

"'andami mong alam, mag-order ka na nga lang." Dahil sa sinabi niya ay pasimple siya nitong inirapan. Natawa na lang siya sa inaasal nito. Hindi nagtagal ay nakapili na rin sila ng kakainin at saka tinawag ang weyter para asikasuhin ang mga pagkain na gusto nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status