Share

Chapter 9

Joniel Nova

Naglalakad si Joniel pauwi ng kanilang tahanan ngayon. Hobby niya rin ang pakikinig ng musika kaya heto siya, naka-earphone habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Hindi niya namalayan ang oras kaya ginabi na siya ng pag-uwi. At higit pa roon, galit siya sa papa niya dahil lagi na lang siya nitong pinagbubuntunan ng galit at sa hindi maiiwasang bagay ay nabubugbog siya nito.

"Nakakaasar si Papa, noong nakaraang araw lang e ang saya-saya naming nagkukuwentuhan pero ngayon, naging kakaiba ang kaniyang pakikitungo sa akin," wika ni Joniel sa kaniyang sarili habang naglalakad nang dahan-dahan.

"Mabuti pa ang musika, napapagaan ang loob ko kahit papaano," dagdag pa niya.

"Ang galing talaga ni Psy, hanga na ako sa kaniya kasi dati ay Gangnam Style lang ang sinasayaw ko kahit na parehong kaliwa ang paa ko, e. S’yempre, nakikipagsabayan ako. Ngayon, heto namang Gentleman… ayan na, chorus na! Masayaw nga…" aniya sa sarili.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status