Share

Chapter 2

Czarina Banks

Para namang akong may nakahahawang sakit nito kasi walang may gustong lumapit sa akin para makipagkaibigan man lang. Hindi naman ako mukhang masamang tao, a? E bakit gano’n na lang ang mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko? Hay, buhay.

Lagi na lang akong walang kasama tuwing lunch break. Nagmumukha tuloy akong loner sa kalagayan kong ito. Sadyang kaawa-awa pero imbis na kaawaan ako ay kabaligtaran naman iyon sa iniisip nila kasi takot silang lahat sa akin marahil sa aura ko. Sa unang tingin ko pa lang, nasisindak na sila.

Fierce as a tiger, iyan ang tag-uri nila sa akin. Para daw akong tigre na mangangain kaya marapat lang na iwasan.

Ang hirap ng sitwasiyon ko ngayon, hindi ako sanay sa mundong mapanghusga. Isa akong middle class kaya may karapatan pa rin akong ipahayag ang sarili kong nararamdaman hindi gaya ng mga mahihirap na tinatanggalan nila ng karapatan at para bang basahan na tinatapak-tapakan lang.

Ang tatay ko na lang ang kasama ko sa buhay dahil wala na raw ang nanay ko, sumakabilang-buhay na raw kaya heto ako, kulang man sa kalinga ng isang ina, busog naman sa pagmamahal ng aking ama.

Ibahin ninyo ang aking ama sa ibang tatay kasi ‘yung ama ko ay walang bisyo. Kaya nga nagpapasalamat ako kay God kasi ang bait ng Tatay ko saka hindi niya ako pinapabayaan. Napakamaalaga at mapagmahal kaya masasabi ko na siya ang “Best Tatay” para sa akin.

Isang araw habang naglalakad ako pauwi sa aming tirahan ay may Mamang nakamotorsiklo ang nagdaan sa harap ko sabay hila sa bag ko. Hindi na ako nakahingi pa ng tulong sa paligid dahil makakalayo na ‘yung Mamang magnanakaw. Hindi ako papayag na hindi maibalik sa akin ang bag ko kasi may napakahalagang bagay akong inilagay roon at iyon ay ang kwintas na regalo sa akin ni Tatay noong nag-16 ako.

Pinilit kong habulin ‘yung magnanakaw kahit na malayo na ito at hingal na hingal na ako pero dahil sa determinasiyon kong gustuhing mabawi ang bag ko ay mayroon akong naramdamang kakaiba habang ako'y tumatakbo.

Nagulat ako kasi parang may nag-iiba sa akin. Tiningnan ko ‘yung kamay ko kasi bigla itong umilaw na para bang may liwanag na lumalabas at nakita ko sa aking kamay ang isang pigura ng tigre.

Ang mga kuko ko ay biglang humaba at naging matulis kaya bigla akong napatigil sa pagtakbo. Ang aking balat ay nagkaroon ng black and orange stripes na sadyang kinatakot ko. Mayroong salamin akong natagpuan sa aking tabi at sinuri ko ang aking sarili.

Ang aking mga mata ay naging kulay berde at ang aking buhok na mahaba na kulay itim ay naging kulay kahel, at nagkaroon ako ng whiskers sa pisngi. Naging nakakatakot ang aking itsura at para akong naging taong tigre. Abnormal ba ako? O naging halimaw na ako? Hindi ito puwede! Tao ako! Tao!

---

Sa kaniyang pagninilay-nilay ay bigla niyang naalala ang kaniyang bag. Gusto niya itong mabawi ngunit natatakot siyang makita ng ibang tao ang kaniyang itsura. Naiyak na lang siya at biglang napaupo. Hindi niya alam kung ano na ang kaniyang gagawin.

Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang ama kaya nilakasan na niya ang kaniyang loob at nagtatakbo siya para mahabol ‘yung magnanakaw. Hindi niya inaasahan na unti-unti siyang nagiging mabilis sa pagtakbo at para bang malapit na siya sa magnanakaw. Ilang sandali pa ay naabutan na nga niya ang magnanakaw kaya nabuhayan siya ng dugo na mababawi pa niya ang kaniyang bag.

Nang maaabutan na niya ito ay bigla namang pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan. Hindi alam ni Czarina kung ano ang kaniyang gagawin. Biglang nagliwanag ulit ang pigura ng tigre sa kaniyang kamay at naramdaman niya na nagkakaroon siya ng kakaibang lakas na nagmumula sa kaniyang whiskers. At dahil doon, lalong bumilis ang kaniyang pagtakbo. Naabutan na nga niya ang magnanakaw.

Ginamit ni Czarina ang kaniyang kuko para butasin ang gulong ng motorsiklo kaya napahinto ito dahil sira na ang gulong. Ngayon ay kaharap na niya ang magnanakaw bitbit-bitbit ang kaniyang kahel na shoulder bag. Kita mo sa itsura no’ng magnanakaw ang takot dahil nanginginig ang kaniyang mga tuhod.

"Halimaw ka! Hindi ka tao!" singhal nito sabay takbo papalayo.

Dahil mabilis ng kumilos ngayon si Czarina ay wala pang isang segundo at nasa harapan na siya ng magnanakaw na ikinasindak naman nito sa gulat.

"Ibalik mo ang bag ko kung ayaw mong masaktan!" pananakot ng dalaga. Nagbabaka sakali siya na isauli no’ng magnanakaw ang bag niya kapag tinakot niya ito.

Biglang naglabas ng patalim ang magnanakaw sabay sugod kay Czarina. At dahil mabilis siyang gumalaw ay iniiwasan niya lang ang lahat ng pagsugod ng magnanakaw. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataon na mabawi ang kaniyang bag.

Hinila niya ang kaniyang bag at nabitiwan naman ito ng magnanakaw ngunit nagkaroon ng chance ang magnanakaw para puruhan siya ngunit naipananggalang ni Czarina ang kaniyang kamay kaya nadaplisan siya sa braso. ‘Yung magnanakaw naman ay nakalmot niya at mukhang napuruhan niya ito kaya napabagsak bigla sa sahig.

Dahil nataranta si Czarina ay tinakbo niya kaagad ito sa pinakamalapit na hospital.

"Sorry Manong kung nasaktan ko kayo. Patawarin n’yo po ako!" sambit niya sabay iwan sa magnanakaw sa harapan ng hospital. Nilisan ni Czarina ang lugar at dumiretso pauwi sa kanilang tahanan.

Nadatnan niyang nakabukas ang TV at hindi pa rin siya bumabalik sa dating anyo kaya nabahala siya. Natatakot siya na baka panghabang-buhay na ang itsura niya ngayon.

"Isang lalaking may malalim na kalmot sa kanang braso ang natagpuan sa harapan ng isang hospital. Base sa aming nakalap na impormasiyon, hindi normal na tao ang gumawa nito marahil isang halimaw kaya hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ito ng pulisya," pahayag no’ng nagbabalita sa TV.

Higit na nanlumo ang dalaga sa kaniyang kinauupuan at naiyak na lang dahil hindi siya makapaniwalang makakapanakit siya ng tao.

"Czarina, anak! Ikaw ba iyan?" bungad ng tatay niya habang pumapasok sa kanilang pintuan. May bitbit itong pagkain marahil ay binili niya ito sa tindahan.

"Opo, Tatay!" sambit ni Czarina sabay yakap sa kaniyang ama.

"Tatay, hindi po ako normal na tao! Halimaw po ako!" giit nito habang humahagulgol sa pag-iyak.

"Anak, hindi ka halimaw. Isa kang humanimal, half human, half tiger ka. Kagaya ka ng nanay mo," paliwanag ng kanyang ama habang pinapatahan siya.

"Ano pong ibig ninyong sabihin, Tatay? Na kakaiba akong nilalang at namana ko ito kay Nanay?" tanong ni Czarina na tila ba naguguluhan.

"Oo anak, kaya huwag kang mag-alala dahil babalik ka rin sa normal. Kontrolin mo lang ang sarili mo at kapangyarihan mo," wika nito.

Ginawa namang kalmahin ng dalaga ang kaniyang sarili para maibalik niya ang sarili sa pagiging mortal at nagawa naman niya iyon.

"Tatay, kaya ba hindi natin kapiling si Nanay kasi kakaiba siyang nilalang?" tanong niya rito.

"Ang iyong ina ay may pinagkakaabalahang bagay kaya niya tayo iniwan. Balang-araw, makikita mo rin siya," saad ng kaniyang ama.

"Oo nga pala anak, alam kong ikaw ang may kagagawan ng ibinabalita sa TV at alam ko ring medyo na-trauma ka sa nangyari ngayon kaya dapat sigurong pumasok ka muna sa ibang paaralan para makontrol mo ang kapangyarihan mo dahil kailangan ka ng buong mundo," mungkahi ng kaniyang tatay habang may kinukuhang sulat sa may gilid ng TV sabay abot sa kaniya.

"Ano po ito?" tanong ni Czarina habang binubusisi ang sulat.

"Buksan at basahin mo para malaman mo," anito habang nakangiti pa. Binuksan ni Czarina ang sulat.

Dear Czarina,

Ang aming paaralan ay iniimbitahan ka para maging katuwang namin sa pagtuligsa sa kampon ng kasamaan. Gusto mong makita ang iyong ina ‘di ba? Kaya marapat lang na tanggapin mo ang aming imbitasyon para hindi ka na laging mag-isa. Tutulungan ka naming madiskubre at mapalakas ang iyong kapangyarihan. Kaya pagbutihin mo pa mapili ka namin bilang tagapagligtas ng mundo.

Nagmamahal,

Humanimal University

Isinara niya ang sulat at biglang napaisip kung tatanggapin niya ba ito o hindi.

"Sabi nila ay tutulungan daw nila akong madiskubre at mapalakas ang kapangyarihan ko kaya sige go ako. Gusto kong maging tagapagligtas ng mundo! Kailangan kong bumawi lalo na't nakapanakit ako kaya my decision is final! Papasukin ko ito!" sigaw niya na para bang natutuwa at naliligayahan.

"Good luck anak! Tandaan mo, nandito lang si Tatay para suportahan ka," anito.

Ngayon ay ready na si Czarina na kaharapin ang lahat ng pagsubok na kanyang pagdaraanan sa papasukin niyang paaralan.

---

Dahlia Rupyo

"O, ano? Tatanga na lang ba tayo rito? Sayang ‘yung binayad natin kung hindi natin susulitin kaya tara na!" ani Dahlia sa kaniyang mga kaibigan na nakatayo sa kaniyang harapan.

"Dahlia naman, e! Kita mong napakataas niyan halos papatayin mo kami sa takot kapag sinakyan namin iyan! Alam mo namang takot kaming tatlo sa matataas, e!" giit ng kaibigan niyang si Chary na may pagka-nerd.

"Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumakay sa Space Shuttle at doon na lang muna kami sa Carousel mamamalagi," mungkahi naman ni Mina na kaibigan niyang chubby.

"Carousel? Mga isip bata ba kayo?" pantutuya naman niya.

"Excuse me Dahlia, ikaw lang naman ang mahilig sa adventure, e! Dinadamay mo lang kami sa kalokohan mo!" wika naman ni Joyce, ang manang sa grupo.

Apat silang magkakaibigan na magkakaiba ang personalidad. Ang tatag ng kanilang samahan kahit magkakaiba sila ng hilig.

Nabibilang si Dahlia sa mayayaman na angkan kaya happy go lucky siya. Mahilig siya sa adventure sapagkat naboboringan siya kapag nakatanga lang sa isang lugar kaya kapag sinumpong ng katamaran iyon, bibitbitin niya ang kaniyang mga kaibigan kung saan niya man naisin.

Kagaya ngayon, nandito sila sa Enchanted Kingdom para libangin ang sarili. Libre naman ni Dahlia ang mga ticket kaya wala nang pinroblema ang kaniyang mga kaibigan.

"Nakakabanas kayo! Ang OA ninyo! Hindi masusulit ang pagpunta natin dito sa EK kung hindi natin susubukan ang kanilang Space Shuttle. Kaya whether you like it or not better like it," saad ni Dahlia sabay hila sa kaniyang mga kaibigan patungo sa pila ng Space Shuttle.

"Huwag kayong matakot! Enjoy n’yo na lang!" wika niya sa mga kaibigan. Ilang sandali lang ay umandar na ito.

"Wah! Tulong!" sigaw ng tatlong kaibigan ni Dahlia marahil ay nalulula at natatakot sila lalo na noong bumaligtad ito.

“Epic fail iyang mga itsura ninyo!" pambubuska niya sa tatlo.

"O sige, dahil ikaw ang nasunod kanina kami naman ngayon," ani Mina na para bang may naiisip na kalokohan.

"Mag-Rio Grande na muna tayo!" ani Joyce.

"Argh! Nakababanas! Ang haba kaya ng pila roon!" anas Dahlia na medyo nagmamaktol.

"Alam naming maikli ang pasensya mo kaya magtiis ka sa paghihintay," turan ni Joyce.

"Naisahan n’yo ako roon, a! Okay, no choice… I need to wait," aniya habang nakabusangot ang mukha.

Isang oras silang naghintay bago ma-experience ang saya at adventure na dulot ng Rio Grande. Then, sinunod na nila ang Jungle Log Jam na ikinatuwa nilang lahat lalo na sa time ng kanilang pagdausdos.

"Tara, sa Haunted House naman tayo!" suhestiyon ni Chary na tuwang-tuwa dahil alam niyang matatakutin ‘yung tatlo.

"Ah! Ayoko ko na! Natatakot na ako!" sambit ni Dahlia na um-acting pang natatakot.

"Ang OA mo, Dahlia! Dapat pala sa ‘yo ibigay ‘yung award na Best in Over Acting Award, e," patutsada ni Mina.

"No choice tayo saka sulitin na natin!" segunda ni Joyce kaya dumiretso na sila roon kahit na hindi pa panatag ang kanilang loob.

Pagpasok nila sa loob ay agad namang bumungad sa kanila ang nakatatakot na babae kaya silang tatlo ay nagulantang.

"Wah, help please!" sigaw ni Dahlia nang maramdaman niyang may kamay na nakahawak sa kaniyang binti.

Hindi nagkandamayaw ang apat na dalagita kaya nagkahiwa-hiwalay sila ng landas na tinungo. Pinupukpok ni Dahlia ang mga gumaganap na multo kaso hindi sila nasasaktan at tila sila'y mga totoo ng multo kaya nagtatakbo siya sa takot at nagkabungguan silang apat.

"Hindi na ito joke! Totoo na silang halimaw! Este Zombie pala! Ah! What to do now?" patarantang sabi ni Mina.

"Oo nga, e. Mali tayo ng pinasukan! Nagsisisi na ako ngayon!" giit naman ni Chary na nangingilid na ang luha.

"Naku guys, heto na ba ang huling sandali natin? Huwag naman sana!" ani naman ni Joyce.

"Guys, huwag kayong matakot! Poprotektahan ko kayo! Makalalabas din tayo rito!" turan ni Dahlia.

Papalapit na sa kanila ‘yung mga zombie kaya lalo silang nataranta. Biglang umilaw ang kanang kamay ni Dahlia at may pigura ng panda ang humulma rito kaya nagtaka siya.

Bigla na lang naramdaman ni Dahlia na may nagbabago sa kaniya. Ang kaniyang kulay hazel na mata ay naging pula. Ang buhok niya ay nagkaroon ng pulang highlights. Ang kaniyang kuko ay humaba at ang kaniyang katawan ay nagkaroon ng red and white stripes.

"Dahlia, pati ikaw? Anong nangyari sa ‘yo?" tanong ni Joyce.

"Hindi ko rin alam, e," pagsagot naman nito.

"Don't tell us na halimaw ka na rin?" sambit naman ni Chary.

"Hindi, ako pa rin ito, si Dahlia!" aniya.

"Huwag please! Huwag mo kaming kainin! May pangarap pa kaming gustong maabot!" sabi naman ni Mina habang nakatabing ang dalawang braso sa kaniyang mukha.

"Dapat pala sa iyo ibigay ang OA award hindi sa akin, e," sabi ni Dahlia sa kaibigan.

"Trust me guys! Kaya ko ito! Ipag-cheer n’yo ako bilis!" aniya.

"Go Dahlia! Kaya mo iyan!" Pagchicheer naman no’ng tatlo sa kaniya.

"Ano nga ba ang nagagawa ko? Anong powers mayroon ako?" tanong ni Dandi sa sarili.

Dahil papalapit na sa kanila ang mga zombie ay iwinasiwas na lang ni Dahlia ang kaniyang kamay para masubukan ang kakayahan niya. Napagalaw niya ang mga dahong nakakalat sa sahig sabay hagis sa mga zombie na sumusugod.

"Astig! May powers ako!" sabi niya then ipinagpatuloy niya na ang dapat gawin para matalo ‘yung mga kalaban. Dahil nga mahilig siya sa adventure, pinangarap niya rin na magkaroon ng kapangyarihan kaya natutuwa siya dahil nakamit niya ito.

"Ang galing mo, Dahlia! Natalo mo silang lahat!" ani Mina.

"Oo nga! Salamat!" wika naman ni Joyce.

"Yes, ligtas na tayo!" ani Chary at nag-group hug silang apat.

Sa pagmomoment nilang iyon ay may napansin si Dahlia na isang sulat sa may sahig hawak ng putol na kamay ng zombie kaya dali-dali niya itong kinuha.\

Dear Dahlia,

Alam kong natutuwa ka dahil mayroon kang kapangyarihan na matagal mo ng pinapangarap na makamtam. Ngayon ay may taglay ka ng kapangyarihan, sana gamitin mo ito sa mabuti. Kami ay naririto upang anyayahan ka sa aming paaralan para mapaghusay ang iyong kapangyarihan. Kailangan ka rin ng mundo kaya sana tanggapin mo ang aming paanyaya.

Nagmamahal,

Humanimal University

"So, friend ano? Willing ka ba?" tanong ni Joyce.

"Kung ako sa iyo, tatanggapin ko ito," sabi naman ni Chary.

"Kaya nga, kaya pasalamat ka kasi napili ka," segunda ni Mina.

"Sige guys, alang-alang sa mundo. Tatanggapin ko ito!" saad ng dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status