Share

*°•CHAPTER ONE•°*

"David! Oh my god!" napasigaw na ang butihing ina ni David na si Loren. Hindi akalain ng babae na ganoon na lang ang sugat sa kamay ng anak. Nakita nito kung paano punuin ng dugo ang kabuuan ng palad ni David. Nasa damuhan ang mag-ina at maigi nitong sinasanay ang anak sa pangangabayo ngunit hindi nito akalain na magiging ganoon ang kahihinatnan ni David matapos na mahulog ang anak sa pangangabayo at diretsong bumagsak sa lupa.

Nakita nito kung saan naglandas ang kabilang palad sa lupa at saktong dumiin ang palad ng anak sa isang matulis na kahoy.

"Mom, I'm alright." Kahit na iniinda ni David ang sakit gawa ng kaniyang sugat ay pinilit niyang ngumiti at pakalmahin ang ina.

"Sigurado ka anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Mommy, I'm strong. You know that, right?" Pinasadahan ni David ng ngiti ang kaniyang ina para hindi na ito mag-aalala masyado. Dahil sa ginawa niya ay napalitan ng ngiti ang nag-aalala nitong mga mata.

"You're a big boy now, anak." Marahan nitong ginulo ang buhok ni David. 

Lumaki si David na puno ng pagmamahal ng mga magulang. Lahat ng mga bagay na kailangan para matuto siya ay binibigay ng mag ito sa kaniya. Kahit bata pa lang ay nagpapasalamat na siya na nagkaroon siya ng pamilya na handang magsakripisyo para sa kaniya.

Saglit na nagpaalam ang kaniyang ina para kumuha ng first aid kit. Tumango naman siya bilang tugon. Nang makaalis ang ina ay siya namang pag-inda niya sa sakit mula sa mahabang sugat. Napapangiwi siya sa tuwing mararamdaman niya ang hapdi sa kamay. Maagap niyang hinihipan ang sugat.

Mula sa di kalayuan ay napansin niyang may batang palapit sa kanya. Dahan-dahan na napatingin siya dito. Kung ikukumpara ito sa kaniya ay isang hamak na bata lang ito na madalas niyang makita sa mga lansangan. Nakaramdam ng takot si David nang nagiging mabilis ang lakad nito palapit sa kaniya. Isang hakbang paatras ang nagawa niya.

"Bata, ayos ka lang?" may halong pag-aalala sa boses nito. Lumantad kay David ang kabuuan ng bata sa kaniyang harapan. Saglit siyang nagtaka nang mapatitig siya sa balat nito. Maputi ito kumpara sa kaniya kahit na hindi kagandahan ang kasuotan ng bata. Hindi siya sigurado kung ano ang isasagot sa tanong gayung naagaw nito ang kaniyang atensyon para palihim itong titigan.

"Hoy, ayos ka lang ba?!" muling tanong ng bata at sa pagkakataong iyon ay mas nilakasan pa nito ang boses. Pigil ang tawa nito dahil sa bahagyang pagkagulat niya.

"Ha? Ah, oo naman!" Nag-iwas ng tingin si David sa bata at saka nagsimulang lumayo mula dito. Tinalikuran niya ito pero may kung anong bagay ang nagtutulak sa kaniya para lingunin ito at tingnan kung nakasunod ba ito sa kaniya. Nagkamali siya ng hinala nang mapagtantong nasa kinatatayuan pa rin nito ang bata at hindi man lang nag-abala na sundan siya. 

Kitang-kita ni David ang pasimpleng pagngisi ng bata. Sa tantiya niya ay mas bata ito ng ilang taon sa kaniya. Nasa labing pitong taong gulang na siya at parang hindi iyon halata sa kaniyang pisikal na anyo dahil parang mas bata pa siya sa edad niya.

Nakaramdam ng takot si David nang mabilis itong lumapit sa kaniya. Doon lang din niya napansin na may dala itong shoulder bag na puti. Pakiramdam niya ay mga laruan ang laman niyon. Nang makalapit ito sa kaniya ay mabilis ang naging kilos ng mga kamay nito. Kaagad na binuksan nito ang bag at saka may kung anong hinanap sa loob.

"'wag kang mag-alala, hihinto na rin sa pagdugo 'yang kamay mo," saad nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Ang napapansin niya lang ay ang paggalaw ng bibig nito at ang mga pawis na kumikintab sa noo nito gawa ng liwanag na nagmumula sa araw.

Napahinto siya sa ginagawang pagtitig nang makita ang isang bagay sa kamay nito.

"Alcohol?!" halos maisagaw na niya dito. Narinig niya itong napabungisngis.

"Hindi 'to alcohol! Sanitizer alcohol lang naman 'to ah!" angal nito habang natatawa pa. Hindi maintindihan ni David kung bakit naapektuhan siya sa mga tawa nito at mas lalo lang siyang naguluhan nang sabihin nitong isang sanitizer alcohol lamang iyon. Samantalang pareho pa rin naman iyon. Parehong mahapdi kapag ipinahid sa sugat.

"Anong pinagkaiba no'n?!" Halos madismaya na siya dahil hindi niya kayang tiisin ang hapdi kung sakaling papahiran siya nito gamit ang alcohol. 

"Parang alcohol lang!" angal nito at saka nagpakawala ng matinding halakhak. Bahagya siyang nainis sa pagtawa nito.

"Ang sakit kaya niyan!" umangal din siya dito at saka mabilis na iniwas ang kamay papuntang likod niya. Parang hindi naman ito makapaniwala sa mga ikinikilos niya kaya marahas nitong hinawakan ang kamay niya at saka mabilis na binawi iyon.

"Ano ka ba! Parang kagat lang naman to ng langgam!" Napansin niya ang pagkairita sa boses nito. Napagtanto niya na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kaniya. Dahil doon ay parang nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan at pigil ang hininga.

Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang epekto ng presensiya nito sa kaniya. 

Halos dalhin na ng hangin ang isipan niya dahil sa sobrang pagkakatitig sa mukha nito. Nakita niya kung paano ito tumingin sa kaniya nang may pag-aalala. May parte sa kaniyang isipan na nakikita niya dito ang pag-aalala kagaya ng kaniyang mga magulang. Nakita na lamang niya ang kamay niyang pinapahiran na ng alcohol.

"'ayan! Tapos na!" Ngumiti ito at saka pinakawalan ang kaniyang kamay na may sugat. Nailang siya nang muli itong tumingin sa kaniya. Naging dahilan iyon para mag-iwas siya ng tingin mula dito. Hindi siya sigurado kung anong kalagayan ng kaniyang mukha sa mga oras na iyon. Ang alam niya ay naiilang at may parte sa kaniya na natutuwa dahil sa ginawa nito. 

"S-salamat," tanging nasambit na lang niya nang hindi pa rin tumitingin dito.

"Ayos lang!" tugon naman nito. Muli niya itong tiningnan at halos mapalunok na siya ng laway dahil sa sobrang paglapit nito ng mukha sa mukha niya. Isang dangkal na lang ang kanilang pagitan at ramdam ni David ang kaba sa dibdib dahil sa ginagawa nito.

"A-anong g-ginagawa mo?!" naging alangan ang kaniyang boses at pigil ang hininga na naitulak ito palayo sa kaniya. Tumawa lang ito at saka muling nagsalita.

"Ang sakit no'n ah! Pero ang tangos ng ilong mo... Alam mo, pwede kang mag model!" Kitang kita ni David ang pagkamangha sa mga mata nito at akmang ilalapit na naman ang mukha nang mabilis niya itong nahawakan sa magkabilang balikat para pigilan sa gagawin. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakakita ng isang batang napaka agresibo. Ang mga kaibigan niya sa siyudad ay nakakalaro niya palagi pero hindi naman ganoon kung kumilos. 

"U-umuwi ka na nga!" Pinilit ni David ang sarili na hindi na ito pansinin sa mga pinagsasasabi dahil nararamdaman niyang makulit ito. Pinakawalan niya ito mula sa kaniyang pagkakahawak at saka pilit na inirapan. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.

"Sandali! Aba! Tinulungan kita tapos hindi mo man lang ako ililibre ng pagkain?! Napaka imposible mo naman!" Dahil sa reklamo nito ay napahinto siya. Ilang segundo siyang nag-isip. Sa kaloob-looban ni David ay tama rin naman ito sa mga isinaad pero hindi pa rin siya makapaniwala sa pagiging agresibo nito sa mga bagay.

Isa ito sa mga bata na gusto niyang iwasan. Noon pa man ay hindi na malapit ang loob ni David sa mga ganoong bata na nakakasalamuha niya. Ayaw niya ng makulit. 

Pilit siyang napalingon at saka walang ganang tiningnan siya deretso sa mga mata. Dahil sa inis ay mabilis niyang naibulsa ang dalawang kamay sa kaniyang pantalon at parang nawalan na rin ng ganang mangabayo. Narinig niya itong tumawa. Iyon din ang isa sa mga kinaiinisan ni David. Ang tawanan siya dahil sa mga kilos niya.

"Just this time," walang kagana-gana niyang sabi. Nagsimula na siyang maglakad. Narinig niya ang mga yapak nito palapit sa kaniya. 

Muli na naman siyang dinalaw ng inis nang mabilis nitong ipinatong ang kabilang kamay sa kaniyang balikat. Napahinto siya dahil sa ginawa nito.

"What the..." Pigil na pigil na sa inis si David. Isang nagtatakang mukha ang nakita niya mula dito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw niyang patagalin ang mga tingin niya sa mukha nito.

"Ano? Bakit?!" Parang hindi nito alam ang ginawa kaya hinayaan na lamang ni David na nakakapit ito sa kaniyang balikat. May inis at iba pang nararamdaman si David dahil sa batang nakaakbay sa kaniya pero nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad papunta sa mansyon ng mga Ortega. 

Muling sumagi sa isipan ni David ang kaniyang ina. Nakakapagtaka na hindi na ito bumalik. Hindi na lang niya iyon inintindi at saka mabilis na nagpatuloy sa paglalakad kasama ang isang bata na hindi niya alam kung bakit nakakapit sa kaniyang balikat. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status